Chapter 28

3033 Words
Hera Nyx Taevas “Kailan ka ba bibisita dito?” tanong ni Mama. Ka-video call ko siya ngayon habang nag-aalmusal kaming dalawa ni Aleric. Opposite seat kami kaya hindi siya nakikita ni Mama. Nakikinig lang siya sa pinag-uusapan namin. “Hera! Tinuturing mo pa ba akong nanay? Nakakalimot ka na naman, ah!” “Ma, ang exaggerated mo na naman magsalita. Busy ako dahil malapit na ang annual at proficiency check.” Inirapan niya ako. “‘Sus! Gumawa ka na naman ng dahilan. Ah basta, hihintayin kita ngayong linggo!” giit niya. “Kumain ka ng kumain at mukhang nangangayayat ka na naman.” Paalala niya. Pagpatay ko ng video call ay napunta ang tingin ko kay Aleric. “Paano naman kasi may lalaki ditong gabi-gabing nangungulit,” saad ko. I sighed. “Hindi talaga magandang idea na nagsama pa tayong dalawa,” dugtong kong sabi. “I weigh you every night, honey. And I’m sure na hindi ka nangangayayat. Last night I check na medyo bumigat ka na nga.” Pilyo niyang sagot. Tinapon ko sa kaniya ang tablecloth na hawak ko. “Tumigil ka na sa kalokohan mo, ha!” banta ko sa kaniya. Ngumisi lang siya at binalik ang atensyon sa pagkain. “Nag leave si Derek ngayon. Do you have any idea kung bakit?” tanong niya. Umiling ako. “Hindi. Wala naman sinasabi sa akin si Rachel,” sagot ko. “Baka may lakad silang dalawa. Baka okay nagkaayos na sila.” Nagkibit balikat na lang siya. “Siguro.” Naputol ang usapan namin ni Aleric dahil nag ring na naman ang cellphone ko. ‘Si Daddy.’ “Who’s calling? Si Mama ulit?” Inirapan ko siya, “Mama ka riyan? Anak ka niya?” Pambabara kong sagot. “Huwag kang maingay, ha?! Si Daddy ang tumatawag.” Ilang segundo pa ang pinalipas ko bago sagutin iyon. “Good morning, Daddy!” bati ko. “Napatawag ka?” “Gusto lang kita kamustahin,” sagot niya. “Okay naman po ako. May problema po ba?” Napaawang ang labi ko at naisip na baka alam na ni Daddy ang nangyari sa bahay nila Aleric. “Daddy, I’m sorry. Hindi ko naman sinasadya na makita kami ni Aimee sa bahay nila Aleric.” “Wala naman problema. Naisip lang naman kita,” sabi niya. Halata sa kaniyang boses ang pag-aalala. “Kinausap ko na si Aimee about what happen. Pati si Marvin ay nakausap ko na rin dahil pinuntahan siya ni Naomi sa bahay nila.” Napabuntong hininga ang kausap ko sa kabilang linya, “Look, Hera! I just want to remind you na palagi ka mag-ingat. Lalo pa ngayon at nakakakuha ako ng threat kay Naomi. Ayokong may mangyari sa inyo ng mama mo.” “Masyado na po bang seryoso ang nangyayari? Bakit kailangan pang umabot sa sakitan?” Now I felt guilty again. “Dad, I’m really sorry for the problem I caused.” “You don’t have too, anak. Kung meron may kasalanan dito ay ako iyon.” Bumuntong hininga ako. “Nabalitaan ko na nag sasama na kayo ni Aleric,” pag-iiba niya ng usapan. “Yes, Dad! Sorry hindi ko nasabi sa inyo. Biglaan lang din po ang lahat,” paliwanag ko. “Alam na ba ni Hilarie iyan?” tanong niya. “Not yet, Dad! Alam mo naman sasabunutan ako ‘nun kapag nalaman niya. Kahit gano’n maluwag si Mama sa akin ay pinoprotektahan pa rin niya ako.” “Kahit ako ay nagagalit din dahil hindi ‘man lang nagpaalam si Aleric sa akin,” tugon ni Daddy. Natatawa pa siya, “Tinawagan ako ng Mama mo na pupunta ka raw sa weekend sa bahay. Tamang-tama, isama mo si Aleric para pormal mong maipakilala sa amin.” “Kailangan pa ba iyon, Dad? Magkakilala naman kayong dalawa at alam mo na rin naman,” katwiran ko sa kaniya. “Aba, syempre! Paano ko malalaman na sincere sa iyo ang lalaki kung hindi dadaan sa amin ng mama mo?” He complained. “O sige na! Ibaba ko na ang tawag. Alam kong abala ka ngayon dahil malapit na naman ang pilot proficiency exam mo. Basta lagi mong tatandaan na mag-ingat.” “Opo, Daddy. Thank you po. Bye,” paalam ko. Tumingin ako sa aking kaharap. “Narinig mo naman ang lahat, ‘di ba? At malinaw naman ang pagbibilin ni Daddy.” Niloud-speaker ko kanina ang tawag para marinig niya rin. “Tama naman si Tito Marvin. Mali nga na binypass ko siya at tinanan ka kaagad,” natatawa niyang sagot. “Hindi iyon, Aleric. Nag-aalala ako…” Inabot niya ang kamay ko at pinisil iyon ng mahigpit. “Gagawin ko ang lahat para hindi ka masaktan ni Tita Naomi at Aimee. Kung nakausap na rin ni Daddy si Tita Naomi, posibleng tinapos na nila ang ugnayan sa bawat isa.” “Paano kung totohanin ni Tita Naomi ang banta niya? Ayokong masaktan ang pamilya mo. Ayoko silang madamay. Si Mama, siya lang ang meron ako paano kung may nangyaring hindi maganda?” “I will hire a bodyguard na pwedeng magmasid-masid 24/7 sa bahay ni Mama at ni Nanay Tina.” Hinimas niya ang aking mukha, “Hey cheer-up. Masaya lang tayo kaninang nag-uusap, ngayon iba na naman ang awra ng mukha mo. Ako, ang pamilya ko at si Tito Marvin ay gagawin ang lahat para protektahan ka at ang pamilya mo.” “Ayoko lang umabot sa hindi maganda ang lahat, Zeus.” Pinisil niya ang baba ko. Ngumiti siya. “Trust me, honey!” Pagkatapos namin mag-almusal ni Aleric ay nagpaalam na siyang aalis at papasok na sa trabaho. Ayaw ‘man niya na iwan ako ay hindi maaari dahil marami siyang kailangan asikasuhin sa kumpanya. After lunch pa ang pasok ko mamaya. Dahil mahaba-haba pa ang oras ay bumaba ako sa dating unit na tinutulugan ko. ‘Mabuti na lang at may susi pa rin ako.’ Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin sa sala ang dalawang tao na may ginagawang milagro sa sofa. “s**t!” mura ko at biglang napatalikod. “Oh my god, Hera! Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot?” tanong sa akin ni Carol. “Stay like that!” saad niya. “Okay…” sagot ko. Nanatili akong nakatalikod at hinihintay ang go signal nila kung pwede na akong humarap. “Anong ginagawa mo rito?” usisa niya. “Pwede ka ng humarap.” Nang humarap ako ay binigyan ko ng ngiti ang dalawa. “I’m sorry. Wala lang akong magawa kaya binisita ko kayo dito sa unit. Hingal na nagsalita si Carol, “Kami lang ni Chan ang nandito. Halos kararating lang din naman namin.” Tumango-tango ako. “Ah!!! So kayo na?” usisa ko. Nag pacute naman si Chan ng balingan ko ng tingin. “Pa virgin ka pa riyan?” natatawa kong sambit sa kaniya. “Virgin pa nga siya,” bulalas ni Carol na natatawa. “Tuturuan ko sana kung paano bumayo kaya lang dumating ka.” “Pwede ba kayo after ng proficiency test natin?” tanong ko. “Doon tayo sa condo ni Aleric. Malaki ang venue at maganda ang view.” “Pwede,” tango ni Carol. “Sasabihin ko na lang sila.” “Sige…sige!” Tumayo na ako at naglakad papalabas. “Aalis na ako. Pwede niyo na ituloy ang ginagawa niyo,” natatawa kong sabi. Parang tuod naman si Chan na nakaupo dahil walang imik sa sobrang kahihiyan. Papaandarin ko na ang sasakyan ng makatanggap ng tawag kay Cassie. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin kaagad iyon. “Hel-” Naputol kaagad ang pagsasalita ko dahil narinig kong umiiyak si Cassie sa kabilang linya. “Ate, free ka ba?” tanong niya. “Anong problema, bakit ka umiiyak?” tanong ko. Napapikit ako ng mariin. “Papasok pa lang ako sa work pero may oras pa naman ako. Nasaan ka ba at pupuntahan kita.” Malapit lang sa airport ang location ni Cassie. Nasa isang fast food chain siya at doon naghihintay. Nagmadali akong magpunta doon para mai-comfort siya. Nakita ko siyang tulala na nakadungaw sa malaking glass wall. Ilang minuto ko rin siyang pinagmasdan doon bago pumasok. Hindi niya rin namalayan ang pagdating ko dahil sa malalim na iniisip niya. “Cassie,” tawag ko. “Ate!” tawag niya sa akin. Tumayo siya at niyakap ako. Doon na nagtuloy ang kaniyang pag-iyak. “Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” Iginaya ko siya paupo at pinapaklama. “Nandito na ako. Huwag ka ng umiyak.” “Si Mommy kasi…” saad niya. “Palagi na lang si Ate Aimee ang iniintindi niya. Ako…Kami ni Hersey ang palagi na lang mali sa paningin niya.” Tumingin siya sa akin. “Bakit gano’n? Hindi ba naisip ni Mommy na nasasaktan kami dahil sa ginagawa niya?” Huminga ako ng malalim. Tinapik-tapik ko siya sa balikat. “Hindi kita masasagot sa tanong mo, Cassie.” Direktang sagot ko. “Sorry kung hindi ako maka-relate sa nararamdaman niyo bilang anak ni Tita Naomi. Siguro stress lang at may problema lang silang kinahaharap kaya siguro iba ang mood nila.” Pagbibigay ko ng dahilan. “Ever since na lumaki kami ay gano’n na talaga si Mommy.” Tugon niya. Nagpupunas na siya ng luha sa dalawang mata. “Ate, salamat ha at nandito ka ngayon. Kahit papaano ay nararamdaman ko na may kapatid ako sa katauhan mo. Actually dalawa kami ni Hersey. Hindi ako nagsisisi na napalapit sa iyo.” Ngumiti siya at pinaglaruan ang dalira. “Naiingit ako noon kay Hersey sa tuwing kinu-kwento ka niya. Alam mo matagal ko ng gustong maranasan ang mga bonding na ginagawa niyong dalawa. Hindi pa naman huli ang lahat, hindi ba, ate?” Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. “Oo naman,” malambing kong sabi. “Hindi ko naman kayo tinuring na iba sa akin. Mahalaga kayong lahat sa akin kahit hindi niyo ako gusto. Handa akong maging ate sa inyo anumang oras na kailanganin niyo ako.” Tumango-tango siya. Kahit papaano ay nabawasan na ang kaniyang pag-iyak. Para maibsan ang kalungkutan ay binilan ko siya ng pagkain na posibleng makapagpaganda ng mood niya. “Ate, try mo ang ice cream at fries,” suggest niya. “Promise masarap,” dugtong niya. Ginawa ko naman ang sinasabi niya. Ngumisi ako, “Masarap nga!” saad ko ng matikman iyon. Inulit ko ulit iyon gawin. At this time pinahid ko iyon sa kaniyang ilong. “Ate naman, e!” natatawa niyang sambit. Medyo late na ako sa trabaho, pero ang mahalaga ngayon ay si Cassie. “Ate thank you, talaga!” pasasalamat niya. “Sorry at naistorbo ko pa ang oras ng trabaho mo.” “Okay lang,” saad ko. “Teka wala kang kasamang driver?” usisa ko. “Wala, ate! Pero magta-taxi na lang ako. Nasa school ni Hersey ang driver.” “Sige. Halika at sasamahan na kitang mag-abang ng taxi,” sambit ko. Nasa gilid kami ng daan at nag-aabang ng taxi. Ilang minuto rin kaming naghihintay bago nakakuha. Nagpaalam na si Cassie sa akin bago pumasok sa taxi pero hindi iyon ang nangyari. Bang… Nakaupo ako sa sahig dahil sa pagtulak ni Cassie sa akin. Natulala ako at hindi nakagalaw. Ilang minuto ako sa gano’n itsura dahil na rin sa pagkagulat. “Ate,” naghihingalong tawag sa akin ni Cassie. “Cassie?” tawag ko. “Cassie!” Nagkakagulo sa aming paligid. Maraming mga taong nakapalibot na sa amin. “Ate. O-okay lang ako,” nakangiti niyang sabi sa akin. “Dadalhin kita sa ospital…” saad ko. Hindi ko napigilan tumulo ang luha ko. Nanginginig na ako sa sobrang takot. “Ta-tawag ako sa ambulansya…” Pagkatapos kong idayal ang 911 ay may rumesponde na kaagad na ambulansya. May mga pulis na rin sa paligid na nag-aasikaso sa amin. Marvin Hao “Mr. Hao, sigurado na ba kayo sa will and last testament ninyo? I mean hindi ito fair para sa asawa at anak mo?” tanong ni Atty. Valdez sa akin. “Attorney, sigurado na ako.” Desedido kong sagot. “Alam kong hindi ko pagsisisihan ang desisyon ko.” “Bakit biglaan?” tanong niya. “Nararamdaman ko lang na kailangan kong gawin,” sagot ko. ‘Out of nowhere ay naisip ko na lang na gawin ang bagay na ito. Posible kayang natatakot ako? Siguro, oo. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa bawat araw na dumadaan. Kailangan bago ‘man lang ako mawala o may mangyari sa akin ay nasa tama na ang lahat.’ “I will prepare everything based on your instruction.” Nagpatuloy ako sa aking pagtatrabaho pagkatapos namin mag-usap ni Attorney. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kabang ito. Hindi ako mapakali at wala ako sa focus. Nabasag ang aking katahimikan ng umalingawngaw ang tunog ng aking cellphone. “Dad…” bungad ni Hera ng sagutin ko ang tawag niya. “Yes?” sagot ko pa. “Dad…Si Cassie…” “What happened?” tanong ko. Nang marinig na nasa ospital sila ay parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. “Pa-papunta na ako!” nauutal kong tugon. Pinaharurot ko ang kotse. Dahil tanghali ay maraming sasakyan sa labas.Hindi ako makasingit sa mga sasakyan para makarating kaagad sa ospital. Finally… Pagdating ko sa ospital ay hinanap ko kaagad si Cassie at Hera. Nakita kong puro dugo ang uniporme ni Hera. “Hera!” tawag ko sa kaniya. “Nasaan ang kapatid mo? Anong nangyari?” tanong ko. “Daddy…” usal niya. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ito. Magsasalita na sana ako ng sumingit ang nars sa pag-uusap namin. “Sino po ang guardian ng pasyente?” “Ako!” tugon ko. “Nasaan ang anak ko?” “Nasa operating room na po siya ngayon. Pakipirmahan po itong waiver at ilang papeles. Kailangan din namin ng dugo para sa pasyente dahil maraming dugo ang nawala sa kaniya.” Hinarap ko si Hera. “Hindi mo kailangan gawin ito. Pwede tayong bumili ng dugo kung may available.” “I’m sorry, Sir. Pero walang available ng A+ blood sa blood bank ngayon.” Saad ng nars. Tumingin siya kay Hera, “Ma’am this way po. Iche-check po natin kung pwede kayong mag donate ng dugo.” Hindi nagdalawang isip si Hera na sumunod sa nars. Naiwan akong mag-isa doon. “Mr. Hao?” tanong ng ilang pulis. “Yes, officer!” sagot ko. “What happened?” tanong ko sa kanila. “Base po sa CCTV ay naghihintay ang biktima ng taxi. Pasakay na sana ang anak niyo ng biglang sumulpot ang truck na ito. Dapat ay si Miss Taevas ang sasagasaan pero tinabig siya ng anak niyo kaya nakaligtas.” “Nasaan ang driver ng truck? Hayop siya! Gusto niya bang mamatay ang anak ko?” Bulyaw ko. “Nakatakas po ang truck driver. Pinaghahanap na po namin siya,” sambit ng pulis “Ginagawa na po namin ang lahat!” dugtong pa. “Thank you, officer! Please do everything para makita ang driver ng truck.” Habang hinihintay na bumalik si Hera ay binalita ko na rin kay Naomi ang nangyari. Agad siyang nagpunta dito sa ospital at aligagang nagtatanong sa akin kung ano nga ba ang nangyari. “Walanghiya talaga iyang anak mo!” bulyaw sa akin ni Naomi. “Una si Aimee, ngayon naman si Cassie! Salot talaga ang babaeng iyan. Iisa-isahin ba niya ang pamilya natin, ha?” “Calm down!” saad ko. “Calm down? How, Marvin? Nasa bingit ng kamatayan ang anak natin,” hagulgol niyang iyak. “Walang gusto ng nangyari. Aksidente ang lahat.” Paliwanag ko sa kaniya. “Wala dito si Cassie kung hindi iniligtas ang anak mo sa labas. Alam mo dapat ang anak mo na lang ang nasagasaan at mamatay. Para matapos na ang problema ko!” “Shut up!” bulyaw ko sa kaniya. “Humanda talaga sa akin ang babaeng iyan pag nakita ko!” banta niya. Sinugod kaad ni Naomi si Hera ng makita niya ito. “Hayop kang babae ka! Mas mahalaga ang buhay ng anak ko kasya sa buhay mo!” giit niya. Naabot niya si Hera at hindi ko kaagad napigilan. “Salot talaga ang anak mong iyan sa buhay natin!” “Naomi, tama na!” awat ko. Nang mailayo ko si Naomi ay hindi pa rin siya tumigil sa pagsasalita. “Akala mo porket nagbigay ka ng dugo ay ayos na ang lahat? Hera punong-puno na ako sa iyo! This time hindi na kita pagbibigyan hayop kang babae ka. Pagkatapos mong saktan si Naomi, ngayon si Cassie naman ang gusto mong patayin?!” “Tumigil ka na,” banta ko kay Naomi. “Kanina pa tayo pinagtitinginan dito!” Nang balingan ko ng tingin si Hera ay umupo na ito sa bench na malapit sa kaniya. Nakapikit habang tumutulo ang luha sa mata. Hindi ko maasikaso si Hera dahil kay Naomi. Kaya tinawagan ko si Aleric para papuntahin dito at i-uwi si Hera sa bahay. “Hello, Tito Marvin.” Bungad niyang sagot ng sagutin ang aking tawag. “Nandito ako sa ospital kasama si Hera. Pumunta ka na dito ngayon. "What?" gulat niyang tanong. "Saang hospital?" dugtong niyang tanong. "Papunta na ako. Just send me the address." Aleric Zeus Marcet Para akong binuhusan ng malamig dahil sa binalita ni tito. ‘Anong nangyari kay Hera?’ Siningitan ko ang lahat ng sasakyan para makarating kaagad sa ospital. Pinara na rin ako ng ilang MMDA pero hindi ko sila hinintuan dahil mahalaga na makapunta ako kaagad sa ospital. “Nars…” tawag ko pagdating sa information section. “May pasyente ba kaong Hera Taevas?” Tiningnan ng nurse ng information sa computer. “Sorry, Sir! Pero wala kaming pasyente…” I feel relieved when I hear it. “How about Marvin Hao?” “We have a patient Hao, but not Marvin. Cassie Hao…” “W-what happened?” “Car accident! Nasa operating na po ang pasyente.” “Where’s your operating room?” aligaga kong tanong. “Third floor.” “Okay! Thank you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD