Chapter 2

2341 Words
Abilene Problemado akong tulala sa loob ng opisina ko dahil nag-iisip ako ng paraan para sa problema sa Pilipinas. I wanted to speak with our family lawyer, but he hasn't responded to any of my calls or replied to any of my emails. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Deo has been calling me for several days. I can't do anything, because first of all, I have no intention of going home to the Philippines. Hindi ko pa kaya. Napairap na lang ako nang makita kong pumasok si Monique sa opisina ko. "What?" I asked a little rudely because I really didn't know what to do. Nag-aalala ako na baka sa bawat pagsagot ko sa tawag ni Deo ay panibagong problema ang ipaparating niya sa akin. Gusto ko na lang umiyak dahil sa sama ng loob ko. The anger I feel for Dad continuously grows. Only power and money were important to him, as if it were normal for him to use me over and over again. Maybe that's why I grew up begging for love from any man; I ran away to escape from him. "TGV canceled their orders from our brand," Monique said nervously so I looked at her angrily. "What?! Why?! They've already signed the contract! All their design orders have been delivered! Tapos na lahat! Bakit ngayon sila magkakansela ng orders? Bobo ba sila?!" I couldn't stop screaming. "They said they will only pay half of the payments, but they won't take your designs anymore," she added. "Ano'ng tingin nila sa akin? Ano ang mga designs ko? Pipitsugin?! Ipakain ko pa sa kanila ang pera nila. Give me Mr. Zhao's number, he can't do this to me!" Monique sighed, making my forehead furrow even more. "Bago ako pumunta rito at sabihin sa 'yo ay sinubukan ko na siyang tawagan. I called Mr. Zhao earlier, but ang sekretarya niya lang ang sumagot sa akin at sinabi na we need to make an appointment with Mr. Zhao if we want to meet him. I said that I could personally go to their office tomorrow to talk to him, but she just hung up the call, and a minute later, I received an email saying that the decision of Mr. Zhao to cancel all their orders from your clothing business is already final," she explained continuously to me. Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa sama ng loob na nararamdaman ko. I simply waste the time, money, and effort I put into this project. I'm going to lose a ton of money. Luging-lugi ako. "Why aren't you leaving yet? Get out!" I'm so annoyed. "There is one more problem," Monique said, making me raise an eyebrow at her. She looks down and played with the tablet she was holding before she speaks again, "Smith Clothing Line posted on their social media accounts about the dresses we sent to them, and they said we were a scam, and the quality of our fabric was terrible." "What? That's impossible! You took care of it until it was shipped to them. I double-checked it. How is the fabric being not good? Is she stupid? Hindi ba niya alam tumingin ng mamahalin?!" I spent a lot of money for the project and gowns that Mr. Zhao and I talked about. Sumabay pa ang Smith Clothing Line sa inis na nararamdaman ko. Smith Clothing Line is a well-known company in Jakarta, and they slandered me on Social Media. That's a big shame for me. If this problem is not fixed as soon as possible, I will lose a lot of customers. "That's exactly what I said; it's impossible that the qualities of the dresses we sent to them are really defective and terrible," Monique said. "I really won't allow it!" My voice was too loud, and I closed my drawer in disgust, which had been open earlier. Iba na talaga ang pakiramdam ko kanina pa. Para akong sinampal ng mga problema ng minsanan. Problema na nga sa bahay maging dito ba naman ay problema pa rin. "Fix this mess, Monique. You will not leave until this issue about my clothing shop on the internet disappears because of that stupid post by Smith Clothing Line. Fix this s**t," I said emphatically. Tumango naman si Monique at nagmamadaling lumabas kaya pabagsak akong sumandal sa working chair ko at napahawak sa noo ko. Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa mga sunod-sunod na problemang dumating sa akin. Ano ba'ng nangyayari? Bakit nagkakaganito? I looked at my cellphone when it rang and saw Deo calling. I told him to update me. I can't just leave him alone. I am his sister. "Deo, kamusta diyan?" "Hindi raw tatanggapin ni Attorney ang kaso natin ate," mahinang sabi ni Deo kaya mas lalong sumakit ang ulo ko. "Ano'ng ibig mong sabibin? Napaka-imposible nang sinasabi mo, bata palang ako ay siya na ang lawyer ni Dad, hindi niya pwedeng talikuran ang pamilya natin!" I couldn't stop myself from yelling at Deo. "We came to his office a while ago, he said that we can't win the case, especially since Papa signed the agreement... nakapirma si Dad na kapag hindi siya nakabayad ay pwedeng kunin ang mga properties niya...." Deo suddenly stopped talking for a moment so my chest pounded more because of the fear of what he would say next. "...even Dad's mansion and cars." Tuluyan na ngang bumigay ang kamay ko na para bang nawalan ng lakas ang buong katawan ko dahil sa mga narinig ko. That house is full of memories. "Ano'ng gagawin ko Ate? Wala po akong mapupuntahan. Nagsisialisan na ang mga katulong dahil wala naman daw akong kakayahan na patuloy silang swelduhan. Ate, huwag mo po akong iiwan," mahinang sabi niya at alam kong nagpipigil siyang humikbi kaya napaiyak na lang ako. "Sinong mang-iiwan? Ate mo ako, kasama mo ako. Maghintay ka d'yan. Uuwi si Ate. Maghintay ka lang diyan," mahinang sabi ko. I hung up on him because I couldn't stop sobbing loudly because of what Deo told me. What can I do to stop them from taking the mansion? All my Mom's memories are there. Napabuntong hininga ako at nag-isip ng paraan para sa mga problema ko. Kung kailangan kong umuwi ng Pilipinas ay uuwi ako. I could see the excitement in Monique's face. We are in the lobby here at the airport. Nandito na kami sa Pilipinas at hinihintay ang sundo namin. "Buti naman at napapayag kitang umuwi kahit na hindi na natin nasingil si Mr. Zhao." Monique was so happy to the point that I could see her smile from ear to ear. Naiintindihan ko naman na masaya siya dahil makikita na niya ang pamilya niya. "Bumalik ako para kay Deo. Wala talaga akong balak na bumalik pa rito, kung sa akin lang ay mas gusto kong manatili na lang sa Canada," mahinang sabi ko habang nakatitig sa kawalan. Natatakot ako baka makita ko si Giovanni o si Gioval na parehas kong nasaktan. Sino na naman kaya ang sisirain ko ang buhay? Ang alam ko matapos maipakulong ni Giovanni si Dad ay nakipagbalikan siya kay Bea. Hindi nawawala ang mga pangalan nilang magkapatid sa lahat ng tabloid o magazine na nababasa ko. Gumagawa na sila ng ingay sa larangan ng business. Masyado na talagang maraming nangyari sa mga nakalipas na mga taon. "Are you planning to take Deo to Canada?" Monique out of nowhere. "Maybe... I don't know." I'm not sure either, especially Deo is still studying here. If I take him now to Canada, that's like leaving our properties in this country. Para ko na ring tinakbuhan ang laban. "Abilene," Monique called me softly so I looked at her. "What?" I asked with my monotone voice. "Gusto ko na sanang mag-resign na. I want to have a family, and I can't do that while I'm in Canada. I want to be a wife and have children here in the Philippines," she whispered so I was shocked. Nabigla ako sa sinabi niya na iniisip na pala niya ang tungkol sa pag-aasawa. Nakakabigla. I swallowed the lump forming in my throat and looked away from Monique. Plano na ba niya ito noon palang? Matagal na siguro niyang napag-isipan na iwanan ako. "Even if I didn't go back here with you... you won't come back to Canada, right? You won't be coming back," I said while looking away from her. "Yes, I really planned to tell you that when I'm already here in the Philippines. I really don't want to leave you, I don't want to leave my job, so I asked you to make your own boutique here just like when we're in Canada," she sincerely explained. Alam na alam ko kung bakit ayaw ko na rito sa Pilipinas. Bakit pakiramdam ko ay unti-unting masisira ang lahat sa akin dito o dahil napapraning na ako kaya kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko. "If that's your decision, there's nothing I can do, but ayoko nang sumama sa 'yo pabalik ng Canada, Abi. I hope you understand," she told me, so I just nodded. Hindi pwedeng pilitin ang ayaw. "I'll think about it," I said coldly and stood up when I saw Deo walking towards me so I smiled at him. "Ate," mahinang tawag niya sa akin. I could clearly see the tiredness in his eyes, and they were also swollen. Was he crying? "May taxi na po tayong masasakyan pauwi," mahinang sabi niya at ngumiti sa akin. I frowned because of what he said. Monique is by my side and her family is also waiting. "Nasaan si Manong Osdado?" kunot ang noong tanong ko. Ito ang family driver namin at matagal na itong naninilbihan sa pamilya namin. Nabubuhay pa si Mommy ay nandoon na siya sa mansyon, sa pamilya na namin siya tumanda. Nakita ko naman ang pagkamot ni Deo sa kan'yang batok kaya mas kinabahan ako. "Ate, wala ng sasakyan sa mansyon, kasama rin si Tatay Osdado na umalis para humanap ng mapapasukang ibang trabaho." 'Kung minamalas ka nga naman oh.' I rolled my eyes, and I sighed before I look at Monique. "Hindi ka ba sasabay?" tanong ko. She shook her head and smiled at me, "We'll just wait for Dad, he's on his way. Be careful on your way home." Monique waved at Deo and gave him a sweet smile. I nodded and started walking. I saw Deo take my other two suitcases before he followed me. Walang kasiguraduhan kung gaano ako katagal na mananatili rito para asikasuhin ang mga problema namin. Ang importante naman ay kaya kong magtrabaho kahit na nandito ako sa Pilipinas. Napapikit na lang ako nang tuluyan akong nakapasok sa backseat ng taxi, samantalang nasa passenger seat naman si Deo at naririnig kong kinkausap niya ang driver. "Ate," tawag sa akin ni Deo kaya napatingin ako sa kan'ya. "What?" I asked weakly. "Someone went to the mansion earlier." "Sino?" Gusto ko na lang talaga makatulog muna dahil sa pagod sa byahe. Ang tagal kong nakaupo lang sa eroplano at ngalay na ngalay na ako. "Binigyan na lang tayo ng dalawang linggong palugit para hakutin ang mga natitirang gamit sa mansyon at umalis lalo't titirhan na raw po 'yon ng bagong may-ari. I don't know what to do, Ate," he whispered, and the reason why my chest heaved after he finished what he was saying, "I gave them your email, so that they can talk to you." "Mabuti at binigay mo ang email ko. Kapag bumalik tayo sa mansyon, kakausapin ko si Attorney tungkol sa bagay na 'to," sabi ko at pinipigilan na magpakita ng kahinaan kay Deo. Hindi kami pwedeng maging mahina. Hindi ngayon at lalong hindi sa mga susunod na araw. May laban kaming kailangang ipanalo. "Ano'ng gagawin natin ate? Sunod-sunod ang paninira sa bawat balitang napapanood ko tungkol kay Dad," mahinang sumbong ni Deo sa akin. Napaisip ako bigla. Dahil ba sa unti-unting pagkalugmok ni Dad at pagkasira ng pangalan niya ang dahilan kung bakit nag-atrasan ang mga customer ko sa Canada? Malaki ba'ng epekto sa trabaho ko ang pagkakakulong ni Daddy? Naiinis akong napahawak sa noo ko dahil kahit na ano'ng pigil ko sa sarili kong huwag mag-isip ng kung ano-ano ay patuloy pa rin akong nag-iisip na siyang dahilan kung bakit nahihirapan akong kontrolin ang mga emosyon ko dahil sa mga nangyayari sa pamilya ko. "Ang bagong may-ari ng mansyon ang nakausap mo kanina?" kalmadong tanong ko. "Secretary niya kung hindi ako nagkakamali." "Kakausapin ko siya," mahinang sabi ko at hinayaan na panandalian na pagharian ng katahimik ang buong sasakyan. Natigil lang 'yon nang muling basagin ni Deo ang katahimikan na bumabalot sa amin. "Ate, kahit na ano'ng mangyari... huwag mo po akong ibibigay kay Mommy. Lahat gagawin ko makatulong lang sa problema. Ayaw ko na ulit magpagamit sa mga kasinungalingan ni Mommy," kinakabahang sabi ni Deo sa akin. Tila nakita ko ang sarili ko kay Deo lalo't naging magulo rin ang buhay niya dahil wala naman siyang nakuhang pagmamahal mula sa sarili niyang Ina. May pagkakaparehas kaming dalawa ni Deo. "Don't think too much. You're coming with me." I won't let that happen either. "Just focus on your studies. I'll take care all the problems." I saw him nod so I just sighed and leaned my back on the seat. Ano na ang susunod na hakbang ko? Nandito na ako sa Pilipinas, tapos? Saan ba ako magsisimula? Paano kapag nagsalubong na naman ang landas namin ni Gioval? Ano'ng sasabihin ko? Pakiramdam ko ay makakasira na naman ako ng buhay, na gugulo na naman ang lahat dahil nandito ako. Hindi ko maiwasan na mag-isip at matakot. I want to cry because Gioval and I might hurt each other again. And I'm sure when I see the anger in his eyes, while he's looking at me will be my downfall. Hindi ko na ulit gustong makita ang disgusto sa mga mata niya kapag nakita niya ako. Nasilayan ko na 'yon nang malaman niyang naging kabit ako ng Kuya niya. Hindi ko na ulit gustong makita ang pandidiri sa mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD