Chapter 10

3251 Words
Hera Nyx Taevas “Stop!” malumanay kong sabi. Pati ang kamay ko ay inunat ko para lang pigilan siya sa kaniyang paglapit. “Bakit ba iwas na iwas ka sa akin? Hindi ba pwede maging normal o natural lang ang lahat?” tanong niya. “Hindi naman kita minamadali, pero sana huwag mo naman akong layuan. Kasi nasasaktan ako!” “Normal?” balik kong tanong sa kaniya. “Imposible na sa ating dalawa ang lahat, Aleric. Please, huwag mo ng guluhin ang sitwasyon nating dalawa dahil hindi na pwede!” paliwanag ko. “Aleric, I already gave-up on you. At alam mo ang dahilan kung bakit. Magulo na ang pamilya ko at ayaw ko ng mas maging magulo pa iyon dahil lang sa iyo.” Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa elevator. ‘Nakalimutan ko ang coin purse ko sa upuan kanina ng hindi ko namamalayan kaya’t babalikan ko.’ Wala naman sa isip ko na pagbukas ng pinto ay siya ang bubungad sa paningin ko. Bago makasakay sa elevator ay bigla na lang ako hinablot ni Aleric at hinila sa kung saan. Kahit nagpupumiglas ay mas malakas pa rin siya kasya sa akin. Nakakahiya pa dahil may nakakita sa amin na ibang guest. “Saan mo ba ko dadalhin? Bitawan mo nga ako!” utos ko sa kaniya. Huminto kami sa isang pinto at nakita ko na binubuksan niya iyon. ‘Nagpanic na ako dahil hindi ko iyon kwarto at mas lalong hindi tama na pumasok doon kung kwarto niya iyon. “Pwede ba! Kung gusto mo makipag-usap, dito lang tayo sa laba-” Napahinto na ako sa pagsasalita ng hatakin niya ako papasok sa loob. Nang makapasok ay hinarangan niya ang pinto. “Please, Aleric! Palabasin mo na ako,” paki-usap ko sa kaniya. “Sige na!” “I had no choice, Hera. Hindi kita makausap ng matino. And you always rejected me!” “Dahil iyon ang tama,” paliwanag ko sa kaniya. “Aleric, kapag nalaman ni Aimee ang tungkol sa atin siguradong babalikan niya ako. Pati si Mama! At ano pa ba ang gusto mo sa akin? Girlfriend mo siya at boyfriend ka niya! Hindi mo kasi naiintindihan ang pinagdadaanan ko kung gaano kagulo ang relasyon ko sa kanila,” paliwanag ko. “Fine! Pagbibigyan kita pero ngayon lang. Sabihin mo na lahat ang gusto mong sabihin dahil wala ng susunod. Ito na ang huli.” “Just give me time and another chance. Aayusin ko itong lahat. Mali ako, okay? Please, bigyan mo ko ng panahon. I’m willing to fight for you,” nagsusumamo niyang sabi. “Kung naging una kang akin. Kung ako ang unang minahal mo. Kung ako lang sana bago siya, baka posible pa. Pero nauna siya. Inagaw lang kita sa kaniya. Aleric, ayokong ipaglaban ang pagmamahal mo na noong una pa lang ay hindi na para sa akin.” Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. “Mas magiging tahimik ang buhay natin kung lalayo ako sa iyo.” “Wala kang inaagaw. Never mo akong inagaw sa kaniya dahil wala na akong pagmamahal noon pa ‘man. Naawa lang ako sa kaniya kaya ko siya binalikan. Pinagsisisihan ko na iyon, Hera! Nang magkita tayo ulit, nasabi ko sa sarili ko na ikaw pa rin. At ikaw lang ang mamahalin ko.” Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking pisngi. “Maniwala ka!” pagmamakaawa niya. “Panahon lang ang hinihingi ko sa iyo,” dugtong niya. “Hindi ko na kayang mawala ka pa. Hindi ko na kaya!” Mahigpit niya akong niyakap habang ang ulo ay nakapatong sa aking balikat. Unti-unti na rin lumuha ang aking mga mata. Ang dalawa kong kamay ay gustong gantihan ang kaniyang yakap pero pinigilan ko iyon. “Hera, mahal na mahal kita! Kahit iniwan mo ako, hindi nagbago ang pagmamahal na iyon.” Naramdaman kong humigpit ang kaniyang yakap. “I have been longing for you for so long. Mayakap ka, makausap ka, makita ka. I miss you so much. Walang araw na hindi ka nawala sa puso at aking isipan.” Garalgal ang aking boses ng magsalita ako. “Sa ngayon wala pa akong masasagot sa iyo,” sambit ko. Tinutulak ko siya palayo pero mas hinigpitan niya ang yakap sa akin at ayaw akong pakawalan. “Kahit ilang minuto lang, Hera!” paki-usap niya. “Sandali na lang,” bulong niya. “Kapag pinakawalan kita ngayon, hindi ko na alam kung kailan ulit mangyayari ito o mauulit pa ba.” Pasinghot-singhot siya dahil sa kakaiyak niya. “Willing akong maghintay kahit gaano pa katagal iyan. Basta sa huli ako pa rin sana.” Siya na ang kusang humiwalay sa akin. Nakita ko ngang panay punas pa siya ng sipon at luha sa kaniyang ilong. Hindi ko napigilan mag komento sa kaniyang itsura. “Ang laki at kalalaki mong tao, napaka-iyakin mo!” kaswal kong puna. “Aleric, para kang bata sa ginagawa mo!” sabi ko. “Katulad ng sinabi ko kanina. Wala akong maisasagot sa iyo,” mahina kong sagot. “Panahon ang hinihingi mo? Kaya kong ibigay iyon. Pero paano kung hindi na dumating ang panahon na iyon?” seryoso kong tanong. “Alam mo kung gaano ka kamahal ni Aimee. At ayokong masaktan siya ng dahil sa akin. Ayoko ng maulit ang ginawa ni Mama sa Mommy ni Aimee ng dahil lang sa lalaki. Nang dahil kay Daddy at nang dahil sa iyo.” “Hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong mahal mo rin ako!” sabi niya. “At paano mo naman nasabi na mahal kita?” tanong ko. Ang seryoso at madamdamin na tagpo kanina ay parang naging normal na lang. Hinapit niya ako sa aking baywang at nilapit sa kaniyang katawan. Akmang hahalikan na niya ako ng biglang may mag buzzer sa pinto. Napatingin siya sa pintuan at niluwagan ang pagkakayakap sa aking baywang. Agad ko siyang itinulak. Hindi niya ako hinayaang makaalis dahil hinawakan niya ang aking kamay. “Hindi pa tayo tapos mag-usap. Diyan ka lang!” utos niya. Nang buksan ang pintuan ay waiter iyon ng hotel at may dalang wine. Kinuha ko ang kaniyang kamay at tinaggal ang pagkakahawak niya. “Maaga pa ang bukas!” kaswal kong sabi. “Excuse me,” nakangiti kong sabi sa waiter upang bigyan ako ng daan. “Hera!” tawag niya. Hindi ko na siya nilingon pa at bumalik na sa aking kwarto. Sinigurado ko na nakasaradong mabuti iyon. “Naku naman!” usal ko. Pumunta ako sa side table at dinayal ang telephone number ng restaurant. Mabilis na may sumagot sa kabilang linya. “Hello, sorry for disturbing you. Nakalimutan ko kasi iyong coin purse ko riyan kanina.” “Yes, Ma’am! Nasa lost and found department na po,” sagot sa akin ng aking kausap. “Kunin niyo lang po bukas sa L&F dep.” “Thank you,” sagot ko. Nakahinga na ako ng maluwag sa sinabi ng staff sa akin. Naalimpungatan ako ng marinig ang malakas na patak ng ulan at kulog. Napatayo pa ako sa aking kama at dinungaw ang bintana. Zero visibility ang paligid sa sobrang lakas ng ulan. ‘Bakit biglang umulan? Kanina ay maayos naman ang panahon?!’ tanong sa aking sarili. Bumalik ako sa aking pagkakahiga at kinuha ang cellphone upang tingnan ang oras. “Alas tres pa lang naman. Titigil naman siguro mamaya ang ulan.” Sabi sa aking sarili. Mababaw pa lang ang tulog ko kanina. Kaya ngayon ay hirap na hirap na naman ako bumalik sa tulog. ‘Wala pa ngang tulog kung tutuusin dahil sa kagagawan ni Aleric.’ Muntik na niya akong mahalikan kanina. ‘Mabuti na lang at dumating ang waiter na may dalang wine.’ Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang unan at tinakip iyon sa aking mukha. ‘Simula ng makita at makasama si Aleric ay bumalik na naman ang insomia ko.’ Ilang buwan bago ako naka-recover sa nangyari sa amin ay laging siya ang laman ng isip ko. ‘Hindi naman ako dumating sa point na mababaliw pero iyong sakit kasi kinakaya at tinitiis ko para maka move on sa nangyari sa amin. Pero alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako over sa pagmamahal ko sa kaniya.’ Kung minsan hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. ‘Sabi ng puso ko mahal ko pa siya. Bigyan ng chance. Makasama siya katulad ng dati. Pero laging nangingibabaw ang sinasabi ng isip ko na hindi pwede. Ano nga ba ang dapat sundin? Puso o Isip?’ Sa kakaisip ng sagot ay nakatulugan ko na iyon. Napatayo ako kaagad mula sa pagkakahiga. Ang malakas na katok ang pumukaw sa aking atensyon. Nagmadali akong bumangon at pumunta sa pinto. Pagbukas ko ay si Captain Chan iyon. “Cancel ang flight natin!” bungad niya. “Bukod sa zero visibility ay stranded din tayo dito dahil baha sa dadaanan natin. May mga bumuwal na puno rin.” Napahawak ako sa aking dib-dib at hinimas iyon. ‘Nabigla ako dahil sa pagkagulat.’ “Are you okay, Captain Taevas?” tanong niya. Tumango ako, “O-Okay lang ako. Medyo nabigla lang ako dahil halos kakagising ko lang tapos iyan kaagad ang binalita mo sa akin.” “S-Sorry, Captain!” saad niya. “K-Kaya rin kita ginising dahil nasa baba sila President at Sec. Derek. Sumabay na daw tayong kumain sa kanila.” Ngumiti siya, “Sabi ni President, let’s treat this day as a day-off since bukas pa mamo-move ang flight natin.” “Sige!” sagot ko. “Mauna na kayong kumain. Tutal sa kaniya naman nanggaling na day-off ito, matutulog na lang ako maghapon. Parang awa mo na Captain Chan, huwag mo na akong gising ha. Ganoon din ang sabihin mo sa kanila.” Isasara ko na ang pinto ng pigilan niya ako. “Sabi niya kapag hindi ka bumaba kasama ko, tatanggalin niya ako!” Lumuhod pa siya, “Hera, parang awa mo na! Ano na lang ang ipapakain ko sa pamilya ko kapag nangyari iyon?” “Bakit nagpapaniwala ka naman kasi sa kaniya?” tanong ko. “Binibiro ka lang niya.” “Hindi! Seryoso talaga. Pinapirmahan nga sa akin iyong force resign. Kapag hindi ka bumaba isa-submit niya iyon sa HR.” Bumuntong hininga ako, “Sandali!” mataray kong sagot. “Maghintay ka riyan!” Binalibag ko ang pinto sa pagsara. Pagsara ng elevator ay nag-usisa si Chan sa akin. “Gaano kayo ka-close ni President?” tanong niya. “Small world, ‘di ba? Magkatrabaho ulit kayong dalawa.” “Sinong nagsabing close kaming dalawa? Porket ba magkakilala close na agad? Magkatrabaho lang kami,” pagtatama ko. “Pwede ba tigil-tigilan mo ang pagiging marites, hindi bagay sa iyo!” “Nagtatanong lang naman, e! Malay ko ba kung may nakaraan kayo. Imagine tatanggalin pa niya ako sa trabaho para lang sa iyo. Aminin!” kantiyaw niya. “Tumigil ka na! Huwag na huwag mong sasabihin kahit kanino ito, ha? Naiintindihan mo?” “Oo na! Hindi ko naman talaga gagawin iyon, e. Kapag ginawa ko iyon ay mawawalan ako ng trabaho,” sagot niya. “May additional allowance pa ako kay President. Kaya Hera, salamat sa iyo ha! Tapos ang problema ko sa offer ni President. Hindi na ako mahihirapan pag-aralin ang kapatid ko.” “Sa kaniya ka magpasalamat dahil ginagamit ka niya kapalit ang pera. Wala ka pa lang dignidad sa katawan! Pati sarili mo ibebenta mo pa.” “Uy! Tumigil ka nga sa pinagsasabi mo. Mamaya ay may makarinig sa iyo. Baka iba pa ang isipin sa sinasabi mong binebenta ang sarili.” “Ewan ko sa iyo! Bahala ka riyan.” Pagbukas ng elevator ay iniwanan ko siya roon. Aleric Zeus Marcet “Good morning,” bati sa akin ni Aleric. Kumakain na siya ng dumating kami sa restaurant. “Oh by the way, here’s your coin purse. Ibinigay sa akin ng staff. Naiwan mo kagabi.” “Hera, si Rachel hinahanap ka.” Saad ni Derek, Maganda ang mood niya dahil kausap ang girlfriend. Hinarap niya ang cellphone kay Heara. “Morning, babe!” bati sa kaniya ni Rachel. “Bakit mukhang badtrip ka naman?” tanong pa. “Ang aga-aga naka busangot ka!” Pilit na ngumiti si Hera, “Hindi, ah! Ang saya-saya ko nga, e. Kapag may asungot kang kasama, malamang matutuwa kang talaga!” Sinamaan ako ng tingin. U-upo sa siya sa kaharap na upuan ni Derek pero kaagad na inagaw ni Chan ang upuan. “Excuse me, Captain Taevas.” Saad ni Chan at umupo. Napangiti ako. ‘No choice na siya kun’di ang umupo sa aking tabi.’ “Hera, dito ka na sa tabi ko!” sabi ko at inurong ang upuan na aking katabi. Inismiran niya ako pero wala siyang magagawa. Alam kong lahat ng gusto ko ay susundin niya dahil sa inutos kong sabihin ni Chan sa kaniya. ‘Hindi kaya ng konsensya ni Hera na may matanggal na inosenteng empleyado ng dahil sa kaniya.’ Nang makaupo ay inurong ko ang upuan ng mas malapit sa akin. ‘Halos limang dangkal lang ang puwang noon.’ “Aleric, napipikon na ako sa iyo!” saad ko. “Hindi bagay sa iyo ang magalit at sumimangot. Just eat, relax and unwind for a while. Hindi ba dapat sinusulit mo ang ganitong mga pagkakataon?” “Mas gusto ko pang pumasok sa trabaho kasya kumain kasama ka!” bulyaw sa akin. Tatayo na sana siya ng pigilan ko. “Are you sure about this?” tanong ko. Napatingin siya kay Captain Chan. “Spare me, Captain Taevas!” usal ni Chan. Padabog siyang umupo muli. Habang kumakain ay nagkaroon kami ng free utensils music dahil sa pagdadabog ni Hera habang kumakain. “President, babalik lang ako sa room. May kukunin lang ako,” paalam ni Derek. ‘Gaya ng plano ay sinusunod naman niya ang napag-usapan namin.’ I cleared my throat. Binilisan ni Chan ang pagkain. Dahil hindi pa ubos ay dinala niya ang plato at kutsara. Puno pa ng pagkain ang kaniyang bibig ng magsalita. “President, excuse me muna. Mukhang nasira na naman ang tiyan ko!” Agad siyang nawala sa aming paningin. Tinutok sa akin ni Hera ang tinidor. “Bakit?” tanong ko. “Ano na naman ba ang kinagagalit mo?” “Sineset-up mo ba ako, ha?” tanong niya. Dahil sa sobrang inis ay isinaksak niya ang tinidor sa ulan. “Hindi mo ako madadaan sa mga ganiyan mo Aleric Zeus Marcet. Basang-basa na kita!” Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan. “Hera!” nagsusumamo kong tawag sa kaniya. “Bumalik ka rito!” utos ko pero hindi nakinig. Habang palabas ng restaurant ay narinig ko ang ilang guest na pinag-uusapan kami. “Natural lang naman sa ganiyan ang mga couple,” usal ng nadaanan kong mga middle aged na babae at lalaki. Hinabol ko si Hera hanggang sa elevator. Mabuti na lang at nakaabot pa ako. Tumabi ako sa kaniya. Hinawakan ko pa ang kamay niya na nasa kaniyang tagiliran. “Honey, huwag ka ng magalit! Sorry na,” hingi ko ng tawad. “Tigil-tigilan mo nga ako Aleric!” hinawi niya ang kamay ko. Hindi ako tumigil at niyakap ko naman siya mula sa likuran. “Bakit ba?” tanong ko. “Tayo lang naman dalawa ang nandito!” Sinamaan ako ng tingin, “Ang landi-landi mo!” inirapan niya ako. “Aleric, may girlfriend ka! Pwede ba bago ka manlandi ng iba, siguraduhin mong single ka!” “So it means, may chance na ako?” tanong ko. “Yes!” usal ko. Nagpupumiglas siya at lumayo sa akin. “Tigilan mo nga a--.” Napatigil kaming dalawa ng biglang mag brown out. Huminto rin ang elevator. Nagpanic naman kaagad si Hera at pinindot ang emergency button.”Hello?! Na stock ako rito!” saad niya. “Ikaw? Tayo!” sabi ko. “Relax, baka nagkaroon lang ng power interruption dahil sa lakas ng ulan sa labas. O baka nagkaroon na ng shortage sa kuryente,” paliwanag ko. Hindi siya nakikinig sa akin. Kinuha niya ang cellphone at sinusubukan na gamitin iyon para matawagan si Derek. Napansin kong pawala-wala ang signal pero kalaunan ay nakausap ni Hera si Derek. “Nandito kami sa loob ng elevator. Tumawag ka ng tulong!” saad ni Hera. “Medyo chuppy ka, Hera. Pero elevator? Gumamit kayo ng elevator?” tanong ni Derek. “Oo!” sagot ni Hera. “Hindi niyo ba nabasa na under maintenance ang elevator?!” sagot niya. Kinuha ko ang cellphone mula kay Hera. “Derek, call for help. Wala kaming nabasa ni Hera na notice about it.” “I will try, President. Pero wala kasing power ngayon. But I will ask the staff kung ano nga ba ang possible na nangyari.” Pagbaba ko ng tawag ay galit na naman akong tiningnan ni Hera. “Plano mo rin ito?” tanong niya. “Hindi,” tanggi ko. “Wala akong alam, ha! Huwag mo kong pinagbibintangan.” “Grrr!” tugon niya. “Kapag nakalabas talaga ako rito, lagot ka sa akin!” banta niya. Sumipol ako at sumandal sa dingding ng elevator. “Mas mainam na magpahinga ka at i-reserve ang lakas mo kaysa mag gaganiyan ka. Hindi natin alam kung ilang minuto o oras tayong aabutin dito.” Sinimangutan niya ako at tumayo sa kabilang side ng elevator. Lumipas ang oras pero hanggang ngayon ay wala pa rin nagre-rescue sa amin. Abalang dinu-dutdot ni Hera ang cellphone niya ng makita ko. Dahil sa kuryosidad ay dahan-dahan akong lumapit sa kaniyang tabi. “Ano iyan?” tanong ko. Nahagip ng mata ko na naglalaro siya ng offline games. “Hanggang ngayon pala ay naglalaro ka niyan?” tanong ko. Mas dumikit ako sa kaniya para mapalapit. Pinause niya ang laro at tumingin sa akin. “Huwag mo kong sinisimplihan, Aleric! Baka gusto mong ihambalos ko sa itong cellphone sa inis sa iyo!” “Ito naman oh, laging galit! Meron ka ba kaya ang sungit-sungit mo?” Inirapan niya ako, “Wala! At isa pang salita mo ay sasapatusin na talaga kita.” “Oo na! Mananahimik na nga, e. Panood na lang para malibang ako,” saad ko. “Manood ka pero lumayo ka pa ng isang dangkal sa akin,” saad niya. Dahan-dahan siyang umupo sa sahig kaya umupo na rin ako. Tinuloy niya ang paglalaro. Sa sobrang kasarapan ng paglalaro niya ay unti-unti naman akong nakalapit sa kaniya. Nagdikit na nga ang braso namin dalawa. Kahit nakasuot ng damit ay ramdam ko ang init ng kaniyang katawan. ‘Init na noon na gusto kong nararamdaman panlaban sa malamig na panahon sa ibang bansa.’ “Ito naman ang gamitin mong character,” payo ko sa kaniya. “Ayoko nga! Bakit ikaw ba ang naglalaro? Kung gusto mo, maglaro ka rin sa cellphone mo!” masungit niyang sagot. Habang naglalaro ay napansin kong nabibitawan niya ang kaniyang cellphone. “Ui!” sabi ko. Inabot niya ang cellphone sa akin. “Laruin mo!” utos niya. “Inaantok ako. Level 245 na iyan ah! Huwag mong pababain ang rank!” Niyakap niya ang dib-dib at hiniga ang ulo sa ding-ding ng elevator. Habang nilalaro iyon ay sinusulyapan ko siya. Tulog nga at nakanganga pa. Napangiti ako. ‘Ganito talaga siya matulog kahit noon pa ‘man. Walang ka-arte-arte sa katawan.’ “Kaya mahal na mahal kita!” bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD