Episode 21:

1664 Words
DIANA'S HIDDEN SECRET "Tim I'm pregnant!" Gilalas nito sa boss niya na ilang taon na rin niyang karelasyon.  "Whaaaaatt!" Di ba nag-iingat naman tayo at sumabay ka pa talaga kay Ysabelle." Banas na turan nito. "Anong gusto mong gawin ko eh buntis na ako. Alangan namang ipalaglag ko ito! Tim anak natin ito?" Gigil ni Diana habang nasa loob ng opisina ni Tim. "Why not!" Gilalas ng lalaki. "Are you nuts! Tim, anak natin ito." Galit nang turan ni Diana. Tila naman natauhan si Timothy sa sinabi. "Sorry, marami lang akong iniisip ngayon at alam mo namang kailangan kita ngayon di ba? Tapos sumabay ka pa talaga kay Ysabelle." Banas pa ring sabad ni Tim. Agad na lumapit si Diana sa boss/lover nito. "Don't worry sweetheart...hindi pa naman kasing laki ng asawa mo ang tiyan ko. Magagawa pa rin naman natin ang gusto mo.." mapang-akit nitong tinig sabay dakma ng halik sa lalaking nasa harapan. Agad naman siyang pinaupo sa kandungan nito at nagsimulang lamasin ang nakatago nitong bundok. Ungol nilang dalawa ang pumuno sa loob ng law firm na iyon. Hindi maikakailang mahilig ang lalaki at maraming bookkeeper o sekretarya na rin nito ang nahulog sa karisma nito. "Bakit hindi mo pa hiwalayan ang asawa mo babe kung sa tingin mo ay pareho na kayong naglolokohan. Di ba sabi mo pa, baka hindi sa'yo ang batang pinagbubuntis nito." Wika ni Diana matapos ng mainit nilang romansa ng boss. Umupo si Tim. "Hindi naman ganoon kasali iyon. Malaki ang naitutulong ni Ysabelle sa negosyo at alam mong magkaibigan ang mga pamilya namin." Mainit na namang turan ni Tim. "Mag-ayos ka na at hanapan mo agad ako ng bagong bookkeeper." Malakas na turan nito. "Ha!" Gulat na sabad ni Diana. "Ba—bagong bookkeeper?" Di makapaniwalang turan sa lalaki. "Oo. Ayaw kong makita kang nandito habang buntis ka. Huwag kang mag-alala dahil kukuhanan kita ng townhouse. Doon ka at bibigyan kita ng suporta hanggang makapanganak ka." Simpleng turan ni Tim kay Diana. Walang nagawa si Diana kundi ang sundin ang utos ng boss. "Diana!" Tawag pa nito. "Yes sir, yes po na-orient ko na po siya.." anito sabay turo sa kaniya. Inihanda na niya ang pinakamatamis niyang ngiti. "Hello po sir.." bati rito ng bagong bookkeeper. Nakita niya kung paano tignan ni Tim ang bagoong bookkeeper mula ulo hanggang paa. Alam na niyang maaatrak ito sa babaeng kasama. Well, kahit sinong lalaki naman kasi, matangkad at seksi ang babaeng kasama. Muli pang nakitang muli nitong pinasadaan ng tingin nito. Batid na niyang baka kagaya ng mga napagsawaan na nitong mga babae ay iiwan din siya nito lalo at may nakita na itong bagong laruan lalo pa at nakikita sa mata ni Queen Elizabeth na katulad niya ay willing victim din ito. 'Hindi maaari.' Banas na turan sa isipan. Kagaya ng plano ni Tim ay binahay siya nito. Imbes na matuwa ay mas lalong nainis si Diana dahil madalang siyang puntahan ng lalaki. Palagi nitong sinasabi na mahigpit daw ang asawa nito pero iba ang dumarating sa kaniyang chismis. Kaya hindi na rin niya mapigilang imbestigahan ang lalaki at doon ay tila unti-unting nakikita ang sarili sa katauhan ni Queen Elizabeth. "Hayop kayo!" Usal na turan habang nakatingin sa pares na papasakay ng sasakyan. Batid na niyang darating siya sa puntong iyon pero iba na ngayon. Buntis na siya at karapatan ng anak niya na makilala ang ama niya. "Hindi ako kasing dali ng inaakala mo Tim na basta mo na lamang ako madidispatsa!" Dagdag pa sabay ng pagkuyom ng mga kamao. Sinundan ang dalawa at mas lalong naghilakbot ng makitang pauwi ang mga ito sa bahay nina Tim. Nangunot ang noo kung bakit pinapayagan ni Ysabelle na iuwi ni Tim si Queen Elizabeth samantalang siya ay hindi magawang ilantad. "Makikita mo Tim. Gusto mong maglaro sa apoy, pwes pagbibigyan kita!" Despiradong turan saka inabot ang bag pack sa likod ng sasakyang hiniram pa sa kuya niya. Suot ang bonete at leather jacket. Agad na sinukbit ang revolver na dala saka bumaba ng sasakyan. THE HURTFUL ARGUMENT  Pagmulat ni Miya ng mata ay agad na napahawak sa kaniyang tiyan at ganoon na lamang ang saya niya ng makitang maumbok pa rin iyon. "Huwag kang mag-alala anak. Maayos naman daw ang baby mo. Huwag ka lang daw masyadong mag-alala." Dinig na turan ng ina na naroroon pala. "Umalis lang si Edward dahil aasikasuhin agad ang kaso mo. Magpakatatag ka lamang anak.." garalgal na tinig ng ina. Nangilid ang luha sa mata niya ng makitang lumuluha ang ina. "Kasanalanan ko ito anak..kung sana..." putol na turan nito. "Huwag mong sisihin ang sarili mo inay. Biktima tayo ng pagkakataon. Hindi mo naman magagawa iyon kay senyora kyng hindi kailangang-kailangan noon ni itay. Naipit lang tayong lahat sa mapaglarong pagsubok ng pagkakataon." Luhaang turan niya dahil sa totoo lang ay may choice siya noong suwayin ang utos sa kaniya pero dahil sa takot at utang na loob ay nagawa ang bagay na hindi nais. Basta alam niya sa sarili na wala siyang pinapatay ninuman. Yumakap ang ina sa kaniya at doon na lamang siya humugot ng lakas upang harapin ang kaniyang kaso. "Oh siya anak, aasikasuhin mo muna iyong bayarin natin. Huwag kang mag-alala. May mga pulis sa labas, kung may kailangan ka ay tawagin mo lamang sila." Imporma ng ina. Napangisi siya sa nalamang kahit sa ospital at may nakabantay sa kaniyang pulis. Sinisiguradong hindi siya makakawala pa. "Okay lang inay.." aniya rito. Ilang minuto pa lamang nakakaalis ng ina ng bumukas ang pintuhan. "Inay may—." Putol na turan ng makitang si Klint ang papasok. Bigla ay bumulusok muli ang dugo ng makita ito. "Anong ginagawa mo rito." Madiin na turan rito. "Please Miya. Relax ka lang..." awat nito. Tumawa siya ng malakas sa narinig na sinabi nito. "Wow! Relax! Paano ako magri-relax kung hanggang dito sa ospital ay may pulis na nakabantay sa akin. Ang galing mo rin eh. Kriminal ba ang tingin mo sa akin?" Punong-puno ng hinanakit na turan. "Miya...I am sorry...pata—."  "Walang kapatawaran ang ginawa mo sa akin Klint. Traydor ka..." aniya saka tumahimik. Kapwa sila walang imik dahilan para mas lalong maipon ang galit sa dibdib ni Miya. "Maswerte ka dahil ligtas ang anak ko dahil kapag hindi. Ora mismo kahit hindi ako kriminal magagawa kong pumatay!" Madidiin turan at nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Klint. Ramdam ni Klint na tagos hanggang langit ang galit ni Miya sa kaniya. Ayaw niya rin ang mga nangyayari pero naguguluhan na rin siya. Lahat ng hawak na ebedinsya ay si Miya ang tinuturo.  "Umalis ka na.." aniya saka hindi na ito inimikan pa.  Hindi nakahakbang si Klint ngunit batid niyang ayaw na siyang makita ng asawa. Nakatitig lang siya sa nakatalikod na asawa. Hindi niya naiwasang hindi maluha. Nasasaktan siyang makitang nasasaktan si Miya. Kung pwede nga lang niyang ilayo na lamang ito at kalimutan ang lahat pero wala na. Nandito na sila at masyado nang nasira ang reputasyon nito bilang abogado. Ramdam na ramdam ni Miya na nakatitig sa kaniya ang asawa kaya hindi niya maiwasang maiwasan dito. Agad na bumaling rito. "Umalis ka na..." aniya sabay bato sa nahawakang tissue box. Naiinis kasi siya dahil apektado pa rin siya sa presensiya ng lalaki.  Mabuti na lamang at mabilis ang reflex ni Klint at agad na nasalo ang binato ni Miya. Mas lalo pang nainis ng makitang tila umiiyak ito. Napangisi tuloy siya. "Terrible! Wow! What that tear for? Umiiyak ka ba? May puso ka pala..akala ko ay wala." Pang-uuyam dito. "Ganyan ka na ba talaga.." dinig na usal sa labi ni Klint. "Alin Klint? Ikaw ang gumawa nito sa akin..o baka naman naghihintay ka ng goodbye kiss. Asa ka dahil mula ngayon ay wala na akong responsibilidad sa'yo. Pinapaayos ko na ang annulment natin. Magkita na lang tayo aa husgado." Matigas na turan. Tila wala na rin namang patutunguhan ang pag-uusap nila ni Miya kaya aalis na sana siya nang dumating ang abogado ni Miya. "Miya naayos ko na pala ang draft ng annulment—." Putol nito ng makita siya sa loob ng silid. Nagkatitigan silang tatlo at aalis na sana siya nang tawagin siya ni Miya. Sa pagkakataong iyon ay nabuhayan siya dahil muling narinig ang pangalan na sinambit ng asawa. "Klint.." tawag nito. Agad siyang napatigil sa paglabas at lumingon kay Miya. Sarkastiko ang pagkakangiti ni Miya. "Since naririto ka na rin lang..take this.." anito ang hawak nitong mga papeles na kaaabot ng bagong dating na lalaki. "Ano ito?" Di mapigilang turan. "Suit yourself. Anyways, as Edward sayin'. Kopya iyan ng ating annulment." Matapang na turan. Tumitig siya sa mata ni Miya at kung kailangan bang maapektuhan pati ang kasal nila. Tumaas ng kilay ni Miya ng makitang ayaw pang abutin ni Klint ang inaabot rito. "Okay, never mind. Do I need to asked my lawyer to mail to you?" Aniya na mas lalong naging sarkastiko. "Ganyan mo na ba ako kinamumuhian?" Tanong ni Klint na noon ay nakapamulsa na. Nagpipigil ng emosyon. "Paano ang magiging anak natin?"  Tumawa si Miya. "Anak? Anak ko lang ito Klint. Noong oras na trinaydor mo ako. Tinanggalan mo na ang sarili mo na maging ama ng aking anak. Makaalis ka na!" Mataas na niyang tinig. Hindi na naman kasi niya maiwasang tumaas ang dugo niya sa inis kay Klint. "Pare...umalis ka na muna. Hindi makakabuti kay Miya.." awat ni Edward. Doon ay nainis si Edward sa pangingialam ng lalaki lalo pa at naalala ang paghawak-hawak nito ng kamay ng asawa.  Tinabig niya ang kamay ng lalaki. "Wala kang pakialam pare. Usapang mag-asawa ito at bakit ka ba nakikisawsaw!" Inis rito. Tahimik lang si Edward at hindi pinatulan si Klint. Tinignan lang ni Miya ang asawa at saka inirapan ito nang makitang tumingin din ito at nagtama ang mata nila. Nang mawala si Klint ay agad siyang dinaluhan ni Edward. Hindi niya na napigilan ang luhang kanina pa pinipigilan nang naroroon pa si Klint. Agad siyang niyakap ni Edward. "Everything will be alright.." isang ngiting puso ang binigay ng lalaki habang yakap sa bisig si Miya. "Alam kong ikaw ang abogado ni Miya. Dalawang milyon kapalit ng ibibigay niya sa'yong ebidensiya..." ani ng tinig sa kabilang linya. Hindi maiwasang mapangiti si Edward. Tawag na natanggap bago siya bumalik sa ospital kung saan naroroon si Miya. — Ano ang lihim na bumabalot sa pagkatao ni Edward. Ibang kakampi o isang kaaway. ABANGAN.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD