Chapter 30

3097 Words
Hera Nyx Taevas Kahit anong gawin ko ay lutang ang isip ko. Hanggang ngayon ay si Cassie ang laman ng isip ko. From time to time ay tinatawagan naman ako ni Daddy tungkol sa kalagayan ni Cassie. Kahit gusto niya akong papuntahin ay iniiwasan niyang awayin na naman ako ng mag-ina. Bantay sarado kasi si Cassie sa dalawa. Minabuti ko na lang din pakinggan siya at hindi na pinilit ang aking gusto. Ayoko ng makadagdag pa sa problema ni Daddy. Lalong ayokong ma-stress si Cassie o makita siyang nag-aaway kami ni Aimee at Tita Naomi. “Honey.” Mahinang tawag sa akin ni Aleric. Nasa likuran ko siya at minamasahe ang aking likuran. “It’s already ten, hindi ka pa ba matutulog?” tanong niya. “Come on, let’s take a rest. Tomorrow will be fine.” Hinawakan ko ang kaniyang kamay sa aking balikat at hinatak iyon payakap sa akin. Hinalikan ko iyon bago siya tingnan at ngumiti. “Mauna ka na,” sagot ko. “Matatapos na rin ako sa binabasa ko.” Hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo. “Okay. I’ll wait for you. Alam mo naman mababaw ang tulog ko kapag hindi ka katabi,” paalala niya. Tumango-tango lang ako at pinagmasdan siya. Panakaw pa ang tingin habang naglalakad papunta sa kwarto. Sinubukan kong iwaglit sa aking isip si Cassie. TInuon ko ang aking atensyon sa manual na aking nire-review. Hindi ko alam kung anong oras na ba akong natapos. Tumigil lang ako ng napahikab ako at nakaramdam ng antok. Pagpasok ko sa kwarto ay tulog na si Aleric. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kama at umupo sa bed side kung saan siya nakahiga. Inayos ko ang kumot sa kaniyang katawan. Napangiti ako ng matitigan ang kaniyang mukha. Bigla na lang gumalaw ang kamay ko at marahan na hinaplos ang kaniyang pisngi. “Sleep here,” saad niya. “Nagising ba kita?” tanong ko. “I’m sorry,” hingi ko ng paumanhin. Humiga ako sa kaniyang tabi at siniksik ang aking sarili sa kaniyang katawan. Umusog siya sa gitnang parte ng kama at hinatak ako. “Good night. I love you,” paglalambing ko sa kaniya. Mahigpit niya akong niyakap at binigyan ng halik sa aking labi. “Sleep tight, honey. I love you too.” Sandaling minuto pa akong nakatitig sa kaniya bago ko tuluyan ipikit ang aking mga mata. Nagising akong nag-iisa sa kama. Patayo na ako sa kama ng mapansin ang isang note sa table. May breakfast tray na roon. “Honey, sorry I didn’t bother to wake you up. I know how stressed and tired you are these past few days. BTW, I have an early meeting with a client. Please treat this breakfast as me (you can eat all the way you want). Just kidding. Call me when you’re awake. Love you.” Napangiti ako ng mabasa ang sinulat niyang note. Hindi talaga niya maiwasan maging pilyo kung minsan. I enjoy the simple breakfast he cooked for me. Simula ng magsama kaming dalawa ay ang dami ng nagbago sa akin. ‘My lonely morning turns into a bright day. Life with him is easy, simple, and secure.’ Nasa parking lot na ako at naghahanda para pumasok sa trabaho. Papaalis na ako ng biglang may kumalabog sa likuran ng aking kotse. Napatingin ako sa aking likuran at may sasakyan na bumangga sa akin. Nakita kong palabas na ang driver kaya’t nagdesisyon din akong bumaba ng kotse. Nang makita ako ay todo hingi na siya ng sorry. “I’m sorry, Miss. Nawalan ako ng break. Please accept my apology. Here’s my calling card at kung ano ang kailangan ipagawa sa kotse mo ay ipapaayos ko. Nakatitig ako sa kaniya at wala sa isip ko ang kaniyang sinasabi. “Miss, are you okay? Kung hindi, dadalhin kita sa ospital.” Usal niya. Bumalik ako sa ulirat at napahawak sa aking batok. “Pardon, please?” usal ko. Kinuha niya ang kamay ko. “Dadalhin kita sa ospital,” sambit niya. Sumenyas ito sa hindi kalayuan at may sasakyan na papunta sa aming kinatatayuan. Binawi ko ang aking kamay. “No need. O-okay lang ako.” “Kung okay ka, bakit ka na tutulala?” “Ha?” Napanganga ako. “Ah, medyo familiar ka kasi, Mister. Do we know each other?” tanong ko. Ngumisi siya. “I don’t think so, Miss.” Inabot ang kaniyang kamay. “I’m Devon. Devon Tamayo. And you are?” “Hera… Hera Taevas,” sambit ko. Inayos ko ang aking isip. “Bukod sa yupi ng sasakyan ko ay wala naman na sigurong ibang problema,” dugtong ko. “But still I owe you, Hera.” Sagot niyang nakangiti. “Here’s my calling card and call me. Bahala na ang insurance ko na magpaayos sa kotse mo.” Kinuha ko ang calling card. “Thank you, Mr. Tamayo.” sagot ko. “I-I have to go.” Paalam ko sa kaniya. “Sure… Sorry at naabala pa kita,” saad niya. “No problem.” Bumalik na ako sa aking sasakyan. Tinitingnan ko siya sa rear mirror at nanatili siyang nakatayo roon. Hanggang sa makaalis ako ay sinusundan niya ako ng tingin. “Weird… Parang nakita ko na siya. Pero hindi ko maalala kung saan.” Kinakausap ko ang aking sarili habang nag da-drive. Pagkatapos ng domestic flight ko ay nanatili ako sa opisina para ayusin ang mga ilang bagay. Natyempuhan naman na nakasabay ko roon si Rachel, Romeo at Chan. Hawak nila ang kani-kanilang flight test guide book. “Hi, Hera,” bati sa akin ni Rachel. Bago umupo ay hinalikan ko muna sa pisngi. Ngumiti ako, “Kamusta?” Tinapik ko ang balikat ni Chan at Romeo. Umupo ako sa pagitan nilang dalawa para makaharap ko si Rachel. “Okay lang, Captain Taevas. Nangangarag na naman kami dahil malapit na simulator evaluation natin. Sabog na sabog na naman ang utak ko nito.” “Ilang taon ka ng Piloto, hanggang ngayon naninibago ka pa ba?” sabat ni Romeo. Napunta ang tingin ko sa kaniya at sinegundahan ang pang-aasar kay Chan. “Oo nga naman! Para kang bago ng bago. Sigurado naman papasa ka, e. Hindi ba’t naturuan ka naman ni Carol?!” biro ko sa kaniya. Alam niyang may laman ang sinasabi ko. Napakamot siya, “Captain naman, oh!” Sambit niya. Napatawa lang ako ng malakas. “Uhm! Kamusta kayo ni Steph? After ng exam natin mag liwaliw naman tayo. Ano sa tingin niyo?” “Nasabi nga sa amin ni Carol,” saad ni Romeo. “Sasama kami.” “Wow!” tugon ko. “Getting better together?” usisa ko. Kinuha niya ang inuming tubig. “Yep,” kaswal niyang sagot. “Maybe you’re right.” “I see!” tipid kong sagot. Napunta ang atensyon ko kay Rachel na parang baliw sa kakangiti habang kaharap ang cellphone. ‘Maayos na ang dalawa.’ Iyon ay nasa isip ko lang naman. Napatingin kaming lahat sa bumukas na pinto. Si Captain Elizer iyon at may kasamang isa pang lalaki. ‘Mr. Tamayo?’ saad ko sa aking isip. “Everyone, this is Mr. Devon Tamayo, accredited FAA staff na magco-conduct para sa inyong Pilot Proficiency Check.” Sa akin napunta ang tingin niya. “It’s nice to see you again, Hera!” bati niya. Napatingin ako sa mga kasamahan ko na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Ngumisi ako at tumango-tango. “Magkakilala kayo?” tanong ni Captain Elizer. “Not really,” sagot niya. “Nabangga ko kasi kanina ang kotse ni Hera. I didn’t expect na dito rin pala siya sa airline nagta-trabaho.” “I see. Mabuti at wala naman nangyari sa inyong dalawa.” Bumalik ang tingin sa amin ni Captain Elizer. “You have more days para mag review. Alam kong hindi niyo naman ako bibiguin at papasa kayong apat. I’m looking forward to working with you again after this examination.” “Yes, Captain!” sabay-sabay namin sagot. ‘It’s just a simple introduction.’ Nang umalis si Captain Elizer ay nagpaiwan si Devon. Kinuhanan naman siya ng upuan ni Chan para makasama namin sa lamesa. “Small world,” sambit niya. “Maybe…” tugon ko. Naiilang ako dahil hindi nawawala ang tingin niya sa akin. “Do you believe in fate, Captain Hera?” tanong niya. “Ha?” tanong ko. “Maybe…” sagot ko. “Interesting…” sagot niya lang. Hindi na niya ako hinintay magsalita at tumayo na siya. “Nice to meet you guys. See you…” Lalabas na sana siya ng biglang lumingon pabalik sa akin at ngumiti. Ilang sandali kaming natahimik. “What is that all about Hera?” tanong ni Rachel. Nagkibit balikat ako. “Malay ko sa kaniya,” patay malisya kong sagot. “Woahhh. Lagot ka kapag nalaman ni -” “Wala naman mali,” saad ni Romeo. “Magiging mali lang kapag binigyan ng ibang kahulugan.” “Tama!” sabat ko at ngumiti. Tumingin ako kay Rachel, “Ikaw, ah! Ang dumi ng utak mo.” “Whatever, Hera. Kilala mo naman ang boyfriend mo kung gaano ka seloso.” “I’m not doing anything. Nakita niyo naman na siya itong kung anu-ano ang sinasabi. Aba malay ko ba sa kaniya,” tugon ko. Binalingan ko si Chan. “Tigil-tigilan niyo mag report ng kung anu-ano ha. Lalo ka na, Chan! Lagot ka talaga sa akin,” banta ko. “My mouth is zip. Promise!” “Siguraduhin mo lang,” paalala ko. Naging seryoso kami sa aming ginagawa at hindi inabala ang bawat isa. Kadalasan ay naririnig namin ang aming mga buntong hininga. Si Chan naman ay mukhang napagod dahil hiniga na ang ulo sa lamesa. “Captain, can you help me with this matter,” tinuro ni Romeo ang kaniyang binabasa. “Hindi ko pa nae-encounter ito.” “Medyo tricky nga iyan technique na iyan. But based on my experience, hindi na natin totally nagagawa iyan lalo na sa emergency. But of course, dahil exam ito kailangan sundin ang protocol. So, ang gagawin mo, ganito…” In-explain ko lahat ng mga nalalaman ko. Tatango-tango siya at naiintindihan naman siguro ang pinapaliwanag ko (Not really kung naiintindihan nga niya). Habang nag e-explain ako sa kaniya ay bigla naman nag vibrate ang cellphone ko. ‘Si Aleric ang tumatawag.’ “Wait lang,” paalam ko kay Romeo. Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumabas ng opisina. “Bakit?” tanong ko sa kabilang linya. “Can you come up here? Just a minute. Please?” saad niya. “I’m busy, Zeus.” Sagot mo. “Kung hindi naman importante ay mamaya mo na lang sabihin. O kaya ngayon mo na sabihin.” “Please, honey…” paki-usap niyo. “Ano ba kasi iyon?” tanong ko. “Okay! Siguradong hindi mo naman ako titigilan. Aakyat na ako,” saad ko. Binuksan ko ang pinto ng opisina at sinulyapan si Rachel. “Babe,” tawag ko. “Yes, babe?” Si Romeo ang sumagot at tumatawa. Inirapan ko lang siya. “Rachel,” tawag ko muli. “Uhm?” sagot niya. “Alis lang ako sandali. Ikaw na muna bahala kapag may naghanap sa akin,” Tumango lang siya sa akin. Ginamit ko ang private elevator paakyat sa opisina ni Aleric. Bago lumabas ng tuluyan sa elevator ay nag masid-masid pa ako. ‘Si Derek at ang ilang sekretarya lang ang naroon.’ “Sec. Derek,” tawag ko ng makalapit sa kaniya. “Si President?” “Kanina ka pa hinihintay. Lagot ka,” pananakot niya. “Bakit? Kakatawag lang niya, e!” sagot ko. Ngumisi siya, “Joke lang!” bawi niya. “Kapag ako ang nag joke sa iyo, hindi ka matutuwa. Gusto mo i-try ko?” pabalang kong pananakot sa kaniya. “Seryoso mo naman, oh! Joke nga lang. Kakabati lang namin ni Rachel, pag-aawayin mo na naman kami.” Nilapitan ko siya at binulangan. “Talaga? Okay na kayo?” usisa kong tanong. “Ayie…” Kinikilig niyang tugon. “Chika ko sa iyo mamaya. Nasa trabaho pa tayo, e.” “Chusera!” Sambit ko. “Teka, pwede ba pumasok? Wala ba siyang kasama?” “Meron. Ipapakilala ka niya sa kababata niya,” tugon sa akin ni Derek. “Kababata?” ulit ko. “Oo. Kaya gora ka na,” malandi niyang sagot at nag-ala bakla pa. I knock before I enter the door. Pagpasok ko ay may kausap nga si Aleric na nakatalikod. Tumayo siya at sinalubong ako. “Honey,” sweet niyang tawag sa akin. “Ano bang kailangan mo sa akin?” bulong kong tanong. Ginaya niya ako papalapit sa lalaking kausap niya kanina. “I want you to meet, Devon. Devon, this is my girlfriend, Hera.” Pakilala niya sa akin. Nang humarap siya sa akin ay natahimik ako. “Nice…” sambit niya lang. Nilahad niya ang kamay. “My prediction is right, isn't it?!” saad niya. “What do you mean by that?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko nilahad ang kamay ko kaya siya na ang kumuha ‘non at nakipagkamay sa akin. “That Aleric found an awesome woman…” Napatingin ako kay Aleric ng akbayan niya ako. “Honey, he invited me. Wanna join?” tanong niya. “I think it’s not appropriate,” sagot ko. “Beside kailangan ko pang mag review para sa Proficiency Check.” Palusot ko. Pilit akong ngumiti, “Nice to meet you again, Devon.” “My pleasure is mine,” sagot niya. Tumingin ako kay Aleric. “Alis na ako ha,” paalam ko. “Baka hanapin ako sa department,” paalam ko. Bigla na lang akong hinalikan ni Aleric. “Okay. Maybe we can go out some other time,” sambit niya. “Uhm!” tango ko. Bago umalis ay muli kong tinapunan ng tingin si Aleric at Devon. Aleric Zeus Marcet “I met here,” bulalas ni Devon. “Nabangga ko ang kotse niya kanina sa parking lot ng condo.” “What?” gulat kong tanong. “Don’t worry. We’re fine together. Medyo nanibago lang ako sa kotse na ginagamit ko kanina.” Paliwanag niya. “Alam mo naman iba ang way ng driving dito compare sa ibang bansa.” “I know right. Pero hindi niya kasi sinabi sa akin. Kung hindi mo sinabi ay hindi ko malalaman. Para tuloy ang awkward ng first meeting niyong dalawa. But I assure you. Magkakasundo kayo,” sambit ko. “So, you and Aimee have no chance to get back?” Huminga ako ng malalim. “Alam mo naman na matagal ko na siyang hindi mahal, ‘di ba?” Tumango-tango lang siya. “Yep! But are you sure na si Hera na talaga ang babae na para sa iyo? Hindi ba’t iniwan ka na niya noon?” tanong niya. “Yes. But the past is not important to us. What is important is now and our future.” Tinapik ko siya. “Don’t worry we’re on good terms. At siguradong hindi naman kami nagkamali sa desisyon namin dalawa. We’re living together.” “Good for you then,” tipid niyang sagot. “I’m happy that you finally have your happily ever after love story.” Ngisi niyang sagot. Tumayo na siya at nagpaalam sa akin. “See you later,” saad niya. “Baka magbago ang isip ni Hera, isama mo na. Nakakalungkot naman sa part mo kung ma-o-o.p ka dahil may kasama ako. Hahaha.” “I will try,” sagot ko. Kasama ko na si Hera pauwi sa condo. Sinusubukan ko siyang kumbinsihin na sumama sa akin pero ayaw niya talaga. Hanggang sa maka-akyat na kami sa unit ay hindi ako tumigil. “Aleric, pwede bang ‘wag ng paulit-ulit?” pabalang niyang sagot. “Alam mo naman importante sa aming mga piloto ito kaya’t nagpupursigi kami.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Hindi ka naman ibabagsak ni Devon,” sagot ko. “Ano?” tanong ko sa kaniya. “Aleric, minamaliit mo ba ang kakayahan ko? Ilang taon kong pinag-aralan ang propesyon ko. At ganiyan ang sasabihin mo? Kung may gusto akong makuha ay ginagawa ko iyon ng buong puso. Hindi ako umaasa sa mga connection na mayroon kagaya mo.” “I’m sorry,” saad ko. “Maybe you're tired. Hindi na ako mangungulit. I’m sorry. Huwag ka ng magalit.” Hinawakan ko ang kaniyang pisngi pero iniwas niya sa akin. Huminga siya ng malalim. “You can go,” saad niya. “Baka hinihintay ka na niya.” Napalunok ako. “Honey, I’m sorry. Don’t get mad,” ulit ko. Niyakap ko na siya. “I’m just tired. Im sorry,” usal niya. May kinuha siya sa kaniyang bulsa. ‘Calling card.’ “Since kaibigan mo naman siya. Hindi ko na siya pagbabayarin sa ginawa niya sa kotse ko,” usal niya. “Pagsabihan mo na lang na next time mag-ingat siya. Baka mas malala pa ang mangyari sa susunod kung hindi siya mag-iingat.” Kinuha ko ang calling card. “He’s kind and generous. Please, get along with him. Kapatid na ang turing ko sa kaniya.” “I will,” sagot niya. “Maybe after the examination.” “Thank you,” sagot ko. I order food for you. Hintayin mo na lang madeliver dito. Aalis na ako,” paalam ko. “Okay. Bye,” tipid niyang sagot. Ngumiti ako. “Don’t worry about me,” saad ko. “Hindi ako papagabi masyado.” “You should. Malaki ka na kaya dapat maging responsable ka na sa sarili mo.” Binitawan niya ako at naglakad papasok sa kwarto. “Daanan mo ko sa condo nila Rachel, I stay there while you’re not here. Mag re-review kami.” Before I leave ay hinagkan ko muna siya at hinalikan. Nagtungo ako sa bar na napag-usapan namin ni Devon. Dire-diretso ako sa private room na pinareserve niya. Hindi ko inaasahan na bukod sa amin at sa kasama niyang babae ay nagdala pa siya ng isa. “Aleric, this is Scarlet, my girl for tonight. And her friend, Maylene.” Lumapit siya sa akin at bumulong, “Proxy muna ni Hera ngayon gabi,” maloko niyang sambit. “Gago ka talaga!” saad ko. “No need,” tanggi ko. Nagkibit balikat siya. “Just let her drink and accompany us,” sagot niya. “Hindi ka pa rin nagbabago,” sagot ko. “Kasi hindi ko pa nakikilala ang babaeng magpapabago sa akin,” tawa niyang tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD