Episode 20:

1994 Words
THE EMOTIONS EXPLOSION Pag-uwi sa kanilang bahay ay wala doon ang asawa. Kinabahan siya at agad na tinungo ang silid nila pero wala rin ito roon. Mas lalo siyang kinabahan kaya mabilis na binuksan ang closet nila at nakita roon ang gamit nila tila naman walang nabawas at maayos pa rin naman. Agad siyang nakahinga ng maluwag.  Maya-maya ay may yumakap sa kaniyang likuran sabay halik sa kaniyang leeg. "Hows my baby?" Lambing nito. Kumalas siya sa yakap ng asawa at humarap rito. Hinawakan ang mukha nito saka ngumiti ng matamis. Dinampian siya nito ng halik. "Gutom na ba ang baby ko.." anito sabay yukod at haplos sa tiyan niya. "Halika na sa kusina babe, hindi ako nakapagluto kaya nag-take out na lamang ako ng pagkain sa seafood restaurant na gusto mo babe.." anito saka siya inakay nito. Masaya nilang pinagsaluhan ang binili nitong pagkain. Kahit papaano ay wala naman siyang napapansing pagbabago sa asawa. Siguro nga ay napaparanoid lang siya. Mas lalo pa ngang naging sweet ang asawa dahil pagkatapos nilang kumain ay binuhat siya nito. Natatawa na lamang siya. "Babe, halos eight hours ako sa office. Ang baho ko.." nahihiyang turan dito. "Don't worry babe, sabay na tayong maligo.." usal nito sa kaniyang punong tainga at hindi na niya namalayan pa at kapwa na sila hubad sa ilalim ng dutsa. Sa mga maiinit na halik ni Klint ay muling sinariwa ang una nilang sagupaan. "Love me and I'll give you everything. But don't fool around 'cause not giving you a damn time to listen useless excuses. You'll dead." She whispered. Nanginig si Klint sa narinig sa babaeng kaniig. Ngunit disedido siyang tuklasin ang pagkatao nito. Mabilis na ipinailalim ito sa kaniya matapos itong gumiling sa kaniyang ibabaw. Alam niyang tila wala sa ulirat ito ng sabihin ang mga salitang iyon kaya hindi na lamang inintindi ni Klint. "Don't worry. I'm yours. Then we'll do this to the c****x. Let me bring you to hell.." aniya kasabay ng mabilis na pagbayo rito. Pagkagising kinabukasan ay maingat na tumayo si Miya. Tulog pa kasi sa tabi ang asawa. Mabilis na naligo dahil may hearing sila sa araw na iyon.  Hanggang sa maalala ang kaniyang lumang USB kung saan nakalagay ang files na kinopya sa laptop ng kaniyang professor. Mabilis na binuksan ang kabinet na nasa malapit sa side table. Ngunit wala roon doon. Mabilis na hinanap pero wala siyang makita. Halos mabuksan na niya lahat ng drawers sa kahahalughog ngunit hindi ito makita. "Ito ba ang hinahanap mo?" Tinig sa kaniyang likuran.  Tila napako ang mga binti at hindi makapihit sa pinagmulan ng tinig.  Napansin ni Klint na natigilan ang asawa nang marinig ang tinig niya. Tiyak kasi niyang ang hinahawak na USB ang hinahanap nito. "Uulitin ko Miya. Bakit ka meron ng mga ito!" Giit niyang tanong. Doon ay lumingon si Miya sa asawa. "Ikaw Klint? Anong ginagawa mo?" Nangingilid ang luhang tanong dito. "Sagutin mo ang tanong ko Miya. Bakit ka may kopya ng mga itooooo..." mataas nang tinig ni Klint. "May kinalaman ka ba sa pagkamatay nina Tim, Alex, Chris, Wince at Basty! Haaaaa!" Singhal na ni Klint. Halos hindi na alam ni Klint kung ano ang gagawin sa pagkakataong malaman na may kinalaman nga ito. "Ikaw Klint...kaya ka ba nandito ay upang imbestigahan ako? Sinadya mo ba ang lahat ng ito?" Naiiyak na turan sa asawa. Humakbang siya papalayo rito. "Ang saya, pinaikot mo lang pala ako sa palad mo.." matiim na turan ni Miya rito. "Oo bumalik ako ng Pilipinas upang imbestigahan ang pagkamatay ng mga kaibigan ko. Para ko na silang kapatid, katunayan ay ang marka sa aking puwetan. Kaya pala ganoon na lamang ang reaksyon mo ng makita mo kahapon.." maang na turan ni Klint sa kaniya. "Uulitin ko Miya. May kinalaman ka ba sa pagkamatay ng mga kaibigab ko?" Mariing tanong ni Klint. Tumitig si Miya sa asawa. Nagtitigan sila at walang nais magpatalo. "Kung sasabihin ko bang wala ay maniniwala ka?" Hamon rito. Nakitang ngumisi si Klint. "Bakit ka may kopya nito?" Saad sa USB. "Pinanood mo ba ang mga laman?" Nanginginig ang labing turan rito. "Oo Miya...lahat! Lahat! At alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko habang pinapanood ko...ha!" Singhal ni Klint at kita sa mata nito ang nag-aapoy nitong galit. Ngunit nagpakatatag siya upang hindi marahuyo. Natahimik ang buong kabahayan nila. Ilang segundo rin silang walang imikan tila tinatantiya ang isa't isa at nagpapakiramdaman. "Tama nga ang sinabi ni Diana..." basag ni Klint. Doon ay napataas ng tingin ni Miya at nagtama ang mata nila ni Klint.  "D—D—Diana?" Usal niya. Ngumisi si Klint. "Yes, si Diana...Queen Elizabeth?" Sarkastikong turan nito sa kaniya. Napansin ni Klint ang pag-ilap ng mga mata ni Miya. "Alam mo bang siya ang nagturo sa akin kung sino kang talaga. Matagal na kitang hinahanap.." "Matagal mo na akong hinahanap?" Nanginginig na saad ni Miya. Kung saan napatunayan lang na hindi sinasadya ang pagtatagpo nila. Mabilis na sinugod ang lalaki.  "Hayooop ka! Akala ko iba ka sa lahat. Isa ka ring mapagsamantala sa kahinaan ng iba. Sinadya mo ang lahat ng itoooo.." suntok niya sa dibdib ng asawa. Galit na galit siya sa nalaman. Mabilis na sinalag ni Klint ang mga suntok ni Miya. Batid niya ang galit nito sa kaniyang binunyag. Maging siya man ay hindi niya inaasahan na aabot sila sa puntong ito. "Pare-pareho kayo! Wala akong pinapatay. Biktima rin ako ng mga taong walang nais gawin kundi ang ipaghigante ang mga mahal nila at kunin ang nararapat na hustisya para sa kanila. Manggagamit kayo...kayong lahat.." nanghihinang saad ni Miya. "Tama si Miss Delaila...huwag na huwag kong gagamitin ang puso ko dahil ito ang magpapabagsak sa akin!" Maanghang na turan saka mabilis na inayos ang gamit. Nabahala si Klint nang makitang inaayos ni Miya ang gamit niya. "Anong ginagawa mo!" Pigil rito. "Mas mainam na ito Klint. Hindi tayo puwedeng magsama..." aniya saka panay ang lagay ng gamit sa bag na nilabas. "No! Hindi ka aalis.." pigil ni Klint. Ngumisi si Miya nang tumayo at tumitig sa asawa. "Paalisin mo na ako Klint. Dahil kailan man hindi ko na mabubura ang nasa isip mo. Paano mo maaatim na makasama ang taong sa tingin mo ay mamamatay tao." Sumbat rito. Nakitang natigilan ang asawa. Wala itong nagawa kundi ang panuurin siya. POLICE STATION Matapos eempake ang ilang gamit niya ay nakarinig sila ng busina sa labas. Nakitang tumayo rin si Klint at tumingin sa kaniya. Malamlam ang matang nakatitig sa kaniya.  Hahakbang na sana si Miya papalabas ng marinig na magsalita ang asawa. "Hindi ka na rin makakaalis. Dunating na ang kaibigan kong pulis.." mahinang turan nito. Sa narinig ay nabitawan niya ang bitbit na bag. Saka bumaling sa asawa. "Ano ito?" Punong-puno ng galit at panunumbat ang tinig niya. Ngumisi siya rito na nang-iinsulto. "Iyong kagabi? Ano iyon.....goodbye s*x!" Singhal dito. "Maaatim mong ipakulong ako! Kami ng magiging anak mo..." nanginginig niyang turan. Lumapit si Klint sa kaniya. Ngunit isang malakas na sampal ang pinadapo sa pisngi nito. "Hindi ko inaasahan na mas masahol ka pa sa inaakala ko." Sundok niya rito.  Pilit siyang niyayakap ni Klint pero mabilis niya itong pinalya. Maya-maya ay may kumatok na at bumakas ang pintuhan. Nakita roon ang dalawang pulis. Hindi naman siya takot makulong dahil alam niya sa sarili niyang wala siyang kasalanan pero ang traydurin siya ng taong nag-iisang pinapasok sa buhay niya ay hindi matanggap. Tumigil siya sa pagpupumiglas at tumitig kay Klint na nasa harapan niya. Isang masamang irap ang pinakawalan sabay dura sa mukha nito. "Ito ang tatandaan mo. Hinding-hindi mo makikita ang magiging anak natin. I will file for divorce.." aniya saka tumalikod. Mabilis siyang hinawakan ng dalawang pulis. "Don't dare touching me. Wala kayong karapatang huliin ako...abogado ako at alam ko ang batas!" Singhal dito. Saka mabilis na hinablot ang hawak nitong papel. Mabilis na tinignan iyon at mas lalong nagalit nang malamang matagal na nga siyang iniimbestigahan ng asawa. Nakita pang kinausap ni Klint ang isang pulis bago siya dalhin nito. Isang irap lang ulit ang binigay rito. Sa presinto ay agad niyang tinawagan ang kaibigan niyang abogado. Hindi kasi siya papayagan ng korte na siya mismo ang tatayo para sa sarili.  Mag-iisang oras na siya sa presinto ng dumating ang kaibigang si Edward. Naroroon na rin si Klint at matamang nakatitig sa kanila ni Edward. Maya-maya ay may tumawag sa cellphone nito. "Is it true?" Agad na tanong ni Edward sa kaniya. "Of course not! Kilala mo ako. Do you think papatay ako?" Gigil na turan. "Okay? Alright? Hindi tayo magkaaway. I'm just asking kasi..." putol nito.   "I know. Mabigat ang alegasyon nila sa akin.." aniya habang kuyom ang kamao niya. Napahawak ng baba si Edward. "Pero to think na asawa mo—." Agad na hinarang ang kamay niya rito. Alam niyang matagal nang may gusto si Edward sa kaniya. Ayaw niya lang may ibang taong pumasok sa mundo niya. Nagkamali pa siya ng pinapasok sa buhay niya at ngayon ay nandito na siya. "I know.." aniya. Masakit sa kaniya ang sitwasyon pero paninindigan niya ito. Kailangan na niya sigurong harapin ang kaniyang kinatatakutan. Naramdaman niya ang paghawak ni Edward sa kaniyang palad. Tumingin siya rito. "Don't worry. Sabi mo ay wala kang kasalanan. Lalaban tayo.." pagpapalakas ng loob nito. Ilang sandali ay pumasok muli sa loob si Klint. Noon ay may kasama na itong babae at nabigla siya ng makikilala ito. Si Diana. Ang dating bookkeeper ni Tim. Matatalim ang titig nito sa kaniya. Hindi man rinig ay nag-uusap ito at si Klint. "Hindi bailable ang kasong pinupukol sa'yo but we can contest to the court for arresting you without any valid evidence. All they have is circumstantial evidence kaya malaki ang ating laban." Saad ni Edward sa kaniya. Hawak pa rin nito ang kamay niya at paglingon sa gawi nina Klint ay nakitang nakatingin ito sa kanila. Alam niyang ginagawa rin nito ang lahat par madiin siya sa pagpatay ng mga kaibigan nito. "Aayusin ko na para gumulong ang hearing. Trust me. Ibigay mo sa akin lahat ng bagay na pwede nating gamitin upang manalo sa kaso." Saad ni Edward. Muli siyang tumingin sa lalaki. Gulong-gulo siya. Hindi alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan sa pagkakataong iyon. Ilang sandali ay dumating ang kaniyang ina. Nagpadala lamang siya ng mensahe rito at sabihing huwag nang ipaalam sa ama ang nangyari sa kaniya. "Diyos ko naman anak, totoo ba?" Usal ng ina sa kaniya. Lumingon siya kina Klint. "No!" Mariing turan at bahagyang nilakasan para marinig ng asawa. "Hindi ako mamamatay tao. Kung papatay ako, kanina ko na sana ginawa iyon!" Banas na turan. Abot hanggang langit ang galit niya kay Klint.  Pinisil ni Edward ang kamay niya. "Relax ka lang. Hindi makakabuti sa'yong magalit." Turan nito pero hindi niya mapigilang mainis at magalit sa sarili at kay Klint. Hanggang sa maramdaman niya ang pagguhit ng sakit sa kaniyang sinapupunan.  "Ahhhhh.....ahhhhhhh!" Hiyaw niya sabay sapo sa sinapupuna. Nabigla si Klint nang marinig ang pagsigaw ni Miya. Agad na dumulog rito. "Lu—lu—lumayas ka—ahhhhh...sa...harapan ko...."  Sa kabila ng sakit na nararamdaman ay hindi niya maiwasang magalit ng husto sa asawa. Kahit hinihila ng sakit ng puson ang lahat ng lakas ay nakagawa pa rin siya ng paraan para itulak ang dating asawa. "Ahhhhhhhhhh...." nakakatulig na hiyaw ni Miya ang pumaibabaw sa loob ng presintong iyon. Hindi malaman ni Klint ang gagawin. Bakas ang galit sa mukha ng asawa sa kabila ng sakit na nararamdaman sa sandaling iyon. "Pwede ba pare. Kasalanan mo ito.." saad ng lalaking bumuhat kay Miya. Lumingon siya sa ina ni Miya. Bakas din ang galit rito. Naiwan siyang nakatulala sa kawalan. Hindi alam kung ano ang gagawin kapag nawala ang anak dahil sa kaniya. "No wonder...sabagay nga si Tim din ay na-fall sa kaniya...malandi talag—." Putol niya sa litanya ni Diana. "Not now Diana! Anak ko ang nasa sinapupunan ni Miya.." turan niya.  Sarkastikong tumawa si Diana kay Klint. "Sure ka ba? If I know ay ginamit niya ang katawan niya para maagaw sa akin si Tim!" Galit na turan nito. Napakunot noong tumitig si Klint sa kausap na babae. Batid niyang hindi siya nagkamali ng dinig sa sinabi nito. 'Maagaw sa akin si Tim.' "Anong sinabi mo?" Usal na tanong dito. Biglang nag-iba ang tingin nito. "Wala! Wala.." anito. "Sigurado ako. Akin ang anak ni Miya. She's a virgin when I get her!" Usal kahit doon man lang ay makabawi. Nagitla ang babaeng kausap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD