Fritz' POV
"Yes, minahal kita at hanggang ngayon ay mahal parin kita."
I almost cried after hearing her confession.
Ang buong akala ko, naka move on na ako sa kaniya but, after seeing her once again and confessed to me what she truly feels, nanumbalik ang lahat.
Yes, I'm hell mad at her pero mas nangingibabaw pa rin yung pagmamahal.
"Oo, mahal parin kita hanggang ngayon pero importante pa ba 'yon? Kasal na ako and we cannot do anything about it. This is our fate. We can't be together again, hindi na natin puwedeng ibalik ang nakaraan," matigas na sabi niya.
Tsh.. How can she be so cruel? Bakit ba napakagaling niyang manakit ng damdamin ng iba?
Pinigilan ko ang aking sarili na huwag magalit pero hindi ko maiwasan. Bakit ba kasi kailangan niya akong saktan ng paulit-ulit? Dapat nasanay na ako pero hindi.
"Fritz… Pakiusap, kalimutan mo na lang ako para ito sa kabutihan mo... para sa kabutihan nating dalawa," nagsusumamong sabi niya.
Huminga muna ako ng malalim at saka pilit na ngumiti. "You don't need to say that, matagal na kitang kinalimutan, hindi lang sa iyo umiikot ang mundo ko. I'm happy with my relationship right now. Gusto ko lang marinig mismo sa bibig mo kung minahal mo ba talaga ako. Sinagot mo naman ang tanong ko and I'm good with it. All I want is a closure for me to start a new life with my girlfriend," I said desperately.
I know I sound so stupid, ang gusto ko lang naman ay masaktan din siya. I want her to experience twice my pain.
I saw uneasiness on her face.
"Oh, that's--- good to hear, " she stammered.
I can see to it that she is somehow affected, she didn't expect that I would come up with this.
Now we're even.
"You're right when you say that we're not meant to be . Let's just be happy with each other's life. I'm wishing you all the best, Stacey." Inilahad ko ang aking kamay just to prove to her that I accepted all that happened in the past, even forgetting everything that she caused me.
"Thank you!" Nag-aalangang ginagap niya ang kamay ko.
Sinundan ko nang tingin ang kamay niyang iyon na nakahawak sa akin.
Fvck her soft warm hands made me feel of not wanting to let go off her but this is it, I have to end this.
Tama siya, ito ang makakabuti para sa aming dalawa.
___
Stacey's POV
I'm a bad liar.
Hindi niya lang alam kung gaano kasakit sa akin lahat ng binitiwan kong mga salita. Mas mabuti pang kamuhian na lang niya ako. Ito lang ang tanging alam kong paraan para makalimutan na niya ako. Ayokong maniwala na mayroon na siyang iba ngunit, kailangan ko na siyang palayain, tama siya hindi lang sa akin umiikot ang mundo niya.
Sobrang sakit pala kapag nalaman mong ang taong mahal na mahal mo ay may mahal ng iba.
-
"How's your stay with your parents?" Bahagya akong napakislot ng marinig ko ang boses ng aking asawa, sa sobrang lalim ng aking iniisip hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin at marahang hinagod ang aking likod.
Kararating lang niya mula sa mahaba-habang bakasyon. Agad din akong bumalik sa aming bahay ng malaman kong paparating na siya.
"Good, pretty good!" Pilit akong ngumiti rito. I wish hindi niya mahalata that I am destructed.
"How about you? How's your vacation in Siargao?" balik tanong ko rito.
"Perfect! The place was great. We enjoyed the beach and we enjoyed surfing. It is much better if you're there. I wish that you will come with us next time," Kitang-kita ko ang kinang sa kaniyang mga mata. Mga kinang ng kasiyahan na nagdudulot nang matinding pangamba para sa akin.
"Oh, that's good to hear, " napipilitang sabi ko.
Ngumiti ako rito sinikap kong 'wag niyang mahalata ang lungkot at pag-aalala sa akin.
Medyo nag tan nga siya ngayon ngunit, sa tingin ko naman ay mas bumagay sa kaniya ang pagiging moreno, mas lalo siyang gumuwapo.
"I think I have to set a date for you to meet him. It's about time. I already told him about it," excited na sabi nito, pumuwesto pa ito ng upo sa mahabang sofa paharap sa akin. "What do you think?" nanghihingi ng permisong tanong pa.
Tsh.. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin na iyon. Bakit ba hindi ko magawang mahawa sa kasiyahang nadarama niya ngayon? Bakit ba hindi ko kayang maging masaya para sa mga taong mahalaga sa akin?
Nagiging selfish na ba talaga ako?
"Yah sure, why not invite him here on a Sunday. I will cook for the three of us," suhestiyon ko.
"Really?" Hindi makapaniwalang sabi niya. His eyes are sparkling with happiness.
Tumango lang ako.
Umusog ito sa tabi ko at niyakap ako.
"Great, he will love that idea, I swear. Thank you so much for being so understanding. I know how hard it is for you to accept my situation but still, you never give up on me," he said.
He sounds so overwhelmed.
You pay me for this and I can't complain. Gusto kong sabihin sa kaniya iyon but, I don't want to spoil his happiness and I don't have the guts to do so.
____
Sunday
Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko ngayon at hindi ko alam kung paano pakikiharapan ang bisita ng aking asawa. Ang akala ko noonn ay naihanda ko na ang aking sarili sa ganitong pagkakataon hindi pa pala.
Wala akong ideya kung paano ako aakto sa harapan nila at kung paanong magiging normal ang sitwasyon sa pagitan naming tatlo.
Sinadya kong paalisin muna ang aming mga kasambahay para sa okasyong ito.
Binigyan ko sila ng sobrang pera para makapag-day off at maka dalaw sa kanikanilang mga pamilya.
Sanay akong mag trabahong mag-isa sa bahay. Nang nasa Scotland pa kami ay kahit gusto ni Calvin na kumuha kami ng makakatulong ko but, I insisted not to have one. I don't want to be dependent with them just like before.
I tried to be the best in all that I do. I'm so grateful that Calvin is very supportive to me.
Matapos kong maihanda ang mga pagkain sa mahabang lamesa ay umakyat na muna ako sa aking kuwarto para maligo at mag-ayos ng aking sarili. Thirty minutes from now ay darating na si Calvin at ang kaniyang espesyal na bisita.
___
As I expected, I heard the sound of his car inside the mansion.
Huminga muna ako nang malalim. I practiced to smile as sweet as I can. I want to look good in front of them.
And here they are.
"Sweetie," salubong na bati ni Calvin sabay halik sa aking pisngi. Agad naman akong yumakap dito.
"Hon!" Masayang bati ko ngunit sa aking peripheral vision ay kita ko ang lalaking nakatayo sa likuran nito na nakamasid lang sa amin.
"There he is. He's dying to meet you sweetie, " excited na sabi ni Calvin. Sinenyasan niyang lumapit ito sa amin na siya namang ginawa nito.
"Nash this is my beautiful wife Stacey and sweetie this is Nash... Nash Wahlberg," pagpapakilala niya sa amin.
"It was nice to meet you, Nash," masayang bati ko. Niyakap ko ito at humalik naman siya sa aking pisngi.
"Same here, Stacey. Finally, I've been waiting for this day to happen. Thank you for taking good care of Calvin when I'm not around," he said while glancing at me and I saw sincerity in his eyes.
"He took care of me more than I took care of him, no worries, " wala sa isip na sabi ko. Hindi ko alam pero kusa na lang iyong lumabas sa bibig ko. I didn't mean to be honest but I can't help it. Calvin has been good to me ever since. He's the nicest person that I've ever met.
"Aaaaws! You made me feel jealous, " sabi nito na bahagyang napangiwi sabay hawak sa kaniyang dibdib.
Napamaang ako sa ginawa nito.
"You have nothing to worry, Pop. I'm safe with her and so is our secret, " maagap na sabi ni Calvin as if that he's trying to protect something.
"I know... I know, don't take it seriously, Hub," nanunudyong sabi naman nito.
Nagpalipat-lipat lang ako nang tingin sa dalawa.
They're both looks cool and gorgeous.
I can't still believe what they have.
The secret that I need to keep.
__
"The foods are ready, sa kitchen na lang natin ipagpatuloy ang uusapan, " aya ko sa dalawa.
"Oh, I'm so excited! Calvin told me that you're a good cook. I want to learn how to cook also, can you teach me how?" Kitang-kita ko ang excitement sa mga mata niya, he almost jumped in joy.
"Yeah, sure," natatawang sagot ko, I am so amused by his reaction and it so precious.
Akala ko magiging napaka-awkward ng sitwasyong ito. Medyo nakaka ilang nga sa una pero tolerable naman. Ang iba't- ibang emosyon na nararamdaman ko. It's like a roller coaster ride but nevertheless these two good people in front of me is so amazing.
Ang saya nilang pagmasdan habang kumakain. They both enjoy the food that I prepared and it was such an overwhelming feeling that somebody appreciated what I did.
I know many people won't understand me. I love Calvin and his flaws. Knowing that I'm not the only one who loves him sometimes scares me.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin nalilito na rin ako ang daming katanungan sa isip ko na ako mismo hindi ko kayang sagutin.
_
"Thank you for this wonderful day, Stacey. I hope this will not be the last time. I enjoyed your company and I want to know more about you," masayang sabi ni Nash habang hawak- hawak ang dalawang kamay ko at bahagya pang pinipisil.
He's too good to be true and up to now ina-absorb ko pa ang mga bagay-bagay na nangyayari ngayon habang si Calvin ay masayang nakatingin lang sa amin.
"Thank you rin sayo dahil nagustuhan mo ang mga niluto ko. If you have free time, you can visit here. You are always welcome to our house, isipin mong bahay mo na rin ito," sinserong sabi ko.
"You heard it, Hub. Expect to see more of me here from now on," baling nito kay Calvin. Lumapit naman ito sa amin sabay akbay kay Nash.
"Yeah, my wife likes you and I'm happy dahil nagkakasundo kayo," sabi ni Calvin na nasa akin ang tingin. Ang mga tingin nito ay para bang nagpapasalamat.
Tumango lang ako dito sabay ngiti.
"Oh, I need to go. I have to catch a flight back to London. I'll visit you soon," paalam ni Nash sa akin sabay yakap, gumanti rin ako ng yakap dito.
"Have a safe trip," I said while tapping his shoulder.
"Thank you, Stacey! I know Calvin is a good boy but please take good care of him and watch him for me," sabay pilyong kumindat pa ito sa akin.
Natatawang nailing na tumango ako.
__
Habang tinatanaw ko ang papalayong sasakyan ni Calvin na kasama si Nash nakaramdam ako ng matinding kalungkutan. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay nag iisa na lang ako. Hindi ko sinasadya pero kusa na lang pumatak ang luha sa aking mga mata.
My life is so complicated. Sometimes I'm happy and sometimes I'm sad. But, I have to endure this is the life that I choose.