Chapter 29

3003 Words
Aleric Zeus Marcet Nakaramdam ako ng awa ng makita siya sa isang sulok at nakaupong mag-isa. Ang kaniyang uniporme na suot ay puno ng bahid ng dugo. Nakayuko siya at halatang umiiyak dahil sa kaniyang balikat. Nakita ko si Tita Naomi at Tito Marvin pero dinaanan ko lang sila. “Hera,” mahinang tawag ko sa kaniyang pangalan ng makalapit sa kaniyang kinauupuan. Tumayo ako sa kaniyang harapan. Hindi siya nagsalita. ‘Ni tingin ay hindi niya ako tinapunan. Ngunit ang kaniyang dalawang kamay ay humawak sa aking coat. Ramdam ko na kinuyom niya iyon ng mahigpit. Sinubsob niya rin ang kaniyang mukha sa kaniyang mga kamay. Hinaplos ko ang kaniyang likuran. Gusto kong magsalita pero walang tugmang salita na posibleng makapagpagaan ng kaniyang nararamdaman. “Ang kapal ng mukha niyong dalawa na dito pa magpakita ng ganiyan?!” bulalas ng isang babae. Nang tingnan ko iyon ay si Aimee. Nanlilisik ang mata na nakatingin sa akin. “Aimee!” banta na tawag ni Tito Marvin. “Kung gagawa ka lang ng panibagong gulo ay umalis ka na lang!” “Dad, karapatan ko naman magpunta rito, ‘di ba? Kapatid ko si Cassie.” Tinapunan niya kami ng tingin. Lalo na si Hera. “Sa aming dalawa ay dapat iyang babae na iyan ang umalis dito. Siya ang may kasalanan kung bakit nasa operating ngayon si Cassie at nag-aagaw buhay!” “Hindi ka ba talaga titigil, ha?!” Sambit ni Tito Marvin. Nanahimik si Aimee at umupo sa tabi ni Tita Naomi na ngayon ay nananahimik. Ilang oras ang lumipas at hindi ako umalis sa tabi ni Hera. Nanatili akong nakatayo sa kaniyang harapan. Napabalikwas siya at bigla na lang tumayo ng magbukas ang operating room. Lumabas doon ang isang naka-asul na gown. “Kailangan pa namin ng isang dugo para sa pasyente. Bukod kay Ma’am Hera ay mayroon pa po bang pwedeng mag donate sa inyo?” tanong niya. Agad na lumapit si Aimee at nag prisinta. “Ako. Willing ako mag donate ng dugo sa kapatid ko.” Lumapit naman kaagad si Tita Naomi at kumontra. “Hindi pwede, anak!” saad niya. “Magkaiba kayo ng type ng dugo ni Cassie.” “Where running out of time,” sabat ng staff. “Wala na ba kayong pwedeng tawagan na kamag-anak na maaaring pumunta rito?” Lumapit si Hera. “Kahit ako na lang ulit. Kaya ko pang magbigay ng dugo!” saad niya. “No!” sagot ni Tito Marvin. “Baka kung mapano ka na. Nag donate ka na ng dugo kanina.” “Pero kailangan na ni Cassie. Kahit lahat ng dugo ko ibigay ko ay gagawin ko para lang mabuhay at maligtas ang buhay ni Cassie,” umiiyak niyang sambit. Naki-usap si Hera sa staff. “Pwede pa naman ako mag donate ng isang bag hindi ba?” “Yes, you can!” sagot ng staff. Sasama na si Hera sa kaniya ng hablutin ko ang kaniyang braso. “Hera, pwede akong magpahanap ng tao na pwedeng magbigay ng dugo,” saad ko. Umiling siya. Hindi siya nagpapigil at talagang tinuloy ang kaniyang gustong gawin. Almost thirty minutes din akong naghintay bago lumabas si Hera. In-assist pa siya ng nars at tinatanong kung kamusta na ba ang kaniyang nararamdaman. Nakuha pa niyang ngumiti. “A-ayos lang po ako. M-maayos po ang pakiramdam ko,” saad niya. Sinalubong ko kaagad siya at inalalayan. Nagkatitigan pa kami ng lalaki bago niya bitawan si Hera sa braso. Walang imik na pumasok ulit sa operating room. “Aleric, i-uwi mo muna si Hera para makapagpahinga at makapagpalit ng damit. Tatawagan ko na lang kayo kapag nakalabas na sa operating room si Cassie.” “Yes, Tito Marvin!” sagot ko. Ayaw pa sanang umalis ni Hera pero pinakiusapan ko siya. “Huwag ng matigas ang ulo mo!” saad ko. Tumingin lang si Hera sa kaniyang ama at sumama na sa akin. Pababa sa ground floor ay tinatanong ko siya kung ano ang nararamdaman niya. Sa bawat tanong ko ay ungol at iling lang ang sagot niya. Nakasakay na kami sa kotse pero hindi ko kaagad pinaandar iyon. Alam kong may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili. “Talk to me, Hera! Ilabas mo iyang nararamdaman mo,” sabi ko. “I’m here to listen and comfort you.” Humagulgol siya sa pag-iyak. “Ako dapat ang nasa operating room at hindi si Cassie,” saad niya. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya.” Inabot ko siya at niyakap ng mahigpit. “Wala kang kasalanan sa nangyari. Hindi mo kagustuhan iyon,” sambit ko. ‘Paano kung sa kaniya nga nangyari iyon? Anong gagawin ko? Para akong mababaliw!’ “Don’t think negatively. Makakaligtas si Cassie. Mabubuhay siya.” “Sana nga…” usal niya. Pag-uwi sa condo ay matamlay pa rin siya at walang lakas na kumilos. Hinubad ko ang suot niya pilot uniform at pinalitan iyon ng damit ko para mas komportable siya. Hiniga ko siya sa kama at hinalikan sa noo. “Magpahinga ka muna. Magluluto lang ako ng pagkain para lumakas ka kaagad.” Tatayo na sana ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. Nanginginig siya. “Okay. I’ll stay here,” sagot ko. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit. Umiiyak na naman siya. ‘And it makes me frustrated.’ Bago tumayo mula sa pagkakahiga ay sinigurado ko na mahimbing na ang tulog ni Hera. Habang pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha ay kumikirot din ang aking puso. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Nang makalabas ay dinayal ko ang number ni Mommy. “Mommy pwede mo ba utusan ang isa sa mga kasambahay natin na bumili ng leafy green veggies, red meat, fruits and ferrous sulfate.” Bilin ko. “Buntis si Hera?” tanong niya. “No, Mommy!” usal ko. “Nagdonate siya ng 2 units bags. Kailangan niya magpalakas.” “What? What happened?” usisang tanong sa akin. “Naaksidente si Cassie.” Pagbabalita ko. “Mom, it’s a long story. Kahit ako ay wala pang idea sa mga nangyari. Can we talk later?” “Of course, anak. Ako na mismo ang bibili ng kailangan mo para mabisita ko kayo ni Nik-Nik.” “Thank you, Mommy!” Pagbaba ko ng tawag ay muling nag ring ang cellphone ko. ‘This time ay si Tito Marvin naman ang tumatawag.’ Agad kong sinagot iyon. “Hello, Tito!” bungad kong bati. Narinig kong huminga siya ng malalim. “Cassie is safe and out of danger now. Pero nasa ICU pa siya para imonitor ang kaniyang kalagayan. How’s my daughter?” “She’s fine, tito. Mabuti at nakatulog siya,” sagot ko. “Thank you, Aleric. Kung hindi ka dumating kanina ay hindi ko na alam ang gagawin ko.” “Walang problema as long as para kay Hera. I’m willing to help in any way I can,” sagot ko. “Tito ano ba ang nangyari? Sorry kung sa inyo pa ako nagtanong. Sa tingin ko ay hindi makakapag-open up sa akin si Hera.” “I will send you the footage. Kahit ako ay hindi maiwasan na maiyak kapag kinu-kwento ko iyon. Siguro gano’n din ang nararamdaman ng anak ko.” “If there’s anything I can do, just tell me. Tutulong po ako.” “No need, Hijo. Ang pakiusap ko lang sa iyo ngayon ay alagaan at bantayan si Hera. Ginagawa na ng mga pulis ang lahat ng makakaya nila para malutas ang kaso ni Cassie.” “Okay,” tipid kong sagot. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Tito Marvin ay sinend niya sa akin ang footage ng aksidente. Halos mapatalon ako sa takot. Si Hera dapat ang mabubunggo ng truck pero iniligtas siya ni Cassie. ‘Now it makes sense. Kaya pala handa si Hera na gawin ang lahat para sa kapatid. Because she owes her life.’ Naningkit ang mata ko ng mapagtanto na si Hera talaga ang pinupunterya ng truck. ‘Possible kayang hindi ito aksidente?’ tanong ko sa aking isipan. Kinuha ko ang aking cellphone at dinayal ang isang number. Alam kong siya ang makakatulong sa akin para imbestigahan ang kasong ito. “Hello,” bungad niya. “What’s up?” “Can you help me with the latest case of Cassie Hao?” request ko. “Sure. But right now pinag-aaralan pa namin ang kaso. The truck driver is still missing.” “I think this is not an accident!” sagot ko. “Why would you say that? At bakit ba masyado mong pinaghihimasukan ang kaso? Dahil kay Aimee?” tanong niya. “No. I’m doing this for Hera.” “Hera? Iyong kasama ng biktima?” “Yes.” Sagot ko. “Just do what I say. Balitaan mo ako kapag may kakaibang information kang nakuha.” “As you wish!” ngisi niyang tugon. “Thank you, Jayden!” Jayden is one of the best Police Lieutenant. His family is one of our friends. Madami din silang connection sa lahat ng bagay. Hera Nyx Taevas “Cassie!” hiyaw ko sa kaniyang pangalan. Napagtanto ko na napanaginipan ko ang nangyari kanina. Naramdaman ko ang butil-butil na pawis sa aking noo. ‘It’s like a nightmare.’ Bumukas bigla ang pintuan. “Hera? Why?” tanong ni Aleric sa akin pagkalapit. “Namumutla ka.” “T-tumawag na ba si Daddy? May balita na ba kay Cassie?” tanong ko. “She’s safe now, honey. Nasa ICU siya at minomonitor.” “Samahan mo ko. Gusto ko siyang puntahan!” Tatayo na ako ng pigilan niya ako. “Hera, magpahinga ka na muna. Pwede tayo bumalik bukas but not now. Kailangan mong magpalakas.” “Zeus, hindi ko kaya. Mababaliw ako kung dito lang ako maghihintay. Please,” pagmamakaawa ko. Huminga siya ng malalim at napapikit ng mariin. “Okay,” sagot niya. “In one condition. Kumain ka muna at uminom ng gamot. Then later, we will go there.” Mabilis akong pumayag sa gusto niya. Paglabas namin ng kwarto ay naamoy ko na ang mga pagkain. “Anong oras na ba?” tanong ko. ‘Matagal na ata akong nakatulog kanina.’ “It’s 6 in the evening,” sagot ko. “Nik-Nik?” tawag sa akin ng isang boses, Napalingon ako sa aking likuran. Pagkita ko sa kaniya ay niyakap niya ako kaagad. “Nabalitaan ko ang nangyari,” sambit niya. “Tita,” tawag ko sa kaniya. “Everything is fine now,” pag-aalo niya sa akin. “Kumain ka na at pinagluto kita. Kailangan mong magpalakas, ha.” Inalalayan ako ni Tita Eunice hanggang sa pag-upo sa upuan. Pinagmamasdan lang kami ni Aleric at hindi umiimik. “Mommy, ikaw na muna ang bahala kay Hera. Tatawagan ko lang si Derek,” saad niya. Inasikaso ni Tita Eunice ang pagkain ko. “Kumain ka nito para mabilis kang makapag produce ng bagong dugo. Ikaw bata ka, kung minsan ay napaka-imposible mo talaga. Hindi mo naiisip na pinag-aalala mo kaming lahat.” “Sorry po,” tugon ko. “Proud ako sa iyo dahil sa kabila ng hindi magandang estado ng inyong pamilya ay tinulungan mo pa rin ang kapatid mo.” Umiling ako, “Siya nga po ang tumulong sa akin, Tita. Kung hindi po niya ako iniligtas ay ako dapat ang nasa ospital.” Mapakla akong ngumiti, “Hindi ko nga alam kung bakit pumasok sa isip iyon ni Cassie. Kung alam ko lang na gagawin niya iyon ay siya na kaagad ang una kong ililigtas.” “Nagawa niya iyon dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit. Prinotektahan ka niya dahil kapatid ka niya.” Hindi ko na naman napigilan umiyak. “Masaya pa kaming kumakain kanina, tapos biglang ganito ang nangyari.” “Hindi natin mape-predict ang posibleng mangyari, Nik-Nik. Aksidente iyon at walang may gusto na mangyari.” Hinimas niya ako sa likuran. “Hindi siya pababayaan ng Maykapal. Gagaling din si Cassi at makakarecover.” “Opo,” tugon ko. Ngumiti siya. “Kumain ka ng kumain,” paalala niya. Ilang oras din namalagi si Tita Eunice sa condo bago siya umuwi. Nang maiwan kami ni Aleric ay sunod ko naman siyang niyaya na pumunta sa ospital. Wala siyang nagawa at sinunod ang aking kagustuhan. Bago bumaba ng kotse ay sinigurado niya na maayos ako. “Suot mo itong jacket dahil malamig sa ospital. Baka ikaw naman ang magkasakit.” Nanatili si siya sa aking likuran hanggang sa maka-akyat sa third floor. Naglalakad pa lang ako ay sinalubong na ako ng masamang tingin ni Aimee. “What are you doing here? Hindi ka namin kailangan dito.” Sabi niya. “Hindi ikaw ang ipinunta ko rito, kun’di si Cassie.” “Bakit nagi-guilty ka ba?” saad niya. Kinuha niya ang kamay ko at hinatak papalapit sa glass window. Naroon si Cassie. “Tingnan mong mabuti! Sarili mo lang ang sisisihin mo dahil sa nangyari sa kaniya.” “Stop it!” Umawat at pumagitna na sa amin si Aleric. “Kayong dalawa, umalis na kayo. Or else magpapatawag ako ng security guard para damputin kayo.” “Hindi ako aalis dito. Kapatid ko si Cassie at may karapatan din ako na makita siya,” Giit ko. Ngumisi siya. “Karapatan? Wala kang karapatan dahil anak ka lang sa labas,” bulalas niya. “Naomi, can you just shut up?” saad ni Aleric. “Kapatid mo si Hera. Huwag ka naman ganiyan sa kaniya.” “Kapatid? Wala akong kapatid na ahas. Wala akong kapatid na mang-aagaw!” “Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na walang inagaw sa iyo si Hera.” Pinagtanggol ako ni Aleric. Wala na akong balak pang makipagtalo. Ayoko ng lumala pa ang sitwasyon namin. Hindi rin magugustuhan ni Cassie kung makikita kaming nag-aaway ngayon.’ Hinila ko ang dulong damit ni Aleric. “Tara na,” yaya ko sa kaniya. “Nakita ko naman na si Cassie.” Sinamaan ng tingin ni Aimee si Aleric. Nakita ko rin na hindi nawala ang ngiti sa labi dahil sa pagkakataon na ito ay pinili kong maging talunan. Upang hindi rin mag-alala si Aleric ay kinausap ko na rin siya. “Babalik na lang ako bukas,” saad ko. Ngumiti ako at niyakap ang kaniyang braso. “Medyo malamig nga,” sambit ko at naramdaman kong nanginginig na naman ako. “Are you okay? Magpacheck up ka na!” Sambit niya. “Okay lang ako. Umuwi na tayo at magpahinga. May trabaho ka pa bukas,” Pauwi na kami sa bahay ni Aleric ng magring ang aking cellphone. Si Mama iyon. “Hello, ma?” sagot ko sa kabilang linya. “Napanood ko sa news ang nangyari,” bulalas niya. Halata sa boses na umiiyak siya. “Kamusta ka anak?” “Ma, wala pong nangyari sa akin masama.” Hindi ko na naman napigilan ang luha ko. “NIligtas ako ni Cassie, Mama. Utang ko sa kaniya ang buhay ko.” Ilang segundo lang ay biglang nawala sa kabilang linya si Mama. “Ma?” tawag ko. “Mama?” muli kong tawag. Napatingin ako kay Aleric. Gano’n din siya. “Bakit?” tanong niya. “Bigla na lang nawala sa kabilang linya si Mama. Sinusubukan kong idayal pero naka-off na.” “Baka nalobat lang? Tatawag naman siguro siya mamaya,” sagot sa akin ni Aleric. Bigla akong kinabahan. Pero inalis ko iyon sa aking utak. Unknown “Parang-awa niyo na. Huwag niyo kong patayin!” Nagmamakaawa ang isang lalaki. Nakaluhod at puro dugo ang mukha. “Ang simple-simple lang ng pinapagawa ko sa iyo ay pumalpak ka pa!” bulyaw ng isang tao. “Hindi ko naman alam a ililigtas siya ng kasama niya,” katwiran niya. Nakatikim siya ng suntok. “Gagawin ko ang lahat huwag niyo lang akong patayin. Parang-awa niyo na!” pagmamaka-awa muli. Sumenyas ako sa isa kong tauhan. “Siguraduhin niyong lilinisin niyo ang kalat na ito,” bulalas niya. "Anong balita sa pulis?" "Malinis, Boss. Lumalabas na aksidente lang ang nangyari kaya't wala na kayong dapat ipag-alala." Tumawa ako ng malakas, "Hindi naman ako nag-aalala. I know my capacity. My connection, My power!" sagot ko. "Lahat ng bagay sa mundong ito ay madaling makukuha basta may pera ka." Dinuraan ang lalaking nakaluhod bago umalis. "Boss, parang-awa mo na. Hinihintay ako ng pamilya ko." Hindi na ako lumingon pa. "Boss!" Sigaw niya. Ilang sandali pa ay putok na ng baril ang narinig ko. Pagpasok ko sa bahay ay kinuha ko ang isang bote ng alak at sinalinan ang aking baso. “How’s the shipment?” tanong ko. “Okay na ang lahat, Boss!” sagot ng kaharap na lalaki. “Nakatawid ng walang problema ang mga kontrabando.” “May nakakaalam ba na nakabalik na ako?” tanong ko. “Sa ngayon wala po, Boss. Kahit ang mga ka partner niyo sa business ay walang idea.” “Good!” sagot ko. Hinalo-halo ko ang alak sa baso. “Hayaan na muna natin silang walang alam. In that way masusubaybayan ko pa ang mga galaw nila.” Binato ko ang isang larawan na nanggaling sa bulsa ko. “Imbestigahan mo ang taong iyan. Lahat-lahat alamin mo. Naiintindihan mo?” “Copy, Boss!” Nagmuni-muni ako habang umiinom. “Dad!” bulalas ng isang boses. Ngumiti ako ng salubungin ko siya ng tingin. “Devon,” tawag ko sa kaniya. “How’s your project?” tanong. “Great, dad!” sagot niya. “Did you meet her?” “Yes! I took a glance of her,” ngisi niyang sagot. “Maganda. One of my type,” ngisi niyang sagot. “Makukuha mo ba?” tanong ko. “Maybe, dad. But don’t worry, I’ll do my best. Sisiw lang sa akin iyon.” “Good! Sa ngayon tulungan mo ang kambal mo,” sagot ko. Huminga siya ng malalim. "Ano pa nga ba ang magagawa ko? After all magkapatid pa rin kami."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD