Kabanata III
PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica.
HECTOR
TEMPTASYON. Hindi ko kayang pigilan ang sariling kong hindi mapatitig sa kanya sa tuwing mayroon akong pagkakataon na tumingin.
Hindi niya ako inaakit ngunit naaakit ako sa kanya. Ang kanyang mapupula at tila ba malambot pang mga labi ay nakadadagdag ng kakaibang pakiramdam sa aking p*********i. Ang kanyang mga binti, makinis ang mga iyon at hindi ko mapigilang hindi maisip kung paano iyon kumapit sa aking bewang kung sakali mang maangkin ko siya. Ang kanyang nakapusod na buhok, naglalaro rin sa aking malikot na imahinasyon kung paano ko nga ba iyon hihilahin habang nasa likod niya ako at umuulos sa kanyang kaloob-looban.
Ibinagsak ko ang hawak kong ballpen sa pinpirmahan kong dokumento at nakalikha naman iyon ng ingay sa gitna ng katahimikan sa aming opisina.
“Sir, okay ka lang?” tanong ni Clarisse na siya lamang naglakas loob upang lumingon sa akin.
“Oo, maayos naman ako. Ipagtimpla mo nga ako ng kape,” utos ko sa kanya.
“S-sir, si Martha po ang masarap mag-,” hindi ko na siya pinatapos pa.
“Ikaw ang gusto kong magtimpla,” medyo nataasan ko siya ng boses.
Agad naman siyang tumayo sa kinauupuan at sinunod ako.
Kahapon, matapos ko siyang balutin ng aking damit dahil kitang kita ko ang pulang tila ba mapa sa kanyang likuran ay hindi na ako mapakali, hindi na ako makapag-isip ng maayos at hindi na rin ako makapagtrabaho ng maayos.
Nagkakasala ako sa aking asawa. Kaya’t pinipilit kong iwasan ang lahat ng bagay na ito sapagkat ayaw kong makagawa ng bagay nab aka pagsisihan ko sa huli. Kung kaya’t hangga’t maaari ay iiwas ako sa kanya, mismo.
Ngunit hindi ko kaya.
Kaninang pagpasok ko ay naglagay agad siya ng kape sa aking mesa at nagpasalamat saka iniabot ang paper bag na pinaglagyan niya ng iniuwi niyang damit ko.
Nagpasalamat siya sa akin ngunit hindi ko na siya ginawaran pa ng kahit na anong atensyon pa matapos ko siyang ngitian.
Agad din naman siyang umatras at tumalikod sa akin.
Sinunod niya ang sinabi kong huwag na huwag na siyang magsusuot ng skirt sa opisina ngunit heto at mas nakita ko ang kurba ng kanyang katawan sa kanyang suot na itim na pants. Naka-tuck doon ang puting blouse na bumagay sa pagkahantad ng bahagi ng kanyang dibdib. Nakapusod ang buhok niya ng malinis at wala siyang ni ano mang kwintas o hikaw man lang.
Inosenteng inosente.
Sa tingin ko ay ang babaeng ito ang magiging kahinaan ko.
Nandito ako upang mas mapalapit sa asawa ko ngunit heto at naghahanap ako ng ibang atensyon.
"Sir, ito na po ang kape niyo," inilapag ni Clarisse ang kape sa mesa at agad na ring umalis.
"Salamat," walang gana kong sagot.
Agad akong humigop at sa buong dismaya ko ay nagsisi akong nagpatimpla ng kape sa kanya.
Hindi ko na iyon ginalaw pa.
Nagbigay na lang ako ng buo kong atensyon sa mga trabaho kong nakatambak sa mesa.
Lumipas pa ang oras at tahimik pa rin sa aming opisina.
Abala ang lahat sa trabaho kaya naman ako rin ay abala sa mga nasa harapan ko.
Itinuon ko ang atensyon ko sa mga ito upang makalimot at hindi na muling makaisip pa ng kung anu ano.
"Sir, ipapapirma ko lang sana itong voucher mula sa supply office," maya maya ay wika ni Martha na nakatayo sa harap ng table ko.
Ayaw kong tumingala dahil ayaw ko siyang tingnan.
"Ilapag mo lang diyan," utos ko.
Inilapag niya naman at hindi pa siya umaalis. Nagbuntong hininga naman ako nang makitang nakatayo pa rin siya sa harapan ko.
"Hindi ba't sinabi ko na ilapag mo na lang diyan?" Mahina ang pagkakasabi ko nito at kaming dalawa lang ang nakaririnig.
"S-sir, urgent p-po kasi ito," nauutal niyang wika.
Kitang kita ko ang mga kamay niyang hinahawakan ang ballpen at halos hindi na niya iyon kayang bitawan dahil sa takot.
Nakayuko na rin siya sa harapan ko at ayaw tumingin sa aking mga mata.
Agad akong tumayo at inabot ang voucher saka iyon pinirmahan.
Pagkatapos ay naupo na akong muli.
"S-salamat po," wika niya saka umalis.
Tiningnan ko siya ng palihim habang naglalakad paalis sa harapan ko.
May kung ano sa damdamin ko na nakokonsensya dahil wala naman siyang kasalanan sa akin, bakit ko siya kinaiinisan o pinagsusungitan?
Kung tutuusin ay kasalanan ko naman talaga kung bakit ako ganito ngayon. Maayos ang lahat mula pagpasok ko kahapon ngunit nang makita ko siya ay naiba na ang lahat.
"Good morning ma'am," bati nila sa dumating.
"Good morning," bati naman ng dumating.
Napatingala ako nang marinig ang boses niya. Si Carmina.
"Oh napadalaw ka?" Nakangiti kong wika.
Naupo siya sa silyang malapit sa table ko.
"Para namang hindi tayo nagkikita. Ahm, honey, I need to know the budget of research and extension dahil kailangan namin ngayon sa targeting. May you please send the printed copy sa taas?" Tanong ng misis ko.
"Yeah sure. Kailangan na ba?" Tanong ko.
"Oo sana. Ako na ang nagpunta dito dahil nais ko ring makita ang asawa ko na nakaupo sa upuan na iyan.
Nakangiti siya sa akin habang sinasabi iyon.
Ngayon lang ako muling nabuhayan ng loob sa asawa ko dahil madalas ay hindi na niya ako nakakausap dahil sa kanyang busy schedule.
"Naks, namimiss mo lang ako," pabiro kong wika.
"Sige na, ipaasikaso mo na," pag-aapura niya.
"Ay urgent na ba?"
"Oo honey,"
"Okay. Ahm, sino sa inyo ang may hawak ng file ng budget of Research and Extension?" Tanong ko sa mga staff ko.
"Ako po," nagtaas ng kamay si Martha habang nakatalikod at nakaharap sa monitor ng kanyang desktop.
Natahimik ako.
"Anong month po ang kailangan ninyo ma'am?" Tanong niya sa asawa ko.
Lumapit naman kaagad ang asawa ko sa kanya.
"Yung second semester sana," sabi pa nito kay Martha.
"Okay ma'am, paki-hintay na lang po, printing na po," sabi pa nito.
"Ay ang bilis. Thank you hija," natuwa si Carmina.
Pagkatapos niyon ay lumapit na sa akin ang asawa ko.
"Mauna ka nang umuwi mamaya honey. We still need to finish this dahil kailangan na ito bukas ng maaga. I don't think we can finish all of it until 05:00 p.m."
Paalam niya sa akin.
"Susunduin na lang kita,"
"No, no, no, huwag ka nang mag-alala, Sir Vincent volunteered na para ihatid ako mamaya," aniya.
"Are you sure?"
"Yes honey. But I'll be with you sa dinner. The red wine," sabi pa niya.
May pambawi naman pala.
"Alright then, see you at home," sagot ko.
Ngumiti na lamang siya at umalis na rin kaagad.
ALAS SINGKO na ng hapon at bumuhos na rin ang malakas na ulan. Wala akong kasabay sa sasakyan ko kaya naman naisip kong ihatid na lamang ang mga staff ko.
"Sir, next time, nandiyan na yung asawa ko, pero thank you," ani Bernadette.
"Naku sir, thank you," magiliw naman na wika nina Rosy at Clarisse.
Habang si Martha ay tahimik lang sa tabi ng Administration Building.
"Ikaw Martha?" Tanong ko.
Tila ba may kung ano sa aking dibdib na nais siyang kausapin dahil sa aking inastang ugali kanina sa kanya.
"M-magcocommute po ako. Magkaiba po kasi kami ng way nila Rosy at Clarisse. Sila po ang magkakasama," nakayuko niyang wika.
"Why not. Willing naman akong ihatid ka," sabi ko pa.
"Huwag na po sir, malayo po kami. Titila naman po ang ulan," sagot niya.
Ngunit hindi ako ang sumabat.
"Sis, ihahatid ka naman daw ni sir. At huwag ka nang mag-inarte. Lagi ka na lang ginagabi dahil wala ng tricycle pauwi sa inyo sa ganitong oras. Kaya ka naglalakad papasok," sabad ni Rosy.
Natahimik siya.
"Sumabay ka na. Ayos lang naman kung ihahatid ko kayong lahat," pinilit kong maging mukhang mahinahon sa kanya.
Tumango na lang siya.
"Okay, ready?" Tanong ko sa kanila.
"Yes sir," sagot ng dalawa.
Patakbo kong tinungo ang kotse at saka ako nagdrive malapit sa kanila.
"Martha sa harap ka na, kasi kami ang unang bababa," ani Clarisse.
Wala naman siyang kibong tumabi sa akin sa harapan. Naiilang siya sa akin kaya't sa daan lang siya nakatingin.
"Sir, baka gusto mong maki-join sa amin sa weekend. Magsa- samgyeop kami," magiliw na wika ni Clarisse.
"Sige ba. Kahit treat ko na kayo. Papaalam na lang ako kay misis," magiliw kong sagot.
"Ayyyyiiieee. Thanks sir. Hala, exciting. Sama ko si jowa," ani Clarisse.
"Pag workmates' date, walang kasamang jowa, okay," sabad naman ni Rosy.
"Aawww. Sige na nga," ani Clarisse.
"Ikaw Martha, makakasama ka ba?" Tanong naman ni Rosy sa tahimik na si Martha sa tabi ko.
"Kayo na lang. Baka kasi marami akong gagawin sa weekend," sagot nito.
Napatingin naman ako sa kanya ngunit wala akong masabi.
"Ang KJ mo talaga sis. Treat na nga ni sir oh, kakain lang naman tayo," sabi pa ni Rosy sabay singit ng ulo sa pagitan naming dalawa ni Martha.
"Titingnan ko, update na lang kita sis," simple nitong wika.
NARATING na namin ang babaan ni Clarisse at Rosy. Parehas lang sila ng kanto na papasukan. Hindi na makakalabas ang sasakyan ko pag pumasok pa ako doon kaya naman sa kanto na lang sila bumaba.
Ngayon ay ihahatid ko na si Martha na tahimik pa rin sa tabi ko.
"Saan ka?" Mahina kong tanong habang nakatuon sa daanan.
"Sa San Gabriel po ako,"
"Sige," mahina kong sagot.
Tahimik lang kami habang binabaybay ang daan pauwi sa kanila. Ni walang gustong magsalita o kaya naman ay lumingon.
Gusto ko siyang makausap ngunit hindi ko alam kung paano ko sisimulan, gusto kong makilala siya ngunit hindi ko alam kung paano.
Bigla kong ihininto ang sasakyan sa gilid ng kalsada habang malakas pa rin ang ulan.
Nakatulala lang ako habang siya rin ay natutulala.
"S-sir, bakit po tayo huminto?" Tanong niya at saka tumingin sa akin.
Hindi ko mapigilang hindi tumingin sa kanya dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon.
Hindi ko alam kung kinakabahan ako o kaya ay nasasabik lang ako sa sandaling ito na kami na lang dalawa.
Ano ba ang tunay kong nadarama sa dalagang ito?
Gusto ko lang talaga siyang kausapin ngunit hindi ko naman alam kung paano.
"Sir," pukaw niya sa akin habang nakatitig ako sa kanya.
"Ah eh," ang tangi kong nasabi.
"Sir, sorry po kung may nagawa akong mali na ikinagalit ninyo sa akin kanina o kahapon. Sorry po talaga," saka siya yumuko.
Kinurot ng kanyang pagiging inosente sa aking tunay na nadarama ang aking puso dahil hindi ko masabi sa kanyang hindi niya kasalanan ito.
"Wala kang ginawang mali, Martha," mahina kong wika.
"Kung gayon ay bakit po kayo-," hindi niya natapos iyon dahil nagsalita na ako.
"Email me. Yeah, you please send me an email of the reports of Research and Extension last semester," pagdadahilan ko.
Ito lang ang tanging mode of communication upang makausap ko siya dahil lahat ng aking accounts ay may access si Carmina.
"Bakit po ninyo kailangan?"
"Kailangan pa raw ni Carmina," sabi ko pa.
"Hindi po pwedeng bukas, sir?"
"Hindi pwede. So please, mag email ka sa akin mamayang gabi," desperado kong sagot.
"Yung email niyo po ay?"
"Here," saka ako nag-abot ng calling card ko sa kanya na mayroon ding email address.
"S-sige po,"
WALA NA KAMING KIBO sa isa't isa hanggang sa ihatid ko siya mismo sa bahay nila.
"Sir,salamat po sa inyo," aniya.
"Basta't iyong bilin ko," pagpapaalala ko.
"Opo," saka siya nagbukas ng pintuan.
"Martha," pahabol ko.
"Sir,"
At may mahabang katahimikan.
"Please do contact me."
Tumingin ako sa kanyang mga mata at natagpuan ko ang sarili kong nahuhumaling na sa kanya.
Mali ito. Maling mali.
Pagtatapos ng Ikatlong Kabanata.