Chapter 20

3184 Words
Hera Nyx Taevas “Mama!” bulalas ko ng makita siya kasama ang pulis. Mukha siyang haggard at stress sa kaniyang itsura. “Anak?” Iyon ang nabasa ko sa pagbuka ng kaniyang bibig. Tumakbo siya papunta sa akin at hinagkan ako ng mahigpit. “Diyos ko! Akala ko hindi na kita makikita.” Ang tindi ng hagulgol ng kaniyang anak. “Salamat at binalik ka niya sa akin ng buhay!” Humigpit ang yakap ko sa kaniya. Tahimik akong lumuluha. Upang hindi makita ng iba na umiiyak ay sinubsob ko ang aking mukha sa balikat ni Mama. ‘Akala ko ay hindi ko na rin siya makikita!’ sabi ko sa aking isip. “Mama!” bulong ko habang humahagulgol sa iyak. Naramdaman ko ang pag-aalo sa akin ni Mama. “Tahan na! Nandito na ako,” sabi niya. “Nandito na si Mama, anak ko!” Nanatili ako sa bisig ni Mama. Wala akong pakialam sa iisipin ng iba kung ano ang maging tingin nila sa akin. “Tahan na! Para kang bata riyan. Hindi ka ba nahihiya sa mga katrabaho mo? Ang tanda mo na para mag pabebe sa akin ng ganiyan,” biro ni mama. Nakampante naman ako na maayos na rin ang kaniyang nararamdaman dahil nakukuha na niyang biruin ako. ‘Dahil sa nangyari kanina ay ang daming pumasok sa isip ko. Anumang oras ay pwede tayong mawala sa mundo. Kaya’t gusto kong sulitin ang pagkakataon na kasama ko ang mga taong mahalaga at mahal ko.’ Ayaw ko pa sanang humiwalay sa kaniya pero nang marinig ang boses ni Daddy. Sa imahinasyon ko ay ganito sana ang gusto kong mangyari. “Daddy!” Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Mama. “Anak!” gulat niyang sambit sa akin. Blangko na ang utak ko. Ang gusto ko lang maramdamdan ngayon ay ang pag-aalaga ng magulang ko. Nawala na rin sa isip ko ang posibleng mangyari dahil sa pinaggagawa ko. Sinalubong ni Daddy ang yakap na binigay ko sa kaniya. ‘Akala ko ay iiwasan niya ako at itatanggi.’ “I’m so worried about you!” usal ni Daddy. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa iyong masama. Akala ko hindi na kita mahahagkan, anak!” Pero nang makita si Tita Naomi sa kaniyang likuran ay inalis ko sa aking isipan ang ideya na iyon. ‘Hindi ganoon kadali ang lahat. Pagdating sa pamilya ay napaka komplikado ng aking buhay.’ “Captain Taevas!” tawag niya. “Nasaktan ka ba?” tanong niya. Alam kong nag-aalala si Daddy pero hindi namin maaaring ipakita sa buong madla ang ugnayan namin dalawa. “M-maayos naman po,” kaswal kong sagot. Napatingin ako kay Tita Naomi. Hinawakan niya si Daddy sa braso at masamang tumingin kay Mama. Upang makaiwas na sa awkward na sitwasyon na ito ay muli kong binalingan si Mama ng tingin. Kinuha ko ang kaniyang kamay at pinisil iyon. “Tara na po, Mama!” yaya ko. ‘Sa mga titig pa lang ni Tita Naomi ay alam ko na ang kaniyang ibig sabihin. Ayaw na ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Mama.’ Kaya nga para walang gulo kailangan namin umiwas. “Wait,” pigil sa amin ni Daddy. “Captain Taevas, mas maganda kung pumunta ka muna sa ospital at magpatingin para makasigurado na maayos ka lang talaga.” Pilit akong ngumiti at umiling. “Hindi na po. Wala naman ginawang masama sa akin ang hostage taker,” kaswal kong sagot. Alam kong hindi ako titigilan ni Daddy sa kaniyang kakulitan. Magsasalita pa sana siya ng naunahan na siya ni Tita Naomi. “Bakit ba pinipilit mo pa siya?” tanong niya kay Daddy. Tumingin siya sa akin, “Magpahinga ka na muna Captain Taevas. I’m sure na na shock ka sa mga nangyari.” Magaling talaga siyang magpanggap at magtagpo ng nararamdaman sa harap ng tao kahit pa alam kong may laman ang mga sinasabi niya. “Thank you, Ma’am Hao!” kaswal kong pasasalamat. Naramdaman kong humigpit ang hawak sa akin ni Mama. Tiningnan ko siya at may ngiti sa kaniyang labi ngunit malungkot ang kaniyang mga mata. “Tara na anak,” yaya niya. Hindi rin komportable si mama na magkakaharap kami ngayon. “Ihahatid ko na kayo,” sambit ni Aleric. Tumango na lang ako at hindi na kumontra pero intrimitida talaga si Tita Naomi. “Aleric you don’t have to do that,” saad niya. “Bakit hindi ka na lang mag-utos sa ibang tao na ihatid sila? Beside, hindi magiging maganda sa mata ng tao na makita kang may kasama kang ibang babae.” “Is that so?” pabalang na sagot ni Aleric. “I don’t think na iyon ang maiisip nila kung sakaling may kasama akong iba. Hindi naman makitid ang isip ng tao. Wala namang masama kung ihatid ko ang empleyado ko na nagbuwis ng buhay at muntik ng mamatay ng dahil sa nangyari. Hindi ba’t magiging good image pa nga iyon sa akin dahil malalaman ng tao na ang katulad ko ay pinapahalagahan ang maliliit na tao.” Hindi nakasagot si Tita Naomi. Napansin ko na lang napangiwi siya. Napansin ko naman sumenyas si Daddy kay Aleric at binigyan ng approval ang gustong mangyari ni Aleric. “Shall we, Captain Taevas?” Tumingin siya kay mama. “Mrs. Taevas?” “Okay!” kaswal na sagot ni mama. “Umalis na tayo.” Paglabas ng airline ay naka-abang pa rin ang mga reporters pero si Derek na ang humarap sa kanila. Ang ilang security ay inalalayan kami nina Mama at Aleric papuntang parking lot para maka-iwas sa media at makaalis na sa lugar. Pinagbuksan niya kami ni Mama ng pintuan. Hindi kami naghiwalay ni Mama at magkatabi kaming umupo sa passenger seat ng sasakyan ni Aleric. “Mrs. Taevas, I’m really sorry kung hindi ko naprotektahan ang inyong anak.” Bulalas ni Aleric ng makasakay. Kinuha pa niya ang kamay ni Mama at nanghihingi ng tawad. “Hijo, wala naman may gusto ng nangyari. At hindi mo na kailangan magpaka-pormal. Kami nga dapat mag-ina ang dapat humingi ng pasensiya at magpasalamat dahil ligtas ang aking anak.” Sabi ni Mama. “A-ano nga pala ang pangalan mo, Hijo?” usisa niya. “I’m Aleric Zeus Marcet, the President of Marcet Airline!” pormal na pakilala niya. “Ano?” gulat na tanong ni Mama. “Diyos ko! Hindi ko inaasahan na presidente pa pala ang kasama natin ngayon.” Tumingin sa akin si Mama at tinapik ako. “Bakit hindi mo naman sinabi agad na siya pala ang boss mo.” Napangisi ako. “Ma, si Aleric. Boyfriend ko!” pakilala ko kay Mama. “Ano?” gulat na naman siya sa sinabi ko. Hindi pa nakakapag-react ay sinundan kaagad ni Aleric ang sinabi ko. “Tita, it’s nice to finally meet you!” tugon ni Aleric. Napanganga lang si Mama at hindi nakapagsalita. “Totoo ba ang sinasabi niyong dalawa?” tanong niya. “Teka nga! Baka ginu-good time niyo lang akong dalawa?” Nagtawanan kaming pareho ni Aleric sa naging reaksyon ni Mama. Habang nasa biyahe pauwi sa bahay ni Mama ay sinabi ko ang lahat tungkol sa amin ni Aleric. Unti-unti naman niyang na-a-absorb ang lahat at nagtatanong kapag may gusto pang malaman. “Mama alam po ni Aleric ang tungkol sa pamilya natin. Kahit si Daddy ay alam na ang tungkol sa amin dalawa.” Huminga siya ng malalim. “Gusto ko rin maging masaya ka. Hindi ko ipagkakait sa iyo ang bagay na gusto mo, Hera. Pero natatakot lang ako na baka kapag nalaman ni Aimee at Naomi ang tungkol sa inyo ay mapahamak ka.” “Tita, hindi ko po hahayaan na masaktan nila si Hera!” sabat na sabi ni Aleric. “Hindi niyo po kailangan mag-alala dahil gagawin ko po ang lahat para maging safe siya.” Bumuntong hininga si Mama. “Wala akong tutol sa relasyon niyong dalawa. Basta tandaan niyo lang ang posibilidad na mangyari. Dahil hindi ang katulad ni Naomi at Aimee ang sumusuko at nagpapatalo.” Isang oras din ang itinagal ng biyahe namin. Hindi pumayag si Mama na umalis kaagad si Aleric pagkahatid sa amin. “Hijo, samahan mo muna si Hera na magpahinga sa kaniyang kwarto,” bilin ni Mama. “Maghahanda lang ako ng makakain. Tatawagin ko na lang kayo.” Sinunod ko ang gusto ni Mama. Sinama ko si Aleric sa kwarto. ‘Feeling ko binubugaw na ako ng nanay ko. Hindi ba dapat protective siya? Pero bakit pinapaubaya na niya ako kaagad kay Aleric, e hindi naman niya kilala ng lubusan si Aleric?’ “Is this your room?” tanong ni Aleric ng makapasok kami sa kwarto. “Minimalist design lang talaga ang gusto mo, no.” “Oo!” sagot ko. Hinuhubad ko na ang aking sapatos at medyas. “Si Daddy ang nagpagawa ng bahay na ito pero lahat ng detalye tungkol sa design at iba pang construction ay kaming dalawa ni Mama ang nagdesisyon. Kung minsan bumibisita rito si Daddy pero napakadalang lang.” “Dahil ba kay Tita Naomi?” “Oo!” tugon ko. “Gusto namin lumayo sa gulo. At least dito walang nakakakilala kay Mama kaya malaya siyang namumuhay dito ng matiwasay.” Nang makuha ang tuwalya ay nagpaalam ako kay Aleric, “Diyan ka na muna. Maglilinis at magpapalit lang ako sandali. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin habang hinuhubad ang aking damit. May ilang pasa sa aking katawan. Sa balikat, leeg at ilang pasa sa tagiliran. Naging blangko ang isip ko. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na maligo sa umaagos na tubig sa shower. Nang makaramdam ng panlalamig ay trumigil na ako sa paliligo. Nagsuot ako ng oversize na damit at maikling short. Paglabas ko sa kwarto ay nakatayo si Aleric at tinitingnan ang mga litrato na nakasabit at nakalagay sa lamesa. “Ang cute-cute mo nung maliit ka pa!” puna niya. Nilapitan ko siya at kinuha ang frame doon. “Noong bata ako kuhang-kuha ko ang mukha ni Daddy. Pero nung lumaki na ako, parang nagmaliw. Hehe. Kamukha ko na si Mama ngayon.” “Siguro,” sagot niya. “Pero kapag tinitignan kita ng matagal, nagiging kamukha mo si Tito Marvin. Actually hati sila ni Tita Hilarie.” Tumindig ang aking balahibo ng maramdaman ang hininga ni Aleric sa ulunan ko. Dahan-dahan ko rin naramdaman ang kaniyang mga bisig na yumakap sa aking baywang at niyakap ako ng mahigpit. “Akala ko ay mawawala ka na sa akin! Nag-uumpisa pa lang tayo pero gusto na ng langit na ipagkait ang kasiyahan ko,” saad niya. Hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang braso na nakayakap sa aking baywang. “Kung sakali ‘man na mawala ako. Tandaan mo na ikaw lang ang mahal ko,” sagot ko. “Iyong nangyari kanina ay wake-up call na rin sa akin.” Umikot ako upang makaharap sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hiniga ko ang aking ulo sa kaniyang dib-dib. “Ipaparamdam ko palagi sa iyo kung gaano kita kamahal. Para kung sakaling mawala ako ng biglaan ay wala akong pagsisisihan dahil pinaramdam ko sa iyo ang aking pagmamahal. Ayoko nang magkaroon ng regrets sa buhay.” Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. “Mahal na mahal kita, aleric. Kahit anong mangyari ay hindi na kita iiwan. Hindi na ako magiging selfish. Hindi na kita sasaktan. Ngayon, iisipin ko ang mga bagay na magpapaligaya sa akin at hindi ko iyon pagkakait sa aking sarili.” Aleric Zeus Marcet Dahan-dahan kong inangat ang kaniyang mukha. Tinitigan ko ng buong pagmamahal ang kaniyang mga mata. Hindi ko na kailangan magsalita dahil ang gusto ko ay iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Binaba ko ang aking labi sa kaniyang labi. Marahan kong hinahalikan iyon na may pag-iingat. Kinalawit niya ang kaniyang kamay sa aking leeg at dahan-dahan din tinugunan ang aking mga halik. “Ahh!” ungol niya ng bigyan ko siya ng pagkakataon na huminga. Tinuloy namin ang paghahalikan sa kama at doon ninamnam ang bawat labi ng bawat isa. Nadadala na rin ako sa init ng aking nararamdaman. Kusang gumagapang na ang aking mga kamay sa kaniyang katawan at nawala na sa ulirat. Dahil maluwag ang suot na damit ay malayang nakakagalaw ang aking mga kamay sa kaniyang katawan. Binaba ko ang aking halik sa kaniyang leeg. Noong una ay nakapikit pa ako pero ng idilat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang pasa roon. Napahinto ako sa aking ginagawa. Hinaplos ko ang marka roon. “Kung nasa tabi mo lang ako, hindi mangyayari ito!” Ngumiti siya at hinaplos ang aking mukha. “Walang may kasalanan. Wala rin may gusto ng nangyari.” Sagot niya. “Alam mo ba hinahangaan ko ang taong iyon. Kasi kaya niyang ipaglaban ang pamilya niya. Lahat gagawin niya para lang makasama ang pamilya niya. Hindi niya iniisip ang posibilidad na mangyari sa kaniya dahil asawa at mga anak niya ang laman ng kaniyang utak. Ginawa niya lahat iyon para sa pamilya,” paliwanag ko. “Sana ganoon ako katapang para ipaglaban ang pamilya na dapat mayroon ako. Ipaglaban si Daddy na makasama siya madalas kagaya noon. Ipaglaban ang karapatan ko bilang anak niya at ipagsigawan sa buong mundo na kahit anak niya ako sa ibang babae ay naramdaman ko na maipagmalaki niya.” “Lahat ng iyon pwede mangyari kung gugustuhin mo,” sabi ko. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at pinasok ang daliri sa pagitan ng kaniyang mga daliri. “Let’s fight together. Huwag mo ng isipin ang sasabihin ng iba. Ang mahalaga tayo. Ang mga mahal mo sa buhay. Ang maging masaya.” Siniil ko siya muli ng halik sa labi. Mas nag-init ang katawan ko ng bigyan ako ng go signal ni Hera. Ang magkabilang hita niya ay bumuka at niyakap iyon sa aking baywang. Pinasok ko ang aking ulo sa kaniyang damit at hinalikan ang ibabaw ng kaniyang dib-dib. Kahit may maliit na saplot doon ay kapa ng dila ko ang nakaumbok na tuktok doon. Naririnig ko siyang napapa-ungol ng mahina. “Hera! Aleric! Handa na ang pagkain. Napapikit ako ng mariin at napahinto. Nakalimot kami sandali dahil sa bugso ng aming damdamin. Napangisi naman si Hera. “Sorry!” bulong niya sa aking ulo. Lumabas ako sa kaniyang damit. Ramdam na ramdam ko ang init ng aking mukha dahil malapit na. Nandoon na sa part na pwede na. “Kumain muna tayo at mamaya itutuloy natin ito!” pang-aasar ni Hera. Tumingin siya sa gawi ng pinto at nagsalita. “Palabas na po, Mama!” Inayos namin pareho ni Hera ang aming mga sarili. Hawak ang aking kamay ay sinundan ko na lang siya palabas ng kwarto. Amoy na amoy namin ang nilutong miryenda ni Tita Hilarie. “Siguradong magugustuhan mo ito, Hijo!” saad niya. “Pasensiya na kung tinawag ko pa kayo. Hindi kasi masarap ito kapag lumamig. Pwede naman kayo ulit magpahinga mamaya pagkatapos kumain.” Madaldal pala si Tita. “Aleric, dito ka na maghapunan ha? Ipapakilala kita sa kapatid ko. Alam mo bang excited iyon na makilala ang boyfriend ng anak ko?! Tiyak magkakasundo kayong dalawa.” “Sure, TIta! Pwede po ba dito na lang din ako magpalipas ng gabi? Bukas na lang ako ng umaga uuwi.” “Oo naman!” walang alinlangan niyang sagot. “Malaki naman ang kwarto ni Hera at kasyang-kasya kayo roon.” “Ma!” sabat ni Hera na mukhang naiinis na. “O bakit?” tanong ni Tita. “Huwag ka magpaka-impokrita riyan. Sa edad niyong dalawa ay normal lang naman na…alam niyo na iyon.” Napuno ng kwentuhan at tawanan ang aming pag-uusap. Kalog din pala si Tita Hilarie which is kabaligtaran ni Tita Naomi. ‘Kaya siguro hindi napigilan mahalin ni Tito Marvin ang babaeng ito dahil malakas ang sense of humor at may mabuting puso.’ “Pupunta na muna ako sa supermarket. Doon na rin kami magkikita ng Tita Tinay mo. Kayo na muna ang bahala rito sa bahay, ha?!” BIlin sa amin. Hindi na kami nakasagot ni Hera dahil dire-diretso na itong lumabas ng bahay. “Gusto mo bang manood ng TV? Meron magandang palabas na movie ngayon.” Yaya niya sa akin. Dumiretso na siya sa sala at pinaandar ang TV. Tinabihan ko na lang siya sofa at sinakyan ang trip niyang gawin. Pareho namin hindi inaasahan na sa kalagitnaan ng pinapanood namin ay naging Rated S.P.G iyon. ‘Hindi mo naman kasi maiisip iyon dahil sa pamagat ng pelikula.’ Dahil sa scene at ungol na nanggagaling sa TV ay hindi na namin napigilan ni Hera ang aming mga sarili. Wala na sa telebisyon ang aming atensyon dahil nabaling na iyon sa aming ginagawa. Hinubad ko ang kaniyang pang-ibabaw na damit at tinira ang maliit na saplot doon. Hindi na ako nag pigil dahil kaming dalawa na lang naman ni Hera dito sa bahay. Kahit anong ungol ang gawin namin ay wala ng makakarinig kun’di kaming dalawa lang. “I been dreaming this to happen,” garalgal kong sambit. “Zeus!” tawag niya sa akin. Kinuha ko ang kaniyang kamay at hinalikan iyon. “Say it again!” sabi ko. “Zeus!” Iyon ang na-miss kong itawag niya sa akin. Malambing iyon at puno ng pang-aakit. “You make me crazy over and over again, Hera!” bulong ko. Sinunod kong tanggalin ang pagkakasara ng kaniyang short. Ginagawa ko iyon habang patuloy na nilulunod siya sa aking halik. Napahinto ako sa aking ginagawa dahil sa pagtataka ng mapatawa siya. “Why?” tanong ko. She chuckled, “Hanggang ngayon alam na alam mo talaga ang kahinaan ko.” Dumagan ako sa kaniyang ibabaw at marahan siyang hinalik-halikan. “At alam na alam mo rin kung paano mo mapapainit ang buong katawan ko!” sagot ko sa kaniya. “Let’s continue, honey!” magiliw kong sabi. Nang mabawi ang lakas naming dalawa mula sa pagkapahod kanina ay isa-isa kong dinampot ang aming mga damit na nagkalat sa lapag. Pinatay ko rin ang TV bago ko siya buhatin. Napatakip siya sa kaniyang mukha. “Hoy, feeling Adonis! Baka gusto mo muna magsuot ng saplot bago ka lumakad -lakad dito sa kabahayan.” “Tayo lang naman ang nandito ha? Walang ibang makakakita nito kun’di ikaw lang!” sambit ko. Kinarga ko siya na parang sanggol upang dalhin sa kaniyang kwarto. “Ibaba mo na ako,” sabi niya habang patuloy na tumatawa. “Huwag ka ngang magulo,” awat ko sa kaniya. Bago lisanin ang sala ay muli ko iyon tinapunan ng tingin at tiningnan ang buong area. ‘Malinis na ulit iyon at hindi na mukhang binagyo. Sinigurado kong ni-lock ang pintuan ng makapasok sa kwarto. Pagbaba ko sa kaniyang kama ay isa-isa kong sinuot ang kaniyang damit at short. “Nasaan iyong undies ko?” tanong niya. “Huwag mo ng suotin. Para mamaya sa next round pasok kaagad,” kantiyaw ko sa kaniya. Pinalo niya ako sa dib-dib, “Loko ka talaga!” singhal niyang sabi. Kinindatan ko siya at nginitian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD