Chapter 15

3234 Words
Hao Residence of First Family “Aimee!” tawag ni Naomi sa anak. Kanina pa niya kinakalampag ng malakas ang pinto ng kwarto ng anak pero hindi iyon binubuksan. “Aimee!” tawag pa muli. Dahil sa pag-aalala at kutob na maaaring gawin ng anak ay nagmadali siyang kinuha ang susi ng kwarto. Nang buksan niya nga ang pinto ay tumambad sa kaniya ang walang malay na anak sa kama. Gigisingin lang sana niya iyon ng makita ang dugong mantsa sa kumot. Tinanggal niya ang kumot at nanlaki ang mata ng makitang umaagos ang dugo sa pulsuhan ng anak. “Ahh!” sigaw niya. “Aimee!” tawag sa pangalan ng anak. Kahit natataranta sa takot ay nagawa niyang takpan ng tela ang pulso ni Aimee upang mapahinto ang dugo. Ilang sandali pa ay nakapukaw ng atensyon ang sigaw ni Aimee. “Mommy?” tawag ni Nigel. “Are you okay?” tanong niya ng pumasok sa kwarto. “Call an ambulance!” utos sa kaniyang anak. “What happened?” usisa. “I’ll call now!” Agad na dinayal ni Nigel ang emergency number. Pagbaba ng tawag ay nilapitan niya ang ina at kapatid. “s**t!” usal niya. “Anong pumasok kay Ate Aimee para gawin ito? She’s risking her life dahil sa lalaking iyon?!” Hindi naman nakasagot si Naomi. Mabilis na na-rescue si Aimee at dinala kaagad sa ospital. Tinawagan ni Naomi ang asawa at pinaalam ang nangyari. “I’m on my way!” sagot ni Marvin. ‘Sa kaniyang isip ay dumating na ang panahon na inaasahan niyang mangyayari.’ Noon pa ‘man ay ilang beses na kaming pinagbabantaan ni Aimee na magpapakamatay kapag nawalay siya kay Aleric. ‘Pero ito ang unang beses niyang tinotoo ang kaniyang banta.’ Sinalubong ni Naomi ang asawa ng makita niya ito. Niyakap niya iyon ng mahigpit. “How's she?” tanong ni Marvin sa asawa. “She’s safe now. Maraming nawalang dugo sa kaniya kaya kailangan niyang salinan. Hinihintay na lang namin na magising siya.” Nang makita ni Marvin si Aimee ay nakaramdam siya ng matinding awa. ‘Hindi ‘man niya totoong anak ito ay inako na niyang parang anak.’ Hindi napigilan na umiyak ni Naomi sa harapan ng asawa. “Marvin!” Hinawakan ni niya ang braso ng asawa. “Tulungan mo naman ang anak natin na magka-ayos sila ni Aleric. Baka lumalala ang lahat at baka sa susunod na balakin niyang magpakamatay ay hindi na siya makaligtas.” Huminga ng malalim si Marvin at seryosong tiningnan ang asawa. “Hindi sagot si Aleric para maiwasan ang pangyayaring ganito. Ang kailangan ni Aimee ay magpakatatag at tanggapin ang nangyari sa kanila. Hindi natin maaaring ipilit ang mga bagay na hindi na pwede.” “Kung hindi mo kayang pakiusapan si Aleric, pwes ako! Ako ang magmamaka-awa na balikan niya si Aimee!” bulalas niya. Masama niyang tiningnan ang asawa bago umalis sa harapan nito. Hindi naman inawat ni Marvin ang asawa. ‘Alam niya kung gaano katigas ang ulo nito.’ Aleric Zeus Marcet Kakatapos lang ng meeting ko kasama ang mga directors ng salubungin ako ni Derek. “President,” tawag niya. “Naghihintay po si Madam Naomi sa inyong opisina.” Hindi na nakakapagtaka na pupunta siya rito dahil sa kaniyang anak. ‘This time ano na naman kaya ang ibibigay niyang dahilan para kumbinsihin akong balikan ang kaniyang anak?!’ “Hindi maganda ang nase-sense ko, President!” “Ako rin!” kaswal kong tugon. Nagkatinginan pa kaming dalawa. “Pero may posibilidad ba na -” Nagsalita ako kaagad para itama ang kaniyang iniisip. “Walang posibilidad! Kahit ano pang sabihin niya, hindi ko na babalikan si Aimee,” sagot ko. “Sure ka ba riyan?” tanong niya. “Kahit lumuhod? Kahit umiyak? Kahit magmakaawa?” “Oo!” direktang sagot ko. “Naks! Pina-panindigan mo na talaga ang desisyon mo.” Tinapik ako ni Derek sa balikat. “I’m so proud of you, President!” Hinawi ko ang kaniyang kamay, “Tumigil ka na nga! Nakukuha mo pa magbiro sa ganitong.” Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya, “Huwag na huwag sasabihin kay Hera ang mapag-uusapan namin. Naiintindihan mo?” “Oo! Alam ko naman na pinoprotektahan mo lang siya. Huwag ka mag-alala hindi mawawala ang chance mo sa kaniya. Nilalakad ka nga namin ni Rachel sa kaniya. Kaya sooner, magiging okay na kayo.” “That’s great,” saad ko. “Pero huwag ka pa rin aasa sa mga sinasabi ko. Mahirap naman na umasa ka tapos hindi naman pala, ‘di ba? Syempre hindi pa rin namin hawak ang utak ni Hera. Although ikaw ang nasa puso niya.” Ngumiti siya sa akin. “Nagsisisi ako na sinama pa kita hanggang dito,” saad ko. “Kapag ako nabwisit sa ugali mo, mawawalan ka ng trabaho rito. Ipapatapon kita sa ibang branch para maghiwalay na kayo ni Rachel.” “Bakit ang init ng ulo mo?” tanong niya. “Maayos naman tayo nag-uusap tapos bigla kang magagalit. Alam mo President, hindi bagay sa iyo ang mga cold-hearted character. Nakakabawas ng kagwapuhan mo iyon. At kapag nabawasan ang kagwapuhan mo, posibleng hindi ka na talaga balikan ni Hera. Kaya iwas-iwasan mo ang pagiging moody,” usal niya. “Just zip your mouth!” babala ko. Malapit na ako sa aking opisina ng makasalubong si Tita Naomi. “I was about to go with you,” sambit niya. “Hijo, can we talk privately? “Sure, Tita!” sagot ko. Nilahad ko ang aking kamay upang paunahin siyang maglakad pabalik sa aking opisina. “Derek, please prepare juice!” Hinawakan ni Tita ang aking kamay, “No need, Hijo.” Sinenyasan ko na lang si Derek na umalis na. Yumuko lang siya bilang tugon sa akin. Ilang segudo kaming tahimik ni Tita pag-alis ni Derek. Magsasalita na ako ng bigla na lang siyang humagulgol sa pag-iyak at lumuhod sa aking harapan. Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil-pisil. “Aleric! Nasa ospital ngayon si Aimee. Naglaslas siya ng pulso at muntik ng mamatay. Nakikiusap ako sa iyo na sana balikan mo na siya. Ikaw lang ang makakatulong para makarecover siya at iwasan ang ganitong mga insidente. Mahal na mahal ka niya at hindi niya kayang mawala ka. Nagmamakaawa ako sa iyo, Aleric!” Sinusubukan ko siyang itayo mula sa pagkakaluhod pero nagmatigas siya. “Hindi ako tatayo hangga’t hindi ko nakukuha ang sagot mo.” Napalunok ako at hindi na siya pinilit pa. “I-I’m sorry, Tita!” sagot ko. “H-Hindi ko po mapagbibigyan ang gusto niyo. Mas lalo lang magiging magulo ang buhay namin ni Aimee kapag nagkabalikan kami. Mas lalo lang siya mahihirapan na mag move-on kung ipipilit ko pa ang relasyon namin.” Ngumisi siya, “Hindi ba’t maayos naman ang relasyon niyo ng umuwi rito? Hindi ba’t masaya naman kayo? Anong nangyari?” usisa niyang tanong. “Alam kong minsan may pagka-isip bata ang anak ko. Hindi ba pwedeng pagbigyan mo na lang siya? Bigyan ng chance na magbago? Sige na Aleric. Balikan mo na ang anak ko.” “Tita, kahit anong gawin niyo hindi na ako makakapayag na magpadala sa awa. Hindi ko na mahal si Aimee. Masakit ‘man sa inyo na nasaktan ko siya at umabot na sa punto na ganito ang sitwasyon pero wala na akong magagawa.” Matalim niya akong tiningnan. Habang tumatayo ay nanggagalaiti pa. Nagulat na lang ako ng sampalin niya ako ng malakas. “Wala kang kwentang lalaki! Akala mo magiging masaya ka sa desisyon mo na iwanan si Aimee? Pwes, hindi! Hindi ko hahayaan na maging masaya ka, habang ang anak ko nagdurusa. Tandaan mo ang araw na ito Aleric!” Napahawak ako sa aking mukha na ngayon ay nakakaramdam ng sakit. “I’m sorry!” Sambit ko. Narinig ko ang padabog na pagsara ng pinto. Napahilamos na lang ako sa aking mukha ng ako na lang ang maiwan sa loob ng opisina. Ilang beses pa akong napabuntong hiningi dahil sa ginawa ni Tita Naomi. Hindi rin biro ang mga salitang binitawan niya. ‘Ngayon naiintindihan ko na ang takot na nararamdaman ni Hera. Hindi ko inaasahan na ganito kalupit at kasama si Aimee at ang kaniyang ina.’ Napakuyom ako. ‘Hindi ko hahayaan na masaktan niyo si Hera.’ Hera Nyx Taevas Nagmamadali ako papasok sa airport dahil ilang minuto na lang ay male-late na ako. Dumaan na ako sa personnel way para mas mapabilis ang pagpunta ko sa flight crew department. Ang mga nakasalubong kong kapwa crew ay sumasaludo na lang nang makita ako. Hindi ko rin inaasahan na makakasalubong ko rin si Tita Naomi roon. ‘Ano kayang ginagawa niya rito?’ tanong sa aking sarili. Hindi na maganda ang timpla ng mukha niya at mas pumangit pa iyon ng makita ako. Tumingin ako sa paligid at ang laking pasasalamat ko na wala ng ibang tao. Huminto ako sa aking paglalakad at hinintay siyang salubungin ako. “Tita,” saad ko. Tinulak niya ako, “Tita? Huwag na huwag mo akong tatawagin na Tita!” Dinuro niya ako, “Tigilan mo na ang paglapit-lapit kay Hersey! At umalis ka na rin sa buhay ng pamilya ko!” sagot niya. Nanggagalaiti siya sa galit at matalim na tinititigan ako. “Tinuturing ka lang anak pero kahit kailan ay hindi ka magiging parte ng pamilya namin. Walang puwang ang isang katulad mo na walang ginawa kun’di magbigay ng gulo sa amin.” Yumuko na lang ako para tigilan na niya ako. Lahat ng galit at panghahamak niya ay nilunok ko. Pero hindi pa pala siya titigil. Sinabunutan niya ako at pinagsasampal. ‘At wala ‘man lang akong nagawa para ipaglaban ang sarili ko. Dahil iniisip ko na baka nga ganito talaga kalalim ang galit niya sa akin at deserve ko naman talaga ang ganito.’ Hinayaan ko siyang ibuhos sa akin ang galit niya. ‘Baka sakaling iyon ang maging paraan para lang maging magaan ang kaniyang pakiramdam. O mas kaya kong tanggapin ito kasya si Mama ang kaniyang saktan.’ Napahawak ako sa aking labi kung saan nalalasahan ko ang dugo. “Kung ito ang paraan para lang mapatawad niyo kami ng Mama ko, tatanggapin ko!” saad ko. “Pero gusto kong maisip niyo na hindi lang kayo ang nasaktan. Kami rin!” “You almost ruined my family!” bulyaw niya. “At walang kapatawaran doon! Habang nabubuhay ka at kayo ng Mama mo ay hindi mawawala ang galit ko sa inyo!” Akmang mananakit siya ulit ng may pumigil sa kaniya. “Madam Hao! Kung ayaw niyong ma-iskandalo ngayon ay mas mabuting aalis na lang po ako!” saad ni Derek. “Hoy, ‘wag kang maki-alam dito! Empleyado ka lang at wala kang karapatan na manduhan ako sa dapat kong gawin.” Tumindig si Derek at nakipaglaban siya ng titigan. “Oho, empleyado rin ako. At bilang empleyado alam namin ang karapatan namin bilang isang tao. May CCTV ang area na ito at maaari namin kayong ipakulong dahil sa ginawa niyo kay Ms. Taevas.” “Binabantaan mo ba ako, ha?” tanong ni Naomi kay Derek. “O baka gusto mo mapatalsik din sa trabaho mo?” “May karapatan kayong gawin ang gusto niyong gawin,” sarkastikong sagot. Upang hindi na madamay si Derek sa gulo ay umawat na ako. “Derek, tara na!” yaya ko. “Mrs. Hao, nagkamali ako. Huwag niyo na pong idamay ang ibang tao,” normal kong sagot. Sa akin na niya binaling ang atensyon. “You should know your place, Ms. Taevas or else hindi ako magdadalawang isip na ulitin ang ginawa ko sa iyo ngayon,” banta niya. “Stay away!” bulong niya. Nang makaalis ay agad naman akong nilapitan ni Derek. Inayos niya ang magulo kong buhok dahil sa sabunot ni Tita Naomi. “Bakit hindi ka kasi lumaban?” tanong niya. “Kailangan ba talagang magpatapak ka at maliitin ang sarili mo? Hera, wala kang kasalanan sa mga nangyari. Tinapik ko si Derek sa kaniyang balikat at ngumiti. “Late na ako! Kailangan ko ng pumasok.” Umiwas na ako sa kaniya pero hinabol pa rin niya ako. “Halika rito!” saad niya. Hinatak niya ako sa kamay. “Hindi ka pwede pumasok na namumula iyang mukha mo. At kailangan natin malagyan ng first aid iyang sugat sa labi mo. Siguradong magpapasa iyan.” “Okay lang ako,” sagot ko. “Kaya ko na ang sarili ko.” “Hindi! Bilang kaibigan mo, hindi ko kayang makita ka ng ganiyan.” Dinala ako ni Derek sa clinic. “What happened?” tanong ng doktor na naka-assigned sa clinic. Tiningnan siya ni Derek, “‘Wag ka ng magtanong at gawin mo na lang ang trabaho mo,” pagmamando niya. Tumingin siya sa akin at nagpaalam, “Sandali, may kukunin lang ako.” Tumango na lang ako. “Just lay down your head and relax.” sabi ng doktor. Hiniga ko ang aking ulo. Pinikit ko ang aking mata at nirelax ang aking sarili. Kahit masakit ang ginagawang panggagamot ni Dok ay tiniis ko iyon. “Just give me a moment,” saad ng doktor. “Malapit ng matapos.” “Thank you,” tugon ko na lang. “My flight schedule pa po ako kaya kailangan ko na rin magmadali.” “I’m almost done.” Napahinto kaming dalawa ng doktor ng marinig ang isang boses. “Take a rest here!” bulalas ng isang tinig. “I already informed the department. Si Rachel ang papalit na pilot sa iyo.” Tinawag naman ni Derek ang doktor kaya’t kaming dalawa ang naiwan ni Aleric sa clinic. ‘Kapag sinabi niya ay iyon na. Wala na akong magagawa kun’di sundin siya.’ Naramdaman ko ang kaniyang kamay na humahaplos sa aking mukha. Pinigilan ko ang kamay niya sa kaniyang ginagawa. “Ngayon, nakita mo na ba ang sinasabi ko na posibleng mangyari?!” Tiningnan ko siya, “Aleric, kapag lumapit ka pa sa akin ay hindi imposible na mangyari ito ulit.” Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. “Kahit ano pang sabihin mo, hindi kita lalayuan. Mananatili ako dito sa tabi mo para protektahan ka. Sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang ganitong pangyayari. Kapag sinaktan ka ulit niya, ako na ang makakalaban niya. Kung hindi mo kayang lumaban, ako ang lalaban para sa iyo!” “Huwag mo ng palakihin ang gulo. Huwag mo ng gawing komplikado ang mga bagay-bagay. Kahit kailan ay hindi niya na ako matatanggap bilang anak ni Daddy. Kahit kailan ay hindi na niya kami mapapatawad. At mas lalo lang lalalim ang galit nila kapag nalaman pa nila na ako ang dahilan kaya mo iniwan si Aimee.” Nang magtama ang aming mga mata ay nakita ko ang sakit doon. “Tama na, Aleric. Ayokong sa huli pati ikaw ay madamay at masaktan.” “Walang salita mo ang makakapagpahinto o makakapagpawala ng pag-asa ko. Mahal kita at ipaglalaban ko iyon kahit pati ako masaktan. Ang mahalaga sa akin ay ikaw. Ang makasama ka. Ang maprotektahan ka.” Biglaan ang mga sumunod na mga nangyari. Napagtanto ko na nakapikit na lang ako habang ang aming mga labi ay magkadikit. “Nandito lang ako para sa iyo, Hera!” sambit niya ng maghiwalay ang aming mga labi. Siya ang gumawa ng paraan para makalabas ako ng airport na walang nakakapansin sa akin. Hinatid niya ako hanggang sa condo unit. “Papaalis mo na naman ako?” tanong niya. Ibubuka ko pa lang ang bibig ko pero nabasa na niya kaagad ang aking iniisip. “Aleric, salamat sa tulong pero sa ngayon hindi ko pa rin masasagot ang gusto mo.” “Hindi naman kita minamadali. Sabi ko nga sa iyo, maghihintay ako. Huwag mo lang pigilan ang gusto kong gawin na protektahan ka. Huwag mo sana akong pigilan na iparamdam kung gaano kita kamahal. Hayaan mo rin akong manatili sa tabi mo sa mga ganitong pagkakataon.” Nilagay niya ang ointment na ibinigay ng doktor para sa aking pasa. “I will stay here.” “May trabaho ka pa. Beside, kaya ko naman mag-isa. Hindi naman ako nabalian ng mga kamay o paa.” Narinig ko siyang napamura. “You don’t deserve this kind of treatment, Hera. Kahit anak pa sa labas ay wala ka naman kasalanan sa pagkakasala ng magulang mo. At bilang tao, hindi ka dapat ginaganito. Bakit hindi ka lumaban? Why are you always giving way and giving up?” “Kasi iyon naman ang tama. Ayoko ng lumaki ang away sa pagitan ng pamilya ni Daddy at sa amin ni Mama. Siya ang lahat ng may karapatan dahil siya ang legal na asawa. Siya ang pinili.” Hindi ko naiwasan magtanong, “Ikaw ba ang sinadya kanina ni Tita Naomi?” tanong ko. “Galit na galit siya kanina ng makita ko.” Napangisi ako, “No wonder lahat ng galit niya sa akin ibinaling.” “We just talk,” kaswal niyang sagot. “I knew it! Tama ang kutob ko.” “Pero hindi lahat ng iniisip mo ay tama! Naki-usap siya na balikan ko si Aimee pero hindi ako pumayag. And I will not repeat my previous mistake.” “Hay buhay! Kung hindi lang sana komplikado ang lahat,” saad ko. Nanatili si Aleric sa condo. Naging kaswal lang ang pakikitungo ko sa kaniya. Kapag may tanong siya sa akin ay sinasagot ko naman. Halos lahat ng curiosity niya tungkol sa nangyari sa buhay ni Mama at Daddy ay naitanong niya sa akin. Naging open naman ako sa pagsagot sa kaniya at nagpakatotoo. “So alam mo na?” sabi ko. “Yep! But it’s not a reason to give up on you.” Ngumisi ako, “Bakit ang tamis mo?!” biro kong sagot. “Para ma-attract ka!” Kinikilig niyang sagot. “Siguro kung naging langgam ka, hindi mo na ako maiiwasan. Hindi ko na kailangan suyuin ka dahil ikaw na mismo ang lalapit sa akin,” kindat niyang sagot. Inirapan ko na lang siya. “I’ll text you when I get home, okay?” sabi niya. Nagpaalam na siya dahil padating na rin ang iba kong kasamahan. “Captain, I’m gonna miss you.” Tinulak ko siya palabas ng pinto. “Umuwi ka na! Huwag ka ng mangulit dahil kanina ka pa.” Hahalikan sana niya ako pero umiwas na ako. Binigyan ko rin siya ng malakas na palo sa braso. “Naka-isa ka na kanina, ha! Akala mo hahayaan pa kitang makadalawa.” “Baka kasi makalusot lang,” katwiran niya. “Goodnight, Captain. One, four, three.” Nang tuluyan na makalabas ay sinara ko na kaagad ang pinto. Tiningnan ko pa siya sa hole ng pinto at natatawa na lang ako sa kaniyang naging reaksyon. Para siyang bata. Hindi rin nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Pag-upo sa sofa ay umalingawngaw ang tunog ng aking cellphone. ‘Si Daddy iyon.’ “Dad!” “I’m sorry for what she did! Naguguluhan lang siya dahil nasa ospital ngayon si Aimee. And I heard from Derek na ni-reject niya ang paki-usap ni Naomi na magbalikan si Aleric at Aimee. She was furious and I’m sorry dahil hindi kita na protektahan. “Wait! Si Aimee nasa hospital? Bakit” tanong ko. ‘Hindi lang pala simple ang pag-uusap ni Tita Naomi at Aleric?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD