Hay, sa wakas nagpakita ka rin sa akin." Nakapamewang pa itong si Cecil habang pinagmamasdan ang kaibigan.
"You're ten minutes late," sabi niya rito.
Kunwa'y sinipat ni Stacey ang oras sa kaniyang wristwatch.
"Sus, grabe ka naman! Hindi nga ako makaalis sa opisina. Ang boss ko kasi daig pa ang security guard kung magbantay. Kung hindi ko pa sinabing ikaw ang imi-meet ko rito ay hindi pa ako pinayagan na mag-undertime."
"Ha!ha!ha! Okay lang ano ka ba?" Tumayo siya sa kinauupuan at agad niyakap ang kaibigan, kahit madalas naman silang mag-video chat noong nasa Scotland pa siya pero, mas iba ngayon na nagkita sila ng personal.
"Sobrang namiss kita," sabi pa niya.
"Ikaw lang ba? Ako rin naman, nawalan ako ng magandang kaibigan tapos solo flight lang lagi ang lola mo kapag lunch time na."
"Ganun ba? Don't worry ngayong nandito na uli ako, may makakasama kana."
"Tsh, paano? Isa ka nang donya, mahirap ka nang abutin," pasaring nito.
"Sira!" Hindi niya napigilang batukan ang kaibigan.
"Ay, ano ba ang sakit nun, ha!" reklamo nito na hinimas pa ang ulo.
"Hindi naman ako ang mayaman yung asawa ko," pagtatama niya sa sinabi nito.
"Tsh... Ganun parin 'yon, Stacey Anne Del Castillo Adecer, naks! Ang lakas maka prinsesa," pambubuska nito.
"Ha!ha!ha! Ikaw talaga puro ka kalokohan."
"Anyways, nagkita na ba kayo?" Nang makapwesto na ito nang upo ay tanong nito sa kaniya.
"Nino?" balik tanong naman niya rito.
"Si Sir Fritz, sino pa ba?"
Bahagya siyang natigilan.
"Hindi pa atsaka mas makakabuti sa aming dalawa kung hindi na kami magkikita."
" Pero miss mo na siya, diba?"
"Hey, watch your words. I'm a married woman now," saway niya rito.
"Carry lang may girlfriend na rin naman siya...Oops!" Natutop nito ang sariling bibig, kahit madalas naman silang mag-video chat ni minsan hindi nila pinag-uusapan si Fritz.
Nang aarok na tingin ang ipinukol niya rito.
"Totoo ba 'yang sinabi mo?"
"Yes, alangan namang ikaw lang ang naka move on. Almost three months ng in a relationship si Sir Fritz."
Bakit ba nakaramdam siya nang lungkot ng malamang may girlfriend na ito? Dapat nga ay matuwa siya dahil naka-move on na ang dating nobyo. Ngunit, ang isiping nakalimutan na siya nito ay talaga namang napakasakit.
Balibaliktarin man ang mundo hindi na puwedeng maging sila. Kahit pa hanggang ngayon ay hindi nawawala ang pagmamahal niya rito.
Ang maging masaya na lang para sa dating nobyo ang dapat na nararamdaman niya sa ngayon. Pero bakit ba parang nagiging selfish na siya? May karapatan itong maging masaya.
"Kilala mo ba ang sikat na volleyball player ngayon?" tanong nito sa kaniya.
"Huh, hindi eh! Alam mo namang iniiwasan ko ang mga social medias, bihira rin akong manood ng TV, " sagot naman niya sa tanong nito.
"FYI, ang girlfriend ni Sir Fritz ay si Arriane Gomez ang college student at sikat na volleyball player and she will soon to-be a beauty queen. Balitang sumali siya sa Binibining Pilipinas ngayong taon at malakas ang bulong-bulungan na ito raw ang ipanlalaban ng bansa para sa Miss Universe."
Hindi pa niya nakikita ang babaeng tinutukoy ng kaibigan ni picture nito ay wala pasiyang nasisilayan ngunit, bakit ba kinaiinggitan na niya ito?
Napakasuwerten ng babaeng iyon kung sila ang magkakatuluyan ni Fritz. Kung hindi lang naglaro ang tadhana di sana'y sila pa rin hanggang ngayon o hindi kaya ay kasal na sila at masayang namumuhay ng magkasama.
"Wait lang, ipapakita ko sa'yo ang picture ng gf ni Sir Fritz." Inilabas nito ang cellphone sa kaniyang bag at nag-search sa google."
Wala pang isang minuto ay itinapat na nito sa pagmumukha niya ang hawak na cellphone.
Napaawang ang bibig niya ng makita ang batang-bata at napakagandang babae sa picture. Sa tantiya niya ay nasa twenty years old pa lamang ito. Ngunit, ang nagpa-shock sa kaniya ay ng maalalang na-meet na niya ang babaeng ito sa party ng mga sikat na negosyante. Ito ang nakapulot ng lipstick niya sa powder room.
No'ng unang kita palang niya rito, ang impresyon niya para rito ay mukhang mabait ito at friendly dahil lagi itong nakangiti.
"I'm with my boyfriend hope to see you outside." Naaalala niyang sabi nito.
Ang boyfriend palang tinutukoy nito ay walang iba kung hindi si Fritz.
Naroon pala siya sa event na iyon, paanong hindi niya ito nakita?
___
"I'm so sorry, sweetheart. Hindi ako
makakauwi ng ilang araw. Alam mo naman kung bakit diba? I hope you understand."
Hindi niya maiwasang mapabuntong hininga nang malalim ngunit, bago pa iyon ay nagawa na niyang takpan ng kaniyang palad ang speaker ng kaniyang cellphone para hindi marinig ng nasa kabilang linya.
Ginawa niyang pasiglahin ang tono ng kaniyang boses. "Yes, ofcourse I know. Ingat ka lang diyan and enjoy your day." Pilit siyang ngumiti kahit naman hindi makikita ng kausap ang reaksyon niyang iyon ay ginagawa parin niya.
"Of course, I will. Thank you so much for your understanding."
"Oh, sorry! They're here! I'll get back to you later." At nawala na ang nasa kabilang linya.
Parang may sariling buhay ang kaniyang mga mata na bigla na lang tumulo ang mga luha mula rito.
For almost a year na naging mag-asawa sila ni Calvin, nasanay na siyang laging nasa tabi niya ito at ang buong atensiyon nito ay lagi lang din nasa kaniya. Ngunit, iba na ngayon, kailangan niyang masanay na hindi na ito magiging kagaya ng dati.
Pinagkasya na lang niya ang sarili sa pagbabasa ng libro hanggang sa makatulog.
____
Isa, dalawa, tatlo...
Hindi niya alam kung ilang araw pang mawawala ang kaniyang asawa. Ni hindi man lang ito nagpaparamdam. Ang gusto lang sana niya ay malaman ay kung okay lang ba ito? Ngunit, ayaw naman niyang siya ang maunang tumawag dito para mangamusta.
Hindi maganda kung iistorbohin niya ang bakasyon nito.
Nakakabagot ang mga araw na wala ito dahil bukod sa asawa niya ito ay itinuturing niya na rin itong best friend. Calvin is a good listener, sa lahat ng pinagdaanan niya ay matiyaga itong nakikinig sa kaniya at nagbibigay ng payo. Kapag wala ito sa tabi niya ay parang malaking parte ng buhay niya ang kulang. Sobrang nasanay na siya sa presensya nito at hinahanap-hanap niya iyon.
__
At dahil walang magawa sa kanilang bahay ay naisipan niyang dalawin ang mga magulang. Nang ikasal sila ni Calvin ay bumalik na rin lahat ng ari-arian at mga negosyo nila.
Matapos maiparada ang kaniyang sasakyan sa napakalawak na garahe ng kanilang mansion ay hindi niya mapigilang balikan ang mga alaala ng kaniyang kabataan sa lugar na ito. Salamat kay Calvin at sa pamilya nito, kung hindi dahil sa kanila ay hindi maibabalik ang lahat ng meron sila ngayon, kasama iyon sa kasunduan.
Kung no'ng una ay ayaw niyang maikasal dito. Ngayon ay masasabi niyang hindi niya pinagsisisihan ang ginawang desisyon. Masaya siya sa piling nito, hindi dahil sa pera kung hindi dahil sa kung gaano kabuting tao ang kaniyang napangasawa.
"Kanina ka pa ba diyan anak? Bakit hindi ka pumasok sa loob? Kung hindi pa sinabi ni Ising na dumating ka ay hindi ko pa malalaman."
Nagningning ang mga mata niya nang marinig ang boses na iyon ng kaniyang ina.
"Mommy!" Sinugod niya ito ng yakap.
"Anak, na miss kita! Simula ng dumating ka isang beses ka palang dumalaw sa amin."
"Naging busy lang po nitong mga nakaraang araw, Mom. Puwede po bang dito muna ako?"
"Oo naman anak, puwedeng-puwede, ano ka ba? Teka nga, nag away ba kayo ng asawa mo at naglayas ka?" Nanunuring mga tingin ang ipinukol nito sa anak.
"Mom, hindi po! Naka-out of town po kasi si Calvin ngayon," mariing tanggi niya.
"Oh, bakit hindi ka isinama?" nagtatakang tanong nito.
Napabuntong hininga muna siya nang malalim bago pilit na ngumiti.
"Tungkol po iyon sa negosyo, ayokong makaistorbo."
"Ah, ganun ba? Halika na nga sa loob at ipagluluto kita. Do'n narin natin ituloy ang kuwentuhan," aya ng ina.
"Naku, Mommy 'wag na! Mag pa-deliver na lang tayo." Mariing tutol niya. Alam naman niya kung gaano kapalpak ang mga luto ng ina.
"Huh! Don't worry. Marunong na akong magluto ngayon, nag-aral ako ng culinary arts," pagmamalaki nito.
"Ah, talaga po mabuti naman." aniya na nakaramdam ng kapanatagan ng loob.
"Si Dad, andito na ba?" Inilibot niya ang tingin sa paligid ng makapasok sa loob ng bahay.
"Wala pa pero, pauwi na iyon," sagot ng ina.
"Ising, ipasok mo muna ang mga gamit ng ma'am mo sa kwarto niya." Baling nito sa kanilang kasambahay.
"Sa kitchen muna ako, magluluto ako ng diner natin. Kung gusto mong magpahinga doon ka muna sa kuwarto mo."
"Sige po, napagod ako sa biyahe," sang ayon niya.
"Okay, ipatatawag na lang kita kapag handa na ang hapunan."
Umakyat na siya ng hagdan para magtungo sa kanyang silid.
Na miss niya ng husto ang kaniyang kama kaya naman parang isang batang nagpagulong-gulong siya rito. Matapos magsawa sa kaniyang ginagawa ay naisipan niyang buksan ang malaking TV at nanuod ng pelikula, hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
"Ms. Stacey...!"
Tok.tok.tok...
Sunod-sunod na katok ang nagpagising sa kaniya.
Bumaba siya sa kama at agad binuksan ang pinto.
"Ma'am, ipinatatawag napo kayo ng Mommy n'yo handa na raw ang hapunan." bungad sabi ng kanilang kasambahay.
"Oh, okay! Susunod na ako, thank you!"
Agad din naman itong umalis.
Inayos niya muna ang kaniyang sarili. Naghilamos, sinuklay ang gusot na buhok at nagpulbo ng konti bago tuluyang bumaba.
Nang malapit na siya sa dining ay may narinig siyang nagtatawanan.
Naisip niyang dumating na siguro ang kaniyang ama kaya naman nagmamadali siyang pumasok sa loob ng dining room, excited na siyang makita ang ama.
Ngunit parang istatwang naging tuod siya sa kaniyang kinatatayuan. Hindi na niya maihakbang ang mga para makalapit sa lamesa ng makilala niya ang isa pang tao na naroroon bukod sa kaniyang mga magulang. Ang kahuli-hilihang tao na ayaw niyang makita.
"Fritz...!"