Chapter 9

3231 Words
Hera Nyx Taevas Napatingin ako sa aking likuran ng may kumalabit sa akin. Pagkita ko nga sa kaniya ay ipinakita ang dalang kape at maganda ang ngiti. “Good morning,” bati ni Romeo sa akin. “Coffee pampagising sa natutulog mong damdamin. Char!” Napangiti na lang din ako. ‘Ang dami niya kasing mga nakakatuwa at pampa goodvibes na mga hugot.’ Kinuha ko ang kape at nagpasalamat. “Thank you!” saad ko. “Maaga ka ata ngayon?” tanong ko. “Hindi ba’t mamayang afternoon pa ang flight mo?” “Naks! Updated ka pa la sa schedule ko ha?!” biro niya. “Bakit? Gusto mo ba malaman kung kailan ang free time ko?” natatawa niyang sabi. “Pwede mo naman akong tanungin. Willing akong ibigay sa iyo, pati ang puso ko.” Inirapan ko siya, “Ikaw talaga, ang dami mong hugot!” tugon ko. “Hindi, no! Tiningnan ko kasi ang schedule ni Rachel, e nasa same schedule kayo ng flight. Pinagkaiba lang domestic ka, international flight sa kaniya.” Pagpapaliwanag ko sa kaniya. Nauna siyang naglakad at hinarangan ang aking dinaraanan habang patalikod na naglalakad. Halatang kinikilig pa siya dahil namumula ang mukha at tenga. “Captain, Pwede ba kitang yayain kumain sa labas?” tanong niya. Halatang nahihiya pa dahil napatakip pa sa mukha. Hindi ko naman napigilan kiligin. ‘Kahit nakakainis siya kung minsan.’ “Pwede naman!” sagot ko. Hindi ako nagpakita ng saya o lungkot basta naging seryoso lang ako. “Talaga?” tanong niya. “Don’t worry hindi ko naman sasagasaan ang mga oras mo sa trabaho. Basta kung kailan ka free.” “Okay!” sagot ko. ‘Panahon na para bigyan naman ng chance ang sarili ko na magmahal muli. Baka sakaling maging tama na ngayon ang choice ko.’ “Wala ng bawian ‘yan, Captain, ha?!” “Oo nga!” sagot ko. “Umayos ka na nga sa paglalakad at baka madisgrasya ka -.” Napahinto ako sa pagsasalita ng matuluyan nga siyang ma-aksidente. Tumama ang pwet niya sa sahig. Nilapitan ko siya at inabot ang aking kamay para tulungan siyang tumayo. “Ano ba kasing ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya. “Tayo!” Nakangiti siya at hindi nawala ang titig sa akin. “Na-na dulas lang,” utal niyang sagot. “Okay ka lang?” tanong ko. “O-oo naman!” sagot niya at maya-maya lang ay bigla na lang ng paalam, “Sige! Basta wala ng bawian iyan ha. Ma-mauuna na ako,” sabi niya sabay wagayway ng kamay sa akin. Habang tinitingnan siyang tumatakbo palayo sa akin ay hindi ko naman napigilang mapangisi. ‘Kahit sabihin niyang okay lang siya ay alam kong masakit pa rin iyon dahil sa pagkakabagsak niya.’ Napalingon ako sa bandang gilid ng elevator ng mahagilap si Aleric at Derek na nakatayo roon at nakatitig sa akin. ‘Totoo pala minsan ang pakiramdam na may nakatingin sa iyo kaya napapalingon ka na lang.’ Binawi ko kaagad ang aking tingin at naglakad papuntang escalator. For the next weeks ay magiging hectic and stressful for sure ang aking flight. ‘From Manila to Cebu, vice-versa. Then, kailangan bumalik sa cebu bilang deadhead para sa flight from Cebu to Japan.’ Nakasakay na kami ng co-pilot ko sa cockpit at naghahanda para sa flight ng makatanggap ako ng tawag mula sa room controller. “There will be two VIP passengers on your flight, Captain. Make sure that you will depart and arrive safely in your location,” balita sa akin. “Got it! Rest assured that I will do my best to avoid an unnecessary problem,” tugon ko. "Thank you and have a safe flight,” saad at kasabay noon ay tunog ng binaba na telepono ang aking narinig. Napabuntong hininga na lang ako. “Is there any problem, Captain?” tanong ng aking co-pilot. Umiling ako, “They just informed me about our VIP passengers,” tugon ko. “I see! Don’t worry I’ll do my part to make this flight safe.” “Same here!” tipid kong tugon. Nang handa na ang lahat ay handa na kami para umalis. Lahat ng mga kailangan gawin ay ginawa ko na rin lalo na ang mga sign na dapat pindutin para maging aware ang mga passenger. “Maintain runway heading 7000 cleared for takeoff runway zero six runway heading seven thousand cleared takeoff runway zero six takeoff thrust set 100 knots checked V1,” announce ko at dinere-diretso lang ang pagsasalita habang minamaniobra ang mga pushbuttons ng systems. Nang makalipad na sa ere ay narinig kong nagsalita ang katabi kong piloto. “This is one of the best and flawless take-offs I ever experienced, Captain Taevas!” puna ng aking kasama. Habang minamani-obra ang controller ay tumugon naman ako sa kaniyang sinabi. “Thanks! I’m sure magagawa mo rin ito,” saad ko. “Wow! I never heard that kind of compliment. Thank you!” ‘Isa siya sa mga bagong piloto na tinanggap ng airline. Halos karamihan talaga ay mga lalaki ang Piloto. Bilang lang sa palad kaming mga babae na piloto.’ After an hour of traveling via air ay nakarating rin kami sa airline. Isa-isa na nga naming pinatay ang mga systems at fuel pumps. ‘Kailangan maging efficient at walang sasayangin na oras. Ilang oras lang at babalik na ulit kami pabalik ng Manila.’ Dahil pagod ay agad naman akong nakatulog pag-uwi sa condo. ‘Kailangan ko rin maagang mag-prepare para sa next flight ko tomorrow.’ Hindi tayo ang Captain ngayon dahil magiging deadhead ang schedule ko kaya’t same sa mga ordinary passenger ay kailangan ko rin mag check-in sa counter para humingi ng ticket. Pagkatapos makahingi ng ticket ay dumiretso na ako sa eroplano na sasakyan ko. Meron special lane para sa mga flight crew para sa katulad ko kaya’t hindi na ako pumipila gaya ng mga pasahero. Dahil nakapark sa remote parking bay ang aircraft ay kailangan ko pang dumiretso sa pre-departure area at sumakay ng bus para makarating sa plane. Bilang empleyado ay may mga alituntunin din kaming mga piloto na manghingi ng permission na magjo-join ka ng flight. Natanawan ko na nakasakay na rin ang magiging Co-pilot ko bukas na si Captain Chan. “Good morning, Captain Taevas!” bati ng ilang F.A sa akin. Nang makalapit sa kanila ay tinanong ko nga kung sino ang captain at co-pilot. Hindi pa nakakasagot ang F.A ay narinig ko na ang pamilyar na boses. “Good morning, Captain Taevas!” Ngumiti ako at tumugon, “Good morning, Captain Elizer!” tugon ko. Nang tumingin sa aking kanan ay ngiti naman ni Captain Romeo ang bumungad sa akin. “Morning,” usal ko sa kaniya. “Good morning din, Captain!” balik na bati niya sa akin. “Sisiguraduhin kong safe ang landing natin mamaya,” dugtong pa niya. Naging boses bata siya kaya’t parang natawa naman si Captain Elizer. “Naks! May ganiyan ka pang nalalaman, Captain Romeo!” puna niya sa katabi. Ngumiti siya pabalik sa akin, “Pumunta ka na sa passenger seat mo,” aniya. Pagdating sa Cebu airline ay dumiretso na kami sa hotel na tutuluyan namin ni Captain Chan. Bago pa kami bumaba sa service namin ay pinaalalahan ko na siyang sunduin kami ng 7:45 ng umaga. About two minutes away lang ang airline sa Mactan Hotel, kung saan kami matutulog. Pagpasok pa lang sa front desk ng hotel ay nasilayan ko na ang isang pamilyar na pigura. ‘Nagdadalawang isip pa ako kung tatawagin ko siya kaya’t nilapitan ko na lang.’ “Derek!” mahina kong sambit. Nang humarap siya ay nakumpirma ko nga na tama ang aking hinala. “Anong ginagawa mo rito?” usisa kong tanong. “Ui! Sabi ko na magkikita tayo dito‘Room 506 ang room number ko, samantalang Room 508 naman si Captain Chan.’ Diretso pasok na ako sa aking kwarto at inasikaso na nga ang dapat kong asikasuhin. ‘Nakakaboring din pala na wala kang ginagawa,’ saad ko sa aking isip. Naisipan kong bumaba sa lobby at maglakad-lakad sa paligid. ‘First time ko rito sa hotel kaya’t hindi naman kalabisan kung makapag unwind kahit sandali.’ Mula sa pantulog ay nagpalit ako ng jeans at blouse. Sinigurado ko naman maayos na ang lahat ng aking gamit bago mag stroll sa hotel. Pasakay na ako ng elevator ng marinig ang mga boses. Paglingon ko nga ay si Aleric iyon at Derek, kasama ang ilang mga tao na naka-formal ang suot. “Good evening,” bati ko sa kanila. “Everyone, I want you to meet Captain Taevas. One of the best and most skilled pilots in our Airline. She will also be our assigned Pilot for tomorrow going back to your country.” “Nice to meet you!” Sambit ko. “Arigatou!” tugon nila. “Maybe she can join to our dinner,” saad ng isang hapon. “It’s our treat. I am glad that we will go back to Japan, safe and sound.” “You flatter us too much,” sagot ni Aleric. Tumingin nga sa akin, “Captain Taevas, join us! It’s our pleasure to invite you.” “Thank you, President!” kaswal kong sagot. Habang abalang nag-uusap ang aking mga kasama ay nananahimik naman ako sa isang sulok. Sa restaurant ng hotel na kami kumain para hindi na lumayo pa. Pagpasok sa loob ay sumunod lang ako sa kanila. Nauna silang umupo kaya’t ang ending mauupo ako sa pagitan ni Aleric at Derek. Sinamaan ko ng tingin si Derek pero nagkibit balikat lang siya na wari’y nagpapanggap na hindi sinasadya iyon. Nilapitan kami kaagad ng waiter at binigay ang menu. Dahil first class hotel ito dito sa Cebu ay more on Cebu delicacies ang nasa menu which is nakakapang-akit sa mga turista na kakain dito. “Please order all you want, don’t be shy!” sabi ng Hapon. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Aleric na itama sa akin ang siko niya kapag kausap ang hapon. ‘Pero kanina pa talaga siya namumuro sa akin dahil sa kaniyang ginagawa.’ Bukod sa kainan ay uminom din kami ng wine. Dahil mismo ang mga hapon ang nag-order ay wala naman kaming nagawa kun’di makiinom na rin. ‘Nakakatuwa ang kanilang mga behavior towards to Filipino. Napaka natural ang kanilang pakikisama at ang kanilang respeto.’ “Gochisōsamadeshita!” saad ko na ang ibig sabihin ay ‘Thank you for the meal!’ Yumuko naman ang mga hapon, “Hai!” tugon sa akin ng isa. “Anata wa nihongo o hanashite imasu ka?” tanong ng isa pang hapon na ang ibig sabihin ay ‘Marunong ka bang mag Nihongo?’. Ngumiti ako, “Jakkan!” tugon ko na ang ibig sabihin sa English ay ‘a little bit’. “Ah!” sagot niya at tumango-tango, “Inshō-teki!” tugon sa akin. Yumuko ako at muling nagpasalamat, “Arigatō! Oyasuminasai” sambit ko at nag bid na ng goodbye. Bilang respeto at pagpapaalam sa mga hapon ay nagtiyaga akong yumuko-yuko para magpasalamat sa kanila. Sa paraan kasi na ito ay magkakaroon ng magandang imahe ang mga empleyado ng airline sa kanila. Naunang umalis ang mga hapon at nagpaalam na lalabas nga sila kasama ang mga ilang PIlipina na sumundo sa kanila. Nagyaya pa nga sila na isama kami sa bar pero hindi na ako sumama dahil nga maaga ang flight ko bukas. “Akyat na ko!” paalam ko kay Derek. “Maaga pa ako bukas, e!” Nasa gilid ni Derek si Aleric pero hindi ko na siya binati at tinanguan ko na lang. Nilagpasan ko siya at hindi na binigyan pa ng kahit anong atensyon. Aleric Zeus Marcet Naiwan kaming nakatayo ni Derek sa harap ng restaurant habang nakatitig sa likuran ni Hera na naglalakad palayo sa amin. “Ngayon ko lang na discover na marunong mag Nihongo si Hera,” puna niya. “Siguradong 100 percent na ang rating natin sa mga hapon na iyon. Nakatulong pa pala na nakasama natin siya,” dugtong pa niya. “Anong room number siya?” tanong ko habang hindi inaalis ang tingin kay Hera na nasa tapat na ng elevator. “‘Di ko alam, President!” sagot niya. “At ‘wag mo ng alamin, baka magalit pa iyon! Sabi niya magpapahinga na siya, ‘di ba? Kaya hayaan na natin siya.” Aalis na si Derek sa tabi ko ng hablutin ko ang kwelyo ng kaniyang damit. “Sinungaling ka talaga!” saad ko. “Akala mo ba hindi kita nakita na kausap siya at kasabay na umakyat sa 5th floor?!” suhestiyon ko. “Kayong dalawa lang ang sumakay sa elevator at pareho kayo ng floor na hinintuan!” saad ko. “President naman, e! Nilalagay mo na naman ako sa alanganin,” reklamo niya. “Hindi ka malalagay sa alanganin kung sasabihin mo sa akin,” tugon ko. “Ayoko!” tanggi niya. “Kahit anong gawin mo hindi ko ibibigay ang impormasyon na kailangan mo!” Hinamon ko siya, “Ah ganoon? Alalahanin mo, madaling magtanong sa receptionist at kahit ngayon malalaman ko ang information na hinihingi ko sa iyo. Gusto ko lang manggaling sa iyo dahil lately napapansin ko na mas kinakampihan mo siya kasya sa akin ni kaibigan at boss mo!” diin kong sabi. “Hindi naman sa ganoon, President!” tugon niya. “Dalawa kayong kaibigan ko kaya’t namamagitan ako sa inyo. Isa pa, nangako na ako kay Hera na hindi na makikialam sa relasyon niyong dalawa, kaya’t babush!” Tinakasan niya ako at nagtatakbo palayo sa akin. Niluwagan ko ang suot kong necktie at muling pumasok sa restaurant. “Sir, meron po ba kayong naiwan?” tanong ng waitress. “Nothing,” sagot ko. “I just want to order a bottle of wine in room 507,” Gusto ko sanang tanungin ang room number ni Hera sa receptionist ngunit nagdalawang isip ako dahil hindi ibibigay sa akin iyon dahil sa privacy ng hotel. Itatawag pa nila kay Hera kung talagang kilala ako bago ibigay ang room number niya. Habang naglalakad sa hallway ng fifth floor ay inusisa ko ang buong lugar. Tiningnan ko isa-isa ang mga pintuan kung saan may nakalagay na mga room number sa taas. Dahil curious na malaman ang room number niya ay naisipan kong kumatok sa bawat pinto. ‘Sampung room lang naman ito. Wala naman mangyayaring hindi maganda sa iniisip ko, hindi ba?! Bahala na!’ Nagsimula akong kumatok sa 510. Isang matandang lalaki nga ang nagbukas. “I’m sorry! I thought it was my room,” hingi ko ng tawad at nagpanggap na kunwaring lasing. “Oh. men!” saad niya at umiling-iling na lang. Paglagpas ko ng pintuan ay malakas na isinara iyon ng lalaki. Napahiya ‘man ay hindi ko alintana iyon. Huminto ako sa room 509 pero nagdalawang isip ako na kumatok doon kaya sa room 508 ako dumiretso. “Even numbers muna,” sabi ko sa hangin. Humugot ako ng lakas ng loob bago i-ring ang bell. “President!” bati sa akin ng lalaki. “And you are?” tanong ko. “Captain Chan, President! Is there anything I can do for you, President?” magiliw niyang tanong. Umiling ako, “No-nothing! What a coincidence. HI thought room ito ni Derek.” “Hindi po. Baka si Hera alam, President. Silang dalawa ang magkasama kanina, e!” kwento naman ng mokong. “Room 506 po si Captain Taevas. Baka magkasama silang dalawa ngayon,” dugtong pa niya. “I see! Thanks. Good night.” “Good night, President!” ngiti niyang tugon na bati. ‘Mukhang hindi naman siya nag suspetsiya sa inaasal ko.’ Napangiti ako at nasabi, “Ang swerte ko naman! Magkatabi pa kami ni Hera ng kwarto,” kinikilig kong sabi sa aking sarili. Nang tumapat sa pinto ng Room 506 ay napako roon ang aking paa. ‘Parang naduwag ako,’ sabi ko pa sa aking isip. Ilang beses akong nag tempt na mag door bell pero sa huli ay binabawi ko lang ang aking kamay. Ilang sandali akong nanatili sa harap ng kaniyang kwarto. Nang magkaroon ng lakas na loob na katukin ay siya naman bukas niya ng pinto. Napakunot siya ng noo, “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya. “Bakit nakatayo ka riyan?” masungit niyang tanong. “Ah…eh…kasi…” “Kasi ano?” tanong niya. “Ano kasi…tatanungin ko kung kasama mo si Derek. Kumakatok kasi ako sa kwarto niya pero hindi siya lumalabas. Naisip ko na baka kasama mo nga siya,” dahilan ko. Lumabas siya at sinara ang pinto, “Wala siya dito. Baka tulog na iyon kaya hindi nagbubukas ng pinto.” Nakatanaw pa siya sa kwarto ni Derek. Nilagpasan niya ako. “Hera!” tawag ko sa kaniya. Lumingon siya at nakatitig sa akin. “Hera!” tawag ko muli. Marcet Family Residence Pangiti-ngiti si Jerald habang umiinom ng wine. Nagtataka nga ang kaniyang asawa dahil sa kakaibang inaakto ng matanda. "Ano bang nangyayari sa iyo Jerald? Aba'y kahapon ka pa natatawa ng wala naman nakakatawa," puna ng asawa na si Eunice. Ngimisi na naman ang lalaki, "Wala! Masama ba maging masaya?" balik na tanong sa asawa. "Gusto ko lang kasi mag-enjoy ngayon," dahilan niya. "Nakakaloko naman iyang enjoyment mo. Tell me? May babae ka ba kaya ka nagkakaganiyan? Hoy Jerald, matatanda at malalaki na ang anak natin. Huwag n huwag kang gagawa ng ikakasira ng pamilya natin." Inismidan ni Jerald ang asawa. "Ang O.A mo naman. Masaya lang naman ako dahil magkasama ngayon si Aleric at Hera. Tingnan mo itong pinasang picture ni Derek," sabi niya at pinakita ang cellphone sa asawa. Nang makita ni Eunice ang larawan ay nagkaroon naman ng kakaibang ngiti sa labi niya. "Paalala lang, Jerald. Meron pang Aimee sa buhay ni Aleric. Hangga't hindi naaayos iyon ay walang pagkakataon ang dalawang iyan!" paalala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD