Chapter 26

3139 Words
Hao Residence “Ano bang nangyayari sa iyo, ha?” sigaw ni Naomi sa anak na nagbabasag ng mga gamit sa kaniyang kwarto. “Aime! Kumalma ka nga.” Puro sigaw lang ang tugon ni Aimee sa kaniyang ina. Wari’y hindi niya nakikita ito o walang naririnig. Hinablot ni Naomi ang braso ng anak. Pagharap sa kaniya ay sinampal niya ito ng malakas para tumigil. Tumigil si Aimee at tiningnan ng masama ang ina dahil sa ginawa sa kaniya. Napahawak siya sa kaniyang pisngi. “Sorry!” hingi ng paumanhin ni Naomi. “Hindi ka kasi nakikinig sa akin, e.” Nanatiling tahimik pa rin si Aimee. “Ano ba ang problema? Bakit ba nagkakaganito ka na naman?” usisa niya. Ngumisi siya. “Problema? Ang problema ko si Aleric at ang malanding anak sa labas ni daddy!” Hiyaw niya. “Nalaman ko lang naman na ang babaeng iyon ang pinalit sa akin ni Aleric. Now tell me! Paanong hindi ako magkakaganito?” Huminga siya ng malalim. “At hindi lang iyon. Alam ng buong pamilya niya. Pinagmukha nila akong tanga, Mommy!” Humagulgol na sa iyak si Aimee. “Bakit ang babaeng iyon pa ang pinili ni Aleric? Bakit?” Malakas na tumawa si Aimee. Parang isang baliw. “What?” tanong ni Naomi sa anak. “How did you know that?” Napangiwi siya, “Galing ako sa bahay nila. And I saw them. They are happy and perfect! Mga manloloko!” Sumama ang mukha ni Naomi sa narinig sa anak. “Kaya pala kahit anong paki-usap ko ay wala na silang paki-alam.” Napangisi siya at naging matalim ang tingin ng mata. “Akala ba nila ay palalampasin ko ang ginawa nila? Humanda sila.” “Mommy, I can’t leave without Aleric. Please, do whatever it takes para mapasa akin siya muli. Please help me na maagaw siya kay Hera!” Hinimas niya ang buhok ng anak. “Hindi ako makakapayag na maagawan ka ng babaeng iyon!” Kinuha niya ang baba ng anak at inangat iyon. “Humanda sa akin ang babaeng iyan!” Pagbaba ng mag-ina sa sala ay naabutan nilang naroon na si Marvin. Masama ang tingin sa anak at pailing-iling. “Ano bang pinaggagawa mo?” tanong ng ama sa kaniya. “Kailangan ba talaga ng gamit dito sa bahay ay basagin mo ha?” galit na tanong niya. “Alam mong sensitive ang kapatid mo sa mga sigaw at pagwawala pero ilang beses mo pa rin ginagawa.” “Imbes na i-comfort mo ang anak mo, pinapagalitan mo pa?! Napaka imposible mo talaga, Marvin,” sabat ni Naomi. “Kayong dalawa ang napaka-imposible. Kung hindi pa ako tinawagan ng kasambahay ay hindi ko malalaman. Halos nanginginig si Hersey ng makita ko. “ Sumagot si Aimee, “Bakit ba laging sila na lang ang iniintindi mo?” complain sa ama. “Hindi mo pa nga alam ang dahilan ko kung bakit ako nagkakaganito pero iniintindi mo pa ang iba kaysa sa akin.” “Dahil matanda ka na! Malaki ka na at kaya mo na ang sarili mo. Unlike sa kapatid mong si Hersey na may sakit sa pag-iisip.” Huminga siya ng malalim at napahilot sa ulo. “What is this all about this time, Aimee?” tanong niya. “Iyang magaling mong anak!” sabat ni Naomi. “Iba din talaga ang kamandag ng dugo ng ahas na dumadaloy sa mag-inang iyan no? Dati ang ina ang nang-aagaw. Ngayon anak na! Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit kasi makati iyang anak mo!” diin niyang sabi. Hindi napigilan ni Marvin ang sarili at nasampal si Naomi. “Wala kang karapatan na pagsalitaan ang anak ko ng ganiyan!” banta niya. Kinokontrol pa rin ang emosyon. “Hayop ka! Ilang beses mo ba ako kailangan saktan ng dahil sa kania? Ako at ang anak mo na ang na agrabyado rito pero sila pa rin ang kinakampihan mo?!” Dinuro niya ang asawa. “Iyang magaling mong anak ang lumandi kay Aleric. Siya ang dahilan kaya naghiwalay sila ni Aimee. At iyang kaibigan mong si Jerald at ang asawa niya ay mga konsintidor. All this time niloloko nila ang anak natin.” “Sila lang ba ang konsintidor o pati ikaw? Alam mo na ngang ayaw na sa kaniya ni Aleric ay kinukunsinti mo pa rin ang kabaliwan niya!” “Oo! Dahil hindi ko matatanggap ang babaeng iyon na saktan lang si Aimee! Hindi ako makakapayag na mangyari sa akin ang nangyari sa anak ko!” “This is not between us, Naomi! Pwedeng mahalin ni Aleric ang gustong niyang mahalin. Pwede niyang iwan ang babaeng gusto niyang iwan dahil malaya siya. Wala siyang pananagutan sa iba! Wala siyang pananagutan kay Aimee. That is the difference between us and between them. Kahit si Hilarie ay walang kasalanan sa iyo. Kahit kailan ay hindi ka niya sinaktan. Hindi ka niya inagawan dahil choice ko iyon.” “Gano’n niyo lang ba kadaling sabihin iyan?” sabat ni Aimee. “Hindi niyo maiintindihan ang nararamdaman ko dahil hindi naman kayo ang nasaktan! Hindi kayo ang niloko!” giit niya. “Si Aleric ang buhay ko daddy. Please, tulungan niyo ko. Kausapin mo si Hera na layuan na ang lalaking minamahal ko,” paki-usap niya. “I’m sorry! I can’t do that,” sagot niya. “T-tanggapin mo na ang lahat Aimee. Imposible na sa inyong dalawa ni Aleric.” Ilang sandali silang natahimik lahat. Naglakad si Marvin at nilagpasan ang mag-ina. “Kakausapin ko lang ang daddy mo,” saad ni Naomi. Sinundan niya ang asawa. “Hindi pa tayo tapos mag-usap,” sabi niya sa asawa. Nanggagalaiti pero pilit na kinakalma ang sarili. “Kailangan mo ba talaga ipamukha sa amin iyon ha?” “Dahil iyon ang totoo!” direktang sagot ni Marvin. Huminga siya ng malalim at binulsa ang dalawang kamay sa pantalon. “Alam ko na ang lahat. Kinausap na ako ni Aleric tungkol sa kanila ni Hera.” “Ano?” hindi makapaniwalang tanong ni Naomi. “Pati ikaw? Kinunsintimo? Pinagtulungan niyo ang anak ko?” “Hindi namin pinagtulungan ang anak mo. Naomi kailangan maintindihan ng anak mo na hindi sa lahat ng bagay pwedeng ipaglaban ang gusto niyang makuha. Alam mong masasaktan lang siya.” Hinablot niya ang kwelyo ng asawa at kinuyom iyon. “Kaya pala gano’n lang kadali sa iyo ang lahat? Kaya mas kinakampihan mo ang anak mo kaysa kay Aimee? Marvin si Aimee ang naagawan, wala ka lang bang gagawin sa bagay na iyan?” “Wala! Dahil anak ko si Hera. At gagawin ko ang lahat para protektahan siya sa anak mo.” Malutong na sampal ang nakuha ni Marvin sa asawa. “Walanghiya kang talaga!” Kinuha ni Marvin ang kamay ng asawa. “Walanghiya? Sa ating dalawa ikaw ang walanghiya dahil nagkaroon ka ng anak sa labas.” Nanginginig ang panga sa galit. “Tapos na tapos na ko sa iyo, Naomi. Kung dati nagtitimpi ako at hinahayaan, ngayon hindi na! Binabalaan kita ngayon pa lang. ‘Wag mong pakialaman si Hera at Hilarie.” Hinablot ni Naomi ang kaniyang kamay. “HIndi mo ako matatakot. Sa ating dalawa dapat ikaw ang matakot dahil hindi ako titigil hangga’t hindi nakakaganti sa mag-inang iyan. Wala akong pakialam kahit makulong pa ako. Papatayin ko sila! Walang makakaligtas sa kanilang dalawa. Tandaan mo!” banta niya sa asawa. Nanlilisik ang mata niya na parang demonyo. Hinablot ni Marvin ang braso ni Naomi at mahigpit na hinawakan. “Subukan mo! Ikaw ang uunahin ko,” giit niya. “Hindi mo alam kung paano ako magalit kaya ‘wag na ‘wag mong sasagarin ang pasensiya ko sa iyo!” “I dare you!” matigas na sagot ni Naomi. Tinalikuran ni Marvin ang asawa. Nanatili si Naomi sa kaniyang kinatatayuan at hindi humuhupa ang galit. Kinuha niya ang cellphone at dinayal ang isang number. Ngumisi kaagad ang kausap sa kabilang linya. “Hindi ako nagkamali, Naomi! Hihingin at hihingin mo ang tulong ko. So what now?” tanong ng lalaki sa kabilang linya. “Hindi ko sila patatawarin dahil sa ginawa nila kay Aimee…” sambit niya. “Sa anak natin?” sagot ng lalaki. “Shut up! Kahit kailan hindi ka nagpakatatay sa kaniya dahil demonyo ka!” Napahagikgik sa tawa ang kausap. “Dahil ipinagdamot mo siya! Dahil mas pinili mo si Marvin at ang kayamanan niya. Sa ating dalawa ikaw ang demonyo!” He cleared his throat. “Aayusin ko lang ang business ko rito bago bumalik diyan sa Pilipinas. Just wait for me. Magugulat ka na lang nasa labas na ako ng bahay niyo. Chao!” Hera Nyx Taevas Nagising kami ni Aleric sa tunog ng aking cellphone. “Uhm!” ungol niyang rinig ko. Niyakap pa ako at sumiksik sa aking likuran. Kinapa ko ang cellphone sa side table. “Hello,” inaantok kong sagot. Inalis ko ang cellphone sa aking tenga at tiningnan iyon. “Alas singko pa lang. Bakit ba?” “Tara sa gym!” yaya niya. Mula sa pagkakahiga ay umupo ako sa kama. Kahit ang katabi ko ay nagulat sa akin ginawa. “Is there a problem?” tanong niya pero hindi ko siya pinansin. “May problema ba?” tanong ko sa aking kausap. “Hintayin na lang kita, ha.” sagot niya sabay baba ng tawag. Tatayo na ako ng hablutin ni Aleric ang kamay ko. “Where are you going?” tanong niya. “Puntahan ko lang si Rachel. Nagpapasama mag gym sa baba.” Binitawan niya ang aking kamay, “Okay!” sagot niya. Sabay kaming tumatakbo ni Rachel sa treadmill habang nag-uusap. ‘Alam kong may problema.’ “What is it?” tanong ko sa kaniya. Umiling siya. “KIlala kita,” sabi ko. “Nag-away kayo ni Derek?” tanong ko. “Hindi naman totally nag-away,” tugon niya. “Na-offend lang ako sa sinabi niya sa akin. Alam mo iyong isampal ang katotohanan sa iyo.” Yumuko siya at inalis ang tingin sa akin. “Naging mapusok ako at alam mo naman na lahat ng nakilala ko nakaka one-night stand ko.” “And then?” tanong ko. “Nakailan daw ba ako. Sinu-sino daw ang malalaking sinipingan ko. At kung anu-ano pa na nakasakit sa damdamin ko.” Nagsimula na siyang umiyak. “Alam ko naman iyon. Parang naging pakawala ako. Gano’n ba ako?” tanong niya. Napangisi pa siya. “Alam ko naman. Pero kailangan ba talagang ungkatin pa iyon at ipamukha sa akin?” “Gago ‘yun ah!” usal ko. “Bakit ba na-open ang isyu na iyon?” “Ewan ko sa kaniya. Basta habang nagse-sexx kami bawat galaw niya kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig niya. Masarap daw ba o mas masarap ba iyong ginagawa ng iba. Ang laswa. Nakakapanliit ng sarili.” “Tapos?” “Wala na! Umalis na lang ako. Kasi wala naman akong i-e-explain sa kaniya dahil totoo naman iyon, ‘di ba? Ang sakit lang kasi sa kaniya pa nanggaling iyon. Parang hindi ko matanggap.” “Anong gusto mong mangyari ngayon?” tanong ko. “Magpapalamig na lang muna ako siguro.” “What do you mean by that? Cool-off o hiwalayan.” “Hindi ako makikipaghiwalay. Mahal ko siya at nang magkabalikan kami, iniwasan ko ng mag-isip o magsalita ng hiwalay. Siguro iiwasan ko na lang muna siya hanggang sa mawala iyong sama ng loob ko. Hindi ko naman siya masisisi kung iyon ang isipin niya sa akin.” “Wala akong ma-say,” sagot ko. “Gusto mo ba resbakan ko? Upakan ko, suntukin ko sa mukha, paduguin ang bibig, ano?” “Grabe ka naman. Kaya kita tinawagan para lang marinig mo ang gusto kong sabihin. ‘Wag mong gagawin ang mga sinasabi mo. Sayang ang mukha niya, gwapo pa naman.” “Para kang tanga,” tugon ko. “Loka-loka ka talaga.” Nagulat ako ng may humapit sa aking baywang. “Good morning, honey!” bati sa akin ni Aleric. Sinundan pa kami dito sa gym. Nakapag-opisina na siya. Sa ‘di kalayuan ay natanawan ko rin si Derek pero iwas na iwas. “Morning,” bati ko. “I have to go. See you later,” paalam niya. Tumango na lang ako at ilan sandali lang ay umalis na rin siya. Panay irap naman ni Rachel dahil hindi naman siya sinuyo ni Derek. “Kala ko ba gusto mo umiwas? Ngayon ikaw ang iniiwasan, galit ka?” “Tara na nga!” yaya niya. “May pasok pa tayo,” sagot ko. Nag-uusap kami ni Rachel habang naglalakad papasok sa opisina. Dahil abala sa pakikipag-usap ay hindi ko napansin ang babaeng nakasalubong namin. Si Tita Naomi at Aimee. Iiwasan ko sana sila pero sinugod na ako ng dalawa. Maraming mga nakakita sa amin na staff. “Malandi kang babae ka! Mang-aagaw. Putah!” sabi ni Tita Naomi. Hawak-hawak ang aking buhok. ‘Akala mo papalampasin ko ang ginawa mo sa anak ko ha? Dinaig mo pa ang nanay mo sa kalandian!” Nakipagbardagulan na rin si Rachel. Hinahatak si Aimee palayo sa amin dalawa. “‘Wag kang makialam dito!” banta ni Aimee kay Rachel. “Kakalbuhin kitang babae ka!” Inawat na kami ng ilang mga staff pero hindi pa rin nagpapatinag ang dalawa. Nang magawa ng ilang mga lalaki na ilayo ang dalawa ay hindi pa rin sila tumigil. “‘Wag na ‘wag kayong lalapit sa babaeng iyan dahil napakalandi niyan! Mang-aagaw iyan. Kung ayaw niyong matulad sa anak ko ay layuan niyo ang babaeng iyan. Salot!” “Call the security!” sigaw ni Aleric. “Damputin niyo ang babaeng iyan!” Sambit niya. Nang makalapit sa akin ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. “Let’s go to my office!” Hinatak na lang niya ako palayo sa karamihan. Sumisigaw si Tita Naomi habang papaalis kami. Aleric Zeus Marcet “Papuntahin mo rito ang nurse at dalhin ang first aid kit,” utos ni Aleric kay Derek. Sa sobrang galit niya ay binalibag pa ang pintuan pasara. “Okay lang ako,” sagot niya. “You’re not! Hindi pa ako tapos sa kanilang mag-ina. Sisiguraduhin ko na mawawala sila dito sa airline!” “Zeus, hindi naman kailangan umabot pa sa ganiyan,” suhestiyon niya. “Enough! Kahit anong sabihin mo ay hindi na magbabago ang desisyon ko.” Dinayal ko ang number ni Tito Marvin. “Sinugod ng asawa mo at ni Aimee si Hera dito sa airline,” bulalas ko sa kabilang linya. “Hindi ako papayag na basta-basta na lang palampasin ang bagay na ito!” “Okay! Calm down. Aayusin ko ito. What do you want to do?” tanong niya. “Okay!” tipid niyang tugon. “I told you, you don’t have to do that!” Sambit niya. “Bakit hindi ka lumaban? Bakit hinayaan mo na naman silang saktan ka?” Sandali akong natahimik at iniisip ang isasagot sa kaniya. “Isa ako, dalawa sila. Bukod pa ro’n hindi na ako nakabwelo kaya nahirapan akong makaganti sa kanila. Tawagan mo si Derek, sabihin mo i-check si Rachel. Nasaktan din siya,” sabi pa. Muli akong nagdayal sa aking cellphone. “Check Rachel,” utos ko. Hindi sumagot si Derek sa akin. “Did you hear me?” tanong ko ulit. “Yes, President!” Tsk. “Hindi ka ba nakaramdam? Hindi sila okay!” “I don’t care!” Nagkibit balikat lang siya. Ilang sandali pa at dumating na ang nars at dala-dala ang first-aid kit. “You may leave us,” utos ko. “Yes, President!” sagot ng nars. Nahuli ko pa na tumingin kay Hera bago umalis. “I will clear everything!” “You should,” sagot niya. “Pero kahit linawin mo ang nangyari ay isa lang din ang iisipin nila. Isn't it obvious?!” Napangiwi siya. “Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila. Ang mahalaga sa akin ikaw. Mukhang mate-terminate na ako nito sa trabaho,” ngisi niyang sabi. “That’s a great idea. Bakit hindi ka na lang magtrabaho sa akin bilang housewife?” tanong ko. “Ayoko nga! Mas nakakapagod na trabaho iyon at boring,” pabalang niyang sagot. “Boring? I think it’s not. Paano ka naman mapapagod? Pwede ako mag hire ng sampung kasambahay para wala ka ng gagawin sa bahay.” “What? Hindi ako nag-aral para lang kahihinatnan ang sinasabi mo. It’s not a good idea. Mababaliw ako kapag ginawa mo iyon,” complain niya. Habang kaswal kaming nag-uusap ay ginagamot ko ang ilang pasa niya. Maging ang kaniyang buhok ay sinuklayan ko pa at kinapa kung may bukol o sugat doon. May iilang kalmot dahil siguro matalim ang kuko ni Tita Naomi. “Thanks, honey!” malambing niyang sabi. Pinaglalaruan niya ang necktie ko habang nakatingin doon. “What should I do now, Zeus? I love my work.” “Don’t worry. I’ll fix everything.” Paninigurado kong sagot sa kaniya. Nagpatawag ako ng agarang meeting dahil sa nangyari. Hinayaan ko muna magpahinga si Hera sa aking opisina habang nakikipag-usap sa aking mga empleyado at iba pang mga tao na may position sa kumpanya. “It’s true and I will not deny it. I and Captain Taevas are living together.” Nagsimula na silang magbulungan. “Shut up! This is the first and last time na kakausapin ko kayo about this matter. Huwag na huwag kayong magsasalita ng against kay Captain Taevas or else ako ang makakalaban nio. Hindi ako manghihinayang na tanggalin kayo dito sa kumpanya. Get it?” Natahimik sila dahil sa banta na sinabi ko. “Answer me?” ulit kong tanong kasabay ang pagpalo sa lamesa. “Yes, President!” tugon nila. “Good! Meeting adjourned.” Nauna na kaming lumabas ni Derek sa conference room. Wala siyang imik at hindi nagsasalita. “Ayusin mo hangga’t maaga.” “Ang alin?” tanong niya. “Ang relasyon niyo ni Rachel. Hindi kayo okay hindi ba?” tanong ko. “Do it before you regret it!” “I will handle it, but not now. Wala akong mukha na mahaharap sa kaniya dahil sa mga sinabi ko.” Napahagikgik ako sa tawa/ “Hindi ikaw iyan, Derek. Masyadong seryoso?” “Isipin mo na lang broken hearted ako, kaya ganito ako ngayon.” Mas lalo akong natawa. “Hindi naman halata.” Tiningnan niya ako at bumulong-bulong. “Ikaw rin, baka hiwalayan ka na naman ni Rachel. And this time baka hindi ka na niya balikan.” “Tumigil ka na nga lang kung wala kang matinong sasabihin!” Binilisan niya ang paglalakad at iniwanan ako. Saktong tumunog naman ang cellphone ko. Naka receive ako ng isang text mulsa sa hindi kilalang number.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD