Kabanata I

2619 Words
Kabanata I PAUNAWA: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng sensitibo at maseselang eksena na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18 pababa. HECTOR “HONEY uuhhmmm.” Hindi pa man siya nakakabihis ay diniskartehan ko na agad siya. Katatapos niyang maligo at papasok na sa trabaho. “Honey, hindi mo ako pinagbigyan kagabi kaya magdusa ka ngayon,” wika ko habang umuulos sa ibabaw niya. Nasa kama kami ngayon at iniwan ko ang mga pagkaing ihinanda ko sa mesa upang siya muna ang almusalin ko. “Hector please, pakibilisan,” pakiusap niya. Alam ko ang ibig sabihin kapag sinasabi niyang bilisan ko. Hindi dahil nagugustuhan niya kundi dahil nagmamadali siya. Ngunit bilang isang masunuring asawa ay wala akong reklamong sumusunod sa kanya. “Heto na honey, malapit na,”wika ko kahit na kasisimula pa lang naming dalawa. “Please, make it fast, I am going to be late,” aniya. See? Tama ako. Pero ayos lang, asawa ko siya at kailangan ko siyang sundin. Binilisan ko na ang pag-ulos sa ibabaw niya at kitang kita ko ang walang gana niyang ekpresyon na para bang gusto niya na lang matapos. “Aaahhh, Honey,” pinipilit kong umungol. Hanggang sa tumunog ang kanyang telepono. “Wait, wait,” tinapik niya ang kamay ko kaya naman hinugot ko na bigla ang akin at saka tumayo. Siya naman itong sumunod na tumayo at itinapis ang towel niyang nahulog kanina saka sinagot kung sino ang tumatawag. Napakamot na lang ako ng aking ulo habang nakikinig sap ag-uusap nila. “Yes sir, I’ll be there in 15 minutes,” “Yes sir, no problem. Alright, goodbye sir,” ibinaba niya na ang tawag. Nilapitan ko siya upang halikan sana ngunit umiwas siya. “I’ll be late with my appointment honey, I am really sorry,” tumingin siya sa akin at saka humalik sa aking pisngi. Kinuha niya na ang kanyang bihisan at saka nagsuot niyon. Wala akong kibong pinulot ang boxer briefs na tanging suot ko at saka lumabas ng aming kwarto. Pagdating ko sa kusina ay nagtimpla ako ng kape naming dalawa. Ipinaghain ko na siya ng ihinanda kong almusal upang makakain muna siya bago umalis. Hinintay ko siya. Pasado alas sais pa lang naman ng umaga at alas otso pa ang pasok ko sa kompanyang pinapasukan ko. Paglabas niya ay nagmamadali siyang tumungo sa kusina. “Magkakape na lang ako honey, I am really in a hurry,” kinuha niya ang mug ng kape at saka humigop niyon. “Kumain ka muna Carmina, hindi naman siguro nagmamadali ang kasuap mo. Wala pa namang alas syete,” sabi ko pa bago tumayo sa aking kinauupuan. “No honey. This is urgent, and baka sakaling magawan na ng paraan ang promosyon ko sa rank kung magiging maganda ang outcome nito. So trust me, okay, Herctor?” ngumiti pa siya. Ngumiti na lang din ako at saka siya pinagmasdan. She is my wife, my only wife. And as his husband, I should be more understanding. Kaya’t kahit oras sana para sa akin ay hinahayaan ko na lamang siyang gawin kung may i-uuwi man siyang trabaho. Para rin naman sa future naming dalawa ang ginagawa naming pareho. Nagkataon lang na mas maluwag ako sa aking trabaho ngayon. “Sigurado ka bang hindi ka na kakain?” “Hindi na honey. Meron namang ready breakfast sa appointment ko. Don’t worry okay. I will be fine,” wika pa niya. Inilapag niya na ang mug sa mesa at saka akmang aalis na. “Wait, wait, magbibihis lang ako. Ihahatid na kita,” naglalakad na ako paakyat ng hagdan nang magsalita siya. “No, huwag na honey. I’ll just bother you for your time to prepare for your work. Gagamitin ko na lang ang isang sasakyan,” tanggi niya. “No, walang problema doon, Carmina,” sabi ko pa saka nagpatuloy. Patakbo kong tinungo ang kwarto at kumuha ng lumang kamiseta at shorts. Isinusuot ko pa lang ang t-shirt habang pababa ng hagdan nang marinig ko nang umandar ang sasakyan. Nagmadali ako at nang nasa garahe na ako ay umaandar na ito paatras. “Honey, see you tonight,” paalam niya. At nang makaalis na siya ay naiwan akong nakatulala. “I love you, Carmina,” bulong ko at napayuko. Matamlay kong tinungo ang kusina. Mag-isa akong kumain ngunit kaunti lang iyon. Nakatulala lang ako habang nag-iisa doon. Inilibot ko ang tingin ko sa aming bahay. Dalawang taon na rin kami sa bahay na ito. Napangiti pa ako nang maalala ko ang masaya naming lambingan sa sala, dito sa kusina at ang paghahabulan naming dalawa sa hagdan na hahantong sa pagtatalik. Napapailing na lang ako sa sarili ko habang nakangiti. Napatingin din ako sa wedding picture naming nakasabit sa sala. Napakalaki nito at kitang kita ang masaya naming mukha. Nakangiti siya at makikitang napakasaya niya nang araw na iyon at ganon din ako sapagkat pinakasalan ko ang babaeng pinakahahangad kong mapangasawa five years ago. PAGKALIGPIT ko ng pinagkainan sa mesa ay nagmadali na rin akong naghanda para sa aking pagpasok. Pinaandar ko na ang sasakyan ko at nagdrive papunta sa Don Mariano’s Publisihing Inc. kung saan ako nagtatrabaho bilang accountant. “Good morning sir,” bati ng gwardya. “Good morning,” bati ko rin. Tumatabi na ang mga nasa daanan tuwing dumaraan ako papasok sa aming opisina. “Hello Sir Hector,” nakangiting wika sa akin ni Francesca, ang head cashier ng kompanya. “Hi Ms. Geronimo,” wika ko. “Ang pogi mo ngayon,” aniya habang nakasunod sa akin sa lugar kung saan ako magta-time in. “Araw-araw naman akong pogi,” nakangiti kong wika. “Naks. Kaya crush na crush kita eh,” magiliw niyang wika. “Isusumbong kita sa misis ko,” biro ko. “Kahit na,” biro niya. Sanay na akong nalalaman na may gusto siya sa akin ngunit hindi ako pumapatol. Hindi rin naman siyan lumalagpas sa boundary kaya’t komportable lang ako sa kanya. Nginitian ko na lamang siya bago ako pumasok sa aking opisina. “Good morning sir,” bati ng mga staff ko sa akin pagpasok ko. “Coffee sir?” Lumapit si Diana, ang isa sa mga nagtitimpla ng kape ko sa opisina. “Sige nga, salamat,” ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sa akin. “Sir, nagdala ako ng mga kakanin. Luto ni nanay, nagseparate ako ng para sa’yo” maya maya ay lumapit ang isa pang staff ko na si Girly. “Wow, ano iyan?” Tanong ko pa pagkalapag ko ng aking laptop sa mesa. “Kutsinta po at puto. Meron na pong para sa amin kaya’t sa’yo na po ito,” aniya. “Naks, nag-abala ka pa. Pero salamat,” sabi ko. Halos puro babae ang kasama ko sa opisina at dama ko ang kanilang espesyal na pagtingin sa akin. Ayaw ko lang ipahalata na hindi ko masyadong nagugustuhan iyon dahil una sa lahat ay may asawa na ako at loyal ako sa kanya. “Sir, coffee niyo po,” inilapag ni Diana ang kape sa mesa ko at saka tumayo sa tapat nito. “Salamat, Diana,” abala pa rin ako sa pag-aayos ng mga gamit ko nang mahalatang hindi pa siya umaalis. “Bakit? M-may, Kailangan ka ba?” Itinigil ko muna ang aking ginagawa at saka ko siya hinarap. “Eh kasi sir, may chat po kasi ako sa inyo kagabi. Na-seen niyo po yata,” nahihiya niyang wika. “Ah iyon ba?” Sabi ko pa. Ano nga ba ang chat niya? Hindi ko maalala. Ang dami kasing nagchat kagabi pero hindi ako nag-e-entertain ng kausap mula sa trabaho kapag gabi na dahil oras iyon para sa asawa ko. “Opo sir. Pwede po ba?” “Ang alin?” Nagtataka kong tanong. “Yung chat ko po,” aniya. Ano nga ba iyon? Napakamot ako ng ulo ko pero siguro naman ay work related iyon. “Sure sige. Pwede,” sagot ko na lang. “Naku sir, salamat po. Thank you so much,” umikot siya at niyakap ako. Nagulat naman ako at saka ko tinapik ang balikat niya. “Okay, sige sige,” sabi ko pa upang makaramdam siya. Halos mga edad beinte hanggang treinta ang mga kasama ko dito at ako lang ang nasa 30s. Ako lang din ang married kaya naman nakakapanibago. Maliban na lamang kay Franco na pasok ng pasok dito na siyang Head HR ng kompanya. “Wazzup Bro,” Speaking of the devil. Nandiyan na siya. “Ah, Diana, timpla mo nga ng kape si Sir Franco mo,” utos ko. Naupo na ang kaibigan ko sa upuan na nasa tapat ng mesa ko. “Love mo talaga ako Papa Hector,” kunwari ay binabae siyang umasta. “Ano na namang ipangbubwisit mo sa akin at nandito ka na naman?” Tanong ko sa kanya. “Relax bro. Relax. Hindi laging pambubwisit ang ipinupunta ko dito,” aniya. “Kung gayon, anong good news ang ipinunta mo dito?” Sumandal akong mabuti sa aking swivel chair at hinarap siya. “Mamaya ko na sasabihin. Kumustahin ko muna ang napag-usapan natin kahapon. Ano? Effective ba?” Sa totoo lang ay nahihiya akong magkwento sa kanya na dalawang beses akong binitin ng asawa ko. “Huwag nga yan ang topic. May mga bata dito oh,” sabi ko pa sabay turo sa mga staff ko. “Bata pero hindi minor. Baka nga mas wild pa ang mga iyan,” sabi pa niya na ipinarinig sa mga staff ko. “Asa ka sir,” sabi ng ilan. “Deny pa kasi,” pang-aasar niya. “Oh, hindi ka nga nambubwisit sa akin, binibwisit mo naman ang mga kasama ko,” natatawa kong sabi. “Kape niyo po sir,” inilapag ni Diana ang kape nito. “Thanks sweetheart,” ngumiti pa si Franco. Napaso ako sa kapeng hinihigop ko dahil sa sinabi niyang iyon. “Tumigil ka nga sir, may iba akong gusto,” sabi pa ni Diana. Hindi na lang ako kumibo dahil alam kong ako iyon. “So, ano nga ang ipinunta mo dito, Bro?” Tanong ko. Humigop muna siya ng kape bago ako sinagot sa aking katanungan. “Bali yung asawa ng pinsan ko, na accountant sa San Lorenzo University, lilipat ng workplace. Nagtatanong nga sa akin kung may kilala akong pwedeng pamalit agad sa kanya para mas madali siyang makalipat. Naalala naman kita kaagad. Hindi ba’t doon nagtatrabaho ang misis mo?” Aniya. Hindi nga talaga puro pangbubwisit ang dala ni Franco dito sa aking opisina. May good news nga pala talaga. Naging interesado akong bigla. “Teka, as soon as possible ba iyan?” Tanong ko. “Yes Bro. Kaya’t pag-isipan mo na ng mabuti. Hindi sa gusto kitang umalis dito pero sa tingin ko ay mas makabubuti kung kasama mo sa workplace ang asawa mo, right?” Aniya bago humigop ulit ng kape. “Hoy Sir Franco, huwag mo nang sulsulan si Sir Hector na umalis. Mahal niya dito at mahal namin siya kaya’t tumigil ka nga,” ani Girly na tumigil pa sa ginagawa. “Oo mahal niya dito at mahal niyo siya. Pero mas mahal niya ang asawa niya,” sagot ni Franco sa kanila. Sa totoo lang ay maayos naman ang sahod ko dito. Hindi naman sila nagkukulang kahit pa pribado ang kompanya na ito. Pero naiisip ko kasing mas makabubuti kung kasama ko palagi si Carmina. Lalo pa at napakaraming nagkakandarapa sa akin, hindi naman sa marupok ako pero gusto ko yung nababantayan niya ako palagi. Para rin hindi na kami nagkakahiwalay ng pasok. Kapag nasa San Lorenzo University na ako ay isahan na lang ang hatid at sundo kung sakali. “Franco, salamat. Gusto ko ang bagay na iyan. Matutulungan mo ba ako kay Sir Lando?” Tanong ko sa kanya. Si Sir Lando Don Mariano ang apo ng orihinal na may-ari ng kompanyang ito. Mabait naman siya ngunit may pagka-strikto lang talaga. “Actually, may applicant tayo for accountant at mukhang experienced din siya. Madali na lang nating lusutan iyan kung papayag si Sir Lando. Mauunawaan naman niya siguro kung sasabihin mo ang pakay mo sa pag-alis,” sabi pa niya. Tama nga naman. “Pero siguraduhin muna nating matatanggap ka sa trabaho na iyon bago ka umalis dito, bro,” sabi pa niya. “Siguro, kailangan ko munang kausapin ang head nila bago ako gumawa ng resignation dito,” sabi ko pa. “Gusto mo bang tawagan ko si Ate Kaycee para sa’yo? Para naman mapuntahan mo na kung sakali,” aniya. “Pwede ba bro?” “Oo naman. Ngayon na ba?” “Sige,” sabi ko pa. “Sasabihin ko sa kanya na asawa mo si Carmina?” “Kung maaari Bro, huwag na. Baka isipin nila ay nakapasok ako dahil nandoon ang asawa ko. Gusto kong dumaan sa tamang proseso,” sagot ko. “Naks, iyan ang kaibigan ko,” aniya. Pagkatapos nito ay tumawag na siya. Lumabas muna siya saglit. Sinimsim ko ang kape ko habang nag-iisip ng mga bagay-bagay. Mukhang magiging pabor sa amin ito ni Carmina kung doon na ako magtatrabaho. Mas magiging maayos ang lahat. Buti na lang talaga. “Bro, confirm. Wala pa silang nahahanap na pamalit,” magiliw niyang sabi. “Sige bro, magpapaalam muna ako kay Sir Lando bago ako lumabas. Salamat,” sabi ko pa. “Ready ba ang documents mo?” Tanong niya. “Always ready bro,” kinuha ko ang mga documents ko sa isang box at inilabas iyon doon. “Also with updated PDF,” aniya. “Kada buwan kong ina-update iyan. Ako pa,” sabi ko. “Boyscout ang kaibigan ko ah. Laging tirik ang mata,” aniya. Natawa naman ako sa sinabi niya. “Huwag ka munang magsasabi kay Sir Lando na aalis ka bro. Magpaalam ka lang.Sabihin mong emergency,” aniya. “Sige, salamat bro,” wika ko pa habang isinusukbit ang bag ko. Nagpaalam muna ako saglit sa mga kasamahan ko at nagbilin sa kanila. Pinayagan naman ako kaagad ni Sir Lando at nagmadali na akong magtungo sa San Lorenzo University dala ang pag-asang makuha ako doon upang mas maging malapit na ako sa aking asawa. “PERFECT DOCUMENTS, with pleasing personality,” pumalakpak pa si Ma’am Kaycee, ang papalitan kong accountant. Tinitingnan niya kung may chance akong pumasok doon upang madali na lang niya akong irecommend bilang kapalit niya. “Hector right? So, kaibigan mo pala si Franco?” “Yes Ms. Kaycee,” sabi ko pa habang nakaupo sa tapat niya. “Excuse me sir, coffee niyo po,” maya maya ay naglapag ng kape ang isang empleyado na nakasuot ng pencil cut skirt na kulay itim. Nakatuck sa kanyang skirt ang white long sleeves na humapit sa kanyang katawan. Nakapusod ang mahaba niyang buhok at simpleng simple lang siyang tingnan. Napukaw ako nang magsalita siya. “Iwe-welcome na po ba kita sir?” Aniya. Napakaganda ng mga ngiti niya sa akin. Para siyang anghel dahil napakapositibo ng aura niya. “Salamat sa kape,” ang tangi kong nasabi. “TANGGAP ka na,” masayang wika ng Campus Executive Officer ng San Lorenzo. Magkahalong tuwa at saya ang nadarama ko dahil sa wakas ay makakasama ko na ang aking asawa sa pagpasok at sa pag-uwi, maging sa pananghalian. Matagal ko itong pinangarap kaya naman heto at natupad na. “Maaari ka nang magsimula sa isang araw kung maaayos mo na ang iyong mga dokumento bukas,” sabi pa nito. Natutuwa rin si Ms. Kaycee sapagkat makakaalis na rin siya at makakalipat ng trabaho. “Maraming salamat po, boss,” sabi ko pa kay Dr. Vincent, ang executive officer. MAAYOS AKONG nagpaalam sa aking trabaho at sa aking naging mga kasamahan doon. Labis akong nagpapasalamat sa kanilang naging pakikitungo sa akin kaya’t napamahal na rin ako doon. Ngunit kailangan kong umalis doon para sa aking binubuong pamilya. Hindi pa ito alam ni Carmina kaya’t gusto ko siyang sorpresahin mamayang gabi, habang kumakain. Bukas na ako magsisimula kaya’t tiyak kong magagalak din siya kapag nalaman niya ito. HABANG KUMAKAIN ay wala siyang kibo. Tila ba malalim ang kanyang iniisip. Panay ang kwento ko ngunit puro ‘talaga ba? Ay ganon? Nice, lamang ang kanyang mga kasagutan. Para siyang walang gana. Hanggang sa sabihin ko na. “Honey, may gusto nga pala akong sabihin sa’yo,” wika ko. Hindi siya sumagot. “Honey,” tawag ko. “Ah yes, honey?” Aniya na parang napilitan lang na sagutin ako. Ngumiti ako. Akma ko nang sasabihin ngunit may tumawag na naman sa cellphone niya na nakalapag sa mesa. “Just a minute,” aniya sabay sagot nito at naglakad patungo sa pintuan. Napasandal ako at buntong hininga. Tsk. Ano ba naman iyan. Nakakabadtrip. Pagtatapos ng Unang Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD