Chapter 12

3232 Words
Hera Nyx Taevas Madalas akong nag re-request ng short layover sa mga international flight schedule ko para magkaroon ng pagkakataon na makagala sa bawat bansa na napuntahan ko. ‘Ito talaga ang isa sa benefits na nakukuha ko dahil nakakalibre na ako sa eroplano at accomodation.’  “Captain Taevas, you can use the amenities of the hotel for free. Do what you like and I’ll pay for everything,” sabi ng isang hapon. “This is our way to repay you for our safety by going back here to our family.” “You’re so much welcome, Sir! It’s my pleasure and I’m just doing my job. Thank you in advance for your generosity. Rest assured that I will enjoy my short stay here.” Yumuko ako ng ilang beses para makapag-pasalamat. “Don’t forget to visit the Tokyo Night Market,” paalala niya. “You will surely love our culture, foods, and everything.” Tatangi sana ako pero biglang sumang-ayon si Aleric. “We will make sure to experience that, Mr. Nokomoto. Thank you for inviting us. We appreciate your warm welcome to us.” Nag-usap-usap sila Aleric, Derek at ang mga hapon. Dumiretso naman kami ni Chan sa receptionist ng hotel para kumuha ng key cards para sa aming accommodation. Nanlaki ang mga mata ko ng malaman na hindi lang basta kwarto dahil business suite ang ibinigay sa amin. “Arigato!” pasasalamat ko sa receptionist ng abutin ang card. Halos kumikinang-kinang ang mata ko ng makita ang features ng suite room sa brochure na inabot sa akin. ‘Siguradong mag-eenjoy ako sa short layover na ito.’ “Ang sarap mo pa lang kasama sa mga ganitong flight, Captain!” saad ni Chan. “Sana noon pa lang ikaw na ang nakakasama ko. Imagine, ma e-experience ko ang mag stay sa isang high class hotel with finest suite. Pati ang masasarap na pagkain dito ay matitikman natin.” Ngumiti ako, “Mag-enjoy tayo dahil minsan lang natin mararanasan ito.” “Totoo! Sa ilang taon kong nagtatrabaho bilang piloto ay ito ang pinaka memorable,” sagot sa akin. “Sama ka ba mag stroll mamaya sa night market?” tanong niya. “Mas mag-e-enjoy tayo kapag na-experience natin iyon.” “Pwede naman,” sang-ayon ko. “Mga alas sais tayo mag-ikot-ikot mamaya para mahaba-haba ang oras natin gumala. Baka mabilhan ko rin si Rachel at mga kaibigan namin ng souvenir.” “Magandang idea nga iyan, Captain!” sagot niya. “Basta mamaya kita-kits sa mata. Maghahanda na ako,” excited niyang paalam. Dahil nauna ang kaniyang kwarto ay naiwan akong nag-iisang naglalakad sa hallway para hanapin ang suite ko. Tinap ko ang keycard sa biometric. Nang mabuksan iyon ay dahan-dahan pa akong sumisilip. Nang buksan ang ilaw ay tumambad sa akin ang napakalaking suite. Tantiya ko ay meron itong 37 sqm. Moderno rin ang design ng kama na may king-sized na laki. Itinapon ko ang aking sarili pahiga sa kama. ‘Ang sarap gumulong-gulong dahil malaki at malambot.’ “Heaven!” usal ko. ‘Napaka-comfy talaga.’ May executive desk din sa gilid ng flat screen T.V na nakakabit sa wall. Meron din mini bar kung saan pwede mag chill habang umiinom. Tumayo ako at binuksan ang mini-ref. Naroon nga ang mga beer in can na pwedeng inumin. “Nice,” usal ko. Kinuha ko nga ang isang beer at umupo sa mini-bar. ‘Feel na feel ko ang pagiging donya.’ Nang makalagok ng alak ay napa, “Ahh!” na lang ako sa sobrang sarap. Ilang sandali pa at tumayo ako at inikot ang kwarto. Meron private jacuzzi at glass bathroom, kaya't may pagpipilian ka kung saan mo gusto maligo. Meron sariling vanity mirror at hairdryer. “Tamang-tama. Makakapag jacuzzi ako pagbalik galing sa night market.” Dahil malamig ngayon dito, nagsuot ako ng inner undershirt, makapal na coat at pants. ‘Handa dapat tayo sa mga ganitong pagkakataon para laging on the go sa lahat ng maaaring opportunity na ma-experience natin.’ Pagbukas ko ng pinto ay napahawak ako sa aking dib-dib dahil sa gulat ng makita si Aleric. “Ready?” tanong niya. Napailing ako, “Anong ready?” balik kong tanong. “Ano na naman ba ang kailangan mo sa akin?” dugtong ko. Nang malakalabas sa aking suite ay nilagpasan ko siya. “Pupunta tayo sa night market, ‘di ba?” tanong niya. Narinig ko ang kaluskos ng kaniyang sapatos kaya’t nalaman ko na sinusundan niya ako. “Mag-isa ka! May sarili na akong lakad,” sagot ko. “Kasama ko rin si Chan kaya ‘wag mo kaming istorbohin. Hindi kami mag-eenjoy kapag kasama ka namin,” singhal kong sabi. “Are you sure?” tanong niya. “Nauna na nga si Derek at Chan sa ibaba at tayo na lang ang hinihintay.” Napabuntong hininga ako. Nang makasakay sa elevator ay hindi ko siya binigyan ng pansin. “I know your angry,” pag-iba niya ng topic. “Pagbalik natin sa Manila aayusin ko na ang relasyon ko kay Aimee. Makikipaghiwalay na ako sa kaniya. At tungkol sa nangyari kanina, I’m sorry. Hindi ko ine-expect na pupunta pa siya.” “Natural lang ang ginawa niya dahil fiance mo siya.” Tumingin ako sa kaniya. “Aleric, sa tuwing sinasabi mo sa akin iyan, mas lalong pinapamukha lang ng tadhana sa atin na hindi tayo para sa isa’t-isa. Katulad na lang ng nangyari kanina.” Huminga siya ng malalim at hindi nagsalita. “Hindi na talaga tayo pwede. Tanggapin mo na lang iyon,” sabi ko. “Let’s not talk about it. Just treat me as your friend tonight. Let’s enjoy, Hera. Kung mas magiging komportable ka na isipin na wala ako sa tabi mo ay gawin mo. Just don’t push me away from you. Desedido na rin ako sa desisyon ko kaya’t kahit anong sabihin mo, hindi mo na ako mapapasuko.” Mariin akong napapikit. Hindi ko alam kung bakit ganito ang tadhana sa akin. Pinili ko na ang lumayo sa piling niya pero pilit pa rin kaming pinagsasamang dalawa. ‘Wala naman kahihinatnan na mabuti ang nangyayari sa amin dalawa.’ Sa ‘di kalayuan ay natanawan ko si Chan at Derek na magkausap. Kumaway lang ang dalawa nang makita ako. “Ang tagal niyo naman,” saad ni Derek. “Tara na! 10 minutes away lang dito ang night market kaya pwedeng lakarin. Mahirap kung magdadala pa tayo ng sasakyan.” Nagsimula na kaming maglakad apat papunta sa night market. Tahimik kaming dalawa ni Aleric habang si Chan at Derek ay panay kwentuhan tungkol sa ma-e-experience namin ngayon. Buhay na buhay ang buong lugar dahil sa mga lanterns. Every month pala ipinagdiriwang ang event na ito. ‘Sa tingin ko ay magiging unforgettable memory nga ang gabi na ito.’ Meron silang tinatawag na Gagaku kung saan nag pe-perform sila gamit ang mga traditional instrument na naririnig namin sa lugar. Bukod pa roon ay may mapapanood ka rin na Chanbara o sword fighting na nakakamangha talaga. Siguradong mabibihag naman ang puso mo dahil sa magagandang Yokai monster na sumasayaw. Meron din silang area kung saan inimbitahan nila ang mga visitors para maglaro ng Japanese traditional games katulad ng goldfish scooping at gun-shooting. “Subukan natin maglaro,” yaya ni Chan. “Derek paramihan tayo ng mababaril. At ang panalo, manlilibre,” hamon niya. “Nakapag-papalit naman tayo ng Yen kanina.” “Sige ba! Sisiguraduhin ko na matatalo ka na,” saad ni Derek. Para silang mga bata pero habang pinagmamasdan sila ay nakakatuwa. Dati sa anime ko lang nakikita ito, ngayon actual ng nakikita ng mga mata ko. Dinilaan ni Chan si Derek dahil natalo niya ito, “Bleh! Weak ka pala!” saad niya. “Hera, try mo! ‘Di ba mahilig ka sa mga ganitong laro,” sabi ni Derek. “Sige ba!” sabi ko. ‘Ayoko naman maging killjoy ngayon gabi. ‘Kapag natalo kita, makikipag break ka na kay Rachel ha!” sabi ko. Inabot ko ang cellphone kay Chan. “Kuhanan mo kami ng video para may ibidensiya ako.” “Wahahaha!” kantiyak na tawa niya. “Yari! Mukhang magiging single ng wala sa oras si Derek,” biro niya. Hawak ko na ang baril at magsisimula na ng biglang binitawan ni Derek ang baril. “Si Aleric ang magiging sub ko,” saad niya. Tinulak niya si Aleric papunta sa harapan. “Galingan mo! Kapag pinatalo mo iyan, ikaw ang mananagot kay Rachel. Ikaw ang sisisihin niya at hindi ako.” “I agree!” bulalas ni Aleric. “Ayoko!” tugon ko. Bibitawan ko na ang baril ng asarin na naman niya ako. “Bakit? Naduduwag ka ba? Natatakot ka ba na matalo kita?” Umiling ako, “Hindi!” sagot ko. “Then, let’s change the bet. Is it a Yes or a No?” “Deal!” sagot ko at tinuloy ang paglalaro. “What’s the bet?” Ngumisi siya, “Kapag nananalo ka, you can wish anything and I’ll do it.” Paliwanag ko sa kaniya. “Pero kapag ako ang nanalo, bibigyan mo ako ng chance na ligawan ka at sa huli sasagutin mo pa rin ako.” “Ayoko! Lugi ako riyan,” sabi ko. “O baka naman kasi mahal mo pa talaga ako kaya umiiwas ka? Tell me Hera, mahal mo pa ba ako?” tanong niya. Nakakaloko ang kaniyang ngiti habang nakaharap sa akin. “Hindi!” direktang sagot ko. “Then, prove it!” sagot niya. “Talunin mo ako kung gusto mong makuha ang gusto mo.” Nakatingin ako sa aking harapan kung saan may iba’t-ibang klase ng laruan. ‘Pero ang nasa isip ko ay mukha ni Aleric ang mga iyon.’ Paramihan lang ng mapapatumba na target at makukuha ko ang premyo. Meron limang bala sa bawat baril. At sa limang iyon ay tatlo lang ang pinatamaan ko na natumba. Hindi ko alam kung paanong nangyari na ang dalawa ay napagalaw ko lang pero hindi natumba. “Not bad,” saad niya. “It’s my turn, honey!” kantiyaw pa niya sa akin. Tie na kami ng score ng balingan niya ulit ako. “Itutuloy ko pa ba ito?” tanong ko. “Alam mong panalo na ako,” sabi niya. Sigurado na siya. Nakaramdam na ako ng kaba. Naka cross-finger na ako at nananalangin na sana hindi matumba para mag tie ang score namin. Bang. At sa pang-apat na iyon ay napatumba pa niya ang isang target. ‘Natalo ako!’ Kumindat siya sa akin ng tingnan ko siyang masama. “Ang daya mo!” sabi ko. Napangisi siya. “Nandya? E may video tayo, oh! Pwede natin i-playback para malaman natin kung nandaya talaga ako.” Tinalikuran ko siya. “Laro lang iyon at hindi seryoso,” sabi ko. Papalayo na ako ng pigilan niya ako. “Kung sa iyo laro iyon, sa akin hindi!” seryoso niyang sagot. “Keep it to your mind. I will courting you again as soon as possible na maghiwalay kami ni Aimee.” Nakaramdam ako ng galit, “Sa tingin mo ba, hindi laro ang binabalak mong gawin? Pagkatapos mong hiwalayan si Aimee ay ako naman? Sa tingin mo ba hindi laro iyon? Mananakit ka ng iba dahil sa pagiging selfish mo? Bakit sarili mo lang ang iniisip mo? Isipin mo si Aimee. Isipin mo naman ako. Kung gagawin mo iyan, anong mangyayari sa akin? Sa amin ng Mama ko? Pati ba ako makakatanggap ng masasakit na salita mula sa ibang tao? Ano na lang ang iisipin nila? Mang-aagaw ako? Malandi? Naninira ng relasyon?” tanong ko sa kaniya. “Narinig ko ng lahat ng sabihin nila iyan sa nanay ko. At pinangako ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ko hahayaan na matahin ako ng mga tao sa mga salitang iyan!” “Handa akong protektahan ka sa lahat ng mga taong mangmamata sa iyo. At wala akong pakialam sa kanila dahil gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa iyo. Handa akong maging makasarili kung sahuli magiging masaya tayo,” pagsusumamo niya. “Hindi mangyayari ang kinakatakot mo. Believe me!” Napatingin ako sa aking likuran ng marinig si Derek. “Huy, pwede bang sa Manila niyo na ituloy ang pagbabangayan niyong dalawa?! Wala kaming pakialam ni Chan sa pustahan niyo. ANg mahalaga lang sa amin ngayon, maging good mood, mag-enjoy at mag-relax. Kung ayaw niyo, umuwi na kayo at huwag niyo na kaming idamay sa mga unfinished business niyo.” Nakatitig lang sa amin si Derek. “Ano?” tanong niya. “Sorry!” saad ko at naglakad pabalik sa event. ‘Tama si Derek. Nandito kami para mag-enjoy. At saka ko na lang iisipin ang pustahan namin kapag bumalik kami sa Manila. Gagawa na lang ako ng paraan para layuan at maiwasan siya.’ Nauuna ako sa kanilang tatlo. Minabuting mag solo na lang ako kaysa makasama pa si Aleric at maapektuhan si Derek at Chan sa mood ko. ‘Nag sariling kuha na lang rin ako ng picture kasama ang sarili ko. Kung minsan ay nakikisuyo na lang ako sa iba para may matino naman akong remembrance sa lugar na ito. “Hera!” tawag sa akin ni Derek. “Inom muna tayo,” yaya niya ng tumingin ako. Nakahinto sila sa isang food stall na may iba’t-ibang pagkain at inumin. “Sige na,” pangungulit naman ni Chan. Binulsa ko ang aking kamay sa suot kong coat at lumapit sa kanila. Nakaupo na ang tatlo at ang naiwan na bakanteng upuan ay nasa pagitan ni Derek at Chan. ‘Hindi nga kami magkatabi ni Aleric pero kaharap ko naman siya.’ “Shot!” tagay sa akin ni Derek. Dire-diretso ko ininom iyon. Napapikit pa ako ng malasahan ang alak. ‘Muntik pa akong mapangiwi dahil sa pagkabigla ng pag-iinom ko.’ “Captain, tikman mo itong mga street foods nila. Masasarap,” alok ni Chan. Kumuha na lang ako ng stick at kumain kasabay nila. Tahimik si Aleric sa harap ko at iniinom ang laman ng baso na inaabot ni Derek. Kumakain lang din siya kapag gusto niyang kumain. 'Mas mabuti na ang ganito.’ “Huwag kayong masyadong iinom,” sabat ni Aleric. “Lalo ka na Chan. My flight pa bukas,” paalala niya. ‘Nakakailang tagay pa lang ako pero pakiramdam ko ay nalasing ako. O baka iba lang talaga ang tama ng alak na iniinom namin?’ tanong sa aking sarili. Nilabas ni Derek ang kaniyang camera, “Smile!” saad niya. Ngumiti na lang din ako at nakisabay sa trip nila. Hindi namin alam kung ilang oras na ang lumipas pero ang seryoso kaninang pag-iinuman namin ay naging masaya at makulit. Napapatawa na lang ako nila Derek at Chan kapag may katatawanan silang pinag-uusapan. Nakikisabay na lang din ako sa kulitan nila. Aleric Zeus Marcet “Hera,” tawag ko. “Kaya mo pa bang maglakad pabalik sa hotel?” tanong ko. Ngumiti siya sa akin. ‘Namumula na rin ang mukha niya dahil marami na rin nainom.’ “Oo naman,” sagot niya. “Hindi naman ako weak katulad ni Derek at Chan. Medyo mataas naman ang alcohol tolerance ko kaya kayang-kaya pa!” yabang niyang sagot sa akin. Nagsimula na nga kaming maglakad at kayang-kaya pa nga niya. Samantalang si Derek at Chan ay sinusuportahan ang isa’t-isa sa paglalakad habang nagtatawanan. Nanahimik ako habang nasa likod ni Hera para kung sakaling matumba siya ay malalayan ko siya kaagad. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin, “Bakit mo ba ko sinusundan?” tanong niya habang nakaduro sa akin. “Aleric!” tawag niya sa aking pangalan. Nakangisi siya at nakatingin sa akin. “Alam mo ba kung gaano kasakit?” tanong niya habang nakaturo sa puso niya. “Seryoso ito at hindi usapang lasing, ha!” paalala niya sa akin. “Masakit talaga, pero kailangan kong kayanin. Kasi ayokong masaktan kita, masaktan ang pamilya ko, at mas masaktan ang sarili ko.” Humarap ulit siya at nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko pa siyang ngumisi. “Ang dami naman kasing babae, bakit si Aimee pa! Bakit ang kapatid ko pa? Siguro kung iba lang iyon baka nagawa ko pang ipaglaban ka kasi mahal na mahal kita. Mahal na mahal!” Nakinig lang ako sa kaniya at hindi nagsasalita. ‘Ang sarap marinig mula sa kaniya kung gaano niya ako kamahal. Iyong pagmamahal na kailangan niyang itaga para lang layuan ako.’ “Kahit kaninong babae kaya kitang ipaglaban pero hindi sa kaniya,” sabi niya. “Ba’t ganoon, no?” tanong niya. Ilang minuto pa at pakanta-kanta na lang siya. Halos lahat mga broken hearted na kanta ni Moira. Malapit na kami sa entrance ng hotel ng biglang matumba si Hera. Mabuti na lang at naalalayan ko siya. Nang makitang pikit na ang kaniyang mata ay inalalayan ko na siya pa-akyat sa suite niya. Si Derek at Chan ay hindi ko na alam kung nasaan. Basta nakita kong nauna na silang nakapasok sa hotel. Inakbay ko ang kamay ni Hera sa aking leeg habang sinusuportahan naman ang kaniyang baywang. “Mataas ang alcohol tolerance, pero lasing ka na!” bulong ko pa. Pagdating sa harap ng suite ni Hera ay hinanap ko sa kaniyang coat ang keycard niya. Naka-ilang kapa na ako roon per wala. No choice ako kaya kinapa ko ang kaniyang bulsa. Tama nga ako ng makapa back pocket ng kaniyang pants ang keycard. “Ui!” palo niya sa akin dib-dib. “Nanghihipo ka ah!” galit niyang sabi sa akin. “Kinukuha ko lang ang keycard,” sagot ko. Binuksan kaagad ang pinto para maipasok si Hera sa loob. Diretso ko siyang hiniga sa kama. Para maging komportable sa pagtulog ay tinanggal ko na ang kaniyang suot na sapatos at coat. “Aleric!” tawag niya. “Pahingi ng tubig!” Dumiretso ako sa mini ref kung saan malapit ang mini bar. Nakita ko roon ang dalawang empty can ng beer. ‘Kaya siguro nalasing dahil naghalo ang ininom.’ Inalalayan ko siyang pina-upo sa kama at dahan-dahan na pina-inom ang tubig. Nang umiling-iling at nilayo ang baso ay nilayo ko na sa kaniya iyon at nilagay sa side table. “Aleric!” tawag ulit niya. “Uhm!” tugon ko. “I love you,” balik niyang tugon. Napangiti na lang ako. ‘Hindi pa pala nawawala ang hobby niya noon.’ “I love you, sabi ko.” ulit niya. Hindi siya titigil hangga’t hindi ako sumasagot ng pabalik. Pinagmamasadan ko lang siya. “Hindi mo na ako mahal, no?” tanong niya. “Bahala ka, hindi na rin kita mahal,” dugtong niya. “I love you too,” sagot ko. Tinaas niya ang kamay at kinapa ang mukha ko. Kahit nakapikit ang mata ay nakangiti siya. Hinaplos niya ang pisngi ko. “I’m sorry!” saad niya at sandali pang tumulo ang mga luha sa kaniyang mukha. “I’m sorry. Kahit mahal na mahal kita, kailangan kitang iwan.” “Hinding-hindi ko na hahayaan na mangyari pa iyon,” mahina kong tugon. Nakatitig lang ako sa kaniya habang hawak-hawak ang kaniyang kamay. Sinuklay ko ng marahan ang kaniyang buhok gamit ang aking kamay para makatulog na siya ng tuluyan. Gusto ko sanang umalis at pumunta sa suite ko pero iniisip ko siya. Minabuti kong mahiga na lang sa coach para kung sakaling may kailangan siya ay maibigay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD