Chapter 27

3055 Words
Marcet Residence Hinarap ng mag-asawang Jerald at Eunice si Naomi. ‘Gaya nga ng sabi ni Naomi ay hindi niya palalagpasin ang ginawang pang-aapi sa kaniyang anak. Hindi niya matanggap na sa dinami-rami ng tao ay sila pa ang gagawa no’n kay Aimee.’ Tahimik ang tatlo habang nakaupo. ‘Binabasa naman ng mag-asawa ang bisita upang mapag-isipin ang maaaring panimula sa kanilang sasabihin upang hindi masaktan sa katotohanan. Alam nila ang ugali ni Aimee na hindi magpapatalo lalo na kung may katwiran. Kung minsan ay sarado na ang kaniyang isipan at hindi na pinapakinggan ang ano pang magagandang paliwanag.’ “Hindi na ako makikipag-plastikan at magpapaligoy-ligoy sa inyo gaya ng ginawa niyo sa anak ko… Sa akin!” Matatas na sabi ni Naomi. Namumuot siya pero kinakalma pa rin ang sarili. “Bakit niyo nagawa sa akin ito at sa aking anak?” tanong niya. Hindi nakasagot kaagad ang dalawa at naiilang. ‘Guilty ang dalawa at alam naman nila na mali ang kanilang nagawa pero wala naman silang pinagsisisihan dahil alam nilang masaya ang kanilang anak. Iyon lang din ang paraan para suportahan ang anak sa desisyon na kaniyang pinili.’ “Naomi wala kaming intensyon na saktan ka at ang anak mo,” sagot ni jerald. Huminga siya ng malalim, “Bilang magulang ni Aleric ay sinusuportahan lang namin ang kaniyang desisyon, gaya mo kay Aimee. Hindi ba’t mas magiging maayos ang lahat kung tatanggapin na natin ang mga nangyari?” “Sinusuportahan? Ang alin? Ang kalandian ng babae ngayon ni Aleric? Ang panloloko ng anak mo sa anak ko?” tanong niya. “Alam niyo kung gaano kamahal ni Aimee si Aleric.” Bumuntong hininga siya, “Alam niyo ba ang pagkatao ng babaeng iyon ha?” dugtong niyang tanong sa dalawa. Yumuko si Eunice, “Alam na namin matagal na,” bulalas niya. “Pinakilala siya sa amin ni Marvin bilang anak niya.” Umakyat lahat ng dugo ni Naomi sa kaniyang ulo dahil sa kaniyang narinig. Napangiwi siya. “Ano pa nga ba ang aasahan ko sa inyong mag-asawa? E si Marvin naman talaga ang kakampihan niyong dalawa at hindi ako.” Bulalas niya. “Alam na alam niyo ang nangyari sa aming dalawa, hindi ba? Muntik ng sirain ng babaeng iyon ang pamilya ko… Ang relasyon namin ni Marvin. Pero bakit pinili niyo pa rin ang malanding babaeng iyon kaysa sa anak ko?!” suhestyon niya. “Maayos naman ang pamilya natin bago dumating ang babaeng iyon. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit nagkakagulo tayo ngayon? Salot ang mag-inang iyon. Wala silang maidudulot na maganda sa buhay natin kun’di gulo.” “Hindi mo maaaring ikumpara ang nakaraan na nangyari sa iyo noon, sa ngayon. Hindi pare-pareho ang karanasan ng bawat isa sa atin. Hangga’t maaari ay iniintindi namin si Aimee. Pero wala na tayong magagawa pa kung hindi naman talaga sila para sa isa’t-isa. Naomi, masaya na ang anak ko at hindi ko ipagkakait sa kaniya iyon.” Paliwanag ni Eunice. “At paano naman ang anak ko? Hindi mo ba naisip kung anong nangyayari sa kaniya? Muntik na niyang patayin ang sarili dahil sa pagmamahal sa anak mo!” Huminga ng malalim si Eunice at tumingin sa asawa. Niluwagan ni Jerald ang paghinga, “Ang kailangan ng anak mo ay ipaliwanag sa kaniya na wala na silang kinabukasan ni Aleric. Kailangan niyang tanggapin ang lahat ng ito. Marami pa siyang makikilalang ibang lalaki na nararapat sa kaniya.” Ngumisi si Naomi. “Bakit kaya gano’n? Pare-pareho kayong kumakampi sa babaeng iyon?!” ‘Hindi na nagbigay pa ng sagot ang dalawa dahil para sa kanila ay napakabuting bata ni Hera. Wala silang maipintas na pangit dahil maayos ang pagpapalaki ng ina sa kaniya. Alam din ng mag-asawa ang lahat ng nangyari. Mula sa umpisa kung bakit nagawang magmahal ni Marvin ng ibang babae. Malinaw sa kanilang isip kung anong klaseng babae si Naomi kumpara kay Hilarie.’ Tumayo si Naomi sa kaniyang kinauupuan. Dinuro niya ang dalawa, “Tinatapos ko na ang ugnayan ko sa inyong mag-asawa. At sa ginawa niyo sa anak ko? Darating ang panahon na magku-krus din ang landas natin sa dulo!” Galit na tumayo si Jerald. “Huwag na huwag mo akong babantaan o kahit na sinuman sa pamilya ko!” Hiyaw niya. “Ako mismo ang makakabangga mo, Naomi. At sisiguraduhin ko na hindi mo magugustuhan na kaaway ako!” Banta niya. “Gusto ko lang ipaalala sa iyo!” Sabi niya. “Hindi mo naman siguro gustong malaman pa ng anak mo ang totoo, hindi ba?” pananakot niya. Nanggagalaiti si Naomi sa sinabi ni Jerald. ‘Sa kaniyang isip ay alam niyang gagawin ng lalaki ang banta sa kaniya.’ Napakuyom ang kaniyang kamay. “Jerald, hindi mo rin magugustuhan ang gagawin ko sa iyo. Hindi ako susuko basta-basta. Kahit magsama-sama kayo ay lalaban ako!” Napangiwi ang kaniyang labi. ‘Konting panahon na lang at sisiguraduhin ko na sa huli kayo ang matatalong lahat.’ Pagkatapos magsalita ay umalis na si Naomi at iniwan ang mag-asawa. Mayroon pag-aalala sa mukha ni Eunice. ‘Alam niya ang sinasabi ni Jerald. Iyon ang totoong pagkatao ni Aimee. Dahil mahal na mahal ni Naomi ang anak ay hindi niya hahayaan na malaman nito ang katotohanan.’ “Kailangan pa bang umabot sa ganito ang lahat, Jerald?” saad ng asawa. “Wala na akong choice kun’di sabihin iyon dahil una niya tayong binantaan.” Napahilot siya sa kaniyang sintido. “Gusto ko lang siyang takutin. Walang lalabas na sikreto kung hindi siya gagawa ng bagay na makakasakit sa akin o sa pamilya natin.” “Hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito,” sagot ng asawa. Hinaplos ng asawa ang kaniyang likuran at hinilot-hilot iyon. Sumagot si Jerald, “‘Wag mo ng alalahanin ang napag-usapan natin ngayon. Kami na ni Marvin ang bahalang mag-usap.” Hera Nyx Taevas inaasahan ko na kumalat ang balita tungkol sa pagitan namin nina Aimee at Aleric. Iniisip ko na ako ang laman ng usapan ng buong airline dahil sa pagkakaroon ng love triangle sa pagitan naming tatlo. ‘Tanggap ko na ang maririnig ko sa kanila pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga mapanindigan ko ang pagmamahal ko kay Aleric. Sa mata ng tao ay walang katapusan na panghuhusga ang makukuha natin. Nasa sa atin na lang talaga kung paano dadalhin ang sitwasyon at ating mga sarili.’ Naghahanda pa lang ako papasok sa trabaho ay iniisip ko na ang posibleng maririnig ko sa aking mga katrabaho. ‘Malandi.’ ‘Mang-aagaw.’ ‘Gold-digger.’ ‘Ano pa ba?’ Pailing-iling ako ng ulo at kung anu-anong imagination na ang naiisip ko. “May problema ka ba?” bulalas ng isang tinig mula sa aking likuran. Napatingin ako sa salamin kung saan naroon ang kaniyang reflection. “Wala. Aalis ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Mauna ka na kaya? Medyo maaga pa naman, e. Mamaya na ako papasok!” dahilan ko sa kaniya. ‘Naiisip ko kasi na kung magsasabay kami at makikita kami ng mga empleyado ay baka lalong gumulo ang sitwasyon namin.’ Naglakad siya papalapit sa akin. Huminto siya sa aking likuran. Mula sa aking likuran ay niyakap niya ako sa baywang. Pinatong ang baba sa aking balikat. “I know what you're thinking, Hera!” bulalas niya. “Wala ka ng dahilan para mag-alala dahil kinausap ko na silang lahat. At malinaw na malinaw na sa pag-iisip nila ang namamagitan sa ating dalawa.” Hinilig ko ang ulo ko sa kaniyang ulo. Siniksik niya lalo ang ulo sa aking leeg. Hinayaan ko siyang maglambing. “Nagsawa ka na ba?” natatawa kong tanong sa kaniya “Not really,” sagot niya. Pinupog niya ng halik ang aking balikat. “Magbihis ka na at hihintayin kita. Sabay tayong papasok sa trabaho.” Huminga ako ng malalim, “Pero natatakot pa rin ako,” sagot ko. “There’s nothing to fear, Honey. I’m on your side whatever happens.” “I know!” Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at binigyan siya ng isang damping halik. “Hintayin mo na ako sa labas at magbibihis na ako. Kanina ko pa naririnig ang cellphone mo na tunog ng tunog.” “Dito na lang kaya?” pilyo niyang tanong. “Mas gusto ko ang view na makikita ko dito.” Inirapan ko siya. Hindi nga siya umalis at pinanood niya ako habang nagbibihis. “Satisfied?” tanong ko sa kaniya ng matapos ako. Hinawakan niya ako sa baba at binigyan ako ng isang madiin na halik. Marahan niya rin kinagat ang aking labi kaya napaawang iyon. Nilayo ko sa kaniya ang aking mukha. “Zeus!” tawag ko sa kaniya. “Tara na!” He giggled. “I’m very satisfied,” tugon niya. May halo pang kindat iyon sa akin. “As you wish, my queen. Let’s go,” yaya niya. Kasalukuyang nagmamaneho na siya ng kotse habang nag-uusap kami. “Magpaka-formal na lang tayo. Mas mabuti ang gano’n set-up katulad ng dati.” “Katulad ng dati? Iyong ini-ignore mo ako na parang multo sa tabi-tabi? Ayoko no’n!” saad niya. “Walang kailangan itago sa relasyon natin. Wala din masama kung ipakita ko sa ibang tao kung gaano kita pinakaka-ingatan at minamahal.” “Kahit pa walang mali. Basta makinig ka na lang!” sagot ko. “Kapag nasa trabaho NO TOUCH. Kaswal lang tayong mag-uusap at magta-trabaho ng normal. Please? Mas makakakilos ako kapag gano’n.” “Geez! Oo na! Kahit tutol ako sa gusto mo. Pero kapag tayong talaga lang at walang nakakakitang ibang tao, pwede na ang touchy-touchy ha.” Ngumisi ako, “Para ka talagang isip bata, Zeus!” “Hahaha. Sa iyo lang naman, honey. Sa paningin mo lang ako nagiging ganito.” Gamit ang kaniyang ulo ay hinimas niya iyon sa akin. “Aleric, ano ba? Para kang pusa!” biro ko sa kaniya. “‘Wag ka ng mangulit. Tama na!” Natatawa kong sabi. “Tumigil ka na dahil baka mabangga tayo sa pinaggagawa mo.” “Okay. Okay,” natatawa niyang sagot. Pagdating sa parking lot ay inunahan ko na kaagad bumaba ng sasakyan si Aleric dahil ayaw ko siyang makasabay. Pinindot ko na ang elevator para bumukas iyon. Habang hinihintay iyon ay tinitingnan ko ang aking likuran kung nakasunod sa akin si Aleric. “Bilisan mo naman…” bulong ko sa aking sarili. Naramdaman kong bumigat ang aking balikat. “Bakit nagmamadali ka?” tanong niya. Niyakap ko ang aking dib-dib at tinapunan siya ng tingin. “Kasi alam kong ganito ang binabalak mong gawin,” usal ko. Inikot ko ang aking balikat para alisin ang kaniyang kamay. “Tanggalin mo na iyan!” sabi ko. Ngumuso siya, “Kiss mo muna ko,” request niya. Siniko ko siya. “Tigilan mo na ko!” tugon ko. “Bahala ka! Hindi ko ‘to tatanggalin,” panghahamon niya. Ninakawan ko siya ng halik at pinalo ang kaniyang kamay paalis sa aking balikat. “Umayos ka na!” saad ko. Nilapit niya ang kaniyang ulo sa aking tenga. Nang maramdaman ang kaniyang hininga ay tumaas ang balahibo ko sa batok. “Ano ba?” tanong ko. “I love you, Captain!” bulong niya. Ngumisi ako at nilapit ang mukha ko sa kaniya. “I love you more,” bulong ko sa kaniya. “Ayiee!” biro niya. “Pati kabaliwan ni Derek nakuha mo na!” Tawa kong sambit. Tyempo naman na naka-ayos na kaming dalawa ni Aleric ng magbukas ang elevator. Akala ko dalawa lang kami ni Aleric ang magkasama, mali pala ako. Pagpasok namin dalawa ni Aleric sa elevator ay nakita namin ang ilang mga tao nasa aming likuran. Napapikit ako ng mariin. ‘s**t!’ “Good morning, President!” bati nila pero hindi sumabay sa amin. Tinabig ko ang kamay ni Aleric para makapag-isip siya. Tumingin sa akin at sinenyasan ko na lang siya. “Ehem! Going up?” tanong niya sa mga taong nakatayo sa aming harapan. Kaniya-kaniyang iling naman sila. “I see!” sagot niya lang at pinindot na ang close door sign. Napalamukos ako sa aking mukha. “Pambihira ka talaga!” Pinalo ko siya sa braso. “Nakakainis ka kasi!” Irap ko sa kaniya. Ngumisi na lang siya at tinanggap lahat ng palo ko. Aleric Zeus Marcet “Good morning, President!” bati sa akin ni Derek ng makapasok ako sa aking opisina. “Good morning,” tipid kong tugon. “Here’s your schedule today, President.” Inabot niya sa akin ang papel. And I have received an email. Siguradong magugulat ka. Habang binabasa iyon ay may isang pamilyar na pangalan akong nabasa roon. “Fernando Lao,” usal ko. “He wants to meet you, President. Gusto niyang magpa schedule sa inyo para next month.” “For what reason?” tanong ko. “Hindi niya sinabi ang dahilan, President. Personal daw iyon at sa iyo lang niya sasabihin.” Naningkit ang aking mata. ‘Fernando Lao is an underworld businessman. Kilala siya sa ibang bansa dahil sa kaniyang mga business na tracking at shipments company.’ “What could it be?” tanong ko sa aking sarili. “I really have no idea, President! Iko-confirm ko na po ba na makikipag-meet ka?” Umiling ako. “Not now! Pag-iisipan ko muna,” sagot ko. “President, hindi mo naman hahayaan na ma-involve sa business niya hindi ba?” tanong ni Derek. “Of course, no! Hindi pa sira ang ulo ko para makipag negotiate sa kaniya. Matagal ko ng tinanggihan ang offer niya. And this time, it;s still a big NO.” “That’s my boss,” puri niya. Subsob ako sa trabaho kaya hindi ko na namalayan ang oras. Huminto lang ako sa trabaho ng ilagay ni Derek ang isang lunch bag sa aking lamesa. “Pinabibigay ni Captain Taevas. Huwag ka raw magpapalipas ng gutom,” usal niya. Kinuha ko ang cellphone at minessage si Hera. “Thank you for the lunch, honey! How did you prepare it?” tanong ko. “Your welcome,” sagot sa text. “Galing iyan kay Tita Eunice.” “What the?” usal ko sa aking sarili. Nireplayan ko siya, “Mas gaganahan akong kainin ito kung nagsinungaling ka na lang na ikaw ang nagluto.” Ilang sandali at nag reply muli siya. “Hindi ako magaling magsinungaling,” tugon niya. “Mamaya na ako mag call sa iyo. Need ko na mag ready para sa flight schedule. See you later,” paalam niya. Dahil pasado alas dies pa makakauwi si Hera ay nag-over time na rin ako sa trabaho. Hindi rin nawala sa isip ko si Fernando Lao. ‘What about this time?’ tanong sa aking sarili. Napabalikwas ako ng biglang bumukas ang pinto. “Putang-ina naman Derek! Kumatok ka naman.” Napamura na ako dahil sa aking pagkakagulat. Ngumisi siya, “Kanina pa ako kumakatok pero hindi ka sumasagot,” sagot niya sa akin. “Bakit ba?” pabalang kong sagot. “Pa-out na sa trabaho si Hera,” balita niya. “Okay! I’m going.” Niligpit ko ang laptop at inayos ang ilang papeles sa aking lamesa. Pagkatapos no’n ay kinuha ko ang aking coat at umalis na. Hinintay ako ni Derek sa labas at sabay na kaming umuwi. “Pwede ba akong mag leave bukas?” biglang request niya. “Bakit biglaan?” tanong ko. Binigyan niya ako ng mahiwagang tingin. “Secret!” seryoso niyang tugon. Muntik ko na siyang mabatukan. “Hindi pwede!” hindi ko pagsang-ayon sa kaniya. “Sige! Kay Hera na lang ako magpapaalam kung ayaw mo,” kampanteng sagot niya. “Ako ang boss mo, bakit sa kaniya ka magpapaalam?” bulyaw ko. “Siya ang future Mrs. President Marcet. So kinukuha ko na ang opportunity na ito para kahit papaano ay makapag liwaliw naman ako. At least siya maintindihan niya ako. “May point ka naman,” pagsang-ayon ko sa kaniya. “Bagay nga sa kaniya ang title na Mrs. President Marcet. Ayie… Konting panahon na lang… Nalalapit na…” Kinikilig kong sambit. “Kinikilig ka sa sarili mong imagination?” tanong ni Derek. “Gumising ka na at baka bangungutin ka na lang.” Pagbasag niya sa aking trip “Malapit na talaga kitang patalsikin!” banta ko. “Subukan mo. Lagot ka naman kay Hera. Isusumbong kita. Akala mo ha!” hamon niya. “Lumayas ka na nga sa harapan ko!” Malaki siyang ngumiti, “Thank you, President!” tugon sa akin. Ilang minuto pa ako naghintay sa labas ng flight department bago lumabas si Hera. “What took you so long?” tanong ko. “I miss you,” dugtong ko. “I miss you too.” Sagot niya. “Bakit nandito ka? Baka makita na naman tayo ng ibang staff.” Ngumisi siya, “Pinaalis ko na sila para hindi mo makita, Mrs. President.” “Mrs. President?” ulit niya. Ngumiti ako at tumango-tango ng parang tanga. "Tara na nga," yaya niya. "Nalipasan ka ba ng gutom kaya't kung anu-ano na lang ang pinagsasasabi mo?" tanong niya. Umiling lang ako. "Tired? You want a massage?" Hahawakan ko na sana ang balikat niya ng biglang paluin iyon. "Stop!" sagot niya. "Sige sa kotse na lang, Mrs. President!" "Stop calling me like that, Aleric! Hindi ako natutuwa," banta niya. "Masanay ka na. Kasi kapag kinasal na tayo at naging asawa kita, magiging misis na kita." "Ha?" Napanganga siya. "Malala ka nang talaga," saad niya. Pagdating sa kotse ay nag-inat-inat na siya. "Magiging busy ako kasi malapit na ang line check at proficiency check," Tsk. "Maning-mani na sa iyo iyan," sagot ko. "Sana nga!" panalangin niya. "Kumain ka na?" tanong niya. Umiling ako. "Kain tayo ng ramen, honey!" lambing niya sa akin. "Please? Sa China town tayo," yaya niya. "Buntis ka?" tanong ko sa kaniya. "Anong buntis ang pinagsasasabi mo?" balik niyang tanong. Napakibit balikat siya. "Naisip ko lang. Ang takaw mo kasi at ang dami mong pagkain na hinihingi. Nag ca-crave ka?" "Hindi!" sagot niya. "Kailan lang tayo nagbalikan kaya imposible ang sinasabi mo," pagtatama niya sa aking iniisip. "Nagugutom lang talaga ako." "Ukie... Ukie... Para sa honey ko, kahit ano gagawin ko." Napailing-iling na lang siya. "Lately napapansin ko talaga..." "Ang alin?" tanong ko. "Pareho na kayong eng-eng ni Derek," tawa niyang sambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD