Chapter 16

3003 Words
Hera Nyx Taevas “Hindi ka pa ba babangon?” tanong sa akin ni Rachel. “Ilang araw ka ng nagmumukmok dito sa condo.” Puno ng pag-aalala ang kaniyang mata at ang tinig. “Wala ka naman kasalanan sa nangyari kay Aimee. Hindi naman natin expected na ganoon pala kabaliw iyon na magpapakamatay para lang makuha ang simpatya ni Aleric.” Napatingin naman ako kay Derek ng magsalita siya. “Oo nga! Noong napanood nga ni President kung paano ka sinaktan ni Madam Hao ay halos mag c***k na ang ang buong building dahil sa galit niya.” “Ang O.A mo naman!” sabat ni Rachel. Napangiti na lang ako sa pag-uusap ng dalawa. “Tumigil na nga kayong dalawa. Alam niyo naman na ako ang ugat ng lahat ng ito kaya’t hindi niyo na kailangan na pagaanin pa ang loob ko,” sagot ko. “Mabuti na lang at okay na si Aimee, kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko na walang worse na nangyari sa kaniya.” “Bakit iniintindi mo pa siya? Dahil sa kanila kaya nahihirapan ka ngayon, Hera. Hindi ba’t parang sobrang bait mo na? Ikaw rin, kinukuha ni Lord ang mga ganiyan ang ugali.” “Gaga ka talaga!” natatawa kong sambit. “O bakit? Totoo naman, eh! Girl, hindi na uso ang sobrang bait, lalo na sa ugali ng dalawang mag-ina na iyon. Lumaban ka kagaya ng Mama mo. Huwag susuko dahil may karapatan ka bilang anak ni Tito Marvin.” ‘Napaka-blessed ko dahil may kaibihan akong katulad ni Rachel. Kahit minsan parang tanga lang magsasalita, lahat naman iyon may sense at aral.’ “Tama na nga ang kadramahan niyo,” bulalas ni Chan ng makabalik. “Ito na iyong mga pinibili niyo. Party all night ba ang mangyayari ngayon?” tanong niya. “Oo!” sagot ni Derek. “Off namin kaya pwedeng-pwede mag enjoy hanggang madaling araw.” “Teka, paano naman ako?” tanong ni Chan. “Kaya nga ako sumama rito para makita si mylovidovey ko.” “‘Wag kang mag-alala mamaya ay narito na ang mga iyon,” sagot ni Rachel. “Sinu-sino pa ba tayo?” tanong ni Derek. “Sila Steph at Joan. Kaya mamaya magiging masaya tayong lahat.” “Eh, ano pa ba ang hinihintay natin? Mag-ready na tayo para makapag-simula kaagad,” sabi ko. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at inasikaso ang mga pinamili ni Chan kanina. Inihanda namin ni Rachel ang mga pagkain at gagamitin namin para mamaya. ‘Dahil perfect ang grill food kapag nag-iinuman ay ganoong set-up ang gagawin namin. ‘Excited kami ni Rachel dahil matagal na namin hindi nagagawa ito dahil sa iba’t-ibang schedule namin.’ Kakatapos lang namin i-set up ang table. Pati ang disco light at portable videoke ay ready na rin para sa kasiyahan mamaya. Pinatay ni Rachel ang ilaw at sinaksak ang disco light. ‘Mas comfy at maganda pa ang ambience dito kaysa sa mga bar na pinupuntahan namin.’ “Wow!” usal ni Chan. “High-class ang dating ng bar natin, ah!” “Oh, yes!” saad ni Rachel. “Minsan lang tayo magliwaliw kaya dapat mag-enjoy talaga tayo.” Nagtatalon sa tuwa si Rachel, “I’m so excited!” Napatingin kami sa pinto ng marinig ang buzzer. “Nariyan na ata sila?!” bulalas ni Rachel. Naglakad siya papunta sa pintuan at binuksan iyon. Naulinigan ko ang boses nila Carol, Steph at Joan. “Magpapalit lang kami, then let’s get party!” saad ni Steph. “Nga pala niyaya ko na rin si Romeo. Okay lang ba sa inyo?” tanong niya. “The more, the merrier!” Sambit ni Rachel. “Nasaan na siya?” tanong niya kay Steph. “Nasa parking lang. Nakalimutan iyong cellphone sa kotse kaya nauna na kaming umakyat.” Nakita ko sa mukha ni Steph ang kakaibang saya habang sinasambit ang tungkol kay Romeo. ‘Posible kaya ang iniisip ko?’ tanong sa aking sarili. ‘Kung ganoon nga, may dahilan si Romeo na maging mabait sa akin kung may gusto siya kay Steph.’ ‘Now, I wonder. Napaka-unfair talaga ng mundo.’ Kaya niya sa iyo ipamukha kung gaano ka kalungkot sa buhay mo. ‘Iyong ipaparamdam na mag-isa ka lang habang ang mga kaibigan mo may mga kasama.’ Pero masaya ako dahil masaya sila. ‘Si Rachel na noon pa ‘man mahal na si Derek. Pero niloko ang sarili na matatagpuan pa ang pagmamahal sa iba. Sa naging experience ni Carol, hindi ‘man naging maganda ang experience niya sa huling bf niya ay narito naman si Chan para pasayahin siya. Wala naman masyadong sineseryoso si Steph pagdating sa boyfriend dahil minsan panandalian lang ang lahat. Iyong tipong ilang buwan pa lang, break na agad. Pero mukhang si Romeo ata ang matagal na niyang hinihintay. Sa sandaling pagkakakilala ko sa kaniya ay green flag naman ang attitude niya. Iyon nga lang, hindi ako sure sa totoong nararamdaman niya para kay Steph. AFAM naman ang boyfriend ni Joan. Nakilala niya sa isang dating app, pero until now hindi pa sila personal na nagkikita. More on video call sila. At kung minsan nahuli pa namin na sa online nakikipag-kwan. Siya ang babaeng definition ng hindi makabasag pinggan, pero nasa loob naman ang kalandian. Pero sa iisang lalaki lang naman.’ “Captain!” bati sa akin ni Romeo ng dumating. “Hi!” tugon kong bati. Lumabas naman si Steph sa kwarto at nakapagpalit na ng pambahay. “Romeo, nariyan ka na pala!” saad niya. “Huwag ka na masyadong magpaka formal at mahiya sa amin. Wala naman tayo sa trabaho ngayon.” Niyaya niyang umupo si Romeo at tumingin sa akin, “Nyx, alam mo bang bilib na bilib sa iyo ito! Siya ata ang number 1 fan mo.” Napahawak lang si Romeo sa batok. “Woah!” usal ng kasamahan namin ng akbayan ni Steph si Romeo na halatang normal lang sa dalawa. “Ui, tumigil nga kayo riyan!” awat ni Steph. “Teka, nasaan na si Carol at Joan?” tanong ko. “I’m here!” usal niya paglabas ng pinto. Dumiretso upo naman siya sa tabi ni Chan. Binunggo pa niya ang balikat nito, “Kanina ka pa?” tanong niya. “Kanina pa,” sagot ni Chan. Halatang nahihiya pa siya. Pero kinikilig dahil katabi si Carol. “Si Joan maya-maya lalabas, kinakausap pa ang AFAM niya,” dugtong ni Joan. “Mag start na tayo!” saad ni Rachel. “Woah!” hiyaw pa niya. Nagsimula na ngang mag-ikutan ng tagayan. Kasabay ng pagkukulitan ay ang umiindayog naming mga paa dahil sa tugtog na pine-play ni Derek. Halos karamihan ay remix kaya’t buhay na buhay kaming lahat. Almost thirty minutes na rin ang nakalipas ng lumabas si Joan sa kwarto at magsimulang tumagay. Kung anu-ano na lang ang pinag-uusapan namin basta’t hindi tungkol sa trabaho. “Ang sarap pala sa feeling na dumadami ang circle of friends natin,” saad ni Rachel. “Noon kami lang nina Hera at Derek ang magkakakilala pero ngayon, ang dami na.” “Nagkakilala lang ba kayo dahil sa iisang kumpanya lang tayo?” tanong ni Chan. Umiling si Carol, “Nope!” tanggi niya. “Magkaklase kami sa Aviation School.” Sumagot naman si Rachel, “Then, sabay-sabay kaming training. Nag stay sila Joan, Carol and Steph dito at unang nagtrabaho sa Marcet Airline. Kami ni Hera sa abroad. Doon na namin nakilala si Derek. Si President, isa siya sa mga director doon. Then, bumalik kami dito ni Hera sa Pilipinas. Since hindi hiring noon ang Marcet Airline, nag-apply pa kami sa ibang companies.” “Ganoon na pala katagal ang pagkakaibigan niyo,” puna ni Romeo. “Yes!” sagot ni Steph. “Kaya kilala na namin ang isa’t-isa.” Nakikinig lang ako sa kanila habang umiinom at nagre-relax lang. ‘Tamang chill lang.’ Pasado alas dies na ng gabi ng may mag buzzer. Nagulat pa kami dahil wala naman na kaming inaasahan na iba pang bisita. “Any guesses?” tanong ko. Nagkibit balikat lang silang lahat at sumagot na wala. “Ako na ang magbubukas,” sabi ko. Nabigla ako sa pagtayo kaya medyo na out of balance ako. Mabuti at nahawakan ako ni Steph sa kamay. “Lasing ka na?” natatawa niyang tanong. “Sira. Hindi!” kaswal kong sagot. “Inom lang kayo riyan. Ako na ang bahala.” Pagbukas ko ng pinto ay si Aleric ang bumungad sa aking harapan. Napatingin ako sa likuran at masamang tiningnan ang gawi ni Derek. Napatingin naman si Chan sa akin at nang magtama ang mata namin ay umiwas siya. Bago muling tumingin sa aking kaharap ay bumuntong hininga pa ako. Medyo sinara ko pa ang pinto para matakpan sila. Aleric Zeus Marcet Nasulyapan ko na madilim ang loob at tanging disco light lang ang ilaw na nagbibigay liwanag roon. Hindi ko rin mamukaan ang iba dahil nga madilim. Ang mga boses nila ay halo-halo na at sumasabay sa tugtugin ng kanta. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya. Ngumiti ako. “I’m just checking on you,” kaswal kong sagot. “Okay ako!” tipid niyang sagot. “Hindi mo ‘man lang ba ako papapasukin?” tanong ko. “Captain, you can’t hide anything from me. At alam mong isa sa policy ng airline na bawal ang ginagawa niyo. Gusto mo bang gumawa na lang ako ng report para lahat ng nariyan sa loob ay madamay?” pananakot ko. ‘Hindi mo ako binigyan ng choice kaya’t ito lang ang paraan na alam ko.’ “‘Wag mo na silang idamay dito. Nag-eenjoy lang naman sila. At hindi kita pwedeng papasukin dahil magugulat silang lahat kung bakit nandito ka. At isa pa mawawala ang mood nila kapag nakita ka dahil maiilang lang sila.” Paliwanag niya. “Magbibihis lang ako at sa labas tayo mag-usap,” request pa. “Kung pwede sa parking mo na lang din ako hintayin. Hindi naman komportable na dito ka sa harap ng pinto maghihintay.” “Five minutes!” sagot ko. Tinalikuran ko na siya at sinunod ang kaniyang gusto. Naghintay ako sa parking lot. Aakyat na sana ako ng lumipas na ang limang minuto pero nang bumukas ang elevator ay siya na ang lumabas doon. Patago akong ngumiti dahil satisfied ako sa nakuha kong outcome sa ginawa kong pananakot sa kaniya. ‘Mali ‘man iyon pero walang choice kun’di gawin iyon.’ “Sakay!” utos ko sa kaniya ng buksan ko ang pinto ng kotse. “Saan tayo pupunta?” tanong niya. “Hahanapin nila ako kapag nawala ako ng matagal,” pagdadahilan ko. “Mag-uusap lang tayo,” sambit ko. Nang mapasakay siya sa kotse ay umikot ako papuntang driver seat. Mabilis akong sumakay roon at sinara ang pinto. “Aleric, tigilan mo na ako!” sabi niya. “Wala ng mangyayari sa ginagawa mong panunuyo sa akin,” dugtong niya. “Meron ng napahamak dahil sa maling desisyon mo. At hindi ako masaya.” “I’m sorry kung hindi ko nasabi sa iyo ang tungkol sa nangyari kay Aimee. Alam ko kasing magagalit ka kapag sinabi ko pa sa iyo. At iiwasan mo na naman ako, katulad ng ginagawa mo ngayon. You’re avoiding me!” sabi ko. “Dahil iyon ang tamang gawin, Aleric.” “Hindi iyon ang tamang gawin! Kasi sinasaktan mo ang sarili mo. Mas inuuna mo pa ang ibang tao kaysa sa kaligayahan mo. Kaysa sa totoong nararamdaman mo. Bakit ba ang duwag mo na ipaglaban ako? Noong una ginawa mo na iyon, hanggang ngayon ba naman na pinapatunayan ko na ang pagmamahal ko sa iyo?! Hera ang sakit na sa tuwing pipiliin kita palagi mo na lang akong tinutulak palayo.” Sandali kong nakita ang lungkot sa kaniyang mga mata ng magkatitigan kami ngunit agad siyang umiwas. “Palagi mo na lang ba akong iiwasan kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa ating dalawa?” tanong ko. Hindi siya sumagot kaya kinuha ko ang kaniyang mukha at hinarap sa akin. “Mag-usap na lang tayo sa susunod na araw,” iwas niyang sagot sa akin. Alam kong bababa siya ng kotse kaya ni-lock ko kaagad iyon. Nagpanic siya ng hindi mabuksan ang pinto. “Hindi kita papaalisin hangga’t hindi tayo nagkaka-usap ng matino at maayos.” “Ano pa bang pag-uusap ang gusto mo?” tanong niya. “Sinabi ko ng hindi maaari.” “HIndi iyan ang nararamdaman ko. Hindi iyan ang sinasabi ng mga mata mo sa tuwing nagkakatitigan tayo. Magpakatotoo ka naman Hera.” Napasabunot siya sa kaniyang buhok at napahilamos sa mukha. “Hera!” tawag ko. “Mahal na mahal kita. Sana maging maayos na tayong dalawa.” Lumandas ang luha sa kaniyang mga mata. “Mahal na mahal pa rin kita pero kapag pinili ko ang aking kaligayahan, may mga tao tayong masasaktan. Sa tingin mo ba magiging masaya tayo kung alam natin na may taong may iiyak? Sa tingin mo mapapanatag ang puso ko na may pagkakataon na posible na naman magpakamatay si Aimee ng dahil sa ating dalawa? Aleric, paano ako magiging masaya kung sa araw-araw ay may posibilidad na masaktan ka, masaktan ako, at masaktan si Mama?” Hinaplos ko ang kaniyang pisngi, “Magtiwala ka sa akin. Hindi mo kailangan dalhin ang lahat ng ito. Nandito ako at haharapin natin ang lahat ng problema. Poprotektahan ko kayo ng Mama mo. At hindi mo ako kailangan alalahanin dahil kaya kong protektahan ang sarili ko. Hera, kaya kong harapin lahat basta’t kasama kita. Basta’t hawak ko ang dalawang kamay mo at magtiwala na kahit kailan hindi kita bibitawan.” Yumuko siya at patuloy na umiyak. “Hera,” tawag ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng hagkan niya ako ng mahigpit. “Gustong-gusto kitang ipaglaban. Gusto kong ipaglaban ang pagmamahal natin pero natakot ako dahil hindi ka unang naging akin. Sobrang sakit. Hanggang ngayon dala-dala ko iyon dahil iniwan kita. Lumipas ‘man ang panahon hindi nawala ang pagmamahal ko sa iyo, bagkus sa araw-araw na nabubuhay ako mas sumasakit ang puso ko sa tuwing ikaw ang naiisip ko. Nagsisisi ako dahil pinili kong mawala ka kaysa ipaglaban ko pero duwag ako. Naduwag at natakot ako sa posibilidad na mangyari,” salaysay niya. “Nang makita kita ulit sinubukan ko ng umiwas at layuan ka, pero sa tuwing ginagawa ko iyon, ako ang nasasaktan. Sinubukan kong lokohin ang sarili ko pero wala, e. Gusto ‘man isipin ng utak ko na hindi na kita mahal, kumokontra ang puso ko.” Pinagpapalo niya ako sa dib-dib. Mahina lang iyon pero ramdam na ramdam at tagos na tagos ang sakit sa puso ko. “Bakit ba mahal na mahal pa rin kita? Bakit hindi ka mawala dito? Bakit kailangan ko pahirapan ang sarili ko? Nagmamahal lang naman ako, bakit kailangan ako pa ang masaktan?” Ginantihan ko ng yakap ang kaniyang mga palo. “Hayaan mo akong samahan ka sa sakit at hirap. Mas magiging magaan ang lahat kung dalawa tayong magkasama. Tayo na ulit, please? Bigyan mo ako ng chance na ipaglaban ka. Ha?” tanong ko sa kaniya. Wala akong salitang narinig pero ang pagtango niya ang senyales na tinatanggap na niya akong muli. Mahigpit ko siyang niyakap. Inalo-alo ko pa siya para lang tumigil sa pag-iyak. “Hindi na ako makahinga,” mahinang sambit niya. Niluwagan ko ang pagkakayakap sa kaniya. Nang umangat ang mukha niya ay kinuha ko ang pagkakataon na iyon para mahalikan siya. Naamoy at nalasahan ko pa ang alcohol sa kaniyang labi. “Marami ka na bang nainom?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko pa rin magawang tanggalin ang pagkakayakap sa kaniya. “Medyo,” kaswal niyang sagot. “Tamang chill-chill lang para alam mo iyon, makalimot sa lahat ng bagay. Kaya lang kapag napaparami ang inom ko mas naiisip ka ng utak ko. Mas naaalala ka ng puso ko. Pero mag-iiba na siguro ang sitwasyon ngayon, hindi ba? Let’s try again but make it slowly.” Hinapit ko siya sa baywang at maalab ko siyang hinalikan. ‘Pati ako nalalasing dahil sa kasiyahan.’ Tinapik niya ako kaya una kong tinanggal ang labi ko sa kaniya. “Bakit?” tanong ko. “Babalik na ako sa unit. Baka hinahanap na nila ako,” sabi niya. Kinuha ko ang kaniyang kamay at hinawakan iyon, “Kung gusto mong uminom, bakit hindi na lang sa unit ko?” tanong ko. “Hindi ba’t dapat mag celebrate tayo dahil maayos na ang relasyon natin dalawa?” Hinawi niya ang kamay ko, “Ayoko ko! Baka hindi lang inom ang gawin natin! Kilala kita, pero sabi ko nga kanina kailangan dahan-dahan lang ang lahat pero mukhang gusto mo madalian na.” “Hindi naman sa ganoon,” katwiran ko. “Gusto ko lang talaga na makasama ka ng matagal. Pwede ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi!” sagot niya. “Bumalik ka na lang bukas. Wala naman akong pasok dahil mayroon pa akong 2 days na natitira sa sick leave ko.” “Sama na lang ako?” request ko. “Hindi pwede!” direktang sagot niya. “Aleric, huwag ka ng makulit. Babawi na lang ako bukas, okay? Sa ngayon, hayaan mo muna na mag-enjoy kami. Karapatan nila mag unwind, pero kung pupunta ka at makakasama ka nila hindi na unwind iyon. “In one condition,” sabi ko. Tinuro ko ang labi ko para senyasan siya na halikan ako. Nagrereklamo siya pero walang nagawa at hinalikan ako. Hindi ko binitawan ang labi niya. Diniin ko ang ulo niya sa upuan para hindi makapalag sa halik na binibigay ko. ‘Hindi ko siya tinigilan hangga’t hindi kami nauubusan ng hininga pareho.’ “See you tomorrow, Captain!” sambit ko na may malaking ngiti sa labi. Hindi ko na pinigilan ang kaniyang pag-alis. Habang nakatingin sa side mirror ng kotse ay nakita kong tinatapik niya ang kaniyang sarili. “Cute!” sambit ko sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD