Chapter 6

3149 Words
Hera Nyx Taevas Nang magising ako ay tirik na tirik na ang araw sa labas ng bintana. ‘Napasarap ang tulog ko dahil sa ininom kong alak.’ Pagbangon ko ay hinanap ko ang aking mga kasamahan, pero wala na sila. ‘Nakauwi kaya si Rachel?’ tanong sa aking sarili. Pag-uwi ko kagabi ay natulog na ako kaagad pagkatapos kong mag-shower kaya’t hindi ko namalayan kung nakauwi ba siya o hindi. Dahil mag-isa ay ginanahan akong gumawa ng mga gawain bahay katulad ng paglalaba ng aking mga damit, pagwawalis at paglalampaso sa buong sala at kwarto. Huminto lang ako sa aking ginagawa ng maramdaman ang kumakalam kong sikmura. Naghalungkat ako ng makakain sa ref. “Pwede na ‘to!” saad ko ng kunin ang itlog sa ref. ‘Nilaga ko na lang iyon.’ Nang mailaga ay nilagyan ko na lang iyon ng kamatis at kaunting patis. “Nakaka-miss kumain sa bahay,” usal ko. ‘Iba pa rin kasi iyong may nag-aalaga sa iyo, kasya inaalagaan ang sarili mo.’ Habang kumakain ay nakatanggap naman ako ng chat mula kay Rachel. ‘Picture nilang dalawa ni Derek habang kumakain sa coffee shop malapit sa airport.’ Mag re-reply sana ako pero wala akong ma-comment na maganda kun’di pagka bitter. ‘Ayoko naman masira ang masayang araw nilang dalawa.’ Hindi na lang ako nag-reply at seen zone na lang ang ginawa ko sa chat niya. Maya-maya pa ay tawag mula sa isang tao naman ang nakapukaw sa aking atensyon. “Good morning po!” bati ko. “Nag-prepare na kami for our lunch,” paalala niya. “Anong oras ka ba pupunta? Kanina ka pa hinihintay ng asawa ko. Alam mo naman, pagdating sa iyo, parang sinisilaban ang puwet kakahintay sa iyo.” Hindi ko napigilang maging masaya ng marinig iyon. “I’ll be there po,” tugon ko. “Don’t worry, hindi ko po kayo i-indyanin!” natatawa kong tugon. Narinig ko ang humahagikgik niyang tawa. “Okay! See you later, Hija.” Pagkatapos namin mag-usap ay nag-asikaso na ako ng aking sarili. Nang makaligo at makapag-ayos ay umalis na ako ng unit. Bago pumunta sa aking pupuntahan ay huminto muna ako sa flower shop na madalas kong binibilhan ng bulaklak. Nag park ako sandali sa tapat ng shop upang makababa at makabili ng paboritong bulaklak ni Tita. “Good morning, Ma’am! Welcome to Blossom Flower shop,” bati ng tindera sa akin. Nginitian ko siya. “Good morning,” tipid kong bati. “Pa-order ng isang bouquet ng Daisy.” “Anything else po?” tanong niya. Nag-iisip ako ng maalala ko naman si Tito. “May bulaklak ba kayo na pwedeng ibigay para sa lalaki?” curious kong tanong. ‘Usually kasi ay babae lang ang madalas na binibigyan ng bulaklak, hindi ba?!’ Naglakad ang babae papunta sa mga bulaklak. Nang huminto ay sinabi niya, “Pwede po itong Birds of Paradise. Karamihan po kasi ng umo-order sa amin ay iyan ang ibinibigay sa mga lalaking gusto nilang bigyan ng bulaklak.” Meron pa siyang tininuro na isa, “O kaya ay ito pong Gerberas. Mabili rin po ito sa amin.” “Maganda ba ang combination kapag pinagsama ang dalawa?” tanong ko. “Yes, Ma’am. Maganda rin po ang combination nilang dalawa. Gusto niyo po bang ipakita ko sa inyo ang arrangement para may idea kayo?” “Sure!” sabi ko. Pinanood ko nga siyang mag flower arrangement. At hindi ko inaasahan na maganda ang kalalabasan. “Kukunin ko na iyan,” pahabol kong sambit. Pasado alas onse na ng maka-alis ako sa flower shop. Mabuti na lang at malapit na lang ang bahay dito nila Tito at Tita. ‘Bago mag alas-dose ay naroon na ako.’ Maingat kong inilagay sa katabing seat ang mga bulaklak. ‘Siguradong matutuwa sila sa pasalubong ko.’ Pinarada ko ang sasakyan sa harapan ng gate ng bahay. Kung paano ko kanina iningatan ang bulaklak ay siya rin pag-iingat ko ng dalhin iyon. Nag doorbell ako sa gate at hindi na ako naghintay ng matagal dahil lumabas na ang isang kasambahay. “Good afternoon, Ate Olive!” bati ko sa kasambahay. ‘Si Ate Olive ang una kong nakilala ng dalhin ako ni Daddy dito sa bahay ng kaniyang kaibigan.’ Hindi naman ako nahirapan na makitungo sa kanila dahil mababait at mabubuti ang kanilang kalooban. “Good morning sa iyo, Nik-Nik. Ang tagal mo ng hindi bumisita rito sa bahay. Masyado ka atang abala sa pagtatrabaho,” tugon sa akin. “Halika na sa loob at hinihintay ka na ng mag-asawa.” Pagbukas niya ng gate ay bahagya siyang tumagilid upang bigyan ako ng daan. Nilingon ko pa siya upang hintayin. “Matutuwa si Ma’am kapag nakita ka. Lalo pa at dala mo ang paborito niyang bulaklak!” pahabol na sabi pa niya. Nagsimula na rin kaming maglakad. Nagkaroon kami ng pagkakataon na magkamustahan habang naglalakad patungo sa bahay. Simpleng kamustahan lang iyon. Binalita rin niya sa akin na nakabalik na ang anak ni Tito. “Sayang Nik-Nik wala siya rito ngayon!” Halata sa kaniyang boses ang panghihinayang. Upang hindi ipahalata sa kaniya ang pagka-ilang ay tipid na lang akong sumasagot sa kaniyang mga sinasabi. “Kaya lang may girlfriend na, e! Sayang, mas bet ko pa naman kayong dalawa. Bagay na bagay nga kayo,” puri pa niya. “Ikaw talaga, Ate Olive! May girlfriend na pala bakit, irereto mo pa sa akin,” sagot ko. Nagkibit balikat siya, “Wala lang! Hindi ko naman kasi type iyong girlfriend na iyon ni Sir Aleric. Matapobre kasi! Ang sungit-sungit pa. Ewan ko ba naman kung bakit binalikan pa ni Sir ‘yun.” Nang marinig ang kaniyang sinabi ay tumahimik na lang ako. Mabuti na lang talaga at nang makita ako ni Tita ay agad niya akong nilapitan kaya’t natahimik si Ate Olive sa pagkukwento. “Nik-Nik!” tawag niya sa akin. Hinagkan niya ako kaagad kaya ang dalawang bulaklak na dala ko ay medyo nayupi. “Na-miss kita! Ang tagal-tagal mo naman ulit bago bumisita.” Tumingin siya kay Tito Jerald. “Ikaw kasi! Tinatambakan mo naman kasi ng trabaho ang batang ito.” Napahagikgik sa tawa si Tito Jerald. “Tita Eunice, this is for you!” Inabot ko ang bulaklak sa kaniya. “Suhol ko po para hindi na kayo magtampo sa akin at magalit kay Tito Jerald,” natatawa kong sabi. “Pinagtakpan mo pa ang matandang iyan!” masungit na tugon niya sa akin habang nakatingin sa asawa. Nang harapin ako ay naging maamo na ang kaniyang mukha. Kinuha niya ang bulaklak. “Salamat! Kahit kailan ay hindi ka talaga nakakalimot na dalhan ako nito.” Ilang segundo pa at tumingin siya sa isa pang bulaklak na hawak ko. “Para kanino naman iyan?” “Para po kay Tito,” ngiti kong sambit. Lumapit ako kay Tito at inabot ang bulaklak. “Masaya po ako na makitang masigla ang pangangatawan niyo. Hiyang na hiyang po pala kayo dito sa bahay kasama si Tita Eunice.” “Siguradong maiingit na naman ang asawa ko, dahil pati ako ay may bulaklak. Napakabait mo talaga at inalala mo pa ako,” sagot niya ng kunin ang bulaklak. “Kahit na sino naman ay magiging masigla kung ikaw ang makikita,” tukso pa niya. Ilang sandali pa at tinawag ni Tita Eunice si Ate Olive upang kunin ang mga bulaklak at ilagay sa mga flower base. “Halika na at kumain na tayo,” saad ni Tita at kinalawit ang kaniyang kamay sa aking braso. “Hayaan mo na ang matandang iyan diyan.” Nilungon ko na lang si Tito at nakitang malaki ang ngiti sa kaniyang labi. Sinundan niya kami hanggang sa dining area kung saan ako dinala ni Tita. Samu’t-saring pagkain ang mga naroon. ‘Halos lahat ay specialty ni Tita Eunice sa pagluluto.’ Mayroon Kare-kare with bagoong, Veggie Salad, at kung anu-ano pang masasarap na putahe. “Mukhang magmumukbang tayo, ha?” tanong ko kay Tita. “Aba’t simulan na natin ang pagkain bago tayo maunahan ni Tito,” maloko kong sambi. Sumagot naman siya sa akin. “Kumain lang kayo ng kumain! Lalo ka na dahil para sa iyo naman talaga ang mga pagkain na iyan.” “Opo!” magalang kong sagot. “Kamusta po pala si Erika at Erich?” tanong ko. ‘Kasundo ko kasi ang dalawang kambal kaya’t hindi naman ako naiilang na tanungin ang kanilang kalagayan.’ “Busy sila,” sabat na tugon ni Tita. “Tuwing weekend na lang free ang mga iyon. Simula kasi ng mag retire ang asawa ko ay mga anak na niya ang mga nagtrabaho sa kumpanya. Kaya halos dinner ko na lang nakakasama ang mga batang iyan,” pagsisintimyento niya. “Gan’on siguro kapag lumalaki na ang mga anak. Unti-unti nawawalan ng oras sa magulang kasi may kaniya-kaniya ng buhay.” "Naalala ko si Mama ng sabihin iyon ni Tita Eunice. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Mama dahil madalang na kaming magkita dalawa?’ “Nariyan naman po si Tito para samahan kayo,” saad ko. “Tama si Nik-Nik, Eunice. Para lang naman tayong bumalik sa unang relasyon natin noon, hindi ba? Nang magsimula tayo ay dalawa lang naman tayo magkasama. Kaya sa huli tayo pa rin dalawa. Kaya nga ako nag retire ng maaga para mabigyan kita ng panahon. Hindi na tayo bumabata kaya’t gusto ko sulitin ang mga panahon na magkasama tayo. Pambawi ko rin sa mga pagkukulang ko noong nawalan ako ng panahon dahil kailangan ko magtrabaho.” “Hay naku, Jerald. Tigilan mo na nga iyan. Nakakahiya kay Nik-Nik!” Halata sa mukha ni Tita ang pagkakilig dahil sa sinabi ni Tito. ‘Sayang hindi ako nagkaroon ng magulang na katulad ng relasyon nilang dalawa.’ “Kumain na tayo,” yaya ni Tito. Napuno ng makabuluhang oras ang aming kainan. Masyado ata napatagal ang pagpunta ko kaya ngayon ay ang dami-daming kwento ni Tita Eunice na inipon niya. Si Tito naman ay nakikisabay na lang sa aming mga pinag-uusapan. Kapag may pagkakataon ay iniinis niyapa niya. Nang matapos kaming kumain ay hindi na nagtagal si Tita Eunice dahil may kaibigan siyang balik bayan na nagyayayang mag shopping. Ayaw ‘man niya na iwan ako ay nagdahilan ako na hindi na rin magtatagal dahil may pupuntahan pa. “Dalas-dalasan mo ang pagbisita rito sa bahay, ha?!” sabi niya. “Iwanan ko na kayo ng Tito mo rito,” paalam niya. Bago umalis ay hinalikan at niyakap niya muna ako. “Bye, Nik-Nik. Next time sa labas na lang kita yayayain.” “Sure, Tita! Take care and enjoy.” Naiwan kami sa sala ni Tito Jerald. Niyaya niya akong uminom ng tsaa pampababa ng aming kinain kanina. Naging normal ang pag-uusap namin tungkol sa mga iba’t-ibang mga bagay. “Kamusta ang Daddy mo?” “Okay naman, Tito. Last week galing po siya sa bahay. Sama-sama kaming nag dinner.” “Kaya pala nag co-complain na naman ang Daddy mo sa akin na inaway na naman siya ni Naomi.” “G-ganoon po ba?” tanong ko. Napabuntong hininga ako. “Sinabihan ko na nga po si Mama na iwas-iwasan na niya si Daddy para wala ng gulo. Katulad niyan, nalagay na naman sa alanganin si Daddy.” “Matatanda na sila. Hindi mo na kailangan intindihin ang mga nangyayari ngayon. They can handle it on their own,” payo ni Tito. “Alam ko po. Umiiwas lang ako sa gulo at kahihiyan kasi si Mama na naman po ang kawawa. Kahit pa alam kong iyon ang consequences ng ginawa niyang kamalian.” “Kahit kailan ay hindi ka naging kamalian sa buhay nila. Sadyang iyon lang talaga ang nakatadhana na mangyari. Napaka swerte nga ni Marvin sa iyo. Palagi ka niyang pinagmamalaki sa akin. Napakabuti pa ng puso mo.” Akala ko ay iyon lang ang mapag-uusapan namin. Pero mas naging seryoso lang ang pag-uusap namin ng banggitin niya si Aleric. “Ano ang tingin mo sa anak ko?” tanong niya. “Po?” sagot ko. “Sa pagpapalakad ng kumapanya. Maayos ba ang pamumuno niya bilang bago niyong presidente?” usisa niyang tanong. “A-ayos naman po. Halos wala naman pagkakaiba noon sa inyo. Medyo kailangan lang ng kaunting adjustment,” paliwanag ko. “I see! E kayong dalawa kamusta?” biglang niyang tanong. Natameme ako ng tanungin niya iyon sa akin. “What do you mean po, Tito?” tanong ko. ‘Baka kasi mali lang ako ng pagkakaintindi niya sa ibig niyang malaman.’ “Denial?” sagot niyang tanong at ngumiti. “Alam ko ang namagitan sa inyo ni Aleric year ago. I thought kayong dalawa na ang magtatagal, but I wonder why kung bakit bigla ka na lang umalis? Kung bakit bigla kang bumalik dito sa Pilipinas at iniwan mo siya?” “Paano niyo po nalaman?” balik kong tanong. “I have eyes and ears everywhere. But don’t worry, I’m not mad at you. Hindi naman ako one-sided na tayo. Back then, iba lang ang kaligayahan ni Aleric noong kayo pa.” “Tito…It doesn't matter anymore,” mapakla kong tugon. “Ang mahalaga hindi nasira ang relasyon nilang dalawa. Ayokong ako ang maging dahilan para may masaktan. Because I know how it feels.” “I fully understand now!” sagot niya. “It’s about your sister Aimee, right?” dugtong niyang sabi. “Bago ka ipinakilala sa akin ni Marvin ay nagkaroon na ako ng pagkakataon na makilala ka ng sabihin sa akin ni Aleric ang tungkol sa inyong dalawa. I was amazed and happy sa tuwing binabanggit ka niya kasi, he’s full of energy, happiness and loved. Ramdam na ramdam ko iyon, which is hindi ko naramdaman ng sila pa ni Aimee before,” kwento niya. “Ako po ang dahilan kaya nagkahiwalay sila noon. And maybe, I was the reason why kung bakit biglang nanlamig si Aleric kay Aimee.” “No!” hindi niya pagsang-ayon. “I'll tell you this. Bago kayo nagkaroon ng relasyon ni Aleric ay ilang buwan na silang hiwalay ni Aimee. You know why? Hindi nila kayang i-handle ang long distance relationship. Aimee is selfish. Palagi silang nag-aaway. At alam kong wala na rin talaga pagmamahal si Aleric kay Aimee. Nakiusap lang talaga si Naomi kay Aleric para balikan si Aimee. Kaya nga nag-stay na rin ang kapatid mo sa abroad kasama si Aleric para mahawakan niya ng mahigpit ang anak ko.” “Pero maayos na po sila ngayon. Masaya na ulit silang dalawa,” sagot ko. “Worth-it naman po ang pagpapaubaya na ginawa ko, hindi ba? Naiwasan ko po ang malaking problema at walang mga taong nasaktan.” “You’re wrong! Kayong dalawa ni Aleric ang higit na nasaktan dahil sa nangyari. Although alam kong lahat ng ito ay ayokong makialam sa personal niyong mga relasyon,” seryoso niyang tugon. “Kaya alam mo, noong pinakilala ka sa akin ni Marvin, natuwa ako dahil nagkaroon ako ng chance na makilala ka ng personal. Kaya mas napalapit ako sa iyo dahil nakita ko na totoo pala lahat ng ikinuwento ng anak ko sa akin.” “Tito, ano po bang dahilan kung bakit bigla niyo na lang in-open sa akin ito?” “Kasi gusto kong marealize mo na hindi ka katulad ng Mama mo. Magkaiba kayo ng sitwasyon. Kung iniwan mo si Aleric dahil kay Aimee, I think, it’s the worst decision you’d ever made. Kasi hindi mo pinaglaban at pinanindigan ang pagmamahal mo sa anak ko kahit alam mo sa sarili mo na mahal na mahal mo siya.” Nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata. ‘Iyong sakit na naramdaman ko ng iwanan ko si Aleric ay nanumbalik sa aking puso.’ “I’m sorry, Tito!” iyon lang ang nasabi ko. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking likuran. “Alam kong hindi madali para sa iyo na makasama siya sa trabaho. At alam ko rin ang ugali ng anak ko, Hera. This past few days ay alam kong gumagawa siya ng paraan para mapalapit sa iyo. Why don’t you give him a chance? Why don’t you give yourself a chance?” “Ayoko na pong makagulo sa kanilang dalawa.” “Let’s see! But I’m telling you right now na sooner or later ay posibleng mangyari ang ayaw mong mangyari. At kung sakaling dumating ang panahon na iyon, I will never be get mad at you. Mas magiging thankful and proud pa ako kasi you stand in your love kung sakaling magkakaroon ng chance ang relasyon niyong dalawa.” Aleric Zeus Marcet Naabutan kong maingay na nagkwekwentuhan sa sala ang aking magulang at mga kapatid. Dahil masaya sila ay parang nadala na rin ako. Papasok na ako ng sala ng marinig na may pinag-uusapan silang tao. “Sayang! Kanina balak ko pa naman umuwi at dito kumain. Sana sinabi niyo kaagad na pupunta rito si Ate Nik-Nik!” saad ni Erich. ‘Nik-nik?’ Napaisip ako at napatanong, ‘Sino iyon?’ “Bibisita naman siya ulit dito sa bahay,” sagot ni Mommy. “We’re planning to have a short vacation. Isama natin siya.” ‘I’m so excited,” tugon ni Erika. “Hindi dahil makakasama si Ate Nik-Nike, pero dahil magkakaroon tayo ng bakasyon.” Nang hindi makapag-pigil ay pumasok na ako sa bahay at nakisabat sa kanilang pinag-uusapan. “At sino naman iyang Nik-Nik na iyan?” tanong ko sa kanila. “She’s one of the best captains in the airline, Kuya! Ishe’s Captain Taevas,” tugon sa akin ni Erich. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. “You mean Hera Taevas?” tanong ko upang kumpirmahin kung tama ang rinig ko. “You’re right,” tugon ni Erika. “Sobrang ganda at bait ‘nun, Kuya! I’m sure na meet mo na siya, hindi ba noong nag visit ka sa bawat department.” “Yes! I-I met her. Paano naman kayo naging close sa kaniya?” tanong ko. “A year ago, Kuya. Pinakilala siya ni Tito Marvin sa amin. Anak siya ni Tito Marvin sa ibang babae,” saad niya. “What?” gulat kong tanong sa kanila. “Oops!” tugon sa akin ni Erika. Narinig kong niluwagan ni Daddy ang kaniyang lalamunan. “It’s a secret, Aleric. Walang nakakaalam ng tungkol sa pagkatao ni Hera bukod sa ating pamilya at totoong pamilya ni Marvin.” Kaswal iyon sinasabi ni Daddy habang binabasa ang isang magazine. Naramdaman ko na may humaplos sa aking kamay. Si Mommy iyon. “Anak, huwag mong sasabihin kahit kanina ang nalaman mo ha?” paki-usap ni niya. “Kawawa naman si Nik-Nik kapag nabunyag ang kaniyang pagkatao. At sana huwag kang magalit sa kaniya katulad ni Aimee at ng pamilya niya kasi mabuting bata naman siya.” Natahimik ako at nakaramdam ng panlalambot. ‘Ako lang ba ang walang alam sa lahat ng ito?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD