ELIZA POV
"Aalis kana dito?" Malungkot nilang tanong sakin.
"Wag kanang umalis!" Dagdag pa nila habang pinipigilan ako. Natawa nalang ako sakanila.
Maski naman ako. Ayoko talagang umalis dahil ang tagal ko na ding tumira dito. Pero sayang naman yung opportunity diba? May trabaho nako tapos may pabahay pa.
"Ano ba kayo mag kikita kita pa naman tayo! Kaya don't worry ok?" Nakangiti kong sabi sakanila.
"Di kami worry nag kecare lang." Irap pa sakin ni Edwin.
"Mag kikita naman tayo sa school. Saka sayang din 'yon libreng bahay plus 10k a month! Oh diba? Pakakawalan ko pa ba 'yon?" Ngiti ko sakanila sabay pamewang pa.
"HA?!" Sabay sabay lang nilang sabi sabay nganga.
"San ka naman nakakita ng trabahong ganon kalaki sweldo?!" Panimulang tanong ni Carl habang di parin makapaniwala ang iba.
"Baka naman friend ibang trabaho na yan ah! Wag mong pag kakitaan yang bataan mo ah!" Banta ni Elsa sakin kaya naman tinapik ko siya agad.
"Bugak ka talaga! Abay syempre hindi!" Sigaw ko pa sakanya.
"Basta tandaan mo pag na FIRED ka ulit jan sa trabaho mo. Balik ka lang dito." Singit ni Manang Nene kaya naman na touch ako at niyakap siya.
"Kayo po talaga Manang napaka nega niyo."
Ngayon papalayo na ko sa 3 years kong naging tirahan mamimiss ko sila. Pero para 'to sa future kaya dapat go lang ng go!
"Eto meryenda mo oh." Oh? May meryenda pako. Mukhang tataba ako dito ah.
"Salamat po." Nakakahiya pero kinuha ko naman agad yung hawak niyang pag kain. Sayang laman tiyan din 'to.
"Wag ka sanang masyadong mahiya sakin ha? Ituring mokong mama mo na." Ngiti niya pa na ikinasamid ko. Kaya naman agad kong inabot yung juice at umayos ng tingin sakanya.
"Alam ko na! Mama nalang ang itawag mo sakin!" Tuwang tuwa niya pang sabi.
"Po?" Di makapaniwalang tanong ko. Nakakagulat naman siya. Kung ano ano din naiisip niya.
"Alam mo kasi pangarap ko ding mag kaanak ng babae. Kaso nga lang di napag bigyan kaya naman baka pwedeng ikaw nalang. Saka ayaw mo non may instant Mama ka na?" Pag pilit niya sakin. Pero hindi ako naka ayaw at napatango nalang sakanya.
Pano naman kasi ang bait bait niya sakin. Saka baka pag umayaw ako bigla niya kong tanggalin sa trabaho.
"Mama na itawag mo sakin ah?" Tuwang tuwa niyang tapik sakin.
"Opo sige...m..maa....mama" Pilit kong sabi ng titigan niya ko.
"Meryenda ka muna anak. Doon muna ko sa baba at baka may customer. Nga pala anong oras ba pasok mo?" Dagdag niya pa. Talagang anak na din tinawag niya sakin. Bigla tuloy ako nag karoon ng magulang. Bakit? Wala kaya siyang pamilya katulad ko?
Pero impossible naman 'yon. Kasi ang ganda niya kaya hindi ako naniniwalang wala siyang asawa.
"Maga po. Kaya umabsent nalang ako para makapag ayos dito." Sagot ko naman sakanya.
"Kung ganon maligo ka na at pumasok kana. Dali. Diba sabi mo first day mo kahapon ibig sabihin second day niyo palang ngayon? Ako na bahala dito sige na." Tuloy tuloy niyang sabi habang tinutulak ako papuntang CR.
"Pero—pero po...ano.." Pilit ko pang sabi pero mas malakas siya sakin at sinara niya agad ang pinto. Ang kulit niya pero nakakatuwang magkaroon ng Mama.
"Maligo kana. Ako na mag aayos dito basta maligo kalang! At mag aral!" Sigaw niya pa sa labas ng CR.
Pinag taxi niya pa ko at siya ang nag bayad. Hindi ko alam kung ano ang trip niya pero natutuwa ako.
"Ha?? Ginawa kang anak ng amo mo?!" Sigaw ni Elsa sa tenga ko kaya naman napalayo ako.
"Hay nako. Ang sakit sa tenga! Oo nga! Paulit ulit? Pero ok lang 'yon atleast mararamdaman kong may ina diba?" Sabi ko habang nakangiti.
"Aray! Para san 'yon!" Sigaw ko ng batukan niya ko.
"Hay! Ayaw mo kasing gumasing sa katotohanan! Ikaw talaga amo mo 'yon?! Mamaya kung ano gawin sayo non. Malay mo witch pala siya o halimaw tapos kakainin ka niya." Salaysay niya pa habang kunyaring niyayakap pa ang sarili.
"Hoy hoy hoy! Ang sama niyo naman. Nag mamagandang loob na nga yung tao eh. Sasabihan niyo pa ng ganyan!" Asar kong sigaw sakanila.
"By the way, sasama ba kayo sa acquaintance party bukas?" Pag bago ni Carl.
"Ako syempre! Mamaya makita ko yung meant to be ko don! " Excited na sabi ni Edwin habang rumarampa.
"Meant to be ka jan. Walang papatol sa itsura mo noh! Gumising ka nga hoy!" Loko ni Leah.
"Kasasama niyo heee!!" Irap samin ni Edwin. Kaya naman nag tawanan nalang kami at naupo sa bakanteng pwesto.
"Ewan ko kung makakasama ko. Gabi 'yon diba? Walang mag babantay sa may flower shop."
"Nako mag paalam ka balita ko may inuman pang magaganap!"
"Mag paalam ka sa mama mo haha!" Biro sakin ni Leah kaya naman napa rolled eyes nalang ako sakanya.
"Oo nga sabi niya nga ituring mo siyang mama mo. Kaya dapat lang payagan ka niya noh." Dagdag pa ni Elsa kaya naman napa buntong hininga nalang ako habang iniisip.
Di kasi madali yung sinasabi nila. Mama ko nga siya pero at the same time amo ko parin siya. Baka mamaya sabihin niya abuso na ko masyado sa kabaitan niya. Ayoko naman ng ganun.
"Oh? Nanjan kana pala halika sa taas tignan mo yung ginawa ko sa kwarto mo anak dali.." Excited niyang sabi habang hinihila ko. Napasunod nalang ako at napangiti sa inaasta niya.
"Wow!" Nagulat ako ng makita ang kwarto ko. Ang ganda! Eto yung pangarap kong kwarto dati pa!
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sakin habang tinitignan ako kaya naman di ko napigilang yakapin siya.
"Sobra po! Sobrang nagustuhan ko po talaga." Tuwang tuwa kong sabi habang nakatingin sa paligid.
"Nakakatuwa naman dahil nagustuhan mo. Tignan mo ibinili din kita ng bago kama. Kaoorder ko lang kanina tignan mo ang lambot." Aya niya sakin habang nauupo sa kama. Naiiyak ako sa tuwa pero nakakahiya.
"Oo nga po ang lambot ang ganda po talaga. Salamat po."
"Bakit parang may iniisip ka? Dahil ba sa iba mong gamit? Pasensya na ha kung inalis ko."
"Hindi po! Hindi po! Nahihiya po kasi ako sainyo. Hindi po ba sobra sobra napo 'to?"
"Hindi para sayo talaga 'to. Diba nga ituring mo kong mama mo. Remember that! Ok?" Sabi niya sabay tapik sakin.
"Salamat po talaga Mama." Pigil luha kong sabi sakanya.