Chapter 11

3145 Words
Derek & Captain Chan “Sira pala talaga iyon?” tanong ni Chan kay Derek. May pagtataka sa kaniyang mukha. “Napulot ko kasi iyong warning sign sa lapag. E nagamit ko pa nga iyon kanina paakyat dito sa floor. Kaya hindi ko alam na sira talaga siya,” paliwanag niya. Napahimas si Derek sa kaniyang baba, “Talagang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkalapit silang dalawa,” sabi niya. Dahil walang alam si Chan sa nangyayari ay mas naging curious siya kaya’t hindi niya napigilang magtanong, “Ano ba talaga ang relasyon nilang dalawa?” tanong niya. “Naging sila ba?” usisa niya. Sinamaan ni Derek si Chan pero hindi napigilan magsalita, “Oo. Kaya lang naghiwalay silang dalawa,” kwento niya. “Kahit kanino huwag mong sasabihin iyan, ha? Kung hindi lagot ka talaga kay President,” banta niya. “Ako lang ba?” turo ni Chan sa sarili. “Pareho na tayong nasa isang bangka. Dalawa tayong mapapahamak dahil ikaw ang nagsabi ng tungkol sa kanila. Kaya lagot ka rin.” “May point ka naman,” tugon ni Derek. Umiling-iling siya, “Mahal nila ang isa’t-isa pero hanggang ngayon hindi pa rin nagiging maayos ang relasyon nila.” “Hindi ba’t ganoon naman kapag nagmamahal? May mga pinagdadaanan talaga ang dalawang tao para maging matatag ang relasyon ng bawat isa. Paano nila malalaman na para sila sa isa’t-isa kung hindi masusubok ang pagmamahal nila?!” “Ang dami mong alam!” tugon ni Derek. “May girlfriend ka na ba o asawa?” tanong niya. “Ako may girlfriend, e. Kilala mo siya,” kinikilig na sabi pa sa katabi. “Sino ba namang hindi makakaalam?” tanong ni Chan. “Halatang-halata naman na may relasyon kayo ni Rachel. Pero alam mo, hindi naman sa naninira ako sa relasyon niyong dalawa. Hindi lang ikaw ang na-link na lalaki kay Rachel,” kwento pa. Nagulat si Derek sa sinabi ni Chan at sinabi, “Ha? Bakit may tomboy o bakla ba siyang naka relasyon?” seryoso niyang tanong. “Sira! Lalaki rin,” pagtatama sa kausap. “Ah!” tango ni Derek. “Okay lang iyon. Tanggap ko naman siya sa bagay na iyon dahil ako rin naman ang may kasalanan kung bakit siya naging ganoon,” paliwanag niya. “Hayaan mo na iyon! Ang mahalaga sa akin, ako na ang lalaki niya ngayon. At naging seryoso na kami this time. Totoo pala ang sinasabi nila na masarap at matamis na pangalawang beses na pagmamahalan.” Halos hindi maipinta ni Chan ang kaniyang mukha. Hindi niya kasi alam kung matutuwa o masusuka siya sa pinagsasasabi ng kausap. “Ang corny mo!” puna niya. “Sabagay, hindi ko maiintindihan ang nararamdaman mo kasi hindi pa ako nagmamahal,” kwento niya. “And I’m NBSB. Pero may crush ako sa isang flight crew natin. Ui, tulungan mo nga akong i-lakad sa kaniya. Gustong-gusto ko kasi talagang mapalapit sa kaniya. Kaibigan ni Rachel at Hera, si Carol.” “Si Carol? Iyong Cadet Pilot ba ang sinasabi mo?” tanong ni Derek. “Oo! Tulungan mo ko. Sabihin mo kay Rachel o kay Hera. Tutal close ka naman sa kaniya.” “I’ll try but I’m not saying yes agad-agad. Kakausapin ko si Rachel.” Hindi napigilan ni Chan na kiligin. “Pinky promise?” tanong ni Chan. “Wala ng bawian, ha!” Inirapan ni Derek si Chan, “Para kang bakla! Umayos ka nga ng kilos mo. Hindi ka magugustuhan kapag ganiyan ang galawan mo. Tularan mo kami ni President.” Tumindig si Derek at minuwestra ang pagpapalaki ng mga muscles. “Maiba ako! Kailangan na natin i-inform ang hotel tungkol sa nangyari. Baka kung mapano na iyong dalawa na iyon,” pag-aalalang tugon ni Chan. “Tsk! Hayaan muna natin sila,” sagot naman ni Derek. Kalamado at halatang hindi namomoblema dahil sa isip niya ay magandang pagkakataon ito para makapag-usap ang dalawa. Hera Nyx Taevas Nakaramdam akong nangangawit na ang aking balikat dahil sa mabigat na nakadantay sa aking balikat. Nang buksan ang aking mga mata ay si Aleric ang aking nakita. Tulog na tulog habang nakahiga sa aking balikat. Gusto ko sanang hawiin ang kaniyang ulo pero napatigil ako ng matitigan ko ang kaniyang maamong mukha. Bumalik sa aking ala-ala ang tagpo naming dalawa noong magkarelasyon pa kami. ‘Kapag pagod na siya ay kinukuha ko ang kaniyang ulo para ihiga sa aking balikat. Kung minsan sa mga hita ko pa. May pagkakataon na para pa siyang bata na nakasiksik sa aking katawan.’ Kusang gumalaw ang kamay ko at akmang hahawakan na ang kaniyang mukha ng mapatigil ako. Babawiin ko na sana iyon pero huli na dahil nahawakan na niya iyon at hinaplos sa kaniyang mukha. “Na-miss ko ito!” mahinang sabi niya. Agad kong inagaw ang aking kamay mula sa kaniya. Maging ang ulo niya ay hinawi ko para matanggal sa aking balikat. Tumayo ako kaagad. “Ano bang ginagawa mo?” tanong ko. “N-nasan na iyong cellphone ko?’ Pag-iiba ko. ‘Gusto kong makaiwas sa mas matatamis pang mga salita na maririnig ko mula sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at binalik ang cellphone sa akin. “Lowbat na!” saad niya. “Lowbat? Bakit mo nilobat? Paano na lang tayo makakatawag kay Derek para mag-update?!” “Don’t worry! Nakausap ko na siya. Ilang sandali na lang at may darating ng rescue,” paliwanag niya. “Mukhang nakabawi ka na ng lakas! May energy ka na kasi na taray-tarayan na naman ako. Hahaha!” “H-Hindi naman sa ganoon,” tanggi ko. “Umiiwas lang ako sa problema.” “Problema?” balik niyang tanong. “Wala naman talagang problema, e! Masyado ka lang nagiging paranoid.” Natigilan kami sa pag-uusap ng biglang gumalaw ang elevator. Dahan-dahan na itong umaakyat. “Thanks, God!” usal ko. Nakita kong dahan-dahan na tumayo si Aleric mula sa pagkaka-upo. Nang makatayo ay pinagpag pa ang suot na pants at inayos ang suot na damit. “Sayang!” usal niya. “Ano?” tanong ko. Tumingin siya at binigyan ako ng ngiti. “Nabitin ako, e!” usal niya. Pangisi-ngisi pa. “Pinagsasabi mo?” masungit kong tanong. “Manahimik ka nga riyan! Baka mamaya kung ano pa ang isipin ng makakarinig sa iyo!” Sandaling minuto pa at huminto na lang bigla ang elevator. Pinakikiramdaman ko ang paligid at nakahinga ako ng maluwag marinig ang boses ni Derek. “President, Captain Taevas!” tawag niya. “Okay lang ba kayo?” “We’re fine, Derek!” kaswal na sagot ni Aleric. Sumunod akong nagsalita, “Derek, please call help!” saad ko. Hindi lang si Derek ang naririnig kong nagsasalita. May mga ilang boses pa akong naririnig na hindi pamilyar. “Bakit ba nagmamadali kang ma-rescue tayo?” tanong niya. Ang sarap-sarap nga ng tulog mo kanina. It means komportable ka talagang kasama ako,” yabang niyang sabi sa akin. “Ikaw nga itong sarap na sarap at komportableng matulog. Ginawa mo pang unan ang balikat ko.” Hinaplos ko ang aking balikat, “Hanggang ngayon masakit at ngalay pa dahil sa iyo.” Ngumiti lang siya at hindi na tumugon sa sinasabi ko. Hindi nagtagal ay nabuksan nga ang elevator. Naroon ang dalawang nakasuot ng maintenance uniform kasama sina Chan at Derek. “Thank you,” saad ko paglabas ng elevator. Nilagpasan ko na sila at dumiretso na ako sa paglalakad patungo sa aking kwarto. Wala pa rin kuryente sa buong hotel. Malakas pa rin ang ulan sa labas ng dumungaw ako sa veranda ng aking kwarto. Naalala ko ang cellphone ko na lowbat na lowbat. ‘Ano na bang oras?’ tanong ko sa aking sarili. ‘Ilang oras ba kaming na stock sa elevator?’ Nagtungo ako sa aking bag at kinuha ang wrist watch ko sa bag. ‘Mag-aalas kwatro na pala! Ibig sabihin halos lima o anim na oras kami na stock ni Aleric sa elevator?’ Bigla na lang din sumagi sa isip ko si Mama. ‘Paano ko kaya matatawagan si Mama?! Baka nag-aalala na siya.’ Naisip ko kaagad si Derek kaya pinuntahan ko siya. Pinindot ko ang buzzer sa kaniyang kwarto pero ang tagal niyang lumabas. “Nasaan na iyon?” tanong ko. Sunod kong pinuntahan ang kwarto ni Chan. Wala rin nagbubukas ng pinto kahit ilang beses akong mag buzzer. “Ano ba ang ginagawa ng mga iyon?” sambit ko at napabuntong hininga. Pabalik na sana ako sa aking kwarto ng may marinig na nagtatawanan sa katabi kong kwarto. Naka-awang ang pintuan. Hindi ko kilala kung kanino ba kwarto iyon pero naririnig ko ang boses doon ni Chan at Derek. Dahan-dahan kong binuksan iyon at sinilip sila. Nakita kong nag-uusap ang tatlo at ang lakas ng tawanan. ‘Katabing kwarto ko lang pala si Aleric!’ Isasara ko na sana iyon para hindi sila istorbohin pero nahuli ako ni Derek. “Hera!” malakas niyang tawag kaya napatingin sa akin ang dalawa. Iwinagayway naman ni Chan ang kaniyang kamay, “Captain, miryenda muna tayo!” yaya niya. “Siguradong nagutom ka kasi ilang oras kayong na stock sa -.” “No, thanks!” sabi ko. “Derek, meron ka bang extra power bank?” tanong ko. “Lowbat na rin,” saad niya. “Ginamit ko na kanina nang gamitin ko iyong laptop.” “Iyong cellphone mo, full battery ba? Patawag muna ako,” pakisuyo ko. Itinaas ni Aleric ang kaniyang kamay. “You can use mine,” sabi niya. Hawak niya ang isang itim na powerbank. “No, thank you!” pag-susungit ko. Tumingin ako muli kay Derek, “Pahiram ng cellphone mo!” Napatingin si Derek kay Aleric. Hindi ko nakikita ang mukha ni Aleric dahil nakatalikod siya sa akin. “Ah…eh… gamitin mo na lang itong power bank ni President. Pa lowbat na rin kasi ako,” katwiran niya. “Ikaw, Captain Chan?” “Lo-lowbat din ako.” Muli akong binalingan ng tingin ni Aleric. “Gamitin mo na! Kaysa mag-alala si Tita. O kaya itong cellphone ko na lang ang gamitin mo.” Niluwagan ko ang bukas ng pinto at pumasok. Dumiretso ako sa sofa kung saan nakaupo si Aleric at kinuha ang power bank. Hindi na niya ako pinahirapan pa at ibinigay naman niya agad iyon. “You can join us,” yaya niya at nilahad ang kamay sa mga pagkain na nasa lamesa. “Busog pa ako!” sagot ko. Natakam ako sa mga pagkain na naroon pero pinigilan ko pa rin ang aking sarili. Aleric Zeus Marcet Bago matapos ang araw ay humupa na nga ang ulan. Bumaba na rin ang baha sa mga daanan. Naibalik din ang kuryente bago mag-alas siete ng gabi. “Good mood?” tanong ni Derek. “Kanina pa hindi mawala ang ngiti sa labi mo, e! Sulit na sulit siguro ang oras na kasama mo si Hera, no?” saad niya. “May nangyari na?” tanong niya. Ngumiti ako, “Meron!” sagot ko. “Nabitin nga ako dahil bigla kayong dumating.” Napatakip ng kamay si Derek. “Ano bang iniisip mo?” tanong ko. “Napaka green-minded mo! Nabitin ako sa tulog.” “Akala ko pa naman may nangyari na sa inyo. Sayang naman! Hindi pa pala kayo nagkaroon ng masinsinan na usapan.” “Iyon na nga! Pero okay lang iyon. Unti-unti na rin naman ako napapalapit sa kaniya.” Kinikilig pa akong sinabi na, “Magkatabi nga kami habang nakaupo sa sahig ng elevator. Tapos bago siya nagising, naka-unan ang ulo ko sa balikat niya.” “Ayie! Ikaw ah, nagiging timer!” pambabasag niya sa akin. “Huwag mong kakalimutan na girlfriend mo pa rin si Aimee. And, speaking of Aimee. Ilang beses siyang tumawag sa akin para kamustahin ka. Puro palusot na nga lang ako para hindi mag suspetsa.” Natahimik ako. “Makikipaghiwalay na ako pagbalik sa Manila. Promise!” sabi ko. “Weh? ‘Di nga? Sure ka na ba?” tanong niya. “Parang hindi mo pa kilala iyon,” dugtong niya. “Wish ko lang talaga matupad iyang promise mo.” “Hindi ka ba naniniwala? Totoo nga,” tugon ko. “Hindi!” sagot niya. “Hindi ako maniniwala hangga’t kayo pa! Kahit magpustahan pa tayo.” “Sige!” laban ko. “Mag pustahan tayo. Kapag nagawa kong makipag-hiwalay sa kaniya, tatanggalin na kita sa trabaho.” “Ang mean mo naman! Ang dami mo naman pwede ipusta, bakit trabaho ko pa? Ayoko na nga sa idea na iyan. Mapapahamak lang ako sa huli. Pero sisiguraduhin ko na talagang hindi mangyayari ang sinasabi mo. Itaga mo pa sa bato!” “Alam mo, kontra pelo ka talaga sa buhay ko!” sabi ko. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil aasikasuhin ko pa ang mga Japanese guest namin. Na-mood na ang flight namin mamayang tanghali palipad sa Japan. “Lalalalala!” bulong ko. Kinatok ko ang kwarto ni Hera. Masaya akong inabangan siya sa pintuan. Nang bumukas ang pinto, “Bakit?” tanong niya. “Good morning, sweetie!” bati ko. “Sabay na tayong mag brunch,” yaya ko. “Hindi pwede,” sagot niya. Isasara na niya ang pinto ng pigilan ko iyon. “Hihintayin kita sa baba or else…” “Or else, ano?” pagtataray niya. “Mananakot ka na naman! Kung gusto mo tanggalin si Chan o Derek, wala na akong paki-alam.” “Okay! Sabi mo, e!” sabi ko. Kinuha ko ang cellphone at dinayal ang HR. “Hello,” sagot ko sa kabilang linya. Agad na kinuha ni Hera ang cellphone sa akin at pinatay ang tawag. “Napaka isip bata mo talaga!” bulyaw niya. “Pagbibigyan kita ng isang beses. Pero last na last mo na talaga ‘to, Aleric! Pagbalik sa Manila, makakaganti rin ako sa iyo,” Ngumisi ako, “I’m waiting, honey!” “Honey mo mukha mo!” bulyaw niya at hinampas ang pinto pasara. Satisfied ako ng makita kong lumabas siya. Dala na niya ang kaniyang mga maleta. “Tutulungan na kita,” sabi ko. Kukunin ko na sana ang isang bag ng titigan niya ako. “Tigil-tigilan mo ako kung ayaw mong mahambalos ko ito sa iyo!” banta niya. Ngumuso ako, “Ang sungit mo talaga. Hindi mo ba alam na mas maganda ka kapag ganiyan?” tawa kong sabi. “Love you, Captain!” lambing kong sabi. “Kadiri ka!” sagot niya. Sakto naman bumukas na ang elevator at dire-diretso siyang lumabas. Napatigil kaming dalawa. ‘Nagulat nga rin siguro.’ Sinalubong ako ni Aimee ng yakap. “I’m so worried about you,” saad niya. Yakap-yakap na niya ako. Napatingin ako kay Hera na binalewala ang nangyari at tinuloy-tuloy ang lakad. Imbes na papuntang restaurant ay dire-diretso na siyang lumabas. “Akala ko ay nangyari na sa iyong masama dahil hindi mo sinasagot ang tawag ko.” Humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. “I’m fine, Aimee. Hindi ka na dapat nagpunta pa rito because you’re wasting your time. Mamaya na rin ang flight namin ng mga Japanese guest natin papuntang Japan. So I really don’t have enough time para asikasuhin ka,” pagdadahilan ko. “It’s okay! As long as na nakita kitang safe, panatag na ako!” sagot niya. Muli niya akong niyakap. “I miss you.” Nang humiwalay siya muli sa pagkakayakap ay nagsalita siyang muli, “Ihahatid na kita sa airport.” “O-okay!” Bago pumunta ng airport ay nakasabay ko pang kumain sina Aimee, Derek at ang mga Japanese guests. ‘Si Chan naman ay hindi na namin nakasabay ng makitang paalis na si Hera. Sinundan niya iyon.’ Sa airport, bago kami maghiwalay ni Aimee ay kinausap ko iya ng sarilinan. “Let’s talk when I come back to Manila.” “Mukhang seryoso naman ata iyan?” tugon niya. “Kinabahan naman ako bigla.” Hindi na ako sumagot at nagpaalam na ako, “I-I have to go!” Aimee Hao POV Natiyempuhan ko si Hera papuntang banyo kaya agad ko siyang sinundan. Bago pa pumasok sa cubicle ay hinatak ko na ang kaniyang buhok. “Bakit magkasama kayo ni Aleric kanina, ha?” tanong niya. “Nilalandi mo ba siya?” Mas diniinan ko ang pananabunot sa kaniya. “Nag tandem pa kayo mag-ina, ha? Hindi na ako magtataka kasi malandi rin ang nanay mo, hindi ba? Nasa dugo niyo na ang mang-aagawa!” “Pwede ba, Aimee huwag na huwag mong idadamay ang nanay ko sa usapan na ito. Wala akong ginagawang masama.” Kahit gigil na gigil ay sinubukan ko pa ring magtimpi. Binitawan ko ang kaniyang buhok. “Lumayo-layo ka nga sa fiance ko! Baka mamaya landiin mo pa siya kagaya ng ginawa ng nanay mo sa Daddy ko!” sabi ko. “Alam mo ang paranoid mo, no!” tugon niya. “Nasa iisang kumpanya lang tayo. Bukod pa roon, ako ang captain ng sasakyan nilang eroplano, kaya natural lang na magkasama kami. Huwag ka ngang tanga!” Hinawakan ko siya sa braso at mahigpit na hinawakan. “Binabalaan kita! Huwag na huwag mong aagawin ang mga bagay na hindi naman sa iyo!” Hindi na niya ako sinagot. Dinuro-duro ko siya at umalis. Napakuyom ako sa aking palad. ‘I feel it!’ sabi ko sa sarili. “Aleric, hindi ako tanga! Kung sino ‘man ang babaeng iyon, sisiguraduhin ko na hindi ka mapupunta sa kaniya!” Jerald Marcet and Marvin Hao “Biglaan ata ang pagyaya mo, Jerald?” tanong ni Marvin sa kaibigan. “Siguradong mahalaga ang sasabihin mo sa akin dahil tayo lang dalawa ang nandito ngayon.” Kilalang-kilala na ng dalawa ang isa’t-isa. Ngumiti si Jerald, “May gusto kasi akong sabihin sa iyo. At may bagay din na gustong hilingin.” “Tungkol saan ba ito?” tanong ni Marvin. “Sa mga anak natin!” sagot niya. “Alam mo naman na matagal ng walang pagmamahal si Aleric kay Aimee, hindi ba?” “Alam ko, pero hindi ako nanghihimasok sa relasyon nilang dalawa dahil malalaki at may mga sarili na silang isip. Malaya silang makapag desisyon para sa kanilang dalawa.” “May iba nang minamahal si Aleric bago pa naging sila ulit ni Aimee. At nagkita nga ulit si Aleric at ang babaeng totoong minamahal niya.” “Masakit ‘man para sa akin na masaktan si Aimee, wala akong magagawa. Wala tayong magagawa dahil hindi naman natin hawak ang kapalaran at puso nila.” sagot ni Marvin. “Kung ipaglalaban ni Aleric ang tunay niyang pagmamahal, sasaludo ako sa kaniya dahil ipinaglaban niya ang taong mahal niya,” paliwanag pa. “My son loves your daughter, Hera!” diretsong sabi ni Jerald sa kaibigan. Nagulat si Marvin sa kaniyang narinig. Namutla siya at hindi nakapagsalita kaagad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD