Tititig titig pa siya sakin ano akala niya crush ko siya? Tss. Bwisit naman kasi! Bakit naman sa dinami dami ng block dito ko napunta?!
"Tignan mo siya girl, tomboy manamit ang PANGET!" Sabi ng nasa likod ko habang nag tatawanan. Kaya naman hindi ko napigilang tignan sila ng masama.
Ako ba yung sinasabihan nila?! Porket simple pangit na agad maganda naman 'to ah. Ginamit ko pa yung ipon ko para mabili 'to para new din damit ko ngayong pasukan tapos lalaitin nila?! Kala mo naman kay gaganda parang mga hipon ganda ng katawan tapon ulo!
Sabi nga ni Carl kagabi may rules sa school na 'to yung gawa gawa nilang rules para daw di ako delikado kinabisa ko pa mukhang susuwayin ko rin naman.
RULE #1
Beware of hot boys—it means na mahuhulog ka sa kamay nila at pag sasawaan na gamitin at pag katapos para kang basurang itatapon.
RULE #2
Beware of mean girls—wag lalapit sakanila kasi mamaliitin ka nila. Tulad ng nangyayari ngayon sakin.
RULE #3
Beware of JERICHO—Yun ang sabi nila eto raw ang pinakamatindi kasi daw maraming magagalit sakin at higit sa lahat marami kong makakaaway katulad daw ni Leah na binully sa buong school nung nilapitan niya yung Jericho pero di naman siya pinansin. Kung sino man siya di ko gets yung point nila at wala akong pake -_-"
"Bat ganyan itsura niyong dalawa?" Tanong ko sakanila.
"Ayan nabully nanaman yan kanina. Ikaw ba kamusta first day?" Tanong ni Carl sakin.
"Ayun nabubully lalo na yung mayabang na lalaki nakasama ko pa sa block. Siguradong bubullyhin ako nun pag katapos ng ginawa ko sa kaibigan nila" Salaysay ko sakanila.
"Ok lang yan buti nga maganda kahit papano first day mo eh. Kami? Eto amoy ulam!"
"Ako nga spaghetti eh!" reklamo ng dalawa.
"Tara ng umuwi!" sigaw naman ni Edwin habang papalapit samin.
"Ay ano ba 'yon teh?! Ang baho!" Diring sabi ni Edwin na ikinawalk out nung dalawa. Natawa tuloy kami ni Carl at napailing nalang.
"Kayo nalang muna papasok pa kong trabaho." Paalam ko sakanila.
"O'sige ingat ah!" Kaway nila sakin.
Hay ang sarap pala mag lakad pag hapon na ang lamig parang nakakapanibago. Hindi ako nag mamadali ngayon dahil 7 pm pa naman ang duty ko.
"Asar. Nakita ko nanaman siya." Minamalas talaga ako pag nakikita ko yung mukha niya eh.
Bakit naman kaya? Dinaig niya pa ang artista, di naman kagwapuhan. Ano ba yan ang laking harang sa daan. Tuloy asar kailangan ko pang umikot sa kabilang exit.
"Eto napo ako." Bati ko pag kapasok na pag kapasok ko.
"Kabago bago mo late ka?!" Matinis na sigaw sakin ng Manager.
"Late po?" Tanong ko pa ulit. Panong late? Maaga pa nga ako ng 1 hour.
"Di namin kailangan ng tamad sa restaurant na'to! You're fired!" Sigaw niya sakin teka bago palang ako di pa nga ako nakakapag suot ng uniform fired na agad?!
"Teka lang po bakit?" Di makapaniwalang hawak ko sa braso niya.
"Pero po kapapasok ko palang di po ako tamad." Dagdag ko pa.
"Ah! Basta! You're fired!"
WOW! HA! Ang swerte ko talaga sa trabaho lagi nalang 'You're fired! You're fired!' wala nakong narinig na ibang linya.
"Bakit ka nakaupo sa kalsada Miss? Delikado jan.." Sabi sakin ng Ale.
"Eh kasi po first day ko palang tangal na agad ako sa trabaho wala ng pag asang makakuha ko ng income para mabuhay ko sarili ko." Malungkot kong sabi habang nakatitig lang sa daan.
Pero mukhang naawa siya sakin. Kaya kinuha niya kong assistant niya sa isang Flower shop at sinama ako sa pwesto. Hindi ko alam kung bakit ang bilis niya kong napasama kahit di ko naman siya kilala. Siguro desidido nalang akong makahanap ng trabaho.
"Ang ganda naman po ng mga bulaklak niyo dito." Hangang hangang sabi ko habang inaamoy ang mga bulaklak. Naalala ko tuloy si Lola at yung maliit naming garden sa bahay nila.
"Mahilig ka ba sa bulaklak?" Tanong niya.
"Dati po nung bata pa ko."
"Eh bakit naman ngayon?"
"Kasi po ganito rin yung trabaho ng mama ko dati. Kaso iniwan po nila ako ni papa mag isa at nag kanya kanyang buhay. Kaya mula po nung namatay yung lolo't lola ko wala napo akong ginawa kundi mag trabaho—kaya po wala na kong time para mag alaga pa ng bulaklak o kahit sa anong bagay po." Saad ko na ikinahinto niya sa pag aayos ng bulaklak at napatingin sakin.
"Bata ka palang pala nag babanat kana ng buto." Ngiti niya sakin habang bumabalik ng tingin sa mga bulaklak. Ang ganda naman niya pag ngumingiti kala mo batang kaedad ko lang.
"Bakit?" Nag tataka niyang sabi sakin kaya naman nataranta ako at napaalis agad ng tingin sakanya.
"Wala po! Ah—eh ano...ang ganda niyo po kasi." Kinakabahan kong sagot.
"Oww..Salamat pero alam mo mas maganda ka sakin." Pabalik niyang sabi habang nakangiti. Ngayon lang ulit may nag sabi sakin na maganda ako.
"So ngayon magiging assistant kita ah? Mag kano ba gusto mong sweldo?" Balik niya sa usapan namin na ikinabalik ko ng tingin sakanya.
"Po? Ano po kasi...kayo po kung mag kano lang po." Nahihiya kong sagot. Alangan naman kasing sabihin ko agad na 3000 po! Katapang naman ng hiya ko non.
"Magkano ba kailangan mo sa araw araw?"
"Ano po...kasi...nag uupa po ako ng kwarto sa boarding house ng 2,000. Tapos kasi alam niyo po napasok ako sa isang scholarship program ngayon. Kaya po nakakapag aral napo ulit ako. Extra income lang po talaga ang kailangan ko para sa mga projects at baon araw araw." Nahihiya kong sabi pero tinawanan niya lang ako. Nasobrahan ba ko ng sabi?
"Hindi ka kumakain??" Biro niya pa habang tumatawa.
"Palabiro din po pala kayo." Ilang kong tawa pabalik sakanya.
"De joke lang! Ikaw naman! Ok naba sayo yung 10k per month?" Bigla niyang tapik sakin pero para kong natulala sa narinig kong sabi niya.
"Po? Nag bibiro po ba kayo ulit?" Gulat kong sabi habang pilit na ipinapasok sa utak ko yung sinabi niya.
"Hindi pero gusto ko dito ka nalang tumira sa flower shop ko. Para kahit wala na ko dito...I mean pag umuwi na ko may bantay dito. May kwarto naman sa taas saka di kana uupa." Tuloy tuloy niyang sabi. Napanganga tuloy ako dahil daig ko pa ang tumama sa lotto.
May bahay nako may 10k pako per month!
"So Eliza?? Ok ka ba don?" Tanong niya sakin habang winawagayway yung kamay niya sa mga mata ko napatulala ako don ah.
"Sobrang ok po! Kailan po ba ko mag sisimula??" Agad agad kong sagot habang di maalis ang ngiti sa aking labi.