Chapter 17

3250 Words
Aleric Zeus Marcet Hindi ko inaasahan na maririnig kong pnag-uusapan ni Daddy at Mommy ang nangyari kay Aimee. Imbes dumiretso sa kanila upang batiin ay huminto ako upang palihim na makinig sa kanilang pinag-uusapan. “Pinuntahan nga niya ako at lumuhod pa sa aking harapan. Pero sinabi ko na wala na akong magagawa. Ayoko ng makialam pa sa relasyon nila. Sinabi ko rin sa kaniya na tanggapin na lang natin ang nangyari dahil hindi naman natin maaaring ipilit na balikan ni Aleric si Aimee,” kwento ni Mommy. “Nakakahabag pero kailangan kong tatagan ang loob ko dahil malapit na akong madala sa emosyon niya.” “Tama lang ang ginawa mo. Hindi tayo maaaring manghimasok sa relasyon nila. Kung kailangan nila ng karamay, pwede natin silang damayan pero hindi sa kondisyon na gusto nila. At nagkasundo na kami ni Marvin na hindi na tayo makikialam. Si Naomi lang talaga ang nagpupumilit dahil naaawa sa sinapit ng anak.” Paliwanag ni Daddy sa kaniya. Nakita kong hinawakan ni Daddy ang kamay ni Mommy. “Huwag mo ng stress-sin ang sarili mo. Problema na nila iyon at hindi natin.” Naging kampante ako sa kanilang dalawa na sinang-ayunan nila ang aking desisyon. Akala ko ay may posibilidad na naman maulit ang nangyari noon. Pero kahit mangyari iyon ay hindi na ako makakapayag pa, lalo na at maayos na ang relasyon namin dalawa ni Hera. “Good morning,” bati ko sa kanilang dalawa. “Weekends ngayon, ha? Nasaan si Erich at Erika?” tanong ko. “Umalis kaninang madaling araw dahil may outing kasama ang mga kaibigan,” saad ni Mommy. “Umupo ka na rito at sumabay na mag-almusal sa amin.” Umupo ako sa upuan na nasa tabi ni Mommy. Pinaghain pa niya ako at nilagyan ng pagkain sa aking plato. “Kamusta ka naman, anak? Lately nagiging masyado ka atang busy. Sabi ni Manang dis-oras ka na rin ng gabi nakauwi.” “Galing ako kay Hera kagabi. I just check on her kung okay na siya.” “Why? What happened?” usisang tanong ni Mommy. “May nangyari bang masama kay Nik-Nik?” “She had a fight with Tita Naomi. But don’t worry she’s fine now. Ako rin mismo ang nag file ng leave para sa kaniya para makapag pahinga.” Sabi ko para hindi na siya masyadong mag-alala. “Ibig sabihin ba niyan ay maayos na ang relasyon mo sa kaniya?” tanong ni Daddy. “I’m warning you, Aleric. Nasa chaos pa ang lahat kaya’t huwag mong madaliin ang lahat. Baka mas worse pa ang mangyari kay Hera. Marvin told me what happened between Naomi and Hera. Kung kaya niyang gawin iyon ay mas malala pa ang maaaring magawa niya kapag nalaman niyang siya ang dahilan kung bakit mo hiniwalayan si Naomi.” “Dad, you don’t have to worry. I take it slowly. And I will not deny the fact that we’re getting back together.” “Getting back together? Really, ha?” nakangiting tanong ni Daddy. “I thought you were already reunited. Tsk! Mali naman pala ng kwento ang spy ko, hahaha!” “Dad, this is our personal matter. Bakit nag hire ka pa ng mag-s’spy sa amin? You can directly ask me. Hindi naman ako magsisinungaling sa inyo ni Mommy,” katwiran ko. “Okay! I’m just kidding. Hinuhuli lang naman kita pero naging defensive ka masyado. So, tama naman pala talaga ang hinala ko. Congratulations, but I’m always reminding you na maging maingat kayong dalawa. Mas better kung itago niyo na muna ang relasyon niyong dalawa. Don’t get me wrong about this decision, gusto ko lang kayong protektahan. Hindi naman si Hera ang klase ng babaeng dapat itago but the situation is different right now. Understand?” “Yes, Daddy!” sagot ko. “Alam naman namin pareho ni Hera ang sitwasyon namin dalawa.” “Pero kung sakaling magkaroon ng problema, huwag niyong itatago sa amin. You can count on us.” “Thank you for supporting us Daddy.” Hinawakan ko ang kamay ni Mommy, “Thank you.” Hinaplos ni Mommy ang kamay ko, “Ang mahalaga masaya kayong dalawa,” tugon niya. “Sabihin mo naman kay Nik-Nik na bisitahin ako. Nami-miss ko na siya anak. Lalo na ngayon hindi na siya iba sa pamilya natin dahil maayos na ang relasyon niyong dalawa.” “I will tell her, Mommy!” paninigurado ko sa kaniya. Pagdating ko sa opisina ay hinarap ko ang ilang mga papeles na kailangan kong pirmaham. Kahit wala si Derek ay ibinilin na niya sa kaniyang sekretarya ang kaniyang mga dapat gawin. Nang matapos pirmhan at basahin ang ilan sa mga iyon ay nainip ako. Naisip ko si Hera kung ano ba ang nangyari sa inuman nila. Si Derek kaagad ang tinawagan ko. “Bakit ang tagal mong sumagot?” tanong ko. Medyo paos ang boses at halatang nagising lang dahil sa tawag ko. “Natutulog pa kasi ako,” tugon niya. “Bakit? Anong oras ba kayo natapos mag-inuman?” “Teka, paano mo nalaman?” tanong niya. “Kaya pala biglang nawala si Hera kagabi ,” dugtongt niya. “Oo , alam ko dahil si Chan ang nag report sa akin. Paano naman kasi napaka walang kwenta ng assistant/secretary ko.” Hindi tanga si Derek kaya malalaman niya ang ibig kong sabihin. “So, anong oras na kayo natapos?” “Alas kwarto na kami natapos nila Hera at Rachel. Ang iba ay hanggang alas dose lang dahil ang ilan sa kanila ay may duty mamaya.” “Nasaan ka ngayon?” tanong ko. “Diyan ka ba natulog sa condo nila?” “Hindi. Dito kami ni Rachel natulog sa condo ko. Baka si Hera na lang ang nasa condo ngayon, check mo na lang at ikaw na lang mismo ang magtanong sa kaniya para hindi mo na ako ini-istorbo.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binaba na niya ang tawag. Nang makita ang orasan sa aking relo ay mag ta-tanghalian na. Hindi ko na siya tinawagan at kusang nagdesisyon na puntahan na lang siya sa condo gaya ng napag-usapan namin kagabi bago kami maghiwalay. Bago pumunta sa condo ay bumili ako ng mga pagkain na tamang-tama sa hangover niya. Siguradong maraming nainom iyon dahil madaling araw na natapos ang pakikipag-inuman niya. “I would like to order coffee, munchies, and a noodle soup.” Sa isang chinese restaurant ako nag-order dahil ito ang una kong nadaanan. “And I want to add these three best sellers you have.” Kalahating oras rin ako naghintay bago ko makuha lahat ng in-order ko. ‘For sure gutom na gutom na iyon at masisiyahan siya sa pagkain na dala ko.’ Sampung minuto lang ang itinakbo ng aking sasakyan papunta sa condo. Bago bumaba ng sasakyan ay tiningnan ko pa sa salamin ang aking sarili. “Good!” sambit ko sa aking sarili. Hindi ko na kailangan mag buzzer dahil may duplicate key na ako ng susi nila. ‘I didn’t expect na magagamit ko pala ito.’ Bumungad sa akin ang makalat na sala. Naroon ang mga bote na wala ng laman. Mga plato na may mga tirang pagkain, mga balat ng junk foods. Nakalimutan din ata patayin ang disco light kaya hanggang ngayon ay gumagana pa ito. Binaba ko ang dala kong mga pagkain sa sofa. Isa-isa ko na rin nilinis ang mga kalat sa sala. Maging ang mga pinagkainan ay hinugasan ko na rin. Hindi ko alam kung sinu-sino sila pero higit sa sampung baso ang naroon. Satisfied naman ako sa kinalabasan ng paglilinis ko dahil malayong-malayo na ito kasya sa kaninang nadatnan ko. Kinuha ko sa sofa ang dala ko kaninang pagkain at nilipat sa lamesa. Dire-diretso naman ako pumasok sa kwarto ni Hera. Balot na balot ng kumot ang kaniyang katawan. Mabuti na lang at nakalabas ang ulo niya kaya’t nasigurado ko na siya ang babaeng nakahiga roon. Nang lapitan ko ay nakayakap pa siya sa unan. Dahan-dahan akong humiga sa kama. Niyakap ko siya. Siniksik ko ang mukha sa kaniyang leeg. “Uhm!” ungol niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang kusa siyang magising sa aking yakap. “Rachel, umusog-usog ka nga roon!” sabi niya. Sinulyapan ko ang kaniyang mukha. Nakapikit pa rin siya. “Ang init!” reklamo niya. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya. “Ano ba naman, oh!” bulalas niya. Patigil niya akong tiningnan at nang makita ako ay biglang binawi iyon at siniksik ang ulo sa ilalim ng unan. “It’s already noon, honey. Wake up now,” lambing kong sabi habang patuloy na nilalambing siya. Hinigpitan ko ang yakap sa kaniyang baywang. Dinantay niya ang braso sa braso ko at hinawakan ang harap ng aking kamay. Inipit niya rin ang mga daliri sa pagitan ng aking mga daliri. “Honey!” bulong ko sa kaniyang tenga. “Marami ka bang nainom? Sabi ni Derek madaling araw na kayong natulog?” usisa ko. Umikot niya paharap sa akin. Sinenyasan pa niya ako na tumahimik. “Let me sleep,” saad niya. Siniksik niya ang kaniyang mukha sa aking dib-dib at niyakap ako sa baywang. Hiniga ko ang ulo niya sa aking bisig. Hinaplos-haplos ko pa ang buhok niya pababa sa kaniyang braso at hinimas-himas iyon. “I'll let you sleep!” sabi ko. Hinayaan ko siya na bumalik sa tulog. Hinele-hele ko na lang siya na parang bata. ‘This moment is priceless. Matagal ko rin hindi siya nahagkan ng matagal. Pangarap at napapanaginipan ko lang ito noon, pero ngayon ay nangyayari na.’ Hinalikan ko siya sa noo. Walang sawa kong ginawa iyon dahil sa pangungulila sa kaniya. “Paano naman ako makakatulog kung ganiyan ang ginagawa mo?!” bulalas niya. “Kanina ka pa ba nandito?” tanong niya. “Yep, kanina pa!” sagot ko. “May dala akong food, gusto mo ba initin ko? Let’s eat together.” Napa-angat ang tingin niya sa akin at tiningnan ako ng may pagtataka. “Anong oras na ba? Bakit hindi ka pa kumakain?” “Past one o’clock.” Kumawala siya sa aking pagkakayakap at umupo. “Bakit nagpapalipas ka? Dapat kumakain ka sa tamang oras,” paalala niya. “Gusto ko kasing makasabay ka. Like the old times we used to do.” Humikab pa siya bago ako tugunan. “Maliligo lang ako. Hintayin mo na lang ako sa labas.” “Okay! I’ll reheat the food,” sabi ko. Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga. Nang tanggalin ni Hera ang kumot sa kaniyang katawan ay nakita ko kung gaano ka daring ang suot niyang nighties. Papunta na siya sa banyo ng habulin ko siya at yakapin mula sa kaniyang likuran. “Hintayin mo na ako sa labas,” sabi niya. Hinalikan ko siya sa balikat. “Bilisan mo, ha!” Nakaramdam ako ng init. ‘Hindi magandang ideya ito kaya nagmadali na akong bitawan siya at lumabas ng kwarto.’ “Hindi pa pwede!” Sambit ko. “Relax ka lang! Darating ang panahon para riyan,” yuko kong sabi sa aking gitnang parte. Ininit ko nga lahat ng binili kong pagkain sa microwave. Para maging special ang lunch namin ay nag set-up pa ako ng table para romantic. Hera Nyx Taevas Paglabas ko ng kwarto ay nawindang ako sa aking mga nakita. Ang iniwan namin kaninang madaling araw na maruming sala ay napakalinis na. Maging ang flooring ay napaka kintab kaya’t para akong nananalamin. Hindi lang iyon, sinet-up din ni Aleric ang table. “Lunch is ready, honey!” sabi niya ng makita ako. Nilapitan niya ako at inakay papunta sa lamesa. “How is it?” tanong niya. Ngumiti ako. “Thank you,” sagot ko. Nang makaupo sa aming kaniya-kaniyang upuan ay sinimulan na niyang lagyan ng pagkain ang plato. “Siguradong gutom na gutom ka na. In-order ko lahat iyan para mawala ang hangover mo.” “Naks! Unang araw nagpapakitang gilas?” puna ko. Napangisi rin ako sa emosyon ng kaniyang mukha na wari’y disappointed pa sa aking sinabi. “I’m just kidding,” dugtong kong sabi. “Shall we eat? Umiiyak na ang tiyan ko sa gutom.” Ngumiti siya at sumandok ng isang tinidor na ulam. Inangat ang kamay at tinutok iyon sa aking bibig. “Taste it,” nakangiti niyang sabi. Ngumanga naman ako at kinain iyon. “Masarap!” sabi ko. “Syempre sa mamahalin na restaurant ko binili. Ibabalik ko talaga lahat ito sa kanila kapag hindi mo nagustuhan,” biro niya. ‘Pero posible rin naman na gawin niya.’ Habang kumakain kami ay tahimik siya. Pero dahil sa pasulyap-sulyap niya ay alam kong may gusto siyang tanungin. ‘Kilala ko na kaya maging ang maliit na bagay ng body gesture niya ay alam ko na.’ “What is it?” tanong ko. “May gusto ka bang sabihin?” dugtong ko. “Kasi ang dami kong hinugasan na baso kanina. Sino-sino ba kayong mga nag-inuman?” usisa niya. Wala naman dahilan para tumanggi na sagutin ang kaniyang tanong. ‘Iniiwasan ko lang na maging iba ang takbo ng utak niya kapag nalaman niya kung sino ang aming mga kasama.’ “Hindi ba sinabi sa iyo ni Chan?” tanong ko habang ngumunguya. “Nasabi naman niya pero meron pa kasi akong nakitang lalaki kagabi. Ang sabi ni Chan sa akin si Derek at siya lang.” Tumango-tango ako. “Si Romeo,” sagot ko. Tiningnan ko ang kaniyang mukha para malaman ang magiging reaksyon niya. “Kasama siya ni Steph kagabi. Kaya kasama namin siya uminom kagabi.” “Hindi ba’t ikaw ang nililigawan niya?” usisa niyang tanong. “Hindi naman siya nanliligaw. Binigyan mo lang ng kahulugan ang pag ka-kasama namin dalawa. At hindi ko tataluhin si Steph.” “And what do you mean by that?” kaswal niyang tanong. “Nag confess sa akin si Steph na may gusto nga siya kay Romeo. At katulad mo, iniisip niya na sa akin may gusto si Romeo dahil ako daw ang palaging bukang bibig kapag magkasama silang dalawa.” “Anong sinabi mo kay Steph?” “Sabi ko imposible naman na magkaroon ng pagkakataon si Romeo sa akin dahil it’s complicated ang relationship ko. Beside, katrabaho lang naman talaga ang tingin ko sa kaniya. And I promise to Steph na tutulungan ko siyang mapalapit kay Romeo.” “So, ikaw na pala ang tulay ng pag-ibig ng mga kaibigan mo? After ng goal mo kay Chan at Carol, si Steph at Romeo naman?” “Pwede naman. Kung magiging masaya naman sila, ‘di ba? Who knows! Baka sila naman talaga ang para sa isa’t-isa.” “Ang galing mo sa love matter ng iba, pero sa personal mong lovelife ay hirap na hirap ka mag decide. At bakit naging complicated ang relasyon natin? Hindi ba’t official nang girlfriend kita?” tanong niya. Naisip kong lokohin siya. “Official?” tanong ko. “Paano naman naging tayo?” natatawa kong dugtong na tanong. “Magkausap na tayo kagabi, hindi ba?” taka niyang tanong. “At sabi mo mahal mo pa rin ako. Teka, ginu-good time mo ba ako? Hindi nakakatuwa, Hera!” Napangisi ako. “Naka-inom ako kagabi kaya usapang nakainom lang iyon.” Kinuha niya ang kamay ko at seryosong tumitig sa akin. “Ikaw lang ang nakainom pero ako matino. Ibig sabihin matinong usapan para rin iyon. At hindi mo naman pwedeng itanggi na wala lang iyong pinag-usapan natin dahil kanina yumakap ka pa sa akin. So it means okay na tayo.” “Weh? ‘Di nga? Akala ko nga nananaginip lang ako,” dugtong kong biro. “Hahaha.” “Seryoso talaga ako Hera. Kaya kung totoo ang sinasabi mo ngayon, hindi ko na matatanggap iyan. Wala ng bawian.” Napangiwi ako, “Para kang isip bata. Hanggang ngayon hindi ka pa rin pwede biruin.” “Hindi naman kasi biro ang relasyon natin. Magbiro ka na sa ibang bagay, ‘wag lang ang pagmamahal ko sa iyo.” Naglagay ako ng pagkain sa kutsara at sinubo iyon sa kaniya. “Kumain ka na nga lang! Ang dami mong sinasabi,” saad ko. “Anong oras ka babalik sa opisina?” tanong ko. “Hindi na ako babalik. I’ll stay here!” “What? No way!” tanggi ko. “Hindi ka nila pwedeng makita rito sa unit namin!” dahilan ko. “Nasa rooftop lang ang unit ko. Doon na lang tayo mag stay gusto mo?” yaya niya sa akin. “Wala naman tayong gagawin doon. Labas na lang kaya tayo?” “Pwede naman,” sagot niya. “Pero ayaw mo bang ituloy ang cuddle natin kanina?” ngisi niyang tanong. “Ano bang kinakatakot mo kung doon tayo sa unit ko magstay. Wala naman tayong gagawin na kakaiba. Let's just accompany each other. We can hold hands, kiss and cuddle. Hayaan mo naman akong sulitin na kasama ka. Pag bumalik ka na sa trabaho, malamang mahihirapan na naman akong makasama ka.” “Pwede naman. Maganda naman ang view sa taas hindi ba?” “Yes! Solo ko iyong mini garden doon. Kaya para na rin tayong namasyal sa labas.” Tumango na lang ako, “Sige!” sagot ko. Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay niyaya na niya akong lumipt sa unit niya. Small bag lang ang dinala ko at ang ibang importanteng gamit ko kagaya ng cellphone at wallet. Iba talaga ang nagagawa ng pera sa tao. Kapag may pera ka magkakaroon ka ng magandang pamumuhay. Lahat ng gusto mong gawin ay magagawa mo. ‘Kagaya na lang ng unit ni Aleric, triple ang laki ng kaniyang unit. May sariling sala iyon at malaking kitchen. Iisa lang ang kwarto pero sobrang laki naman iyon nga i-tour niya ako. Paglabas mo naman sa sliding door ay makikita mo ang Veranda naman ay may mini garden, small pool at mini bar sa gilid. ‘Wala ka ng kailangan hanapin dahil lahat naroon na.’ Umupo siya sa bench na naroon at nag-inat-inat. “Kakakuha ko lang ng unit na ito ng malaman ko na dito ka rin tumutuloy. You know, I was imagining with you here together. I didn’t know na magiging posible pala iyon,” bulalas niya. “Alam ko rin na gusto mo ang ganitong klaseng ambience dahil narerelax ka.” Umupo ako sa tabi niya. “Naaalala mo pa?” tanong ko. Nakatingin ako sa kalangitan. “Never ko naman kasing nakalimutan,” tugon niya. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. “Pangarap natin ito, hindi ba? Iyong tumira sa simpleng ganitong lugar. Iyong lugar kung saan ka magkakaroon ng peace of mind.” “Kahit saan pa akong lugar tumira hindi naman iyon ang totoong rason ko para magkaroon ng tahimik na buhay.” Sinulyapan ko siya. “Makasama ka lang iyon na ang matatawag kong peace of mind.” “Sobrang sayo ko,” bulalas niya. “Ako rin,” sagot ko. Dahan-dahan kong hiniga ang ulo ko sa kaniyang balikat at napapikit ng masilaw sa liwanag ng araw. At pagpikit ko, bumalik sa aking isipin ang pinapangarap kong isang masayang pamilya kasama siya. Magkaroon ng maraming anak na siya ang ama. Pagsilbihan siya pag-alis at pag-uwi sa bahay habang inaalagaan ang aming magiging anak. Iyong pangarap na magpakasal para maging pormal na pagmamay-ari ko na siya. ‘Habang buhay na kaya o panandalian lang ang kasiyahan namin dalawa ngayon?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD