Kabanata II

2135 Words
Kabanata II PAUNAWA: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselan at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at sa mga hindi nagbabasa ng erotica. MARTHA "MARICRIS, mahuhuli na tayo. Halika na." Minamadali ka ang kapatid kong kumilos dahil napakabagal niyang mag-ayos. Pasado alas syete na at hindi ako pwedeng mahuli sa opisina, dahil bukod sa istrikto ang aming CEO ay may bago akong boss. Kaaalis lang ni Ma'am Kaycee bilang accountant ng San Lorenzo University at pinalitan siya ng lalaking nakilala namin sa pangalang Hector. "Oo ate, heto na," aniya sabay sukbit ng kanyang bag sa balikat. "Mag-iingat kayo mga anak," bilin ni nanay na abala naman sa pagliligpit ng pinagkainan. "Sige po nay, mauuna na kami," paalam ko. Nagmadali pa kaming lumabas at biglang tumakbo pabalik si Maricris. "Mari, mahuhuli ka tayo," sigaw ko. "Mauna ka na ate. Nakalimutan ko ang assignment ko," aniya. Kapag nauna ako, baka magbayad na naman siya ng doble sa tricycle, sayang lang ang pera. "Dalian mo," sigaw ko. Hinintay ko na lamang siya sa aking kinatatayuan. Napakarami ng tricycle na dumaan at lahat iyon ay tinanggihan ko dahil wala pa si Maricris. Tumingin ako sa aking orasan at 7:49 na ng umaga. "Nasaan na ba siya? Eleven minutes na lang," pag-aalala ko. At nang dumating na siya ay tyempo namang may dumaan na ring tricycle. "SLU po manong," sabi ko. Humudyat na ang driver na sumakay kami kaya't pinauna ko na si Maricris. "Ayan ha, dapat gabi pa lang ay handa na ang mga gamit mo. Tingnan mo, nagkukumahog tayo sa pagpasok dahil sa kabagalan mo," sermon ko sa kanya. "Alas dos ko na natapos ang assignments ko ate, inaantok pa rin ako," isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Ganyan talaga. Ganyan din ako noong nag-aaral ako kaya't masanay ka na," seryoso kong wika. "Ate, inaantok talaga ako," mahina niyang wika. "Kung inaantok ka ay pauuwiin na kita at huwag ka nang mag-aral," sabi ko pa. Tumuwid siya ng upo at saka tumingin sa akin. "Joke lang. Hindi ako inaantok," ngumiti pa siya. Ako na kasi ang nagpapaaral sa kanya sa nakukuha kong sahod sa aking trabaho. Pinagkakasya ko ang perang nasasahod ko para sa mga gastusin at sa mga pangangailangan namin sa bahay at ang pag-aaral niya sa kolehiyo. "Maricris, pagbutihin mo ang pag-aaral mo at nang matulungan mo ako sa pag-aaral ng mga kapatid natin. Huwag ka munang mag-aasawa at huwag din munang pagbo-boyfriend ang atupagin mo. Isipin mo ang hirap at sakripisyo nina nanay at tatay para sa atin kaya't heto nagsasakripisyo din ako," pauna kong bilin. "Para kapag naiahon na natin ang ating pamilya sa hirap, wala na tayong utang, wala na rin tayong dapat isipin pang problema sa kahirapan," dagdag ko pa. "Kaya't huwag magbo-boyfriend," siya na ang nagtuloy. Inirapan ko lang siya nang ngumiti siya sa akin. Tumingin ako sa orasan at eksaktong alas otso na. "Late na naman ako," mahina kong wika. Ako na ang nagbayad ng sinakyan naming tricycle at ako rin ang naunang bumaba dahil sa loob pa ng campus si Maricris. Nagmadali akong tumakbo kahit hirap ako sa suot kong skirt at takong. Agad kong tinungo ang biometric at sa kasamaang palad ay pagliko ko ay nabunggo ako sa isang matigas na bagay na dahilan upang matumba ako. At sa awa ng Dios ay ang bagay na iyon ay tao na agad din naman akong sinuportahan upang hindi ako mapahiga. Nagtama ang mga mata naming dalawa, huminto ng ilang segundo ang oras at maging ang t***k ng puso ko ay tila ba hindi ko na rin madama. Napakaganda ng mga mata niyang maiitim, makapal na kilay at pilik-mata. Matangos na ilong at manipis na mga labi. Balbas sarado din siya na kahit bagong ahit ay halata ko pa rin. Napagtanto ko na ito pala ang bago kong boss. "Sir, sorry po," nakakapit ako sa matipuno niyang braso at saka ako unti unting tumayo ng maayos. Kapwa kami nailang sa isa't isa nang mga sandaling iyon at saka ko lang naisip na magtime-in nang marinig ko siyang magsalita. "Magtime-in ka na, late ka na ng tatlong minuto," aniya. Baritono ang boses niyang buo. Masarap sa pandinig. Hindi rin maaaring makalagpas ang lalaking lalaki niyang amoy na naiwan sa aking ilong. "Ah okay po, excuse me po," dadaan sana ako sa kanan ngunit tumabi siya sa kanan. At nang sa kaliwa naman ako ay sa kaliwa rin siya tumabi. Nakayuko lang ako at hanggang dibdib lang niya ako dahil may katangkaran siya. "Ah sorry sir," ako na ang tumabi upang mauna na siyang maglakad. "Ikaw na ang mauna," aniya. Tiningala ko siya at nang magtama ang aming mga mata ay nakita ko pang napalunok siya. Nagtaas baba ang adam's apple niya at bago pa man ako makaisip ng kung anu-ano ay naglakad na ako patungo sa biometric. Nang maging success ang pagtime in ko ay agad akong lumingon sa naglalakad na lalaki. Napakaperpekto ng kanyang tindig, napakamatipuno ng kanyang mga balikat at napakaganda rin ng hulma ng kanyang katawan. Tila ba protektadong protektado ang pakiramdam kapag naikulong ka sa mga braso niyang iyon. Inalog ko ang ulo ko dahil sa mga kaisipan na iyon. Ano na naman ba ang pumasok sa kukote ko at naisip kong bigla ang mga bagay na ganito. Hindi ko siya pinagnanasaan, hindi ko rin siya pinagpapantasyahan, mas lalo ring hindi ko siya hinahangaan. Ayaw kong aminin. Dahil ang maaari lang sa ngayon ay purihin ang lahat sa kanya. Sapagkat hindi pa maaari sa akin ang bagay na ito, dahil sa responsibilidad ko. Naglakad na rin ako kasunod niya at pagpasok ko sa opisina ay abala na ang mga kasamahan ko sa kaniya kaniyang gawain. "Good morning sir," bumati pa rin ako sa kanya kahit pa kanina ay mukhang hindi maganda ang aming pagsasalubong. Tumango lang siya sa akin. Naupo na ako sa pwesto ko at inobserbahan ko ang mga kasama ko. Hindi sila umiimik at tila ba kalkulado lang ang mga galaw nila. "Rosy, anong meron?" Tanong ko sa katabi ko na siya ko ring kaibigan. "Sis, ang gwapo ng boss natin, nakakahiya namang magbunganga tayo agad," mahina niyang bulong. Napangiti naman ako. Isa isa ko silang tiningnan at saka sila napalingon sa akin. Apat kaming babae sa opisina at puro kami Contractual Employees. May asawa na ang isa, si Bernadette. Si Clarisse naman ay mayroon nang boyfriend at kami ni Rosy ay single. "Good morning guys!" Halos pasigaw kong wika. Nakakapanibago ang mga lukaret na ito. Ngayon sana ay kasalukuyan na silang nag-iingay at nagkukwentuhan tungkol sa kung anu-ano, ngunit heto at nagpapaka-finnest sila. "Ah, excuse me!" Imbes na sagutin nila ako ay natuon ang atensyon nila sa aming boss na nakatayo na pala sa harapan ng kanyang mesa. Nakasandal ang kanyang pang-upo sa gilid nito at nakatiklop ang kanyang mga kamay na dahilan upang makita ang naghihimutok niyang muscles sa braso. "Bakit po sir?" Parang mga members ng choir ang mga kasamahan ko dahil sabay sabay pa silang nagtanong. "Ayaw ko sanang simulan natin ang una nating araw bilang magkasama ng ganito, ng ganyan," itinuro niya kami. Alam ko na ang tinutukoy niya. Ang awkward lang kasi na ang tahimik namin dahil nandito siya. "S-sir, nahihiya po kasi kami," wika naman ni Clarisse. "Hindi kayo dapat mahiya. Mabait naman ako, sabi nila. Alam kong babae ang dati ninyong kasama dito at kaiba ako sa kanya. Ngunit maaari niyo naman akong maging kaibigan," ngumiti pa siya na dahilan upang sumilay sa amin ang pantay pantay niyang mga ngipin. Tiningnan ko naman ang mga kasamahan ko at nakita ko sa kanilang mga mata ang glow na kanina ko pa hinahanap. "Sir, getting to know na ba tayo?" Ani Rosy. "Sige ba. Gusto niyo ba munang magkape bago simulan ang ating trabaho?" Tanong pa nito. "Sure sir, ako na po ang magtitimpla," pagpepresenta ko sa sarili ko. "Oo sir, iyang si Martha, masarap magtimpla ng kape iyan," turo pa sa akin ni Ate Bernadette. "Sige nga," ani boss. DALI-DALI akong nagtungo sa kusina ng aming opisina. May sarili kasi kaming kitchen sa way na malapit sa comfort room. Pagbalik ko ay nakaupo na sila sa kanya kanyang upuan at nakaharap sa isa't isa. Nagkukwentuhan na rin sila kasama ang bago naming boss. "Heto na po ang kape," sabi ko naman. Inilapag ko ang mga kape nila at saka ako naupo sa aking pwesto. Habang nagkakape ay nagpakilala kami sa isa't isa. Although magkakakilala na kaming mga babae ay nararapat pa rin na magsabi kami ng tungkol sa amin para kay Sir. Ano na nga ba ang pangalan niya? "Ako si Hector Galvez, 32 years old na ako at ako ang bago ninyong accountant," nakangiti niyang wika. Iyon lang ang tangi niyang sinabi kaya naman nagkatinginan ang mga kasamahan ko. "Bakit?" Aniya sabay tingin sa amin. "Kaano-ano mo po iyong isang guro dito sir?" Tanong ni Clarisse. "I am married to her," agad niyang sagot. "Married ka na po?" Gulat na tanong ni Rosy. Agad ko namang pinisil ang kamay niya na nakita kaagad ni Sir Hector. "Oo bakit?" Tanong pa nito saka nagtiklop ng mga kamay at sumandal sa kanyang swivel chair. "W-wala naman po sir," nauutal na sagot ng kaibigan ko. "Oo nga pala. Ang galing mong magtimpla ng kape," aniya sabay kuhang muli ng tasa at sumimsim nito habang nakatitig sa akin. Bigla akong nakadama ng kung ano. Hindi ako maaaring magkamali dahil may nakita akong kung ano sa kanyang mga tingin sa akin. Agad akong umiwas at yumuko saka humigop ng aking kape. Kinabahan akong bigla at nanahimik na lang sa aking kinauupuan. BAGO mag-alas dose ng tanghali ay nag-iba ang pakiramdam ko. Tumingin ako sa kalendaryo at tama nga, ngayong buong linggo ang dalaw ko. Nakabisado ko na ang regular menstruation ko kaya't nagbaon na ako ng napkin just in-case. Ang kaso ay nakadama ako ng kung ano. "Shocks!" Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagtungo sa banyo bitbit ang bag ko. Sa likod lang naman ito ng opisina. Bago ako makarating ay nagtama ang aming paningin ni Sir Hector at nakita ko ang isang misteryosong pagkatao niya. Hindi ko na lamang iyon pinansin at saka ako nagpatuloy. Hindi maaaring matagusan ako. Peach pa man din ang aking pencil cut skirt kaya't halata ito kung sakali. Bago ko pa man maisara ang pintuan ay agad itong bumukas at iniluwa nito ang taong hindi ko inaasahan na papasok. "S-sir, ano pong ginagawa niyo dito?" Kinakabahan akong nagtanong sa kanya. Ini-lock niya ang pintuan ng kusina. Makipot lang ito at pasilyo ito deretso sa banyo. May malaki ring salamin sa gilid nito. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at nakatitig sa aking mga mata. Napalunok ako nang hindi siya natitinag. Dios ko. Ano ang gagawin niya sa akin. "Sir, b-bakit po?" Nag-aalala na ako. Hanggang sa nakorner niya ako sa gilid. Habang nakatitig siya sa akin ay tinatanggal niya ang butones ng kanyang long sleeves na dark blue. "Ano pong ginagawa ninyo sir?" Hindi siya sumasagot. Nahubad na niya ng deretso ang kanyang pang-itaas kaya't tumambad sa akin ang kagandahan ng kanyang pangangatawan. Lumapit siya sa akin at agad akong nagkrus ng mga braso ko sa aking dibdib. Ilang pulgada na lamang ang lapit ng katawan niya sa katawan ko. Amoy na amoy ko siya at nakakalasing ang kabanguhan ng katawan niya. Nagbabaga ang kanyang matipunong katawan at hindi ko maiwasan na hindi siya hangaan. Yumuko siya at tiningnan ako sa mga mata ko. Para akong isang kuting na takut na takot sa kanya. Nagulat ako nang inilapat niya ako sa kanyang katawan na dahilan upang mapahilig ang ulo ko sa matipuno niyang dibdib. Napakainit niyon at napakabango. "S-sir," wala akong kalaban-laban sa kanya kung tutuusin. Nagulat na lamang ako nang balutin niya ang ibabang bahagi ko nga kanyang longsleeves shirt at saka siya nagsalita. "May tagos ka, hija. Maging responsable ka," bulong niya sa akin. Napayuko ako at tiningnan ang kabuuan ko saka naglipat ng tingin sa kanya. Mala Adonis ang pangangatawan niyang nakatayo lang sa harapan ko. "Huwag ka nang magsusuot ng skirt bukas, Martha. Hindi ko gusto," napakababa ng boses niya. "S-sige po," napayuko ako. "Kunin mo ang t-shirt sa kotse ko. Heto ang susi, hihintayin kita dito," saka niya iniabot ang susi sa akin. Kahit pa hindi ko alam ang gagawin ko ay agad na akong tumakbo palabas ng kitchen at opisina para lang makatakas sa mga tingin niya. Sobra akong kinabahan. Akala ko ay kung ano na. Ngunit isa lang ang masasabi ko. "Sana'y layuan ako ng tukso." Pagtatapos ng Ikalawang Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD