Chapter 31

3080 Words
Hera Nyx Taevas “Lasing ka na naman?” tanong ko sa kaniya ng maamoy ko siya. “Hindi naman lasing. Uminom lang naman kami ng kaunti ni Devon.” Hinalikan niya ako sa pisngi. “Sorry for keeping you waiting.” Huminga ako ng malalim at hindi na sumagot. Kinabukasan ay gano’n na naman. Ihahatid niya lang ako pauwi at aalis na siya. “Aleric…” tawag ko sa kaniya. Tinitigan ko pa siya ng matagal. “Yes, honey?” tanong niyang tugon. Umiling lang ako. “Huwag ka na masyadong uminom. Umuwi ka ng maaga. Hindi healthy ang ginagawa mo gabi-gabi,” paalala ko. “I will, honey!” Sagot niya at hinalikan ko. “Ayaw mo bang sumama?” tanong niya. Like the past few days ay tinatanggihan ko siya. “Okay! Hindi na kita pipilitin.I love you,” sabi niya. “I love you!” Kinuha ko ang susi at dire-diretsong pumasok sa loob ng unit. Dumiretso ako sa sofa at nahiga roon. Dala ko ang test guide reviewer na binabasa at pinag-aaralan ko. “Gabi-gabi ka na ata nandito?” puna niyang tanong sa akin. Si Rachel iyon na kakalabas lang ng kwarto. Patulog na siya dahil suot niya na ang facemask. “May problema ba kayong dalawa?” usisa niya. Kinuha niya ang hawak kong libro. “What?” natatawa niyang tanong. Huminga ako ng malalim at nagkibit balikat. Hindi ko siya pinansin at umiwas. “Hera?” tawag niya. “What’s going on?” dugtong niya. “Wala,” irita kong sagot. Mula sa pagkakahiga ay umupo ako. “Ako pa ba ang lolokohin mo?” nangingisi niyang tanong. “Hera, I know you.” Tumingin ako sa kaniya. “Naiinis lang ako.” Tipid kong sagot. “Naiinis? Saan?” Inirapan ko siya, “Hindi saan, kun’di sino!” sagot ko. Humiga muli ako. “Hindi ko gusto ang nagiging ugali ni Aleric. Simula ng nakasama niya si Devon ay nag-iba siya.” “Nagseselos ka ba kay Devon?” tanong niya. “Ikaw ang nagsabi sa akin na magkababata sila. Niyayaya ka pero ikaw itong ayaw sumama,” sabi niya. “May sense ba ang pag-a-alboroto mo? Ikaw ang may kasalanan kaya ka nagkakaganiyan ngayon.” Paliwanag niya sa akin. “Bakit kasi ayaw mong maka-bonding ang lalaking iyon? Kung magkaibigan at magkababata sila ni Aleric ay sigurado naman magkakasundo kayong dalawa.” “Hindi ako nagseselos. Hindi ko lang kasi ma-explain itong nararamdaman ko.” Umupo ako muli mula sa pagkakahiga. “Ramdam ko kasing hindi magandang impluwensya ang lalaking iyon kay Aleric. Okay? ‘Yun lang!” Kahit ako sa sarili ko ay naiinis lalo na sa mga nakalipas na gabi. “Gabi-gabi silang magkasama. Tapos, mangangako na susunduin ako rito sa condo, pero wala. Naghihintay ako sa wala. Pag-uuwi ako madadatnan mong tulog na kasi lasing.” “Chillax!” payo niya. “Bakit hindi mo kasi kausapin?” “Ayoko. Mas lalo lang akong naiinis. Kaya nga hindi ko pinagpapapansin.” “E kaya naman pala kampante ang gago kasi wala kang paki-alam. Baka naman kasi iniisip niya na maayos ang lahat.” Ngumisi siya, “Gantihan mo kaya?” natatawa niyang suhestiyon. “Para maramdaman niya iyang nararamdaman mo. Good idea, ‘di ba?” “Pwede!” sagot ko. “Tuturuan ko talaga ng leksyon ang lalaking iyan.” Nag-apir kaming dalawa ni Rachel. “Basta kalokohan, madalas tayong nagkakaintindihan,” sambit ko. Tumawa siya ng malakas. “It’s just a test. At least malaman niya kung anong feeling. “I’ll do it after the proficiency check.” sagot ko. Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Kinuha ko ang book sa kaniya. “Basta kasama kita, o kahit lahat sila pwera lang kang Aleric. On me?” “Of course,” walang alinlangan niyang sagot. Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. “Bye!” paalam ko. “Hindi ko na iistorbohin ang beautyrest mo.” I waved my hand to bid him goodbye. Pabalik na ako sa unit namin ni Aleric ng makasabay ko sila sa hagdan. Hindi lang silang dalawa pero apat. At ang dalawang tao na iyon ay babae pa. Nagsawalang kibo ako at hindi nag paapekto sa kanila. 'Para akong sasabog pero sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.’ Paghinto sa floor ay di-diretso na sana ako palabas ng marinig ang boses ni Devon. “Hera, can you help us?” Sambit niya. Lumingon ako sa aking likuran at nginitian siya. “Hindi na. Kaya niyo naman dalawa,” pahaging kong salita. Namutla naman ang babae ng magkatitigan kami. Isa rin kasi siya sa umaalalay kay Aleric. Hinintay ko ang tatlo sa harap ng unit. Nang malapit na sila ay saka ko na lang binuksan iyon. “Bahala ka na sa kaniya,” sambit ko. “Hera! Can I talk to you for a minute?” Sambit niya. Ngumiti lang ako. Binalingan niya ng tingin ang dalawang babae. “Mauna na kayo sa parking lot. Hintayin niyo ako sa kotse,” saad niya at binato pa ang susi sa dalawa. Mag-isa niyang binaba si Aleric sa sofa. Hindi ako umalis sa aking kinatatayuan. Pinagmamasdan ko lang siya sa kaniyang ginagawa. Binalingan niya ako ng tingin at bumuntong hininga. Naglakad siya papalapit sa akin. Nakipagtitigan ako sa kaniya. Sinusubukan basahin ang nasa isip niya. “I just want to apologize,” sabi niya. “I’m sorry. Kasalanan ko na may kasama kaming mga babae.” Tumango-tango ako. “Bakit ikaw ang magso-sorry para sa kaniya. And beside, hindi mo lang kasalanan. May kasalanan din siya dahil choice naman niya kung anuman ang ginawa niyong dalawa. He wants to be with you and drink all night? It’s fine, because choice niya iyon. He mingle with other woman, choice niya pa rin iyon. And I have nothing to do with it. Kasi iyon ang gusto niya.” Paliwanag ko. “Walang nangyaring gano’n. Mali ang iniisip mo, okay?” “The more you explain, the more you expose your lies!” Sambit ko. Tatalikuran ko na siya ng hablutin niya ang aking kamay para pigilan. “I’m not lying,” depensiya niya. “Okay!” tipid kong sagot at hinawi ang kaniyang kamay. “But I just want to show you his true colors,” pahaging niyang tugon. “Dadating ang panahon na kapag nakakilala siya ng ibang babae ay itatapon ka rin niya na parang si Aimee.” “Anong motibo mo? Bakit sinasabi mo ‘to?” giit kong tanong. “Anong gusto mong mangyari?’ “Nothing. Gusto ko lang makilala mo ang totoong Aleric.” “Because?” tanong ko. “Hindi mo pa kilala ang totoo niyang pagkatao!” mariin niyang sabi. Sumulyap ng tingin kay Aleric. “At ayaw kitang masaktan!” Natigilan ako sa sinabi niya. ‘Tama ba ang pagkakarinig ko?’ “Maybe you are right.” Matigas kong sagot. Hindi ako pwede magpakita ng kahinaan. “Pero wala ka ng rason para panghimasukan pa iyon.” Pabalang kong sagot. “Correct. I just want to remind you. You deserve better than him.” Sinundan ko siya ng tingin palabas ng pinto. ‘s**t! Ginugulo niya ang utak ko. Anong pinagsasabi niya?’ Ilang minuto rin akong nakatayo habang sinusulyapan ang lalaking nakahiga sa sofa. Nagdadalawang isip pa ako ng lapitan siya pero ng marinig ko na may sinasabi siya ay lumapit ako. Nakangiti pa ang gago habang tinatanggal ang pagkakabotones ng kaniyang suot. And I was shocked. ‘May mga red marks sa kaniyang dib-dib.’ Sa sobrang galit ko ay nakutusan ko talaga siya sa ulo. “Awww! Devon, masakit!” usal niya. Napapikit na lang ako at umalis. Dumiretso ako sa kwarto at doon pilit na pinapakalma ang aking sarili. Tulala at blangko ang isip. Sumibol na ang haring araw pero dilat na dilat pa rin ang aking mata. Para akong robot na tumayo at pumunta sa banyo para maligo. Tinodo ko pa ang shower para magising ang mga ugat-ugat ko. Pati na rin ang diwa ko. “Ahh!” Napasinghap ako ng maramdaman na may pumulupot sa aking baywang mula sa likuran. Napakagat labi ako dahil nagsimula na naman kumulo ang dugo ko sa galit. Sumagi sa isip ko ang mga marka sa kaniyang katawan. ‘Kaya ng maramdaman na hinahalikan niya ako sa katawan ay hindi ko na napigilan ang aking sarili. Pinatay ko ang shower at kinuha ang tuwalya. Pinantakip ko iyon sa hubad kong katawan. “Honey, what’s the problem?” tanong niya ng lampasan ko siya. “Sorry kung late na naman akong nakauwi. Nagkasayahan lang kami ni Devon,” paliwanag niya. Mapait akong napangiti at hinarap siya. “Tinatanong mo kung anong problema?” tanong ko. Naglakad ako palapit sa kaniya at sinampal ko siya. “Tingnan mo nga ang sarili mo!” saad ko. “Tingnan mo ang katawan mo!” bulyaw ko. “Ngayon, kapag nakita mo na ang sarili mo. At saka mo ulit tanungin kung ano ang problema ko!” Hinabol niya ako palabas ng banyo pero hindi ako nagpatinag. Pilit ko siyang pinalalayo sa akin. “Lasing na lasing ka kagabi. Actually hindi nga lang kagabi, gabi-gabi kang lasing. What’s wrong with you?” tanong ko sa kaniya. “I-I’m sorry, Hera.” Hingi niya ng tawad. “Mag e-explain pa sana siya pero hindi ko na hinintay iyon. “Kaya ko pang intindihin ang pag-iinom mo. Mapagbibigyan ko pa ang mga gabing pinaghihintay mo ko. Pero iyan?” dinuro ko ang mga marka sa kaniyang katawan. “Hindi.” Ngumisi ako. “I thought I really knew you. Hindi pala. Siguro nga marami ng nagbago and the worst thing decision I made? Iyon ang nakasima pa ako ulit sa iyo.” Sagot ko. Lumuhod siya at nagmakaawa. “Please, huwag kang magsasalita ng galit. Huwag kang magsasalita ng makakasakit sa ating pareho,” saad niya. “I’m sorry. H-hindi ko alam ang nangyari pero wala akong ginawang ganito. Mali ang iniisip mo!” Tumango ako. “Tama! Mali nga ang iniisip ko.” Pagmamatigas kong sagot. “Mali ako na binigyan pa kita ng pagkakataon para saktan muli ako. Mali ako na naniwala ako sa mga salita mo.” Nagmadali akong magbihis. Wala akong paki-alam kung nasa harapan ko siya. “I will move out!” Nanlilisik ang mata ko habang tinitingnan siya. “Lahat ng gamit ko ay ibalik mo sa unit ni Rachel!” “Hera!” tawag niya. Kahit anong tawag niya ay hindi ko na siya nilingon. Hindi ako nagpapigil kahit ilang beses niya akong pinipigilan. “Hera, please!” pagmamakaawa niya. Pagpasok ko sa elevator ay susunod pa sana siya pero binantaan ko na siya. “Subukan mo? Subukan mong pumasok dito at pagsisisihan mo!” “Mag-usap muna tayo,” saad niya. Ngumisi ako at umiling. Nanginginig ako dahil sa galit. Tumutulo ang luha sa aking mata pero pinipigilan ko iyon. ‘I don’t deserve this!’ Bumaba ako sa floor ng unit nila Rachel. Pambahay lang ang naisuot ko kanina dahil sa kakamadali kaya kailangan ko pang manghiram kay Rachel ng uniform. “Hera.” Si Steph iyong tumawag sa akin. Umiinom ng tubig. Mukhang kakagising lang niya. “Anong nangyari sa iyo?” tanong niya. Umiwas ako. “Wala!” mahinahon kong sagot. “May kukunin lang ako sa kwarto ni Rachel,” paalam ko. Tumango lang siya at hindi na nagsalita dahil umiinom ng tubig. Pagkatapos kong magbihis ay nagmadali na akong umalis. “Hera,” tawag muli sa akin ni Steph. “Sigurado ka bang okay ka lang.” “Uhm-uhm!” ungol kong sagot. “May pasok ka ba?” tanong ko. “Wala. Hanggang bukas!” sagot niya. Ngumiti ako. “Punta tayo sa bar,” saad ko. “Text mo na lang sila. I have to go. Male-late na ako,” pagdadahilan ko. Bag umalis ay binalikan ko pa siya. Niyakap at hinalikan sa pisngi. “I miss you,” sagot ko. “See you later!” Aleric Zeus Marcet Ilang beses kong dinayal ang number ni Devon pero hindi sumasagot. Halos manakit na nga ang mga daliri ko sa kakadayal. “s**t!” mura ko sa aking sarili. Binato ko ang cellphone sa kama at dumiretso ng banyo. Sa bawat galaw na ginagawa ko ay hindi ko tinitigilan ang pagtawag sa kaniya. “Finally!” saad ko. “89 miss calls? Are you serious, Aleric?” tanong niya. Malat ang boses at halatang kakagising lang. Magsasalita na ako ng magsalita siya. “Ah, I know!” sagot niya. “I tried to explain everything last night, but she’s not listening. I said it was my fault. But she’s thinking that I’m fooling her.” “s**t!” mura ko. “Ano bang nangyari? Bakit ba kasi ang daming red marks sa katawan ko?” tanong ko. “You can’t remember?” natatawa niyang sambit. “Akala ko nagbago ka na talaga. Pero hindi pa pala. Maylene do that. Paano naman kasi pinatulan mo pa sa pakikipaghalikan.” Paliwanag niya. “Bago pa umabot sa sukdulan ay inawat ko na kayong dalawa. Aleric, para kang gutom na gutom kagabi. Hindi ka ba pinagbibigyan ni Hera?” bulgar niyang tanong. “Did I really do that?” tanong ko. Hindi ako makapaniwala na mawawala ako sa katinuan dahil sa alak.” “Aleric, don’t blame yourself. Iyan ka naman talaga hindi ba? You never changed!” Napahilot ako sa aking sintido. “Past is past, Devon. You don’t have to remind me about it. But I’m telling you, I changed because of Hera. I love her!” “So, what happened?” usisa niyang tanong. “Galit na galit siya,” sagot ko. “Alam mo naman ganiyan ang ugali ng mga babae. Say sorry, give her a flower… Magiging okay din kayong dalawa.” Ngumisi siya, “Anong nangyari sa Aleric na kilala ko? Iyong Aleric na kayang baliwin ang mga babae?” Huminga ako ng malalim at binaba na ang tawag. Nagmamaneho ako papuntang airport ng mag ring ang aking cellphone. Ang naka register na number doon ay ‘MyPussyCat’. Sinagot ko iyon. “What the f*ck! Who are you?” bulyaw ko sa kabilang linya. Boses ng babae ang naulinigan ko sa kabilang linya. “Hey,! It’s me Maylene,” pakilala niya. “Goodmorning,” malambing niyang bati. “Why are you calling? At paano naregister ang pangalan mo sa cellphone ko?” “It’s you who do that, MyPussy!” “Shut up!” galit kong tanong. “Don’t call me ever again!” banta ko. “How can you say that? Aleric it’s fine with me kung ilang babae pa kami sa buhay mo.” “Nasisiraan ka na ba ng ulo?” tanong ko sa kanila. “Tigilan mo na ako. Or else hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Do you understand?” “Fine. If that is what you want. By the way, I have a gift for you. Not really a gift, but a remembrance. Bye!” Ilang minuto lang ang nakalipas pagkatapos namin mag-usap ay muling nag-appear ang kaniyang pangalan. Nag message siya. Nanlaki ang mata ko. ‘We’re kissing!’ Gaya ng sinabi ni Devon. Binura ko ang video na iyon. “s**t!” mura ko. “What have I done?” tanong sa aking sarili. Napakuyom ako sa manibelang hawak ko. Pagdating sa opisina ay cellphone kaagad ang kinuha ko. Sinend ko kay Devon ang video. Ilang segundo lang ay nag ring na iyon. “Naniniwala ka na ba?” tanong niya. “Damn, Devon! Patahimikin mo ang babaeng iyan,” saad ko. “Hindi ko hahayaan na sirain niya ang relasyon namin ni Hera. Get it?” “Okay. Okay. I’ll talk to her.” “Make sure na ide-delete niya ang video na iyan. Or else,” Ngumisi siya, “Or else, what? Aleric. You know that we’re still waiting for you. Pwede natin ituloy ang nasimulan natin.” “Devon, this is not the right time to talk about that matter. Just please, help me with this problem. Okay?” “Okay!” sagot niya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay napalamukos ako sa aking mukha. “Derek!” tawag ko. Agad naman siyang pumasok sa aking opisina. “Yes, President?” “Nandito na ba si Hera?” tanong ko sa kaniya. Kinuha ni Derek ang monitoring tablet na kaniyang dala. “Yes, President. On board na siya para sa kaniyang flight.” Tumingin siya sa kaniyang oras. “20-30 minutes at magta-take-off na.” “Inform me when she will get back. I need to talk to her!” “Nag-away kayo?” tanong niya. “Don’t ask!” pabalang kong sagot. “Now leave!” Devon Tamayo “Boss!” tawag ng aking kausap. Tiningnan ko lang siya. “Your flight is ready. Everything is settled,” saad niya. “Good!” Sambit ko. “Let’s go,” yaya ko. “I miss my doll,” dugtong ko. Naiimagine ko pa lang ang reaksyon niya kapag nakita ako ay tawang-tawa na ako. Pagsakay sa eroplano ay pinakita ko na ang I.D ko, “Good afternoon, Captain Tamayo!” bati nila sa akin. “Good afternoon, I will be the substitute Co-Pilot on your flight.” Saad ko. Dire-diretso akong pumasok sa cockpit. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumati na ako. “Wow! What a fate, Captain Taevas!” bati ko. Sinimangutan niya ako, “And what the hell are you doing here?” tanong niya. Umupo ako sa kaliwang upuan. “Captain Taevas, I will be the substitute, Co-Pilot. I’m already done with my duty and ready to take off.” Kinindatan ko siya. “Now I really believe that you and I are meant together.” “Delusional!” sagot niya. Ngumiti lang ako. “Not really,” tipid kong sagot. “Captain, I’m so excited to work with you!” “I’m not!” matigas niyang sagot. Napatawa ako. “Look, Hera! I really don’t know kung bakit mainit ang dugo mo sa akin. Wala naman akong ginagawang mali,” pang-aasar ko sa kaniya. “If it’s about Aleric? Sinabi ko na sa iyo na kasalanan ko. Pero ayaw mong tanggapin.” Inirapan niya ako. "Shut up! And don;t ever mention his name.” Galit niyang tugon. “Owww…” tipid kong tugon. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at palihim na ngumiti. ‘My doll…’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD