Stacey's POV
"Fritz!..." Hindi ko alam kung ano ang aking dapat maramdaman ngayong kaharap ko na ang pinaka-huling tao na ayaw kong makita.
The situation I want to avoid that gives me a burden for the longest time is happening right now.
Halo-halong emosyon ang namamayani sa akin excitement, takot at panghihinayang. Excitement dahil talaga namang na-miss ko siya ng husto, na-miss ko ang lahat sa kaniya pati na ang magagandang bagay na pinagsamahan namin.
Takot dahil alam ko naman kung ano ang kahihinatnan ng aming muling pagkikita, that I need face his anger .
Panghihinayang dahil kahit gusto kong umasa, hindi ko sigurado kung hawak ko pa ba ang puso niya.
Just like the old days, napakaguwapo parin nito at sa tingin ko nga ay mas higit pa siyang gumuwapo ngayon.
He's drop-dead gorgeous and I can't take my eyes off him.
I'm so not aware of my reactions that I compromise my own heart.
Bahagyang tumaas ang kilay nito, wari bang binabasa ang nilalaman ng isip ko.
"It was nice to see you once again Mrs. Adecer," may diin sa huling salitang sabi sabay ngiti na para bang nakakainsulto.
The way he looks at me is way beyond my expectations.
I shrugged my head in disappointment.
I'm the one responsible for all of these, I made him to be like that, cold and stern.
"Stacey, anak, come on, join us," aya ni Mommy sa akin kaya naman agad nabaling ang tingin ko sa kaniya na ipinagpasalamat ko nang husto dahil nagkaroon ako ng dahilan. Hindi ko kayang salubungin ang mapanumbat na mga tingin ni Fritz sa akin, hindi ko naman siya masisisi kung bakit naging ganito ang pagtrato niya sa akin. I hurt him so bad and it's unforgivable.
If I had to choose, I would like to go back and close myself in my room but, I have nothing to do but to act like everything's normal and there's no big deal having dinner with my parents and my ex-boyfriend at the same time.
Paano kung malaman nila na may namagitan pala sa amin ni Fritz nuon?
Will everything change?
Tsh… I don't think so.
Ayoko namang makonsensiya ang parents ko and have the same guilt as mine. Ayokong sisihin nila ang sarili nila. I can endure all of these by myself. It's better for them not to know.
Alumpihit na lumapit ako sa mga ito. Humalik muna ako sa pisngi ni Daddy at saka pumuwesto ng upo. I have no choice but to sit besides Fritz.
I don't know what's going on with me, we're just five inches apart and the feeling that you're beside the person you love but hell mad at you is so stressing. Para bang nag uumpugan ang mga tuhod ko sa sobrang tensed. Gusto ko man na umaktong normal ngunit, bakit ba hindi ko ito magawa ng tama? I can't help but to get affected in his presence.
" Every Sunday ini-invite naming mag-dinner
si Fritz dito sa bahay. It's been a long time that you haven't seen each other. I'm pretty sure na na-miss n'yo ang isa't-isa. Matagal din kayong naging magka-trabaho," sabi ni Dad.
Nagpalipat- lipat pa ang tingin nito sa akin at kay Fritz.
Napayuko ako sa sinabi niyang iyon, nagpanggap akong abala sa pagkain. It's the best thing that I can do to hide myself from being so distant.
Ano ba ang dapat na maging reaksyon ko?
This freaking situation eats me whole.
Oo, totoong miss na miss ko na siya pero ako ba na miss niya? Kinamumuhian ako ni Fritz at iyon ang masakit na katotohanan. Maybe this is the right time for him to confront me. I can no longer escape in this situation. I want to be on guard but I messed up.
"Oo naman po Tito, marami rin naman kaming pinagsamahan ng anak ninyo," maagap na sagot ni Fritz at bahagya pang bumaling nang tingin sa akin.
Natigilan ako sa sagot niyang iyon, palihim akong sumulyap dito, gusto kong makita sa kanya ang sinseridad. Ngunit, iba ang sinasabi ng mukha niya, nakangiti ito pero ang kaniyang mga mata ay para bang may bahid na galit. Ewan ko ba kung paranoid lang ako o totoo ang naiisip ko.
Nagpatuloy kami sa pagkain, tahimik lang ako habang sina Mom, Dad at Fritz ay seryosong nag-uusap tungkol sa negosyo at politika.
I stay quiet, better enough kaysa naman ako ang maging topic ng usapan nila.
Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam si Mom na magpapahinga na dahil medyo sumasakit daw ang kaniyang ulo kaya naman naiwan si Fritz at Daddy na pumuwesto sa sala at doon ipinagpatuloy ang kanilang kuwentuhan. Nagpalabas din ng beer na kanilang maiinom si Dad sa isa sa aming mga kasambahay.
"Dad, I'm going to my room now," paalam ko.
"It's too early, why don't you stay for awhile and let's talk about your married life," pigil ni Fritz.
Saglit akong natigilan sa sinabi nito.
Ayokong isipin na ginagawa niya ang bagay na iyon para ipaalala sa akin ang kasalanang nagawa ko sa kaniya at makonsensiya ako nang husto na siya naman talagang nangyayari ngayon.
He hit me big time.
"I'm so sorry, I'm tired and I want to sleep, maybe some other time," walang ganang sabi ko.
I hope hindi makahalata si Dad na iniiwasan ko ang bisita niya.
"Okay, fine," nakangiting sabi nito, sabay taas ng dalawang kamay tanda ng pagsuko.
I don't know why but suddenly I feel so confused. I know it's not sincere but I miss those smiles.
Take it easy Stacey, that stupid feeling of yours will betray you in the end. I have to commend my subconscious for keeping me on track.
"Good night, Dad! Good night___." Hindi ko masabi ang pangalan niya, natatakot akong hindi ko ito mabigkas ng tama. It's been a long time and it makes me feel so uncomfortable.
"Good night, Sweetheart, sleep well," sabi ni Dad na humalik pa muna sa aking pisngi.
Tumango lang si Fritz nang magtama ang aming paningin.
He looks so restless.
Nakahinga ako ng maluwag. I now have a chance to get rid of him. Hindi man nagpahalata ay nagmamadali na akong lumakad palayo. Kahit nakatalikod dama kong may mga matang nakatingin sa akin. Mga matang hindi ko kakayani na tignan nang matagal.
Ilang oras na akong nakahiga ngunit, bakit ba hindi ako dalawin ng antok? Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay ibinabalik ako sa nakaraan na para bang isang bangungot na hindi ko matakasan.
This is the punishment that I have to deal with of coming back.
Pabiling-biling ako sa aking kama, humahanap ng magandang posisyon para maging komportable sa paghiga.
Ipinikit kong muli ang aking mga mata at nanalangin na sana ay makatulog na ako. Gusto kong ipahinga ang utak ko, nakakapagod ang sobrang pag iisip. Hanggang sa hindi ko namalayan na hinahatak na ako sa kawalan.
Unknowingly, I fell asleep.
____
4:30 am
The weather had turned sultry even though I had aircon in my own room still, It felt so hot.
Tinatamad man ay dahan-dahan akong bumangon at naupo, nakaramdam ako ng uhaw. I got out of my bed and headed to the kitchen.
I open the light and run after the refrigerator to grab a bottle of water.
"Why are you still up?" Muntik na akong mapalundag sa gulat ng may bigla na lang nagsalita at hindi ko alam kung saan nanggaling.
I roam around the area, trying to find out who's the person behind the voice.
It is so impossible na may nakapasok na stranger sa aming bahay dahil gwardiyado ang buong mansion, plus the fact that there's a lot of CCTV's installed everywhere.
Yung kaninang kaba ay lalo pang naging doble ng pagbaling ng aking mga mata sa gawing pinto ng kusina ay nakita ko ang bulto ni Fritz sa tabi niyon, nakasandal ng tayo sa sementadong dingding at nakahalukipkip ang mga kamay habang matamang nakatingin sa akin.
"Huh! Why are you still here? Akala ko umuwi ka na." Imbis na sagutin ko ang tanong nito ay gumanti rin ako nang tanong dito. Talaga namang hindi ko inaasahan na rito siya sa aming bahay magpapalipas ng gabi.
I thought he left after a short conversation with my Dad.
"I have my own room her. I can stay anytime I want. I'm like a son to them, it's more likely possible if you have given me a chance," walang lakas na sabi, sabay buntong hininga ng malalim.
Ramdam ko ang matinding panghihinayang sa tono ng boses niya .
"Oh! I forgot it's almost a year since you've been gone and you're so busy with your married life that you have forgotten the people you left behind," he said sarcastically.
Para akong napapaso sa mapanumbat niyang mga tingin sa akin. Nagsisimula na siya at hindi ko na mapipigilan iyon.
"I'm sorry!" Yuko ang ulong sabi ko. "Can we not talk about the past?" Napakagat pa ako sa pang ibaba kong labi at napapikit sa sobrang tensiyon.
Iiling-iling na bumaling ito sa akin. "Tsh… Why are you so insensitive? It's very easy for you to say that because you're not the one who gets hurt. Are you happy now that you get what you want? Are you happy for fooling me not once but twice?" sunod-sunod na tanong nito.
"Fritz!" Tanging lumabas sa bibig ko, dama ko yung sakit ng kalooban niya.
Ang takot at pagsisisi na nararamdaman ko sa mga oras na ito ay pilit kinakain ang sistema ko. Ngayon nga ay lumalakad ito patungo sa direksyon ko. Nakaramdam ako nang mabilis na pag pintig sa aking puso. Habang papalapit siya sa akin ay mas lalo namang palakas nang palakas na halos ikabingi ko iyon. Hanggang sa isang pulgada na lang ang layo nito sa akin. Gusto kong hilingin na sana ay maging invisible na lang ako. So that, I can make myself disappear in front of him in an instant o di kaya kainin na lang ako ng lupa para hindi ko na kailangan makita pa kung gaano siya nasasaktan dahil mas masakit para sa akin ang nakikita siyang nagkakaganito.
"Now tell me honestly, it's very easy for you to forget me because the truth is, you never love me at all."
Sunod-sunod ang pag iling ko. Gusto kong mag protesta. Gusto kong sabihin na mali siya.
"Fritz... please let's not dwell on the past, I'm now a married woman and I__" He cut me off.
Lalo pa itong lumapit sa akin, sinikap kong umatras pero sa malas wala na akong maatrasan dumikit na ako sa sementadong pader. Sobrang lapit na namin sa isa't isa at amoy na amoy ko na ang pinaghalong strawberry at alak na hininga nito. Na corner na niya ako at wala na akong takas. We're in a awkward situation that everyone can see might misinterpret it.
"Tsh, I fvcking know and I don't give a damn!" Mahina ngunit galit na sabi nito.
"Please answer me for once, minahal mo ba talaga ako?" Nagsusumamo ang mga mata nito na wari bang naghihintay ng kasagutan.
Ilang segundong nakatitig lang ako sa mukha nito. I took a deep breath and then sighed.
I kept silent for a moment, then I looked straight right through his eyes. "Yes, minahal kita at hanggang ngayon ay mahal parin kita," walang gatol na sabi ko.
Gosh! Where did I get those guts to say this to him?
Habang tinitingnan ko siya ay hindi ako makapaniwala sa naging reaksyon niya.
I can see crystals in his eyes.
Is he crying?
This can't be true…
I want to hug him and tell him that everything will be okay now. I want to be true to myself. I don't want to live in lies any more.
He looks at me deeply.
Nang aarok ang mga mata niyang tumitig sa akin, pilit hinahanap sa mukha ko ang sinseridad ng mga sinabi ko.
Hindi ko maipaliwanag pero bakit bigla na lang pumasok sa isip ko ang aking asawa at ang aming kasunduan.
I'm so sorry Calvin I broke my promise.