Chapter 19

3056 Words
Hera Nyx Taevas Hindi talaga ako komportable kapag nagkakaroon ng buwanang dalaw. ‘Hay! Bakit kasi kailangan pa maranasan ng babae ito!’ Iyan ang palagi kong linya kapag nagkakaroon. Nagiging moody din talaga ako kapag ganitong mayroon ako. ‘Girls monthly problem na ata talaga ito.’ “Anong oras pasok mo?” tanong sa akin ni Rachel ng maabutan ko siya sa hapag kainan papuntang banyo. “Okay ka lang?” tanong niya. “Girls problem!” sagot ko. “Ano pa bang aasahan mo kapag may monthly period!” Imbes dumiretso sa banyo ay umupo ako sa kaniyang tapat. “Ahh!” tango niya. “Kaya pala na pra-praning na naman si Aleric dahil sinumpong ka na naman. Hahaha!” “Hay naku! Hayaan mo siya. ‘Di ko na kailangan pang bigyan ng pansin lahat ng kaniyang sinasabi. Pati si Romeo pinagseselosan niya.” “Paano ba namang hindi magseselos, e ang tagal kang hinintay tapos makikita ka may kasamang iba. Hindi lang kasama dahil nakita pa kayo na kumain sa restaurant,” paliwanag sa akin ni Rachel. Wala ng kataka-taka kung malaman iyon ni Rachel dahil kinuwento ni Derek. “Nag-usap kami para malinawan ang relasyon namin dalawa. Oo, umamin siyang may gusto sa akin pero tinapat ko na siyang walang mapapala sa akin. Beside, may gusto si Steph sa kaniya. Ayoko naman taluhin ang kaibigan natin. At isa pa, wala naman talaga. Kahit chance, zero percent.” “Ay grabe! Haba ng hair?” loko niyang sagot. “So friends kayo?” sarkastikong tanong niya. “Oo! Masama ba iyon? Imagine sa tinagal-tagal nating magtrabaho sa airlines ngayon lang nadagdagan ang mga kaibigan natin?! Bumalik si Aleric at Derek. Pero syempre mas close si Derek sa atin kasi hindi pwede maging belong sa circle of friends natin si Aleric, because of our personal matter. Dumagdag naman si Chan na pino-pursue si Carol. At ngayon si Romeo. Feeling ko nga in denial lang si Romeo sa nararamdaman niya sa akin. Si Steph talaga ang gusto niya.” “Bruhilda ka talaga! May pagkakataon ka pang ayusin ang mga relasyon namin kaysa sa sarili mong relasyon? At pwede ba tawagan mo na si Aleric para hindi napra-praning.” “Simula talaga ng magkabalikan kayo ni Derek, kay Aleric ka na kumakampi. Ang sarap mo na talagang sabunutan dahil taksil kang kaibigan.” “Weh? Hindi naman sa ganun. Naiinis kasi ako kapag kinukulit ni Derek dahil tanong ng tanong sa kaniya si Aleric. Nakakapikon kaya! Ayaw kaming tigilan dahil sa iyo.” “E ‘di ignore niyo! Pinagpapapansin niyo pa kasi,” reklamo ko. “Please naman, Hera! Tawagan mo na iyon dahil kukulitin ako ng kukulitin. Alam mo ba iyong nakakarindi dahil pag in and out ng trabaho ikaw ang tinatanong sa akin?!” “Oo na! Tatawagan ko na mamaya,” sabi ko. Pagkatapos mag-almusal ay nauna ng umalis si Rachel. Inasikaso ko naman ang aking sarili sa pagpasok sa airline. Paglabas ko ng kwarto ay na shock ako dahil nandoon na si Aleric sa sofa. Naka-upo habang tumitingin sa hawak na magazine. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. Tumingin sa akin. Binitawan ang hawak na magazine at tumayo. “Sabay na tayo pumasok,” saad niya. “Ayoko nga!” tanggi ko. “Tigil-tigilan mo na nga ang pangungulit mo kay Rachel at Derek ha! Tinext na nga kita pero nangungulit ka pa rin.” “E kasi hindi ka nagpapaliwanag ng maayos,” sagot niya. “So bakit nga kayo magkasama?” usisa niya. Naglakad ako papalapit sa kaniya. Huminto ako sa kaniyang harapan. Inangat ko ang aking mukha at seryoso siyang tinitigan. “Do you trust me?” tanong ko. “I am!” direktang sagot niya. Ngumiti ako. “Good!” sagot ko. Tumingkad ako at hinalikan siya sa labi. “I have to go. Bye!” Pagkatapos kong gawin iyon ay naglakad na ako papuntang pintuan para umalis ngunit pinigilan ako ni Aleric. Niyakap niya ako mula sa aking likuran. ‘Mahigpit iyon na ayaw na akong pakawalan.’ “Captain, it seems you’re taking advantage of me?!” “Of course, not!” Tumingin ako sa aking tagiliran at sinulyapan ang kaniyang mukha. “Hindi mo kailangan umastang napaka-possessive.” Ngumisi ako. Umikot ako at hinarap siyang muli. Kinalawit ko ang aking kamay sa kaniyang leeg. “There’s nothing going between us. We just talked about him and Steph. Okay? Wala rin naman problema kung kasama ko siyang kumain dahil magkaibigan naman kami.” “Hindi naman kasi iyon ang kinakasama ng loob ko. Alam mo naman gusto kitang sunduin pero ni-reject mo ako. But still I wait for you, pero iyon pa ang nakita ko.” “Sige na! Kasalanan ko na iyon. Sorry,” hingi ko ng paumanhin. “For now, kailangan ko ng umalis. Male-late na talaga ako. At hindi magandang ideya na magkasama tayong papasok o makita tayong magkasama. Napag-usapan na natin na kailangan nating maging maingat at dahan-dahanin ang lahat.” “I understand. Pero pwede ba, huwag mo naman iparamdam sa akin iyang coldness mo? Nakakainis, e! Okay na tayo pero kung umasta ka parang wala lang. Dapat tandaan mo na tayo na ulit. Kaya huwag mo na akong sungit-sungitan. Kung may plans ka na gustong gawin you can say it to me para alam ko, ‘di ba? Hindi naman kita pipigilan sa gusto mong gawin. Pero dapat alam mo ang limitation mo. You can accompany you’re so called boy friends basta ipaalam mo sa akin. Para hindi naman ako nagmumukhang tanga.” “Ang haba-haba naman ng sinasabi mo. Okay! Okay! Tatandaan ko lahat iyan.” Tumingin ako sa wrist watch at ng makitang late na talaga ako ay nagmadali na akong magpaalam. “I have to go, honey! Love you. See you when I see you.” Hinalikan niya ako bago ako pakawalan. “Sana palagi kang sweet!” puna niya. “Pwede naman, kapag tayong dalawa.” Napangisi ako at humiwalay na sa kaniya. Sabay kaming lumabas ng pintuan. Naghiwalay rin kami at magkaiba ng direksyon na pinuntahan. Ako papuntang elevator, samantalang siya papuntang exit door. ‘Naghiwalay at nagpanggap kami na wala lang.’ Nakasakay na ako sa escalator nang makita ko si Romeo at Steph. Sinusundan ni Romeo si Steph pero hindi binibigyan ng pansin ni Steph. ‘Mukhang natauhan na siya.’ Bigla na lang nagbago ang lahat ng hindi ko inaasahan. Hindi naman talaga ako nakikialam sa relasyon ng aking mga kaibigan pero ngayon mas gusto kong makita silang masaya. Nagsimula lang ito ng bumalik si Aleric. Iyong dating ako ay bumabalik na. Hindi na ako cold at madalas na akong nakikisalamuha sa karamihan na noon ay iniiwasan ko. ‘Dahil siguro broken hearted pa ako noon.’ Palingon-lingon ako sa aking paligid at pinagmamasdan ang mga tao. ‘Bawat isa sa kanila ay may mga dahilan kung bakit sila nandito. Marahil ang ilan ay narito dahil sa trabaho. Mayroon din naman magkakasama na nagkakasiyahan at excited habang hinihintay ang flight nila. Kung minsan ay may umiiyak pa nga dahil siguradong nasasaktan na mahihiwalay sa pamilya.’ Dahil abala sa aking mga nakikita ay hindi ko napansin ang isang lalaki. Matangkad siya at balot-balot ang suot. Nakasumbrero at shades din ito. Ang bilis ng pangyayari at napagtanto ko na hostage na pala ako. “Huwag na huwag kang gagawa ng isang maling hakbang dahil hindi ako magdadalawang isip na saksakin ka!” banta niya. “Kumilos ka lang ng normal! Piloto ka, hindi ba?” HUminga ako ng malalim at kumalma. Tumango ako sa kaniya. Akbay-akbay niya ako habang naglalakad ng normal sa karamihan ng tao. “Anong kailangan mo?” tanong ko. “Hindi mo kailangan gawin ito. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko. Huwag mo lang akong sasaktan.” Kailangan kong makipag negosasyon sa kaniya. “Kailangan ko ng makaalis ngayon. Ito ang ticket ko.” Nang makita iyon ay iyon ang flight na naka-assign sa akin. “Sir, ilang oras na lang at aalis na kayo!” sagot ko. “Hindi ko na mahihintay ang oras na iyon. Kailangan ko ng umalis ngayon. Ngayon din.” Napapikit ako ng mariin. “Susubukan ko!” sabi ko. “Anong susubukan? Gawin mo! Kapag hindi ako nakaalis ngayon, pasasabugin ko ang ulo mo!” “Please, huminahon kayo Sir!” sambit ko. Habang naglalakad ay napahinto kami sa paglalakad dahil sa mga security at pulis na pumalibot sa amin. Kung kanina ay akbay-akbay niya ako ay ngayon nakatutok na ang baril sa ulo ko. “Subukan niyong lumapit at pasasabugin ko ang ulo ng babaeng ito!” bulyaw niya. Mas humigpit ang pagkakahawak sa akin ng lalaki. ‘Mag-isip ka ng mabuti, Hera! Gumawa ka ng paraan,’ saad ko sa aking isip. ‘Hera, kumalma ka at mag-isip.’ Ilang beses kong isinasaksak sa utak ko iyan. Nagkagulo lalo ng magpaputok ng baril ang lalaki. “Sinabi ng huwag kayong lalapit, e! Kung ayaw niyong mamatay ang babaeng ito. Hayaan niyo akong makaalis. Kailangan kong umuwi. Kailangan kong makita ang asawa at mga anak ko!” sabi ng lalaki. Nagdatingan lalo ang mas maraming pulis. Maging sila Derek at Aleric ay namataan ko rin. Umiling ako habang papalapit siya pero hindi siya nakinig sa aking sensyas. “Ibibigay namin ang gusto mo. Huwag mo lang siyang sasaktan!” sabi ni Aleric. “Kailangan kong maka-alis!” “Okay! Mayroon helicopter sa rooftop ng building. You can use the helicopter pauwi sa pupuntahan mo.” “You can’t do that!” saad ng isang police. “Wanted ang lalaking iyan sa pagpatay sa isang babae.” “Hindi! Hindi ko siya pinatay! Wala akong kasalanan.” Pagtatanggol ng lalaki sa kaniyang sarili. “Kung totoo ang sinasabi mo, sumama ka sa amin. Linisin mo ang pangalan mo,” saad ng pulis. “Ayoko! Kapag sumama ako sa inyo ay hindi niyo na ako pakakawalan. Hindi ko na makikita ang asawa at mga anak ko.” Naramdaman kong may pumapatak na tubig sa aking balikat. Nakita kong umiiyak ang lalaki at napaka emotional. “Hindi ako ang pumatay sa kaniya, kun’di ang asawa niya. Nakita ko silang nag-aaway dalawa pero ako ang dinididiin ng asawa niyang pumatay. Nagpunta ako sa pulisya para magsumbong pero ako pa ang lumabas na kriminal. Bakit? Dahil isa lang akong hamak na mahirap? Dahil wala akong pera? At dahil mayroon silang pera ay sila na ang dapat niyong panigan?” Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa ganitong posisyon. Nag-announce ang airline na ika-cancel na ang flight at pinauwi na ang mga pasahero para sa kanilang kaligtasan. “Hindi ko bibitawan ang babaeng ito hangga’t hindi niyo binibigay ang gusto ko!” sabi niya. “Kung kailangan kong lumaban ng p*****n ay gagawin ko.” “We will provide your needs!” sambit ni Aleric. Tumingin siya kay Derek, “Prepare the Helicopter!” “But, Mr. Marcet!” saad ng pulis. “Ang kapakanan ng tauhan ko ang nakasalalay dito!” Bulalas niya. Hindi ko hahayaan na mapahamak siya.” Ang salitang iyon ay nagbigay sa akin na huwag mangamba. ‘Tama! Hindi ako pababayaan ni Aleric. Hindi ako mamatay ng ganun-ganun na lang. Kailangan ko pang mabuhay dahil hindi kakayanin ni Mama na mawala na lang akong bigla. Hindi ko pa nagagawa ang mga dapat kong gawin.’ Aleric Zeus Marcet “Mr. Marcet, please calm down. Huwag kayong mag padalos-dalos ng desisyon. Hayaan niyong kami ang umareglo sa pangyayaring ito. Hindi natin maaaring ipakita sa hostage taker ng kahinaan sa ganitong pagkakataon.” Sinamaan ko siya ng tingin. “This is the best we can do, Police Officer! I won’t let him hurt my girlfriend. Do you understand?” “Now I know why you are so affected, Sir!” sambit niya at ngumiti. “Good! Ngayon, gawin a ibigay niyo ang gusto niya. Kapag nakauwi na siya sa pupuntahan niya ay gumawa kayo ng hakbang. Just make sure na walang mangyayari sa girldfriend ko.” “We will try our best!” Nagkasundo na kami ng mga pulis sa plano ko. ‘Hindi ko ilalagay sa kapahamakan ang buhay ni Hera.’ “President! Everything is ready,” saad ni Derek. “Let’s go!” Binigyan ng mga pulis ng daan ang hostage taker. Hindi niya tinatanggal ang baril sa ulo ni Hera hanggang sa makasakay sa elevator. Ginamit namin ni Derek ang isa pang elevator para sundan ang dalawa. Kasama namin ang ilang pulis para matiyak na walang mapapahamak. In-inform ng pulis ang Legazpi City Police station para abangan ang pagdating nila Hera roon. Ang tanging magagawa lang namin ngayon ay panoorin ang helicopter habang papaalis. Dahil hindi ako mapakali ay pumunta ako sa Control Tower. Kinuha ko ang isang headset at sinuot iyon. Kinonek ko iyon sa radio ni Hera. “Are you okay?” tanong ko sa kaniya. “Oo!” kaswal niyang sagot. “Susuko na siya paglapag ng helicopter sa Legazpi Airport. Paki-usap niya na huwag lang siyang gagalawin ng mga pulis dahil gusto niyang makita ng buhay ang pamilya niya.” “Captain Taevas, this is not the right time para isipin mo siya! Ang dapat namin isipin ay ang kaligtasan mo. Ang makabalik ka dito ng safe.” “President, pakinggan mo ang sinasabi ko!” madiin niyang sabi. “Please!” “I will,” talunan kong sagot. Kakausapin ko sila! Just make sure na safe ka rin.” Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay wala na akong narinig mula sa kaniya. Kinausap ko rin ang mga pulis tungkol sa pinag-usapan namin ni Hera. “I already informed the police. Sinabi ko na rin na kusang susuko ang hostage taker kaya’t hindi na sila gagawa ng hakbang para mag-amok pa iyon. They also assure me na safe na babalik si Captain Taevas dito sa Manila.” “Thank you!” Sambit ko. Tinapik ko ang balikat ng police officer. Naging alert pa rin kaming lahat sa mga nangyayari. From time to time ay nag-uusap ang mga pulis. Sinisigurado rin ng control tower na nakikipag-communicate ito para i-check ang location ni Hera. “President, may mga press sa labas at gustong hingin ang panig mo tungkol sa nangyayari. Kumalat na rin ang video ng ilang netizen na nag live sa kani-kanilang social media kaya’t hindi natin sila pwedeng baliwalain.” Naglakad ako palabas ng airport at sinalubong ang mga press roon na naghihintay tungkol sa update ng mga nangyayari ngayon. “Ano na po ang balita sa nangyaring hostage taking?” tanong nila. “Everything is under control. Lahat ng makakaya namin ay ginagawa namin para walang masaktan na tao.” Maging ang mga pulis ay naglabas na rin ng statement sa tungkol sa nang hostage. Minabuti nga nilang huwag ng ilabas sa media ang larawan at totoong pangalan nito kahit wanted dahil na rin sa biglaang mga pangyayari. Nagkaroon kami ng access sa CCTV ng Legazpi airport mula sa paglapag ng helicopter hanggang sa pagbaba ni Hera at ng hostage taker doon. Kitang-kita sa camera na baliktad na ang inaasahan naming mangyari. Si Hera na ngayon ang naka-akbay sa lalaki na sa tingin namin ay walang tigil sa pag-iyak. Kino-comfort niya iyon. Si Hera rin ang nagmistulang proteksyon niya habang papalapit sa mga pulis na naka-abang doon. Kusa ngang sumuko ang lalaki sa pulis. Hindi ito tumigil sa pag-yak at lumuhod pa sa harapan ni Hera habang humihinga ng tawad. Ang tagpong iyon ay isang nakakahabag sa puso ng mga nanonood. “Hindi ganiyang klaseng tao ang gumawa ng kasalanan!” saad ni Derek. “Baka naman wala talaga siyang kasalanan at na-frame-up lang siya.” “Possible! At wala na talaga siyang choice kaya’t hinostage niya si Hera,” sang-ayon na pagsagot ko. Kasama ng ilang security staff ay in-assist si Hera pabalik dito sa Manila. Nang mag-radio na ang piloto ng helicopter ay dali-dali kaming umakyat ni Derek sa rooftop para salubungin si Hera. Nakatingin kami sa kalangitan habang hinihintay ang paglapag ng helicopter. Nang makababa si Hera roon ay agad ko siyang sinalubong. “I’m so scared!” saad ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinaplos ang kaniyang ulo. “Thank God at walang nangyari sa iyong masama. Doon ko naramdaman na nanlalambot siya tanging yakap ko na lang ang umaalalay sa kaniya. “Ako rin!” bulong niya. “Akala ko ay mamamatay na ako kanina!” dugtong niya. “Sobrang takot ko na hindi ko na kayo ulit makikita.” Humagulgol siya sa pag-iyak. Naramdaman ko na nakayakap na rin siya sa akin ng mahigpit. “Ssh! You are safe now. Nandito lang ako!” pag-a-alo ko sa kaniya. Ilang sandali kami sa ganoong posisyon bago kami naghiwalay dahil dumating ang mga kaibigan niya. “Hera!” tawag ni Rachel na umiiyak-iyak na nga. Mahigpit niyang niyakap si Hera. “Bruha ka! Akala ko ay hindi na kita makikita,” usal niya. Lumapit sa akin si Derek at bumulong. “Sayang nasira ang moment niyo kanina. Bumawi ka na lang mamaya,” saad niya. Nang-asar na naman siya. Nakuha pa talagang mambwisit sa ganitong pagkakataon. “Kanina ka pa namin hinihintay. Mabuti at ligtas ka,” sambit ni Carol na yumakap rin kay Hera pagkahiwalay sa bisig ni Rachel. “Pinakaba mo kami ng sobra,” usal naman ni Steph. “Mabuti na lang talaga at mabait iyong hostage taker,” saad naman ni Joan. Pinunasan ni Hera ang kaniyang luha at sinagot si Joan. “Mabuti talaga siyang tao. Talagang na frame-up lang siya. Nalaman ko lahat dahil nagkwe-kwento siya habang nasa ere kami papuntang Legazpi. Pamilya niya ang pinakamahalaga sa kaniya. At kahit na sino ay talagang mapupukaw ang atensyon dahil sa nangyari sa buhay niya.” Sumabat ako, “For now, bumaba na tayo. Hindi na dapat natin dito pinag-uusapan ito!” “President, ikaw ba ang -” tanong ni Romeo sa akin. Kasama kasi sila ng mga girls ng umakyat dito sa rooftop. Pati si Chan ay nandito rin at nakiki-simpatya sa nangyari. “Yes!” kumpirma ko sa kaniyang naiisip. Hinatak ko si Hera palayo sa kanila lahat. 'Mabuting malaman na nila ang totoo tungkol sa namamagitan sa amin ni Hera. Ito rin ang paraan ko para i-claim na sa akin lang ang babaeng pinagpapantasyahan niya.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD