bc

That Night with Mr. Heartthrob

book_age16+
4.5K
FOLLOW
29.7K
READ
sex
one-night stand
scandal
confident
drama
comedy
twisted
sweet
bxg
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

It just started with an accident then a dare. Di ko alam na mag kakaroon ng bubuo ng buhay kong nasira na at di ko inaasahang mainlove sa maling tao, sa maling lugar, sa maling pag kakataon at sa maling pangyayari.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
Ang sabi nila kapag nahulog ka raw sa isang tao lahat gagawin mo para lang makamit ang salitang, I love you. Kapag umibig ka raw kasi ay para kang nasa isang magandang panaginip, hindi mo mapapansin ang mga masasamang bagay, lagi ka lang nakangiti na parang baliw at kahit nasasaktan ka na ay lalaban ka pa rin para sa kanya. In short, people go crazy when they fall in love. But for me, I don't believe in that. Hindi ako bitter o kung ano pa man. Galing kasi ako sa isang broken family. Bata pa lang ako nang maghiwalay ang mga magulang ko at nagkanya-kanya ng buhay, na para bang wala silang naiwang bunga. Naiwan akong mag-isa na mas malala pa sa isang basang sisiw sa kalye. Kailangan kong kumapit sa patalim para lang mabuhay. Payak naman ang naging pamumuhay ko noong una. Noong buhay pa sila lolo't lola kung saan ako iniwan ng mga magulang ko. Pitong gulang ako no'n, kaso sa kasamaang palad ay hindi rin sila nagtagal at kinuha na rin sila ni Lord. Labing siyam na taong gulang ako nang matuto akong tumayo nang mag-isa at lakasan ang loob sa delikadong mundong tinitirhan nating lahat. Naghanap ako ng kung ano-anong trabaho para mabuhay lang at may makain kahit isang beses sa isang araw. Kaya bakit ako mahuhulog sa isang tao? Bakit kailangan ko pang ma-inlove? Sa dulo naman, lahat ng taong umiibig ay naghihiwalay din. Isa pa, wala akong oras sa mga gano'ng bagay. Bawat galaw ng orasan ay mahalaga para sa akin. Hindi ko kayang sayangin sa feelings na walang katuturan at masasaktan ka rin naman sa dulo. "Eliza!" malakas na tawag sa'kin ng manager namin sa restaurant. "Po?!" Napabalikwas ako at mabilis na tumakbo papunta sa harapan niya. Siguradong dahil sa customer kanina kaya siya nagagalit ngayon sa akin. "Ano 'yung ginawa mo kanina?!" sigaw niyang bungad nang huminto ako sa tabi niya. Napakagat ako ng labi habang pasimple siyang tinitignan. Namumula siya sa galit dahil sa nangyari. Hindi naman ako ang may kasalanan. "Ano?! Magsalita ka!" sigaw niya ulit na ikinapikit ko. "Ginawa ko lang naman po kung ano ang nararapat," pilit kong paliwanag pero lalo pa siyang sumigaw. "So, sinasabi mo ba na tama ang ginawa mo? Binatukan mo 'yung customer natin! Tama para sayo 'yon?!" muling sigaw ng halimaw, este ng manager namin. Mukhang matatanggal na naman ako sa trabaho nito. Sa galit niyang mukha na 'yan, imposibleng patawarin niya ang nangyari. Kaya naman namawis na ang mga kamay ko habang pinapanuod siya na walang tigil sa pagsasalita sa harapan ko. Kulang na lang nga ay murahin niya ko. Para lang alam niyo, hindi naman ako ang may kasalanan kanina. Bakit? Hindi sa pinagtatanggol ko ang sarili ko o humahanap ako ng kakampi. Tama lang naman na batukan ang customer kung m******s naman, right? "You're fired!" huli niyang sigaw bago mag-walkout. "Teka lang po. Magpapaliwanag ako.." habol kong pakiusap pero hindi siya nagpapigil. Huminto siya sa tapat ng bag ko at binato sa akin ang lahat ng gamit ko. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! You are fired! Alis!" nanlalaking matang ulit niya na may kasamang pagmostra ng kamay pataboy sa akin. Ang init naman ng ulo. Ako naman ang nasa tama, ah! Bakit pinagtatanggol niya pa 'yung customer na 'yon? Kung alam ko lang na matatanggal din ako, edi sana pinalipit ko pa nang mas matindi 'yung kamay ng lalaki kanina. Nakakagigil! "YOU'RE FIRED!" "YOU'RE FIRED!" Sunod-sunod kong rinig ngayong araw. Kapag minamalas ka nga naman. "Anong gagawin ko ngayon?!" stress kong tanong sa sarili habang nakapalumbaba sa gilid ng kalsada. Uwian na pala ng mga estudyante. Ibig sabihin past five na rin. Alam niyo? Kapag nakakakita ko ng mga nag-aaral, naiinggit ako. Hanggang highschool lang kasi ang natapos ko. Kahit gustuhin ko mang mag-aral ulit, wala naman akong pera at gano'ng kalaking ipon panggastos sa pang-araw-araw. Hindi ako nakapagtapos kaya heto ako at ang papangit na trabaho ang nakukuha. Ano pa nga bang hahanapin sa isang tulad ko? Hinang-hina ako na nag-inat. Aalis na sana ko kung hindi lang dahil sa natanaw ng mga mata ko. "Totoo ba 'to?!" Halos madapa ako sa pagtakbo papunta sa poste kung saan ito nakadikit. "Full scholarship!" tuwang-tuwa kong basa, nanlalaki ang mga mata sa tuwa. Kakasabi ko lang na wala akong pera pang-aral tapos ang bilis sinagot ni Lord ang gusto ko. Totoo nga pala na kapag may malas ay may swerte ring darating sa'yo. Dali-dali kong kinuha ang poster sabay takbo papunta sa security guard. Tuwang-tuwa kong binandera sa mukha niya 'yung poster na nakuha ko. "Hi, kuya! Nandito ako para sa full scholarship!" "Ah, ito ba?" parang bored niyang ulit. "Para lang 'to sa mga naninirahan dito sa lugar na 'to," masungit niyang dugtong saka ako tinignan mula ulo hanggang paa. "Ay, grabe makahusga. Mukha ba kong alien, kuya?" sagot ko. Bigla siyang sarkastikong ngumisi na para bang minamaliit ako kaya naman inismidan ko na lang siya at pumasok ako sa loob nang may makita kong parang guro. "Excuse me, ma'am?" habol kong tawag sa babae. "Pwede po bang magtanong?" Mabait siyang huminto at tinignan ako. "Yes?" Ngumiti siya kaya inirapan ko 'yung guard na sumusunod sa akin. Mabuti pa si Ma'am mabait. "Alam niyo po ba kung paano ako makakapasok sa full scholarship na 'to? Nakita ko po kasi 'to sa poste diyan sa labas." Tumuro ako mula sa malayo. "Interested po kasi ko at talaga pong gagawin ko ang lahat makapasok lang dito," makaubos hininga kong dugtong sabay ngiti nang bumalik siya ng tingin sa mukha ko. "Tiga-rito ka ba?" tanong niya. "Opo!" maagap kong sagot. "Sakto ka ng pinagtanungan. Magpasa ka sa akin ngayong araw ng requirements. Pagkatapos, kapag pumasa ka sa mga exam namin, makakakuha ka ng full scholarship," tuloy-tuloy niyang sabi. Inabot ko agad sa kanya ang mga dala kong papel. Nagulat pa nga siya. Mabuti na lang at dala ko lahat ng kailangan dahil kanina pa ko naghahanap ng bagong trabaho. Hindi ko inakala na iba pala ang mahahanap ko. Thank you talaga, Lord. "Wow, ha? Kakasabi ko pa lang ready na agad ang lahat. Mukhang kapag nakapasok ka dito magkakaroon kami ng bagong top student," puri niya sa akin na nginitian ko lang nang maganda. Syempre naman, laking hirap 'to kaya always ready! "Oh, ito ang lahat ng sasagutan mo. Pagkatapos mo diyan ibigay mo agad sa akin dito sa office." "Sige po, maraming salamat po." Masaya akong yumuko sabay kuha agad ng ballpen sa bulsa ko. Iniisip ko pa lang na matutupad na ang mga pangarap ko, para na kong lumilipad sa alapaap. Maingat kong sinagutan ang lahat bago ipasa sa kanya. Pagkauwi ko, nag-review agad ako para sa exam. Kinabukasan na kasi ang exam at ito na ang matagal ko ng pinapangarap kaya naman hindi ko na 'to pakakawalan pa! Bahala na si Batman basta gagawin ko lahat ng makakaya ko makapasok lang. Nang maramdaman ko ang pagbigat ng mga mata ko ay siyang pagtingin ko sa orasan. Hindi ko namalayan na alas tres na pala no'n. Isinara ko na ang mga libro nang mahikab ako. "Inaantok na ko tama na siguro 'yon. Hindi ko na kaya," pagsuko kong bulong. Marami-rami na rin naman akong nabasa. Hindi naman siguro sobrang hirap ng exam na 'yon para hindi ko mapasa. Saka seven pa naman ang test. May four hours pa ko. Gigising na lang ako ng maaga bukas para ma-scan ko ulit lahat ng ni-review ko. Parang isang kurap ko lang ang pagtunog ng alarm clock ko. "Seven thirty... Five minutes pa..." wala sa kamalayan kong sabi sabay talukbong ulit ng kumot. Inaantok pa ko. "Teka?!" Nanlalaki ang mga mata ko nang tingnan ko ulit ang alarm clock ko. "Late na ko!" sigaw ko nang ma-realized ang oras. Inis kong ginulo-gulo ang buhok ko habang mabilis na bumabangon. "Late na ko! Bwisit na alarm clock ka wala kang kwenta! Seven kako! Hindi seven thirty! Hindi mo ko ginising!" Asar kong dinampot 'yon at binato. Walang kwentang orasan. Tumakbo-takbo ako sa kwarto, 'di ko alam kung ano ang una kong gagawin. Bwisit talagang alarm clock! Teka? Maliligo pa ba ko? Pwede na siguro kung wisik-wisik na lang! Bihis! Dali! Late ka na ng thirty minutes! Dali! Teka, toothbrush? "Aiiisstt, 'wag na nga. Ngunguya na lang ako ng bubble gum mamaya." "Oh? Nagmamadali ka yata, Eliza?!" sigaw ng bantay ng boarding house. "Opo, late na po ako! 'Yung upa ko nga po pala next week ko na lang po babayaran. Gagawan ko pa po ng paraan. Sige po, bye!" nagmamadaling sigaw ko habang nagsasapatos. Pagdating ko sa school, gate pa lang ang haba na ng pila. Ganito pala karami ang makakalaban ko sa pagkuha ng scholarship. Limited slots pa naman 'yon. Hay, nagsisisi na ko na tinulugan ko ang pagre-review ko kagabi. "Ma'am, tapos na po ba ang test?" Paglapit ko sa babaeng nakausap ko kahapon. "Hindi pa nagkagulo-gulo kasi ang mga room assignment para sa magte-test. Saang room ka ba? Humabol ka na kasisimula lang." Ngiti niya pabalik sa akin kaya naman nang marinig ko 'yon mabilis akong tumakbo para hanapin ang room ko. Teka?! "Salamat, ma'am," pagbalik kong sabi kasabay ng pagyuko bilang pasasalamat. "Sige na, mahuhuli ka na," sagot niya kaya tumakbo na rin ako nang mabilis. Sa sobrang laki ng school mukhang naliligaw pa ko. Nasaan ka na ba? "Room 206...2.0...6..2..0.6! Got you!" Ngisi kong turo sa harap ng pintuan. "Dito ka ba nakasama? Please take your seat." Taas kilay na tingin sa akin ng proctor kaya naman napatango na lang ako habang alangang nakangiti sa kanya. Parehas sila ng guard kahapon na masungit at tingnan niyo, inirapan pa ko. Mabilis akong humanap ng bakanteng pwesto sa likuran. Pagkaupo ko, inismidan agad ako ng proctor pagkaabot niya sa akin ng test paper. Ngumiti na lang ako at mas inintindi ang exam kaysa sa kasungitan niya. Relax, Eliza. Kailangan mo ng scholarship. Wwwah! Ang haba naman ng mga tanong tapos one hour lang daw 'to? Shlt! "Teka, alam ko 'to kahapon. Tama, nuclear ang sagot dito," naniningkit kong usal habang nakatitig sa test paper. "Hay, easy lang pala," wala sa sarili kong sabi. Natigilan ako sa pag-uunat ng katawan nang mapansin ko ang matatalim na pagtitinginan nila sa akin. May mali ba kong nasabi? Masaya akong umuwi kahit wala pa kong trabaho na nakikita. Kinabahan pa kasi ko sa exam na 'yon, eh, sobrang dali lang pala. Kung hindi ko lang alam na palakasan din doon ay hindi na mawawala ang ngiti sa labi ko. Narinig ko kasi kanina na kapag may mga kakilala na sila sa loob, kahit ano pang baba nila sa exam ay sure na makukuha nila ang slot. In short, kahit mas mataas ang makuha ko ay wala akong laban sa kanila. Ayoko munang isipin 'yon dahil sa June three pa naman malalaman ang result ng exam. Kahit maliit na chance pinagdadasal ko kay Lord. "Sabihin mo nga pasa ka ba?" bungad na tanong sa akin ng mga ka-boardmate ko. Talagang pinalibutan agad nila ko nang makaapak pa lang ako sa harapan ng tinitirhan namin. "Sana makapasa ka! Para naman makasama ka namin sa school, 'no?! Masaya 'yon!" sigaw ni Leah, nananabik ang itsura. "Tapos kapag nakapasa ka isipin mo na lang ang magagandang trabaho na pwede mo nang pasukan kapag naka-graduate na tayo!" Bigla akong kinabahan dahil sa huling sinabi niya. Mas lalo ko tuloy inisip kung papasa ba talaga ako dahil gustong-gusto kong mabago ang takbo ng buhay ko. "Oh, 'di ba? Pagkatapos nating mag-aral. Baka maging officemate rin tayo," supportive na dugtong ni Leah. "Basta 'wag lang siyang mabubuntis. Alam mo naman sa school natin, ang daming hindi nakakatapos dahil nabubuntis agad," sabat ni Elsa habang umiiling. Kung si Leah, positive, itong si Elsa naman ay laging ganyan, nega sa lahat ng bagay. Paano akong mabubuntis? Eh, wala nga akong balak na mag-asawa tapos anak pa? Gusto ko na lang matawa sa sinasabi niya. "Ano naman? Basta gwapo ang mapili ni Eliza, okay na 'yon," banat naman ni Edwin. Si Edwin, ang nag-iisang bakla sa boarding house namin. Sabi niya, bukod sa akin, wala ng ibang kakabog sa ganda niya. Siya raw kasi ang pumapangalawa sa akin na pinakamagandang diyosa dito sa boarding house. "Hindi pa man pumapasa si Eliza. Kung ano-ano na ang sinasabi niyo, baka manghinayang 'yan!" sigaw ni Manang Nene, ang dakila naming tigapagbantay ng boarding house. "Itong si Manang Nene, napakanega rin! Anak niyo po ba 'tong si Elsa? 'Yung totoo?" biro ni Edwin na dahilan para matawa kaming lahat. "Support-support din kapag may time." "Hindi ko naman sinabing hindi siya papasa. Sabi ko lang, maraming nabubuntis sa school natin," reklamo ni Elsa. "Hindi naman din ako gaanong umaasa," sabi ko. "Hindi ako kinakabahan sa result ng test kasi para sa akin nasagutan ko lahat ng tama. Kaso kasi narinig kong dapat may backer sa loob. Eh, wala naman ako no'n. Kaya hindi ako gaanong umaasa," ulit ko sabay iling, kahit sa loob-loob ko ay totoong umaasa ko nang sobra. Sinabi ko 'yon para hindi makatanggap ng ganyang mga pagtingin nila pero hindi ako nakatakas. Tinitignan na naman nila ko na para bang awang-awa na sila sa akin. Mga sira talaga. June three, nakatulala ako ngayon sa malaking bulletin board. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang nakapasa ako! Kasama ko sa mga nakuhang scholars! Hindi ko alam kung saan ko itatago 'tong sobra-sobrang saya ko! Hindi ko napigilan ang sarili ko na maglulundag kahit pa sobrang daming taong nagtitinginan sa akin ngayon. "Pero teka pala, paano ang ibang gastusin ko?" napaisip kong tanong sa sarili. Nahinto ako sa pagtalon. "Hay, bahala na! Basta nakapasa ko!" parang baliw kong sigaw ulit. "Basta matutupad ko na ang mga pangarap ko!" Pagkauwi ko, "Paano mga school supplies mo? Malapit na 'yung pasukan," panira nilang tanong sa akin. "May ipon pa naman ako. Kaso lang mukhang buwan-buwan akong kukulangin sa pambayad ng renta." Kamot ko sa ulo sabay tingin kay Manang Nene. "Lumipat ka na lang sa maliit na kwarto para one k na lang ang babayaran mo buwan-buwan. Kaysa sa kwarto mo ngayon na two k ang binabayaran mo monthly. Para makatipid ka," suggest ni Manang Nene na nag-aayos ng mga paninda niyang ulam. "Eh, manang, marami po akong gamit. Alam niyo naman pong ito na ang bahay ko. Kaya halos lahat ng gamit ko nandiyan na dahil wala naman po akong inuuwiang iba. Paano po 'yon magkakasya sa maliit na kwarto?" problemado kong sagot sabay hawak sa nuo ko. Bumalik kaming lahat sa pag-iisip. Alangan namang itapon ko na 'yung iba. Pinaghirapan ko pa rin naman 'yon kahit hindi ko na ginagamit. "Arborin na lang namin ang iba para kumonti hahaha!" suggest ni Leah habang nagpapa-cute sa harapan ko. "Ngekngek mo, 'no!" sagot ko sa kanya sabay dila. "Alam mo namang pinaghihirapan ni Eliza lahat ng napupundar niya tapos hihingin mo lang? Ikaw talaga, Leah!" Pagtatanggol sa akin ni Edwin na tinango-tanguan ko bilang pagsang-ayon sa mga sinasabi niya. Ano nga kayang magandang gawin? Kanina nakatanggap ako ng text na natanggap ako sa part-time job na inapplyan ko para sa extra income. Pero 'yung kikitain ko do'n kasyang-kasya lang pambayad ng renta. Paano ang baon ko panggastos sa school? Ang hirap mabuhay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
87.6K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

That Night

read
1.1M
bc

Billionaire's Twins

read
266.7K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K
bc

Tamed to Be Yours

read
386.1K
bc

He's Cold Hearted

read
162.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook