Chapter 7

3497 Words
Aleric Zeus Marcet “Aleric.” “Aleric!” “ALERIC!!!” Napalingon ako sa aking kaharap ng marinig ang aking pangalan. Napatitig lang ako sa kaniya at tulala. “Kanina ka pa wala sa sarili mo!” usal ni Mommy. “Mag-almusal ka na riyan bago pumasok sa trabaho.” Tumango ako at hinarap ang aking pagkain. ‘Mula kagabi pa lutang ang aking isip tungkol sa nalaman ko.’ Hindi ako makapaniwala. ‘All this time, sila-sila lang ang nakaalam ng lahat. ‘At bakit kailangan pa niyang itago sa akin ang kaniyang pagkatao?! Kung alam ko lang! Kung alam ko lang!’ “Dad?” tawag ko. “Kailan mo pa nalaman ang totoong pagkatao ni Hera?” “A year ago!” sagot niya. “Kinausap ako ni Marvin na may ipapakilala siyang tao sa akin na malapit sa kaniyang puso. Gusto rin niyang tulungan si Hera na makapasok sa airline natin. Then, I met her.” “What’s the big deal, Hijo?” usisang tanong ni Mommy. “Kagabi ka pa ganiyan! Ang dami mong tanong tungkol kay Nik-Nik.” “She’s my ex!” diretsong sagot ko. “What?” hiyaw ni Erich and Erica. Si Erica ang unang nagmadaling magtanong. “Pero paano nangyari iyon?” tanong niya. “Nagkakilala kami sa abroad. Ako ang naging supervisor niya sa branch natin sa abroad. Naging trainee siya roon,” paliwanag ko. “Remember when I broke up with Aimee. Siya ang naging girlfriend ko. Then suddenly she broke up with me.” Hindi ko na napigilan ikwento ang nangyari sa amin dalawa. “She said hindi niya ako mahal.” “Oh my god!” saad ni Erich. “So, hindi mo rin siya mahal kaya binalikan mo si Ate Aimee?” “No!” pagtatama ko. “Bakit ko naman ipipilit ang sarili ko sa taong ayaw o walang pagmamahal sa akin?!” “E bakit binalikan mo si Aimee?” tanong ni Mommy. “All this year ang alam ko nag cool-off lang kayong dalawa! Bakit hindi ko nalaman ang tungkol sa inyong dalawa ni Nik-Nik?” “Mas gusto ko kasi siyang ipakilala sa inyo ng personal.” Lumingon si Mommy kay Daddy. “Jerald, alam mo ba ang lahat ng ito.” Huminga ng malalim si Daddy. “I know!” pagsang-ayon. Pinalo siya ni Mommy. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” tanong niya. “Kasi ayaw kong makialam sa relasyon ng anak mo! Matanda na siya at nasa tamang pag-iisip para gawin ang kaniyang gusto.” “Kahit pa!” tugon niya kay Daddy. “Kung alam ko lang na si Nik-Nik na ang mahal ng anak natin, e ‘di sana hindi na ako pumayag sa gusto ni Naomi na balikan niya si Aimee.” “Mom! Let’s not talk about it.” “Now I realize. Baka naman kasi nalaman ni Ate Nik-Nik na kayo ni Ate Aimee kaya iniwan ka niya at sinabing hindi ka niya mahal,” saad ni Erich. “Possible nga iyon,” sang-ayon ni Erica. “E alam naman natin ang sitwasyon ng buhay ni Ate Nik-Nik, ‘di ba? Mas pinili na lang niya siguro lumayo kaysa magkaroon ng problema. Siyempre, kapag nalaman ni Ate Aimee ang tungkol kay Kuya at Ate Nik-Nik, e ‘di nagkaroon ng war!” “Tumpak ka riyan!” sabat ni Daddy. “Baka naman kasi hindi niya lang talaga ako mahal,” sagot ko. ‘Kahit masakit isipin.’ Hinawakan ni Mommy ang aking kamay, “Sorry, anak. Kung alam ko lang, hindi ko na hahayaan pa na makalapit sa iyo si Aimee. Baka tama nga si Erica.” “Pero wala na tayong magagawa kasi si Kuya at Ate Aimee na,” saad ni Erich. “At ikaw Kuya, kung mahal mo talaga noon si Ate Nik-Nik, hindi mo na babalikan pa si Ate Aimee, kahit pa naki-usap si Tita Naomi. Kung talaga ngang mahal pa siya, hindi ba dapat pinigilan mo siya? Kinausap mo para naging malinaw ang lahat bago ka ‘man lang niya iwan. Siguro kung ganoon ang ginawa mo, baka nga hanggang ngayon kayo pa rin ni Ate Nik-Nik!” “Siguro nga may pagkakamali ako dahil hindi ko ‘man lang nilinaw ang lahat sa pagitan namin dalawa. Pero hindi ba’t mali rin siya na iwanan ako dahil lang sa kapatid niya?” “Kuya, hindi lang kapatid. Ex mo siya. And what do you expect na gawin niya? Makipag agawan?!” sagot ni Erika. “Oo!” tipid kong sagot. “Hindi ba’t ganoon naman kapag mahal mo ang isang tao? Dapat ipaglaban mo ang pagmamahal niyong dalawa.” Katwiran ko. “E kaya lang kasi, iba nga ang sitwasyon ni Nik-Nik, anak!” sabat ni Mommy. “Kung hindi niya kapatid si Aimee baka nga ipaglaban ka na niya.” “Hay naku!” saad ni Daddy. “Tama na iyan. Kahit pag-usapan pa natin iyan ay wala na tayong magagawa. Kung anuman ang nangyari sa relasyon nilang dalawa ay hindi natin iyon hawak. Tanging sila lang ang makakapagtama ng mga maling desisyon nila.” Tumingin siya sa akin. “Tigilan mo na si Nik-Nik! Alam kong gumagawa ka ng paraan para mapalapit sa kaniya. Iyan ang huwag na huwag mong gagawin. Alalahanin mo, kayo na ni Aimee. Sooner or later ay ikakasal na kayo, gaya ng mga napag-usapan niyo.” “What?” hiyaw na tanong ko. “Wala pa sa usapan namin ang pagpapakasal!” tangi ko. “Anak, naalala mo ba ng pumunta rito si Aimee? Nagpapahiwatig na siya sa amin. Hindi ba’t mahal mo naman siya kaya ka nakipag-balikan?” tanong ni Mommy. “Tama ang Daddy mo. Iwasan mo na si Nik-Nik dahil baka masaktan mo lang siya. Tahimik na rin naman ang mga buhay niyo.” “Hindi ko na siya mahal,” sagot ko. “Alam niyo iyan. Kung hindi lang talaga sa pagmamakaawa ni Tita Naomi at kung hindi lang nagtangkang magpakamatay si Aimee ay hindi ko naman siya babalikan. Si Hera talaga ang mahal ko magpahanggang ngayon.” “It’s too late!” ngiting pang-iinis sa akin ni Daddy. “Tanggapin mo na lang ang lahat. Wala ka ng chance sa kaniya,” aniya. “Huwag mo na siyang guluhin dahil magugulo lang ang buhay at pamilya niya.” Napasapo ako sa aking ulo at hindi nakasagot sa sinabi ni Daddy. “Oo nga, Kuya Aleric. Kahit wala na kayo ni Ate Nik-Nik ay itinuturing pa rin naming siyang kapatid. Mas okay nga iyon, ‘di ba?” sang-ayon ni Erika. Umiling-iling ako. “Hindi ko alam kung binibigyan niyo ba ako ng pag-asa o hindi. Kung anu-ano pa ang mga sinasabi niyo. Sa huli hahayaan niyo na lang ako manatili sa taong hindi ko naman mahal.” “Malaki ka na anak,” sagot ni Mommy. “Problema mo iyan. Basta kami hindi kami makikialam dahil ayaw ko rin naman magalit sa akin si Nik-Nik. Baka sabihin kinukunsinti pa kita.” “Tama ka, Eunice!” sang-ayon ni Daddy. “Matanda na ang panganay natin kaya’t alam na niya ang kaniyang gagawin.” Ngumiti sa akin si Daddy at kinindatan ako, “Hindi ba?” Hanggang sa opisina ay nararamdaman ko pa rin ang pagka-inis dahil sa mga narinig ko mula sa aking pamilya. ‘Ibig sabihin ba noon ay hahayaan na lang nila akong magpakasal sa babaeng hindi ko naman gusto? In the first place, sila rin naman ang dahilan kung bakit nandito ako sa sitwasyon ko ngayon.’ Napalingon ako sa aking katabi na kanina pa salita ng salita. “Ano?” irita kong tanong. “Sabi ko, ito po ang mga dapat niyong mga gawin ngayon. Nariyan na rin pala ang mga papeles na galing sa ibang department na kailangan ng sign niyo,” saad ni Derek. “Bakit kanina ka pa parang inis na inis? Bakit ang init ng ulo mo?’ masayang tanong niya. ‘Parang nakakaloko pa ang inaasal.’ “E kasi ang saya mo kaya naiinis ako!” “President naman, oh! Masaya lang ako kasi okay na kami ni Rachel,” pagbabalita niya. “What?” tanong ko. “Get out!” bulyaw ko sa kaniya. “Grabe! Ang bitter mo naman, President. Hindi ka ba masaya para sa akin? Sa amin?” tanong niya na parang hindi nakakaramdam. “Hindi! Kasi ayaw kitang maging masaya habang ako nababaliw na sa kakaisip dahil d’yan sa pagmamahal na iyan.” “A-ano bang problema mo?” usisa niya. “Si Hera?” Sinamaan ko siya ng tingin. Nanggagalaiti na ako sa kaniya. “Umalis ka na bago pa ikaw ang mapag-balingan ko ng galit!” banta ko. Napakamot siya sa ulo at walang nagawa kun’di sundin ang sinasabi ko. Hindi ako nakapag concentrate sa aking ginagawa. Hanggang ngayon iniisip ko kung ano nga ba ang dapat kong gawin para lang maitama ang pagkakamali ko noon na hindi ko naman kasi alam ang nangyayari. Kung alam ko lang, e ‘di hindi ako papayag na iwanan niya ako. At ang laki ko pang tanga para balikan si Aime ng dahil sa awa. At pinatagal ko pa ng isang taon. “Derek!” tawag ko sa kabilang linya. “Pumasok ba si Hera ngayon?” tanong ko. Umiling-iling siya, “Wala! Naka off siya ng three days. Baka sa makalawa pa ang balik niya. Bakit?” “Tanungin mo si Rachel kung nasaan si Hera ngayon. Gusto ko siyang maka-usap.” “Ayoko nga! Gusto mo bang madamay pa ako sa kamalasan mo sa pag-ibig? Kaka-ayos lang namin ni Rachel no.” “What the f*ck, Derek! I’m asking you to do this as President of this company. Isa pang reklamo o sagot mo ay ora mismo babalik ka sa pinanggalingan mo!” “President naman, e! Para naman hindi tayo magkaibigan sa pinapagawa mo. Alam mo na nga na umiiwas at ayaw kang kausapin pinipilit mo pa. Tahimik na e, bakit guguluhin mo pa kasi.” “Inuubos mo ba talaga ang pasensiya ko, ha?!” Pinalo ko ng malakas ang lamesa. “O-oo na. Ito na!” nagmamadali niyang sagot at nawala sa aking paningin. Ilang oras kong hinintay ang balita kay Derek pero natapos na ang working hour ay wala pa rin akong nakukuhang sagot. ‘Sinasagad mo talaga ang pasensiya ko,’ sabi ko sa aking isip. “Wala ka na ba talagang takot sa akin o masyado pa akong mabait sa iyo?” tanong ko sa kaniya. Galit ko siyang sinalubong. “Relax!” usal niya. “Kakabalik lang kasi ni Rachel sa flight department kaya’t ngayon lang namin nakausap si Hera,” paliwanag niya. “Pauwi na raw si Hera sa condo galing sa bahay ng Mama niya.” “And?” “Mag-isa lang siya ngayon doon dahil naka duty pa ang iba nilang kasama sa unit. Ito na iyong chance mo para makausap siya!” maloko niyang sagot. “Ibibigay ni Rachel ang susi para makapasok ka. “Do you think ito na ang magandang idea na naiisip mo? Alam mo naman galit na galit sa mga taong mga nang haharass ang babaeng iyon. Imbes na makapag-usap ay baka bugbugin na lang ako ‘nun kapag nakitang naroon ako,” dahilan ko. “President, ang laki-laki mong tao pero parang ang engot-engot mo. Kung gugustuhin mo naman kasing kausapin talaga siya ay maraming paraan. Ayaw mo lang din kasing kumilos.” “Nasaan ang susi?” tanong ko. “Papayag ka rin pala, e! Ang dami mo pang sinasabi.” Habang pababa sa parking lot ay tinawagan na ni Derek si Rachel. Pagdating sa parking ay naroon na nga siya. “Ito ang susi just in case na hindi mo mapagana ang passcode na binigay ko,” sabi niya. “Huwag na huwag mong sasabihin kay Hera kung kanino nanggaling iyan dahil malilintikan talaga ako sa kaniya,” paalala pa niya. “Thanks,” sagot ko. “Don’t worry mag-uusap lang kami. After namin makapag-usap aalis din naman ako kaagad. “Basta labas kami riyan,” sagot ni Derek. Tinalikuran ako ng dalawa at iniwan na nakatayo sa tapat ng aking sasakyan. Hera Nyx Taevas Bago umalis ay niyakap at hinalikan ko si Mama. ‘Hindi naman pala masama ang maglambig kung minsan sa magulang lalo na sa kaniya.’ Lahat pwede kang talikuran pero siya lang ang mananatili sa aking tabi kahit ano pa ang mangyari sa akin. “Mag-ingat ka pag-uwi,” paalala niya. “Opo, Mama!” tugon ko. I smiled and bid my farewell. Hangga’t hindi ako nakaka-alis ay hindi siya pumasok sa loob ng bahay. Habang umaandar ang aking kotse ay tumingin ako sa side mirror. Tinitingnan ko si Mama na hanggang ngayon ay nakangiti. ‘Para akong naiiyak na hindi mawari.’ Pero napaluha na ako. ‘Sobra na ang sakripisyo ni Mama para sa aming dalawa. She never shares her sorrow, sadness and problem. She only shows her unconditional love and happiness.’ Ngayon ko narealize sa aking sarili na nawalan na ako ng panahon kay Mama. Dahil laging busy sa trabaho ay hindi ko na siya napagtuunan ng atensyon. Kaya kanina ng magkasama kami ay tuwang-tuwa siya. ‘Sobrang lambing niya kanina.’ Nasa byahe pa ako ng makatanggap ng tawag kay Rachel. “Uhm?” ungol ko. “‘San ka?” tanong niya. “Pauwi na. Galing ako ng bahay,” sagot ko. “I see! Male-late ako ng uwi. Mag di-dinner pa kasi kami ni Derek,” sambit niya. “Naka duty pa sina Carol, Steph at Joan. Okay ka lang ba kung mag-isa sa unit?” “Okay lang,” tipid kong sagot. “Sige na! Nag da-drive ako. Bye,” paalam ko. Nang makapag park sa parking lot ng condo ay tinawagan ko si Mama. Gusto kong maging panatag ang kaniyang kalooban. “I’m home!” sambit ko sa kabilang linya. “Thank you sa treat mo sa amin, anak! Sana dalas-dalasan naman natin ang paglabas kapag free ka sa trabaho,” tugon niya sa kabilang linya. “Opo!” sagot ko. “Good night, Ma!” Maligaya akong ibinaba ang tawag. ‘Ang sarap sa pakiramdam na maramdaman mong masaya o napasaya mo ang iyong magulang.’ Pagbukas ko ng unit ay nagtataka ako dahil bukas lahat ng ilaw. Gaya ng sabi ni Rachel kanina ay wala pa sila rito sa condo. ‘Pero bakit bukas ang mga ilaw?’ Bigla akong nakaramdam ng kaba. Habang sinasara ang pinto ay pinapakiramdaman ko ang paligid. ‘Tahimik naman?!’ “You’re home!” “Ahh!” sigaw ko sa sobrang gulat. Nang tingnan ang pinanggagalingan ng boses ay bumungad sa akin ang pigura ni Aleric. “What are you doing here?” galit kong tanong. “Paano ka nakapasok dito?” Napatigil ako ng maisip. “Si Rachel?” dugtong kong tanong. “Get out!” bulyaw ko. Hindi ko na siya hinintay na magsalita o magpaliwanag pa. “Umalis ka a bago pa ako tumawag ng security para i-report ka na trespassing!” “Trespassing? E pagmamay-ari namin ito,” kalmado kong sagot. “Pwede ba tigilan mo na ang pag hi-hysterical mo? Kaya lang naman ako narito ay para kausapin ka. At labas si Rachel sa ginawa ko dahil ako mismo ang humingi ng duplicate key sa office!” paliwanag niya. “Fine! Kung hindi ka aalis, ako ang aalis!” sagot ko at tinalikuran na siya. Pabukas na ako ng doorknob ng pintuan ng biglang humarang si Aleric sa pintuan. “Please! I just want to talk, okay? Kahit ilang minuto lang. Pagkatapos kitang maka-usap aalis na ako.” Napapikit ako at napayakap sa aking dib-dib. “Ano?” talunan kong tanong. “Totoo bang anak ka ni Tito Marvin sa labas?” Nagulat ako sa kaniyang tanong pero wala ng dahilan para itago pa iyon. “Yes!” tipid kong sagot. “It means kapatid mo si Aimee?” tanong niyang muli. “Oo!” sagot ko. “Bakit ba gusto mo pang alamin, e alam mo na pala?” “Dahil gusto ko mismo manggaling sa iyo ang dahilan kung bakit iniwan mo ako! Dahil ba kay Aimee? Ha?” tanong niya habang nakatitig sa akin. “Tell me, Hera!” “Hindi,” pag-iiwas ko ng sagot. “Sinabi ko na sa iyo noon ang dahilan. Bakit ba tinatanong mo pa ang lahat ng ito?” tanong ko. “Kasi hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal ko!” “Mahal? Hindi mo ako mahal dahil pagkatapos kitang iwanan binalikan mo si Aimee!” galit kong sagot. “Ano ba ang pagmamahal sa iyo? Iyong ganoon kadaling palitan?” “Sino ka para kuwestiyunin ang pagmamahal ko? E ikaw? Ano bang pagmamahal ang alam mo?” tanong ko. “Alam kong mahal mo ako!” Natahimik ako at hindi na nakapagsalita. Umupo ako sa sofa at tinakpan ang aking mukha. “Why, Hera?” tanong niya. “Don’t lie to me! Alam ko. Nararamdaman ko. Mahal mo rin ako!” Huminga ako ng malalim. Tinapunan ko siya ng tingin. “Kasi hindi pwede. Kasi mali. Kasi mahal na mahal kita kaya hindi ko kayang masaktan ka. Masaktan kayong lahat dahil sa maling desisyon na pipiliin ko. Kaya nga mas pinili ko na lang na ako ang masaktan!” sagot ko. “Aleric, nakapa komplikado ng sitwasyon ko at ayaw kong madamay ka pa sa gulo ng buhay ko. At alam kong nalilito ka lang sa nararamdaman mo dahil nakita mo ulit ako. Alam kong si Aimee ang mahal mo at hindi ako.” Tumayo ako at dumiretso sa kwarto. Sinigurado ko na naka lock iyon. Umupo ako sa kama. Ilang beses kong narinig ang kaniyang katok pero hindi ako lumabas at umimik. “Bigyan mo ko ng panahon at itatama ko lahat ng maling desisyon ko! Hera, nagsisisi ako na binalikan si Aimee. Ikaw ang mahal ko! Sana kapag naayos ko na ang relasyon namin dalawa ay bigyan mo naman ako ng pagkakataon. Kahit anong mangyari, ikaw ang pipiliin ko. Hindi ko na gagawin ang pagkakamali na nagawa ko noon.” Tumulo ang mga luha sa aking mga mata dahil sa sakit na aking nararamdaman. . ‘Ito iyong panahon na iniisip ko na posibleng mangyari at hindi ko siya magawang iwan.’ Pero ano na naman ang mangyayari sa buhay namin ni Mama? ‘Paano kung pinili ko ang kaligayahan ko noon? Magiging masaya ba kaming dalawa? O baka naman umasa lang ako kagaya ng nangyari sa aming pamilya na akala ko ay perpekto na pero hindi pala?’ Napasabunot ako sa aking buhok. ‘Alang-alang kay Mama, hindi ko na iisipin pa ang aking sarili. Ayoko ng kutyain ng pamilya ni Daddy si Mama dahil lang sa akin.’ Kahit anong gawin ni Rachel na pagpapapansin sa akin ay hindi ko siya kinikibo. Pinapakita ko sa kaniya na galit talaga ako. “Sorry na, Hera! Gusto ko lang din naman kasi na magkaayos kayo ni Aleric kaya ginawa ko iyon. Alam ko naman kasing nagmamahalan kayong dalawa. At isa pa ayoko naman ako na lang ang maging masaya tapos ikaw malungkot at nag-iisa.” Tumingin ako sa kaniya. “Magiging masaya ba ako kung pipiliin ko na masaktan si Aimee? Magiging masaya ba ako kung alam kong mapapahamak si Mama kapag pinagpatuloy ko ang relasyon kay Aleric? Rachel, bukod tanging ikaw lang ang inaasahan ko na makaka-intindi sa akin. Please huwag na nating ipilit. Ayoko ng ulitin ang ginawa ni Mama sa pamilya ni Daddy,” sabi ko. “Kung anuman ang nararamdaman ko ay lilipas din ito. Ayokong ipaglaban ang isang bagay na alam kong sa huli ako ang matatalo.” “Bakit kasi pinapangunahan mo ang mga bagay-bagay? Iba ka sa Mama mo. Ang Daddy mo noon, may pamilya. Si Aleric ay walang asawa. Masyado mo ng pinapahirapan ang sarili mo. Bakit hindi mo kasi subukan, malay mo naman iba ang mangyari sa future niyong dalawa. ‘Di ba?” “Hindi na baleng ako ang mahirapan kasya si Mama. Sobra-sobra na ang dinanas niya noon na pangungutya kay Tita Naomi at sa pamilya nito. Ayoko ng dagdagan pa iyon. Baka hindi na kayanin ni Mama ang sakit na nararamdaman niya.” Bumuntong hininga siya at nilapitan ako. Hinimas niya ang aking magkabilang balikat. “Sorry! Akala ko kasi tama. Pangako hindi na ako makikialam sa relasyon niyo ni Aleric.” Hinagkan niya ako at ipinatong ang baba sa aking balikang. “Sorry!” ulit niya. Hinimas ko ang kaniyang kamay na nakapulupot sa aking leeg. “Ayos lang iyon. Alam ko naman hindi mo gagawin iyon kung hindi dahil sa paki-usap ni Aleric. Pero sana lang intindihin mo ako. Alam mo na kahit ano kayang gawing ng pamilya ni Daddy at ayokong si Mama ang mapahamak dahil sa kagagawan ko.” Umangat ang aking tingin, “Lahat sila pwedeng mawala. Kahit si Aleric pa, ‘wag lang si Mama.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD