Chapter 18

3089 Words
Aimee Hao Nilapag ko ang isang sobre sa lamesa. “Sobra-sobra ang pera na iyan para sa ipapagawa ko!” saad ko. Malaki ang ngiti ng lalaki ng makita kung gaano kakapal ang pera. “Boss, ano ba ang ipapagawa mo?” tanong niya. Inamoy-amoy pa ang pera ng kuhanin iyon sa loob ng sobre. “I-report mo lang lahat sa akin ang mga nangyayari at ginagawa ni Aleric,” tugon ko. “Lahat-lahat. Kung saan siya nagpupunta at kung sino ang kasama niya. Lalo na kung may mga babae umaaligid sa kaniya.” Napayakap ako sa aking braso. ‘Sigurado ako sa aking kutob na may ibang babae na si Aleric kaya kung itapon niya ako ay parang isang maruming basahan.’ Napangiwi ang lalaki, “Noted, Boss! Huwag kang mag-alala. Hindi ako papalpak. Sisiguraduhin ko sa iyo na may good news akong ibibigay sa inyo.” “Hindi ko kailangan ng salita mo. Ang kailangan ko ay gawa mo!” matalim kong sambit. “Get out of my office now,” kaswal kong sabi. Kinuyakoy ko ang aking hita habang nagmumuni-muni. “Kung sino ka ‘man, sisiguraduhin ko na magsisisi kang ipinanganak ka sa mundong ibabaw. Sisiguraduhin ko na lahat ng sakit na naramdaman ko ay ipaparanas ko sa iyo.” Sabi ko sa aking sarili. Nabaling ang aking atensyon ng may kumatok sa aking pintuan. “Good morning, Ma’am. Here’s the file from department na kailangan niyo ng pirmahan.” Inabot sa akin ng aking sekretarya ang mga papeles. “Just wait for it! I’ll sign it now,” sagot ko. Habang nire-review ang mga papeles ay napukaw ang aking atensyon. “What’s the meaning of this file? Direktang nagfile si Aleric para kay Captain Taevas? On what ground?” pag-uusisa ko. “Hindi ko po alam, Ma’am Aimee. Tinawag lang po ni Sec. Derek iyan sa head ng HR at pinapirmahan kay President. Ang pagkakaalam ko po ay emergency kaya hindi na po personal na nakapag file si Captain Taevas. Pero hindi ko alam kung bakit napasama ang papel na iyan sa mga pipirmahan niyo.” Nang mabasa ang date ay nasa ospital pa ako noon at naka confine. “What the hell is the meaning of this?” bulong kong tanong sa aking sarili. Tumingin ako sa aking sekretarya at inabot ang mga papeles na pinirmahan ko. Iniwan ko lang ang excuse letter na ginawa ng HR on behalf of Aleric and that bastard woman. ‘Napagkalandi mo talaga, Hera! Manang-mana ka talaga sa nanay mong malandi at mapanira sa relasyon. Doon pa lang sa Cebu ng makita ko sila ay may hinala na ako. Possible kaya na si Hera ang babaeng kinahuhumalingan ni Aleric?’ “Ma’am paano po iyang -” tanong niya habang nakaturo sa papel na hawak ko. “Ako na ang magbabalik sa HR nito. But for now, just shut your mouth!” banta ko. Wala siyang nagawa at umalis sa aking opisina ng tahimik. Sa sobrang galit ko ay sinugod ko sa opisina si Aleric. Dala-dala ang letter na iyon. ‘Kailangan kong kompirmahan ang aking hinala. Kahit hindi niya aminin, mararamdaman ko kung nagsisinungaling ba siya.’ “Ma’am -,” Sambit ni Derek. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa. Binunggo ko pa ang kaniyang balikat ng daanan ko siya. Pagpasok sa opisina ay tumayo ako mismo sa kaniyang harapan. ‘Gusto kong ipakita ang letter pero agad kong binawi iyon at nilagay sa aking harapan. “What can I do for you, Director Hao?” kaswal niyang tanong sa akin. Pinigilan ko ang aking pangagalaiti. Pinilit kong ngumiti. Napakuyom ako sa aking hawak na papel. “Wala!” sagot ko. “Masama bang bisitahin ka?!” sarkastiko kong tanong. “Aimee, nilinaw ko na sa iyo ang lahat. Kahit ano pang gawin o sabihin mo walang makapagbabago ng isip ko. I’m sorry! And please don’t do such things like that. ‘Wag mong ilagay sa kapahamakan ang buhay mo ng dahil sa akin.” “I’m not here to beg. I was wrong to do such a thing. Naging immature ako at hindi ko ‘man lang naisip ang kinahinatnan ng ginawa ko. Pero nagising na ako sa katotohanan. Life is too short. We can still be friends, right? May pinagsamahan naman tayo kahit papaano hindi ba?” “We can treat each other as colleagues but not as friends!” sagot niya. “That is the best way para maka move-on ka. Ayaw kita bigyan ng dahilan para masaktan ka pa.” “If that’s the case, I still respect your decision. You are right! I need to heal. At mahihirapan ako kung malapit ka pa rin sa akin.” Huminga ako ng malalim. ‘Kung susubukan ko siyang komprontahin ngayon ay wala akong mapapala.’ “But, if you change your mind. Kung sakali lang naman mapag-isip mo na balikan ako. I will accept you. We can start over and you know - forget the things that happen,”pahabol kong sagot. “Aimee,” tawag niya sa akin. “Don’t do this to yourself.” Pilit akong ngumiti at sumagot, “Fine!” kaswal kong sagot. “I-I’m going now,” paalam ko. Bago pa tumulo ang luha sa aking mga mata ay mabilis na akong nakaalis sa kaniyang harapan. “I will settle the score between us, Aleric! I will not give up without fighting for what is mine.” Hera Nyx Taevas “Nakakalimutan mo na ata na may nanay ka pa! Hindi mo na ako binibisita rito sa bahay. Mabuti na lang at kasama ko pa ang tiyahin mo.” Si Mama iyon na kakatawag lang. Kausap ko siya sa video call. “Kahit malaki ka na, hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala. Lalo na at hindi naman kita nakakasama at nababantayan.” Ngumiti ako sa harap ng camera. ‘Nagsimula na naman ang pagiging bungangera niyang ina.’ Natural na siguro talaga ang ganito sa mga nanay. Kahit malaki na ang anak hindi pa rin kayang pabayaan. “Okay lang po ako Mama. Hindi niyo kailangan ma praning kasi araw-araw naman ako nagte-text sa iyo,” sabi ko. “Kayo nga ang nagsabi na malaki na ako. Kaya ko na po ang sarili ko.” “Alam kong independent at matigas na ang mga buto mo, Hera. Pero bilang isang magulang hindi mawawala sa aking puso ang pag-aalala. Lalo na ang trabaho mo ay buhay ang nakasalalay. Hindi natin masasabi ang aksidente. Kahit anong pag-iingat mo, may mga pangyayari tayong hindi maiiwasan o mapipigilan.” “Sorry na po,” sagot ko. “Diyan po ako matutulog sa weekends.” Kailangan ko pa siyang utuin na parang bata para hindi na magtampo. ‘Ito siguro talaga madalas ang kulang ng isang anak sa magulang. Kung minsan kasi iniisip lang natin na nariyan sila kaya hindi na natin nabibigyan ng panahon.’ “Sige!” madiin niyang sambit. “Paghahanda kita ng mga paborito mong pagkain.” Kilala ko na siya. Kahit pigilan ang kasiyahan sa mukha ay hindi niya iyon matatago. “Kamusta mo na lang din ako sa Daddy mo. Tutal kayo naman madalas ang nagkakasama at nagkikita.” “Ma, madalas ko lang siya nakikita sa malayo pero madalang ko siyang makasama. Alam mo naman ayaw kong mapag-initan pa tayo ni Tita Naomi.” “Hmm! Ipinagtanggol mo na naman ang babaeng iyon. Hindi mo kailangan yumuko sa kaniya dahil hindi ka naman niya anak. Alam mo naman ang ugali ng babaeng iyon. Kahit wala kang gawin at pakitaan mo ng mabuti, kasamaan pa rin ang ibibigay sa iyo. Hera, hindi kita pinalaki para api-apihin ng babaeng iyon. Wala kang kasalanan sa kaniya. Kung mayroon siyang problema, ako ang harapin niya, hindi ikaw.” “Oo na po,” sagot ko. Alam ko naman hindi titigil si Mama kapag kumontro at nangatwiran pa ako. “Ma, kailangan ko ng ibaba itong tawag. Kapag may time ako mamaya, tatawagan na lang po kita. Bye, Ma. I love you po.” “Sige! Mag-ingat ka palagi at tata-tandaan mo ang bilin ko sa iyo. Babye na. Love you din.” Pagbaba ko ng tawag namin ni Mama ay muling nag ring ang cellphone ko. This time si Aleric naman iyon. “Kanina pa ako tumatawag pero busy ang dial tone‘Oo, okay na kami. Pero hindi pa maayos ang lahat. Ayoko mapag-ugatan ng mga issue lalo na at bumalik na si Aimee sa trabaho.’ “Hindi naman sa ganoon. Busy lang talaga ako at alam mo iyan,” dahilan ko. “I’ll text or call you na lang ha. Bye na.” Maayos naman ang lahat bukod sa pagpapalit ng co-pilot ko. Nagkaroon ng changes dahil nagkaroon ng emergency. “Hi, Captain!” bati ni Romeo sa akin. Tinanong ko siya kaagad, “Ikaw ang ipinalit na co-pilot ko?” “Yep!” ngiti niyang tugon. “Ayaw mo ba? Hehe.” Ngumiti ako, “Hindi naman.” Ang huli namin pag-uusap ay noong gabi na nakainuman ko siya sa condo. Nakaupo na kami sa cockpit at hinihintay na lang ang mga pasahero para maka-alis. “Hera, about Steph and I” Napahinto siya sa pagsasalita. “W-wala kaming relasyon dalawa. Lahat ng nasabi niya noong gabi na iyon ay wala lang iyon. Ikaw talaga ang gusto ko. Okay naman tayo hindi ba?” tanong niya. “Sorry kung ngayon ko pa nasabi sa oras pa ng trabaho. Hindi na kasi ako makapaghintay na magpaliwanag sa iyo.” Ngumiti ako, “Can we talk later? After work? Let’s talk about it.” sabi ko. “No problem. Kung iyon ang gusto mo. M-mas okay nga iyon hindi ba? Para mas makapag-usap pa tayo ng masinsinan.” “Thank you!” pasasalamat ko. “For now, trabaho muna ang isipin natin.” Sinigurado kong tapos na ang trabaho namin ni Romeo. Lahat ng report at kailangan namin gawin ay pinagtulungan namin tapusin. Nang makapag-out sa trabaho ay nag-sabay na rin kami pauwi. “Saan mo gusto kumain?” masiglang tanong niya. ‘Nabigyan ko pa yata siya ng false hope dahil sa sinabi kong pag-uusapan namin. Which is gusto ko lang maging malinaw ang lahat.’ “It’s your choice,” sagot ko. “Pero huwag dito sa airport kasi hindi naman tayo makakapag-usap ng maayos.” “How about to the nearby resto na malapit sa condo? Para hindi ka na lumayo pa.” “Okay! May dala akong sasakyan. Susundan na lang kita,” sabi ko. “Pero ako wala,” sagot niya. “Ganoon ba? Sige sumakay ka na!” bulalas ko. ‘Hassle naman kung maghihiwalay pa kami ng sasakyan kung pareho naman ang aming pupuntahan.’ Pumarada ako sa isang restaurant. Dahil gabi na ay konti na lang ang tao sa loob ng pumasok kami sa loob. Naging maasikaso siya sa akin. Ultimo ang menu ay inabot pa sa akin. “Coffee lang ako,” sabi ko. “Hindi ka ba gutom?” tanong niya. “It’s my treat. You can order what you want.” “Thank you pero mas gugustuhin ko ng makapag-usap na tayo kasya kumain.” “Hindi ba makakapaghintay iyan?” tanong niya. “Okay. Pag-usapan na natin.” “Tungkol sa sinabi mo kanina,” paalala ko. “Sa ipinagtapat mo!” dugtong ko. “Sorry Romeo kung nabigyan kita ng maling impresyon sa pagiging close natin dalawa. Pero kasi hindi ko naman kayang ibalik ang pagmamahal mo. Hanggang ngayon kasi ay iisang tao pa rin ang minamahal ko.” “G-ganoon ba? Akala ko talaga may pag-asa na ako sa iyo! Sayang naman,” sabi niya. “Sorry talaga,” hingi ko ng tawad. “T-tungkol sa inyo ni Steph, kaibigan ko siya at gusto ko siyang tulungan. Baka pwede mo siyang bigyan ng pagkakataon dahil may gusto siya sa iyo. Hindi pala gusto, mahal ka niya. Malay mo naman iyong pagmamahal na gusto mong makuha sa akin ay sa kaniya mo pala makuha. Hindi ba?” Napangisi siya. “Heartbroken na nga ako, nagawa mo pang ipamigay ako!” sarkastiko niyang sabi. “Nagtapat na sa akin si Steph tungkol sa nararamdaman niya sa akin, pero ipinagtapat ko na ikaw ang gusto ko. After namin nag-usap ay iniwasan na niya ako. At medyo na-guilty nga ako kasi kasalanan ko na binigyan ko siya ng pag-asa dahil malapit kami sa isa’t-isa dahil akala ko iyon ang tama para mapalapit sa iyo.” Paliwanag niya. “Siguro kailangan namin pareho ng panahon para maka-move on hindi ba dahil pareho naman kaming nasaktan dalawa. But I admit na mas nasaktan ko siya.” “Kung nagi-guilty ka sa nangyari sa inyo, baka naman kasi siya talaga ang gusto mo at hindi ako?! Akala mo lang nasa akin ang pagmamahal mo pero hindi mo namamalayan na sa kaniya ka na pala nahuhulog. Bakit hindi mo pag-isipan ang nararamdaman mo? Baka naman nabubulagan ka lang at siya na pala talaga ang minamahal mo. Tapos hinayaan mo pang mawala sa iyo. Mas maaga mong mare-realize ang lahat, mas maaga mong maitatama ang lahat.” “Thank you! Hindi ko alam na expert ka pala sa pagmamahal,” sabi niya sa akin. “It makes sense. Susubukan kong pag-isipan ang mga sinasabi mo.” Dahil sa pagod ay hinilot-hilot ko ang aking likuran. Halos dalawang oras din kaming inabot ni Romeo sa pag-kwe-kwentuhan na sinabayan namin ng kain dahil pareho na kaming nagutom. “So! How’s your date?” Napalingon ako sa aking likuran. Si Aleric iyon na nakabulsa ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon. “Nag enjoy ka bang kasama siya?” Sa tono ng kaniyang pananalita ay alam ko na ang ibig niyang sabihin. “Sinusundan mo ba ako?” iritang tanong ko sa kaniya. “Hindi naman!” sagot niya. “Hinihintay kasi kita kanina. Kaya lang hindi na ako nagpakita kasi may lakad pala kayo ni Romeo. I didn't expect sa malapit na restaurant lang kayo kakain malapit dito kaya nang pauwi na ako ay nakita ko kayo.” “Nag-usap lang kami,” kaswal kong sagot. “Nag-usap? Tungkol saan naman?” usisa niya. “Kasi ang saya-saya niyo pareho kanina ng makita ko.” “Aleric, pagod ako. Pwede bang sa ibang araw na lang tayo mag-usap?” Nagkibit balikat siya. “Okay!” sagot niya at dinaanan na lang ako. Mariin na lang ako napapikit. Hindi ko na rin siya pinigilan. Tinapunan ko na lang ng tingin ang kaniyang likuran habang papalayo bago pumasok sa loob ng condo. “Bakit gising ka pa?” bati ko sa babaeng nadatnan kong kumakain sa lamesa. “Sila Carol, Joan at Rachel?” tanong ko. Dinere-diretso niya ang kaniyang kinakain at hindi ako pinansin. Umupo ako sa kaharap niyang upuan at tinikman ang kaniyang pagkain. “May problema ka ba?” tanong ko. “Oo!” bulalas niya. “Nagtapat ako ng pagmamahal kay Romeo pero nireject niya ako. Ikaw ang mahal niya!” Tuloy-tuloy ang kaniyang pagkain. “At alam mo iyong gago na iyon? Ginamit lang pala ako para mapalapit sa iyo!” Napangisi ako. “Nasabi nga niya,” tugon ko. “So nagtapat na siya sa iyo?” tanong niya. Napahinto siya sa kaniyang pagkain. “Oo, kanina. At kaya ako na-late ng uwi dahil magkausap kaming dalawa. Kumain pa kami sa restaurant.” “Ganun? Congrats sa inyo!” sabi niya. “Grabe napaka totoo mong kaibigan sa akin. Hindi ka ‘man lang nag preno na sabihin iyon.” Napahagikgik ako sa kakatawa. “Nag-usap kami at nilinaw ko sa kaniya ang lahat. Binasted ko nga, e. Tapos ang ending friends kaming dalawa. At huwag mo ng palawakin ang imagination mo dahil malabong maging kami.” “Talaga?” tanong niya. “Binasted mo siya?” “Oo nga!” pagsang-ayon ko. “Kahit itanong mo pa sa kaniya.” “Hindi na, no! Blinack ko na ang number niya at iniiwasan ko na siya. Buti nga sa kaniya. Hahaha! Kahit papaano ay naiganti mo na rin ako dahil sa pagpapa-asa niya sa akin.” “Hindi ka ba nagsisisi sa ginawa mo? Baka mamaya tinatawagan at tinetext ka na niya,” pagbibiro ko. “Bahala siya, no! ‘Di ko na talaga siya papansinin.” “Sure ka?” tanong ko. “Sure na sure!” Tumayo ako sa aking kinauupuan at tinapik siya sa balikat. “Okay! Sana lang ay hindi mo pagsisihan ang ginawa mo,” tugon ko. “Ano?” tanong niya. “Wala! Magpahinga na ako.” Bago pumasok sa kwarto ay muli siyang nagsalita. “Si Rachel kasama ni Derek. Lumabas naman si Carol kasama si Chan at hindi pa nakakauwi. Tulog na si Joan kasi maaga pa ang pasok bukas.” “Okay! Goodnight.” Aleric Zeus Marcet “Care to explain?” Tinext ko siya. Naiinis ako dahil hindi ‘man lang niya nilinaw ang tungkol sa kanila ni Romeo. ‘Ang tagal-tagal ko pa naman siyang hinintay kanina tapos ganoon pa sila ka-sweet ng makikita ko.’ Hindi pa rin siya nagrereply. “Ano ba ang ginagawa niya? Tulog talaga agad?” sambit na tanong sa aking sarili. Hindi ako makatulog at hindi ko siya tinantanan. Tinadtad ko siya ng message. ‘Puro kaartehan lang naman iyon at pagpapapansin sa kaniya.’ “Kakatapos ko lang mag shower kaya hindi ako naka-reply kaagad,” reply niya. “Good night!” kaswal niyang dugtong sa text. “HERA! Hindi ka ba talaga magpapaliwanag? Hindi ako makakatulog hangga’t hindi ako nakakakuha ng sagot sa iyo.” “Mali ang iniisip mo! So matulog ka na at magpahinga. Good night!” ‘Mali? Kahit sinong makakakita sa kanila ay mag-iisip na may namamagitan sa kanilang dalawa.’ “I need a clear explanation!” text ko ulit. “There’s no reason to explain kasi wala naman talaga. Get it? Last reply ko na ito. Inaantok na talaga ako.” ‘Nang-aasar ka ba talaga? Sinasadya mo talaga ito para maaning ako.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD