Chapter 8

3116 Words
Rachel & Derek “Wala na ba talaga tayong magagawa para sa kanila?” tanong ni Derek sa katabing babae. Umiling-iling si Rachel at nagsalita, “Wala na! Silang dalawa lang ang makaka-ayos sa relasyon nilang dalawa.” Bumuntong hininga siya, “Ayaw ko ng makialam sa kanila dahil si Hera lang ang masasaktan. She’s willing to sacrifice her own happiness para lang hindi mapahamak ang Mama niya. At kahit ako ‘man ang lumugar sa katayuan niya ay iyon ang gagawin ko. Mga lalaki lang naman kayo. Hindi namin ipagpapalit ang pamilya kasya sa inyo.” “Bakit nasama naman ang relasyon natin sa usapan?!” sagot niya. “Siguro nga hindi talaga sila para sa isa’t-isa, no?” tanong niya. “Hay! Nakakalungkot talaga. Tadhana na lang siguro ang magbubuklod sa kanila kung para sila sa isa’t-isa.” “Tama ka! Kaya ‘wag na tayong makigulo sa kanilang dalawa. Kung anuman ang meron sila ngayon ay lilipas din at posibleng mawala. Isang taon pa lang kaya fresh pa sa kanila ang mga nangyari, pero soon matatanggap din nila iyon.” Niyakap ni Derek si Rachel, “Basta tayo, okay at walang problema! Iyon lang naman ang mahalaga, hindi ba?” Tumitig sa kaniya si Rachel, “Oo naman! Sanay na sanay naman na tayo sa mga ugali ng isa’t-isa kaya madali na lang makapag-adjust. Pero ang toxic ng relationship natin noon, hindi ba? Mas magiging maayos siguro kung mag se-seryoso na tayo? Hindi na tayo bumabata. Sayang ang panahon.” “Pauwi ka na ba?” tanong ni Derek. Napatingin pa siya sa kaniyang relo. “Mag-aalas-sais na. Ihahatid na kita para makapag pahinga.” “Sige! Pagod at inaantok na rin ako. Mas gusto ko ng matulog ngayon,” saad ni Rachel. Hera Nyx Taevas Kumakain ako ng almusal ng dumating si Rachel. Akala ko ay siya lang, ngunit napansin ko si Derek na nasa kaniyang likuran na siyang nagsara ng pintuan. “Morning, beb!” bati sa akin ni Rachel pagkatapos akong halikan sa pisngi. Hindi ako kaagad nakatugon dahil may nginunguya akong pagkain. Nang malunok iyon ay agad naman akong nagsalita, “Kumain na ba kayo? Meron akong sobrang niluto.” “Tapos na, Hera!” usal ni Derek. “Bakit nandito ka? Hindi ka ba hahanapin ng boss mo?” kaswal kong tanong. Ngumiti siya at nagsalita. “Hindi naman. Alas otso pa naman ang working hour namin,” tugon niya. “Hinatid niya lang ako!” sagot ni Rachel. “Hindi ba’t coding ka?” tanong ni Rachel. “Sumabay ka na sa kaniya.” “Sige!” kaswal kong sagot. Pasado alas siete imedya nang umalis kami ni Derek. Habang nasa kotse ay abala naman ako sa pag ce-cellphone dahil ka-text ko si Mama. Pinaalam ko sa kaniya na papasok na ako sa trabaho at sinabi kung anong oras ako makakauwi. “Ma! Kung sakaling magkaroon ng problema, i-text mo lang ako kaagad. Sasagot ako as soon as possible na kaya ko,” text ko sa kaniya. “Okay, anak! Masyado ka naman nag-iisip ng hindi maganda. Wala naman posibleng mangyari sa amin dito dahil nasa bahay lang naman kami,” tugon niya sa aking text. “Mag-ingat ka at huwag mong kalimutan ang pasalubong ka, ha?! I love you. Ingat, Captain Taevas!” Napangiti ako sa huling text na iyon ni Mama. Noon pa ‘man ay naging supportive siya sa lahat ng aking desisyon sa buhay. Napalingon ako sa driver seat ng magsalita si Drek. “Napapangiti ka ata riyan? Mukhang masaya ka sa ka-text mo,” puna niya. “Ah! Oo, si Mama!” sagot ko. Napangiti lang siya at sandaling natahimik. “Sorry, ha!” hingi niya ng tawad. “Hindi na namin uulitin si Rachel ang ginawa namin. Akala kasi namin makakatulong.” Umiwas ako ng tingin sa kaniya. “Okay lang iyon! Salamat kasi nag wo-worry kayo sa akin. Pero hindi na kailangan. Masaya at tahimik na ako ngayon, Derek. Siguro mas magandang huwag na lang natin ipilit ang mga bagay na hindi dapat.” Tumingin ako sa kaniya, “Pero masaya ako para sa inyo ni Rachel. Marami na kayong sinayang na panahon. Baka kayo talaga ang para sa isa’t-isa.” “Siguro nga!” tipid niyang sagot. “Gaya namin, sana makahanap ka na rin ng taong makakapag-pasaya sa iyo.” “Oo naman,” sang-ayon ko. “Hindi naman ako nagmamadali. Masaya pa rin naman maging single, hehe!” biro ko sa kaniyang sambit. Pagdating namin sa parking lot ng airline ay nauna na akong bumaba ng kotse upang kuhanin ang maleta ko sa compartment. Ilang sandali pa at narinig ko na lang na nagsalita si Derek. “Good morning, President!” bati niya. Kinabahan ako at napahinto sa aking ginagawa. “Let’s go!” yaya ni Aleric sa kaniya. “W-wait lang, President. Isasara ko pa ang compartment.” Pagsara ko ng compartment ay nagtama ang tingin naming dalawa ni Aleric. Ako ang unang umiwas ng tingin sa kaniya. “Derek, thank you sa pagpapasakay!” pasasalamat ko. “Mauuna na ako sa inyo,” iwas kong paalam. Nang madaanan si Aleric ay huminto ako. “Good morning, President!” kaswal kong bati. Tumango siya at kaswal din na sinagot ako, “Good morning, Captain Taevas!” Nauna na akong naglakad palayo sa kanila. Hindi na ako lumingon pa sa aking likuran upang makaiwas sa kaniyang mga mata. Naabutan pa rin ako ng dalawa sa tapat ng elevator. Mabuti na lang at may kasabay akong ibang mga empleyado. “Good morning, President!” bati nila. Pagsakay sa elevator ay pwesto ako sa dulo. Hindi ko inaasahan na tatabi pa siya sa akin. Napalunok ako. ‘Sumisikap na ba talaga ang mundo namin dalawa?’ tanong sa aking isip. Pasara na ang elevator ng magbukas muli iyon. Napa-iwas ako ng tingin ng magtama ang aming mga mata. “Good morning, President!” bati ni Aimee. “Excuse me,” usal niya at dumiretso ng lakad papunta sa gitna namin dalawa ni Aleric. Kasunod naman noon ang pagtunog ng elevator. ‘Puno na ito.’ “Anyone na pwedeng lumabas muna?” saad ni Aimee. “O, ikaw na lang!” turo niya sa akin. Para makaiwas na sa mahaderang ito ay pinagbigyan ko na siya. “Excuse me,” sambit ko at dire-diretso lumabas ng elevator. Nakita kong abot tenga naman ang ngiti niya. ‘Hindi ko na dapat siyang patulan pa dahil kung lalaban ako, sa huli ako na naman ang mapapahiya at mapapasama. Ayoko na rin gumawa pa ng gulo sa harap ng ibang tao dahil lang sa maliit na bagay na ito. Napayuko na lang ako habang papasara ang elevator para makaiwas sa kanilang mga tingin. Habang naghihintay na bumaba ang elevator ay nakasabay ko pa si Captain Romeo. “Good morning, Captain Taevas!” bati niya sa akin. “Coffee?” alok pa niya ng itaas ang hawak na kape. “No, thanks!” kaswal na sagot ko. Narinig kong ngumisi siya, “Ang aga-aga nakabusangot ka!” puna niya. “Sorry pala sa nangyari nung nakaraan ha. Hindi na ako nagkaroon ng chance nung gabi na iyon kasi kausap mo si President. Sorry sa kakulitan ko.” Huminga ako ng malalim, “Okay lang iyon. Sorry din!” “Nge? Para saan naman ang sorry mo, e ako nga palagi ang nangungulit sa iyo. Hayaan mo hindi na mauulit iyon.” “Okay!” tugon ko. “Sayang! Last time na dapat na co-pilot mo ako ay nagkaroon ng palitan.” “Oo nga,” tipid kong sagot. Ngumiti ako sa kaniya. ‘Alam ko kasi na ako ang dahilan kung bakit ganoon ang nangyari.’ “Ngumingiti ka naman pala, e!” puna niya. “Bagay sa iyo. Nakakahawa.” Nang bumukas ang elevator ay sabay na kaming sumakay ni Romeo. ‘Napansin ko na hindi na nga siya ganoon kakulit gaya ng mga nakaraan naming encounter.’ Halos sabay pa kaming nag time-in sa trabaho. Pagpasok sa flight crew department ay ibinalita sa amin ang changes ng staff para sa aming flight. “Captain Romeo, ikaw na muna ang magiging co-pilot ni Captain Taevas,” balita sa amin. Nagkatinginan kaming dalawa. “Ang lakas ko naman kay, Lord!” usal niya. “Tara na, Captain!”masiglang yaya pa niya. “Okay!” sagot ko. ‘Mas maganda nga siguro na iwas-iwasan ko na ang pagsusungit sa kaniya.’ Papunta na kami at ng mga F.A sa bridgeway para maghanda na sa flight namin ng makasalubong ko si Aimee at Aleric. Huminto ang buong crew ko at binati pa ang dalawa. “Good morning, President. Good morning, Director Hao!” ‘Bakit ba kanina ko pa nakikita ang dalawang ito!’ Lumapit sa akin si Aimee. Hinaplos niya ang apelyido na nakaburda sa aking suot. “Captain Taevas!” usal niya. “For sure magaling kang Captain,” bati niya. “Make sure na ginagalingan mo at hindi ka nagpapabaya sa trabaho para hindi ka matanggal.” “I will, Director!” sagot ko. “Director Hao!” tawag sa kaniya ni Aleric. Masama ang tingin sa kaniya. Pilit na ngumiti si Aimee at inirapan ako. “Don’t worry, Director! Ako po ang isa sa magpapatunay kung gaano kagaling si Captain Taevas sa kaniyang trabaho.” Pagtatanggol sa akin ni Romeo. “I’m sure of it! Or else wala siya ngayon dito at kasama mo, right?!” pabalang na sagot ni Aimee. Huminga ako ng malalim. ‘Bakit hindi pa kasi sila umalis?’ Naunang naglakad palayo si Aleric at iniwan si Aimee. “Kala mo naman kung sinong magsalita,” usal ng isang F.A “Ano kaya ang nagustuhan ni President sa babaeng iyon? Matapobre na nga, masama pa ang ugali. Narinig ko nga kanina sa ibang staff kung ano ang ginawa niya kay Captain Taevas.” “Sssh!” senyas ko. “Tumigil na kayo. May flight tayo at doon tayo mag focus hindi sa ibang walang kwentang mga bagay!” “Yes, Captain!” sagot nila. “Iwas-iwasan niyo si Director,” banta ko sa kanila. “Baka kung ano pang mangyari sa mga trabaho niyo kung ipagpapatuloy niyo ang ugali niyo kanina.” “Opo!” tugon muli nila. Pag-upo pa lang namin sa flight deck ay sinimulan na namin kontrolin ang eroplano. Ginawa na namin ang mga dapat gawin at ilang minuto pa ay maaari na kaming lumipad. “Captain, gabi na tayo makakauwi mamaya. Pwede ba kita ma-invite mag dinner?” tanong niya. “Nalulungkot kasi ako kapag mag-isa kumakain.” Tumingin ako sa kaniya at inalis kaagad iyon, “Bakit? Nasaan ang pamilya mo?” tanong ko. “Nasa probinsya silang lahat. Ako lang ang nandito sa Manila.” “Okay!” pag-kumpirma kong tugon. “Pumapayag ka?” tanong niya. Halata na hindi makapaniwala. “Pwede naman! Libre mo, ha!” sabi ko. Ilang sandali pa at pinaalalahanan ko na siya. “Tama na kwentuhan! Mag-ready ka na.” “Ayay! Captain,” tugon sa akin. Pa-depart na kami pabalik sa Manila ng magbago ang panahon. Naging maulan at medyo maitim ang mga ulap. Nagkaroon din kami ng problema dahil kalahati ng aming mga passenger ay wala pa. ‘Which is nakaka-stress kung minsan.’ Nakakuha ako ng tawag mula sa room controller, “15 passengers pa ang hinihintay natin,” update nila. “Captain Romeo, please update about the weather. Pupunta lang ako sa Galley para kumuha ng kape,” saad ko. ‘Sa Galley niluluto at prineprepare ang mga pagkain.’ “Kamusta kayo rito,” tanong ko sa mga F.A. “Medyo made-delay ang flight natin,” paalala ko sa kanila. “Coffee?” tanong ng isang F.A. “Oo! Pampawala lang ng stress,” saad ko. “Grabe! Delay na ang mga passengers, pumangit pa ang panahon.” “Kaya mo iyan, Captain! Ikaw pa ba? Galing mo nga na pilot, e!” Ngumiti ako. “Alam namin magiging safe kami, Captain Taevas!” dugtong pa ng isa. “Thank you,” sagot ko. Pag-ubos ng kape ko ay bumalik na ako sa cockpit. Pero bago gawin iyon ay kumuha ako ng isang kape para kay Romeo. “May tinimpla akong kape sa Galley. Mag-kape ka na muna,” saad ko. “Ako na muna ang bahala rito.” Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya dahil pagkasabi ko noon ay bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. Napailing-iling na lang ako sa kaniyang ipinakita sa akin. Muli kong tinawagan ang controller at weather station. Binalita nila sa amin na maaari na kaming lumipad pabalik sa Manila. Nasa era na kami at ingat na ingat kami dahil umuulan. Sa monitor ay kitang-kita na wala kaming madadaanan dahil halos lahat ng area ay umuulan. Mas bumagal ang pagpapatakbo namin dahil sa weather issue namin ngayon. Naka encounter din kami ng wind shear kaya nagkaroon ng turbulence which is normal sometimes, but we need to be more careful para ma-assure ang protection ng buong aircraft. “I have faith in you,” saad ni Captain Romeo. ‘Iyon naman ang mahalaga. Ang pagkatiwalaan ang piloto sa ganitong mga sitwasyon. “Don’t worry, we will arrive safe!” pag-sisigurado ko sa kaniya. ‘Kailangan kalamado ka sa ganitong mga sitwasyon para makapag-isip ng mabuti upang maiwasan ang mas malalang maaaring mangyari.’ Tinawagan ko rin ang F.A upang paalalahanan sila. “Paki check ang mga passenger, lalo na ang may mga edad na. Make sure na stable ang kanilang pakiramdam.” “Yes, Captain! Hinadle na po namin ang ilang mga passenger na nag-panic kanina.” “Thank you,” sagot kayo. “Make-sure na okay rin kayo.” Ilang minuto rin kaming abala at alerto ni Captain Romeo para i-handle ang sitwasyon and soon natapos na nga ang kalbaryo ng aming problema. ‘Naging stable na ang paglipad ng eroplano.’ Nakahinga kami pareho ng maluwag ni Romeo. “Thank goodness,” usal ko ng makahinga ng maluwag. “Ang galing mo talaga, Captain Taevas! Kaya hangang-hanga ako sa iyo. Mabilis mo na-handle ang situation.” “Dahil ginawa natin dalawa ang best natin,” sabi ko. Paglanding namin sa airport ay mas naging panatag na ang aming mga puso at isip. ‘Safe kaming makakauwi sa mga pamilya na naghihintay sa amin.’ Tumingin ako sa orasan, “May bukas pa kaya?” tanong ko kay Romeo. Pasado alas onse na ng gabi. “Meron pa naman siguro,” saad niya. Nang makumpirma na maayos ng naka-alis ang mga passenger ay kaming buong flight crew naman ang bumaba ng eroplano. “Kain tayo,” yaya ko sa ibang crew. “Manli-libre si Captain Romeo.” Napatingin sa akin si Romeo at nginitian. “The more, the merrier. And, I know all of us are stressed. We deserve your treat,” biro ko pa. Natuwa naman ang mga F.A sa aking sinabi. Tinapunan ko lang si Romeo ng tingin at nakitang napakamot pa ito sa ulo. Aleric Zeus Marcet “Are they safe?” tanong ko kay Derek. ‘Ibinalita niya sa akin ang aberya na nangyari habang pinapalipad ni Hera ang eroplano. Imbes na uuwi na kanina ay hinintay ko makabalik si Hera para masigurado na safe nga talaga siya.’ “Yes, President! Na handle naman ni Captain Taevas ang turbulence at naiwasan ang malaking problema,” sagot niya. “Pabalik na sila sa flight crew department para gumawa ng report.” Dali-dali akong tumayo sa aking kinauupuan at pinuntahan sila sa flight crew department. Pagbukas ko ng pintuan ay nagtatawanan pa sila at nagbibiruan na wari’y walang naging problema. “Good evening, President!” bati ng mga F.A na tumayo pa sa kanilang kinauupuan. “I’m glad that you are all okay,” usal ko. “Thank you for your concern, President!” kaswal na sagot sa akin ni Hera. “Magaling kasi ang captain namin,” usal ni Romeo na ikinagulat ko rin kanina kung bakit kasama niya si Hera. “Kasama ka sa flight?” tanong ko. “Yes, President. Ako po ang naging co-pilot ni Captain Taevas,” paliwanag niya. Tumango ako at tumingin kay Derek. Binigyan ko siya ng makabuluhang tingin na alam kong maiintindihan niya. Umiling-iling na lang si Derek bilang tugon. “Okay!” sagot ko. “We’re going now,” paalam ko pa. Palabas na ako ng pintuan ng marinig ang isang crew na nagsabi, “Bilisan na natin para makakain na tayo. Hindi na ako makapag hintay na malibre si Captain Romeo.” Napahinto ako sandali at muling tumingin sa kanila. I cleared my throat, “By the way, I already prepared your dinner tonight!” Sambit ko. “I know how stressed all of you are because of the unexpected problem.” Tumingin ako kay Derek, “Assist them after their work,” bilin ko. “Wow!” hiyaw pa nila. Pagsara ng pintuan ay inilayo ko si Derek sa pintuan at pumunta sa banyo. I make sure na walang ibang tao roon. “Tumawag ka na ngayon sa restaurant at mag-order ng pagkain. Make sure na meron seafood, fish, veggies and chicken. Lahat iyon ay paborito ni Hera!” sabi ko. “Ah! Threaten ka?” tanong niya. “Threaten?” balik kong tanong. “Of course, not! Bilisan mo na nga at huwag kang babagal-bagal.” “Hindi ka sasama?” tanong na naman niya. “Hindi! Alam mo naman hindi kakain o pupunta si Hera kapag naroon ako. Just send me a pic. Okay na iyon!” Nagpalipas ako ng oras sa aking opisina habang hinihintay ang update sa akin ni Derek. Sa ngayon ay kailangan kong kontrolin ang aking sarili dahil wala pang formal na tuldok sa relasyon namin ni Aimee. Sinubukan ko kanina pero wala pa akong lakas ng loob para tapusin ang lahat dahil alam ko na ang mangyayari. Pero may isa na akong paraan na maaaring gawin. Ang kausapin si Tito Marvin.’ Habang pinapaikot ang cellphone sa ibabaw ng lamesa ay nag vibrate iyon. Pagkita ko sa pangalan ay si Derek na iyon. Nang buksan ang cellphone ay hindi ko na naipinta pa ang aking mukha. ‘Magkasama at magkatabi sa upuan si Hera at Romeo.’ Nireplayan ko kaagad si Derek, “Nang-aasar ka ba?” tanong ko. “Kaya nga kita pinasama riyan para iiwas si Hera sa lalaking iyan, pero anong tinutunganga mo? Hindi kita nilebre ng pagkain para lang mag-enjoy kasama nila!” “KJ mo, President!” sagot niya. “Anong magagawa ko? E naunahan ako. Tatabi nga sana ako kay Hera, kaya lang mabilis ang kolokoy!” reply niya. “Wala ka talagang silbe!” asar kong reply.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD