Chapter 22

3383 Words
Hao Residence “Daddy, nakita ko si Captain sa news. Is she okay?” tanong ni Hersey sa ama. “Can I visit her Daddy?” Sumubo ng isang kutsara at nang malunok ang kinakain ay muli siyang nagsalita. “I miss her.” Nasa isang hapag kainan ang lahat at kumakain ng kanilang almusal. Dahil sa bungad ni Hersey na salita ay nawala na naman sa mood ang mag-inang Naomi at Aimee. Sinusubukan nilang magtimpi dahil kaharap si Marvin. Hinimas ni Marvin ang buhok ng anak at masayang kinausap. “She’s fine, anak. Hayaan mo at tatawagan ko siya para tanungin kung kailan kayo pwede magkita.” “Thank you, Daddy!” Masiglang sagot ni Hersey sa ama. “Hahayaan mo na naman makasama ng babaeng iyon ang anak natin?” Singhal ni Naomi. “Tatawagan? E ‘di ba pinuntahan mo na siya sa bahay nila?” Napangiwi siya. “Hanggang ngayon ay nagpapapansin ka pa rin sa babaeng iyon!” Masamang tinignan ni Marvin ang asawa. “Shut up, Naomi! Nasa hapag kainan tayo at kaharap ang ating mga anak. Bakit ba palagi ka na lang humahanap ng dahilan para ganituhin mo ako?” Kampante naman sumabat sa usapan si Aimee. “Bakit? Totoo naman, ah!” sagot niya. “Iyang magaling na anak niyo, bida-bida na naman. Pati kay Aleric ay nagpapapansin,” usal niya. “Kapag nalaman ko talagang kinakalantari ng babaeng iyan si Aleric ay hinding-hindi ko talaga siya titigilan. Palibhasa makati ang ina kaya namana ng anak. Galit na galit na tinapon ni Marvin ang kutsara sa lamesa. “Hindi ba kayo titigil?” bulyaw niya sa dalawa. “Wala ka o sinuman sa inyo ang may karapatan na matamatahin at pag-sabihan ng hindi maganda si Hera at ang kaniyang ina.” Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan. Matalim na tiningnan ang asawa. “Isa pang beses na magsalita kayo ng ganiyan ay huwag niyong aasahan na magiging mabait pa ako sa inyong dalawa. Lalo ka na Aimee! Kapag sinaktan mo si Hera, ako na ang makakalaban mo!” banta niya. Sinabayan ni Aimee ang galit ni Marvin. “Bakit ba kinakampihan mo na lang palagi ang babaeng iyan?” tanong na sigaw ni Aimee. “Kahit kailan laging ang putok sa buho ng babaeng iyon ang mahalaga sa iyo. Sa paningin mo, siya palagi ang magaling sa iyo!” Napakuyom ng kamao si Marvin at napapikit. Tinalikuran niya ang anak at ibinaling ang tingin sa asawa. “Pag-sabihan mo iyang anak mo!” madiin niyang sagot. Nagkatinginan ang tatlong magkapatid na si Cassie, Austin at Nigel. Walang galit ang tatlo sa kapatid na si Hera pero ayaw nilang umimik upang hindi masaktan ang ego ng Ate Aimee at kanilang ina. Sa kanilang puso ay proud sila sa kapatid dahil sa narating nito sa buhay. Alam din ng tatlo na mabuti ang puso ni Hera kaya’t hindi nila magawang magtanim ng galit. “Ituloy niyo na ang pagkain niyo,” sambit ni Nigel. “Ang aga-aga ginagalit niyo na naman si Daddy,” puna niya. Napabuntong hininga naman si Cassie. “Hindi ba kayo nagsasawa? Madalas na lang kayo nag-aaway dahil sa issue na iyan.” “Sino pa ba ang gaganahang kumain?” sagot na tanong ni Aimee sa mga kapatid. “Kainin niyo lahat iyan kung gusto niyo! Bwisit.” “Aimee!” tawag ng ina. “Bakit binubunton mo naman sa kapatid mo ang iyong galit? Tumigil ka na!” babala niya. “Hindi matatahimik ang bahay na ito hangga’t dumidikit sa buhay natin ang mag-inang iyon.” Si Austin naman ang nagsalita, “Kayo lang ang gumagawa ng dahilan para hindi matahimik ang buhay niyo! Tanggapin niyo na kasi ang katotohanan na anak ni Daddy si Ate Hera. Bilang isang responsableng ama ay tama lang ang ginagawa ni Daddy.” “At ngayon, lahat kayo kampi na sa babaeng iyon, ha? Tandaan niyo muntik ng masira ang pamilya natin dahil sa mag-inang iyon,” sagot ni Aimee. “Tama na!” awat ni Naomi sa mga anak. “Tumigil na nga kayo!” Iniwan ni Aimee ang mga kapatid at ina sa lamesa. Natahimik ang hapag kainan at tinuloy-tuloy nila ang kani-kanilang pagkain. Paalis na si Aimee sa bahay ng makatanggap siya ng tawag mula sa imbestigador na kaniyang binayaran para subaybayan si Aleric. Excited niyang sinagot iyon dahil sa pag-aakalang may ibibigay sa kaniyang magandang balita. “Tell me the good nes,” bungad niyang sagot sa kabilang linya. “I-I’m sorry, Miss Hao. Hindi ko na magagawa ang trabaho ko. Nandito ako sa iyong opisina. Ibabalik ko na ang binayad mo!” saad ng imbestigador. ‘Mautak din ang taong ito dahil nagkapera pa siya ng walang kahirap-hirap dahil dinoble ni Aleric ang pera na ibinigay ni Aimee. Mas masarap nga naman magkapera ng hindi nagtatrabaho.’ “What? No!” sagot niya sa kausap. “Wait for me there!” dugtong niya. Aleric Zeus Marcet “President,” tawag ni Derek at niluwagan ang pintuan. Dire-diretso pumasok ang isang lalaki at lumapit sa lamesa ko. “Nagawa ko na ang napag-usapan natin,” saad niya. Tiningnan ko siya habang ang aking kamay ay binubuksan ang drawer para kunin ang sobre. “Gaya ng napag-usapan, iyan na ang pera!” sabi ko. Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit sa kaniya. Tumayo ako sa kaniyang likuran at hinawakan siya sa balikat. Mahigpit kong pinisil iyon, “Huwag na huwag kang sisira sa usapan natin. Dahil kapag may lumabas na kahit anumang larawan o salita patungkol sa aming dalawa ay hindi ako magdadalawang isip na putulin ang iyong dila. Naiiintindihan mo?’ Napangiti na lang sa takot ang imbestigador, “‘Wag kayong mag-alala. Marunong akong tumupad sa pinagkasunduan lalo na kung ang usapan ay pera. Salamat Mr. Marcet. Salamat sa generosity mo.” Nilagay niya ang sobre sa loob ng kaniyang coat. “Mauuna na ako.” Sinulyapan ko si Derek at tinanguan ito. Bumalik ako sa aking lamesa at isa-isang kinuha ang papeles na hawak ko kanina. Dahil abala sa aking ginagawa ay hindi ko namalayan ang oras. Kung hindi pa kumatok at pumasok si Derek ay hindi ko titigilan ang aking ginagawa. “President, kakarating lang niya!” report niya. “Okay!” kaswal kong sagot. “Ipadala mo na sa kaniya iyong pinabili kong bulaklak.” “Right away, President!” tugon ni Derek. Mabilis niyang sinunod ang aking inuutos. Sumandal ako sa swivel chair at nagrelax-relax sandali. Kinuha ko ang aking cellphone at dinayal ang kaniyang number. “The number you have dialed is currently not available.” Sinubukan ko ulit tawagan iyon. “The line is busy now.” “Bakit ba busy ang phone niya?” naiinis kong tanong sa aking sarili. Tinext ko siya. “Honey…” Hindi pa rin siya nagrereply. “Why can’t you reply? Are you busy?” tanong kong text muli sa kaniya. “Hera!!!” dugtong kong text. Sunod-sunod ang text ko sa kaniya pero kahit ‘ni isa ay wala akong nakuhang reply. “My heart is aching…” pag-iinarte ko sa text. Segundo lang pagkatapos kong i-send iyon ay nag beep ang cellphone ko. “Thank you po sa flower!” reply niya. “Kausap ko kanina si Mama sa phone kaya busy ang line!” pop-up ulit ng message. Magre-reply na sana ako ng biglang nag-appear ang tawag niya. Tawa niya kaagad ang narinig ko. “Busy po ako today. Probably bukas na rin po ng tanghali ang uwi ko. I’ll call you again pag-uwi ko.” Paalam niya. “I know! And, I’m gonna miss you, honey…” paglalambing ko. “I love you, Captain!” She giggled and cut the call. Pagtingin ko sa messages ay nagreply siya. “I love you too, Zeus!” Pakiramdam ko ay lumalaki ang ulo ko ng dahil sa kilig at tuwa. Nararamdaman ko rin ang init sa buong mukha ko. Nagtatalon pa ako sa tuwa habang paulit-ulit na binabasa iyon. Napatigil lang ako sa aking ginagawa ng bumukas ang pinto. Nag-asta ng normal. “ANong pinaggagawa mo?” tanong ni Derek. “E ikaw bakit pasok ka ng pasok ng hindi ‘man lang kumakatok?” balik kong tanong sa kaniya. “Kumakatok ako! Hindi mo lang narinig. Nakuha na ni hera iyong pinabigay mo.” Lumapit sa akin si Derek. Yayakapin niya ako ng umilag ako at gustong sapakin. “Nababakla ka na?” tanong ko sa kaniya. Inirapan niya ako, “Hindi! Niyakap ako ni Hera at hinalikan sa pisngi. Ibigay ko raw sa iyo. Pero dahil ayaw mo, ‘wag na lang!” Akmang aalis na siya ng habulin ko at niyakap. “Sa susunod na yakapin mo si Hera, babalatan kita ng buhay. At iyang pisngi kung saan ka hinalikan ni Hera? Tatapyasin ko iyan.” Nagpupumiglas siya sa aking bisig. “Bitawan mo ko!” sabi niya. “Isusumbong talaga kita kay Hera pag-uwi niya. Akala mo ha!” “Magsumbong ka!” sabi ko at dinilaan siya. “Bleh!” Ngumisi ako. “Isusumbong kita kay Rachel. Sasabihin ko na bakla ka at lalaki na ang gusto mong yakapin at halikan. Hahaha.” “Para naman ‘tong tanga, oh!” tugon niya. Inayos niya ang kaniyang damit. “Babalik na ako sa trabaho,” talunan niyang sagot sa akin. Lumabas siya pero bumalik din ulit. “Teka! Ano pala iyong ginagawa ng lalaki dito kanina?” usisa niya. “Gusto mo malaman?” tanong ko. Sinenyasan ko siya na lumapit. Nang makalapit ay nilapit ko ang aking bibig sa kaniyang tenga. Kumuha ako ng lakas at huminga ng malalim at sinigawan siya ng malakas. “WALA!” sigaw ko. Napahawak siya sa kaniyang tenga at hinimas-himas iyon. Tinakpan niya ang tenga at sinimangutan ako. “Wala ka talagang kwenta! Sa susunod na may ipagawa ka, akala mo ha! Sasabutahihin kita. Humanda ka!” banta niya. “Loko ka!” pahabol kong sagot. Alas tres ng hapon ng dumating ang mga reporter na inimbitahan ko para makapagbigay ng side sa nangyaring hostage taking dito sa airline. “Thank you for coming, everyone. Gusto kong linawin ang lumalabas na mga fake news na lumalabas sa balita. Una, walang nasaktan sa nangyaring hostage taking. Maayos at ligtas na nakabalik si Captain Taevas dito pagkatapos niyang ihatid ang hostage taker. Nang hingi na rin ng tawag ang lalaki sa empleyado at kumpanya kaya’t hindi na namin siya kakausapin. Ipinaalam ko na rin ang desisyon na ito sa aming legal department at sila na ang bahalang mag-asikaso.” “Dahil sa pangyayaring ito. Maraming tao ang natakot at na-trauma. Paano niyo masisigurado ang kanilang kaligtasan? Anong mga precautions ang gagawin niyo para hindi na maulit ang ganitong bagay?” tanong ng reporter. “I will make sure na hindi na mauulit ang pangyayaring ito. Mas paigtingin natin ang mahigpit na pagsusuri sa lahat ng pasahero at sa kanilang mga bagahe. Nagdagdgan na rin tayo ng mga ilang equipment para mapanatili ang kauyuan at seguridad ng lahat. Salamat!” Pagkatapos ng interview ay naghanda ako ng konting miryenda para sa kanila. Isa-isa akong nagpasalamat sa kanila at sinagot ang ilang mga tanong nila tungkol sa kumpanya. Paalis na sana ako ng habulin ako ng isang report. “Mr. Marcet, pwede po ba ako mag request para ma-interview si Captain Taevas? Gusto po sana naming i-feature siya sa magazine para sa women's month.” Inabot niya sa akin ang calling card. “Please contact me as soon as possible, Mr. Marcet!” Kinuha ko ang calling card. Kilala nga ang magazine company na kaniyang pinagtatrabahuhan. “Sure! I will inform you as soon as possible.” Pasado alas siete na ng gabi ng umalis ako sa opisina. ‘Parang ang tagal ng oras!’ Ilang ikot na ang ginawa ko sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Ang ending tumayo ako sa higaan at nag-iisip ng pwedeng gawin. Naalala ko si Derek. Mabilis akong tumayo at nagpalit ng damit. “Saan ang punta mo?” bulalas ng isang boses mula sa madilim na parte ng sala. Napahinto ako at inaaninag ang itsura. Nang bumulaga ang tao sa akin ay si Mommy pala iyon na nakasuot ng Facial mask. “Bakit?” dugtong niyang tanong dahil nakatitig lang ako sa kaniya at hindi kaagad nakapagsalita. “A-alis lang ako Mommy. May kukunin lang ako sa condo. Baka bukas na rin ako makauwi.” Paalam ko sa kaniya. Tumango-tango lang siya at nilagpasan ako. “Nandito ako sa labas ng unit mo!” sabi ko sa kabilang linya. “Dis-oras ng gabi mang-i-istorbo ka talaga? Ha?” tanong niya. “Lalabas ka ba o hindi?” muli kong tanong. “Hindi!” direktang sagot niya. “Manigas ka riyan!” “Ahh, gano’n?!” tugon ko. Wala akong tigil sa pagba-buzzer. “HIndi ako aalis dito hangga’t hindi ka lumalabas! Hindi kita patutulugin,” banta ko. Kausap ko ang aking sarili habang patuloy na pindot ng pindot ng buzzer. Kalaunan ay bumukas nga ang pintuan at ang busangot na mukha ni Derek ang bumungad sa akin. Hera Nyx Taevas Pagbukas ko ng aking cellphone ay text agad ni Aleric ang bumungad sa akin. “I’ll pick you up. Text me when you’re off to work.” “I’ll wait for you in the parking lot.” Napabuntong hininga ako. ‘Kulit talaga!’ Paglabas ng department ay si Derek at Rachel ang nakita ko. Huminto pa sila at hinintay ako. “Bakit ganiyan ang mga itsura niyo?” tanong ko sa kanila. Mukhang haggard na haggard at walang tulog ang kanilang mga mata. Nagkatitigan lang ang dalawa. “Sabay ka na mag-lunch sa amin,” yaya sa akin ni Rachel. Ilang beses pa siyang napahikab. “Okay,” kaswal kong sagot. “Tara.” Nasa canteen na kami at pumipili ng pagkain ng makatanggap ako ng tawag mula sa isang number. Hindi ko sana sasagutin iyon pero ilang beses tumatawag kaya’t sinagot ko na. “Captain,” bulalas sa kabilang linya. “Can you pick me up? I’m with Ate Cassie,” sabi niya. “Ibigay mo kay Cassie ang cellphone,” utos ko. ‘Ngayon lang tumawag sa akin ang kapatid kong ito.’ “Hello,” usal niya. Lumayo ako sa karamihan at sa maingay na mga tao. “May problema ba?” tanong ko. “Ahh. Wala naman!” sagot niya. “SInundo ko kasi dito sa school si Hersey. E, nangungulit na makita ka, kaya tinawagan kita.” “Baka magalit si Tita Naomi. At saka kailangan ko muna magpaalam kay Daddy,” sagot ko. “Baka mag-alala sila sa inyo kung hindi kayo uuwi sa bahay sa tamang oras.” “Ako na ang bahala tumawag kay Daddy after this call. Mapupuntahan mo ba kami dito?” tanong niya. “I know you’re busy. Kung may work ka, kahit next time na lang. Paliliwanagan ko na lang si Hersey.” “Hindi. Hindi naman ako busy. Hintayin niyo na lang ako. Papunta na ako riyan,” sabi ko. “Okay!” kaswal niyang sagot. Narinig kong tumawa sa kabilang linya si Hersey. “Captain, hihintayin ka namin ni Ate Cassie.” Bumalik ako kung nasaan sina Rachel at Derek. Kumakain na sila ng nadatnan ko. “Kain na,” sabi ni Derek. “Hindi na. Iwan ko na muna sa inyo ‘tong baggage ko.” Bilin ko. “Rachel, isabay mo na lang i-uwi sa unit natin. May importante lang akong pupuntahan. Bye,” paalam ko. “Teka! ‘San ka pupunta?” Iyon ang huling narinig ko mula kay Derek. Hindi na ako lumingon para tingnan siyang muli. Coding ang sasakyan ko kaya’t nag taxi na lang ako papunta sa school. ‘Mabuti na lang at nakapagpalit ako ng pantaas kong damit kanina pagkatapos kong mag-out sa trabaho. Medyo traffic dahil nagsisi-labasan pa ang mga ibang estudyante. Nilakad ko na lang iyon para mapuntahan ang dalawa. Natanawan ko si Cassie at Hersey na nakatayo malapit sa exit gate at naghihintay. Patingin-tingin pa si Cassie sa kaniyang orasan. Nakakatuwa. ‘Ito ang unang beses na makakasa ko si Cassie.’ “Sorry!” bulalas ko ng makarating sa kanilang harapan. “Medyo traffic kaya naglakad ako.” “Captain!” hiyaw niya at niyakap ako kaagad. “I miss you so much, Captain! Akala ko hindi ka na pupunta, e. Malapit na akong magtampo sa iyo. “‘Sus! Nagpabebe ka na naman, Hersey.” Sabi ni Cassie. “Nandito na nga si A-...” Napahinto siya sandali. “T-tara na?” yaya niyo. “Nakapark lang doon ang kotse.” “Sige. Tara na!” sabi ko. “Saan niyo ba gusto pumunta? Teka! Kumain na ba kayong dalawa?” tanong ko. “I’m hungry like a pig, Ate Captain. Can you treat us? Please!” Ngumisi ako, “Oo naman!” sagot ko. “Lahat ng gusto ng baby Hersey namin bibilhin ko,” sabi ko pa. Tumingin ako kay Cassie, “May gusto ka bang kainin? Para doon na lang tayo kakain.” “Thanks, Ate. Pero kung saan na lang ang gusto ni Hersey, doon na lang tayo.” Magalang aniyang sambit. Pero nararamdaman ko na naiilang siya sa akin. ‘Siguro dahil ito ang unang beses namin nagkasama.’ On the way sa aming pupuntahan ay tinext ko na rin si Daddy na kasama ko ang dalawa kong kapatid. Thumbs up lang ang sagot niya sa akin. Meron din mga text si Aleric pero hindi na muna nireplayan iyon. “Ma’am Hera, hihintayin ko na lang kayo dito.” sabi ng driver. Tumingin ako sa orasan, “Manong, sumama na kaya kayo. Mag miryenda na po tayong apat. Siguradong maghihintay kayo dito ng matagal dahil mag-iikot pa si Hersey.” “‘Wag na po,” tugon sa akin. “Sige na! Tara na po,” yaya ko. Hindi sana siya papayag pero hinatak na rin siya ni Hersey. “Let’s go, Kuya. Ate Captain will treat us. The more, the merrier.” “Oo nga po, Manong. Sumama na kayo,” sabat ni Cassie. Ginaya ako ni Cassie at gaya ng dati, siya ang masusunod. Sunod-sunuran lang kaming tatlo sa kaniya. Nag-ikot-ikot kami sandali bago nakapili si Hersey ng gusto niyang kainan. “I want here!” saad niya. “Napanood ko sa advertisement iyong bago nilang menu. Let’s try it.” “As you wish,” sabi ko. “HUmanap na kayo ng upuan ni Cassie at mag-oorder na ako.” “Tulungan ko na kayo Ma’am Hera na magdala ng mga tray,” sabat ni Manong. “Sige po,” sagot ko. Marami akong in-order para sa aming lahat. Bahala na kung mauubos o hindi, ang mahalaga mag-enjoy at mabusog si Hersey at Cassie. “Woah! It’s so yummy,” hindi makapaniwalang sabi ni Hersey. “Look at the cheese, Ate.” Ngumiti lang ako. Masaya akong pinapanood si Hersey. “Kumain ka ng kumain Cassie,” sabi ko. “Kung may gusto ka pang orderin, sabihin mo sa akin.” “Thanks, Ate! Pero ang dami na nitong binili mo. Baka hindi nga natin maubos.” “Basta kain ng kain,” sagot ko. Nagyaya si Cassie na mag-arcade pagkatapos kumain. Binilhan ko ang dalawa ng card para laruin ang gusto nilang laruin. “Ma’am, bukod tanging kayo lang ang nagpapasaya ng ganiyan kay Hersey. Madalas malungkot siya sa bahay o kapag sinusundo ko siya. Minsan naiintindihan ko siya, minsan hindi. Napagtanto ko na iba pala iyong pagpaparamdam ng kabaitan sa pagmamahal.” “Gano’n po ba. Masaya ako basta masaya sila.” sagot ko. Nag ring ang cellphone ko. Nang tingnan iyon ay si Aleric. “Excuse me, Manong!” Sambit ko. “Pakitingin po muna sila sandali.” Paglabas ko ng arcade ay sinagot ko iyon. “Where are you?” tanong niya. “I've been texting you and you’re not replying. Are you okay?” usisa niyang sunod-sunod na tanong. “Sorry. Kasama ko si Hersey at Cassie. Tawagan na lang kita mamaya, okay?” “Fine!” sagot niya. “Dumiretso ka sa unit ko!” utos niya. “Bakit?” tanong ko. “Basta!” Iyon lang ang kaniyang sinabi at binaba na ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD