A LAWYER'S DEED
A year earlier..
"Bakit ka napasyal tito?" Tanong ni Edward sa tiyuhin.
"Wala naman, kumusta ba naman ang mama mo? May pinuntahan lang ako." Pormal na turan ng tiyuhin.
Agad na naghinala si Edward dahil bihira naman kumustahin nito ang kapatid, iyon nga ay ang mama niya. Kung ito man ang nagpaaral sa kaniya ay hindi niya iyon utang na loob dahil sa loob ng mahabang panahon ay nanilbihan siya sa pamilya ng tiyuhin. Lahat ng binigay ito ay pinaghirapan niya.
"Well, may hinahanap kasi akong babae. Mag-iisang taon na rin at since malapit kayo sa pinuntahan ko ay tinawagan na kita. Mabuti naman at mukhang maayos ka na naman. Siguro ay kaya mo nang buhayin ang mama mo." Saad pa nito. Mukhang may laman pa ang sinabi nito.
Ngumiti siya rito. "Huwag po kayo mag-alala tito, ako na ang bahala kay mama." Aniya pero hindi pinahalatang nainis siya sa sinabing iyon ng kausap. Masyado kasi nitong pinapamukha na palaasa silang mag-ina rito.
"Mabuti kung ganoon.." anito habang may inaayos sa hawak nito at nagulat siya nang buklatin nito iyon ay nakita ang pamilyar na mukha.
"Bakit may larawan kayo ni Miya?" Salitang nanulas sa kaniyang bibig.
Bago lang sa opisina nila si Miya at wala pa siyang masyadong alam tungkol dito dahil hindi ito palasalita at hindi nagkukuwento. Kapag kinakausap niya minsan ay isang tanong isang sagot ito. He like her dahil may pagkakahawig sila nito ng ugali pero mukhang ilag si Miya.
Ngumisi ang tiyuhin sa sinabi niya. "Do you know her?" Interesadong turan nito.
Bigla ay natigilan si Edward. Mukhang iba ang pakiramdam niya. Tumitingin siya sa tiyuhin kung baka isa si Miya sa nabiktima nito. He knows him, hindi kasing bait ng inaakala ng pamilya nito. Naisip niya tuloy na baka isa sa babae niya si Miya.
"Hoy Edward, sabi ko..kilala mo ba siya. Well, sabagay nakilala mo nga siya. Oo, Miya ang pangalan niya. Dati ko siyang student assistant, gusto ko lang siyang makausap sana." Anito.
Bigla ay nakahinga siya ng maluwag sa sinabing iyon ng tiyuhin. Akala niya ay nakarelasyon niya noon si Miya.
"Opo tito, bago ko siyang kaopisina. Sa kapitolyo kami pareho." Turan dito.
Mas lalong ngumiti ang kausap. "Aba, maganda kung ganoon. Pwede ko bang kunin ang numero niya?" Saad nito at inihanda ang cellphone nito upang i-save ang number ni Miya.
Nang tanungin si Miya nang makita sa opisina nito tungkol kay David Gatchalian ay kinumpirma nitong dati nga siyang student assistant nito pero wala nang iba pang detalyeng binigay ito kaya naisip na hindi na rin sinabing binigay sa tiyuhin ang numero nito.
Mula noon ay hindi na ito nangulit kaya ang akala ay wala lang talaga pero nitong nagdaang dalawang buwan ay panay na ang tawag nito.
"Hello?" Sagot ni Edward sa kanina pa nangungulit na tawag.
"Bakit mukhang galit ka?" Gilalas ng tinig sa kabilang linya.
"Sinong hindi maiinis. Kanina ka pa tawag ng tawag kahit kasama ko si Miya. Pwede ba, matuto kang maghintay na tawagan kita!" Banas na turan sa kausap.
"Paano ay wala ka man lang update. Kahit text sana.." giit nito.
"My god! Kailangan bang every second ay nag-a-apdate ako. Wala pa siyang binibigay. Kaya huwag kang atat!" Turan saka binaba ang tawag.
Naiinis na siya sa tiyuhin. Bakit ba masyado itong despirado para makuha ang ebidensiyang ibibigay ni Miya sa kaniya at handa pa itong magbayad ng milyon para lamang doon. Matapos hithitin ang sigarilyo ay muli siyang pumasok sa ospital.
Ngunit papasok pa lamang siya sa ospital ng makita ang asawa ni Miya. Naroroon pa rin pala ito at mukhang may kausap ito. Hindi niya tuloy maiwasang makyuryos sa kung ano ang pinag-uusapan nila ng kausap nito. Kaya palihim itong lumapit sa kinaroroonan nila.
Pagsilip ay nakitang pulis pala ang kausap nito. Hindi masyadong madinig pero nakita niyang may hawak na USB si Klint at tila importante ang laman noon at inabot ito sa pulis. Naisip tuloy niya ang sinabi ng pinsan na may file daw itong ninakaw ni Miya.
Agad na gumana ang isip na maaring ang hawak ni Klint ang sinasabi ng pinsan. Kailangan niyang makuha iyon. Nakitang iniwan ni Klint ang pulis kaya agad siyang lumabas sa pinagtataguhan.
Pupuntahan na sana niya ang pulis ngunit mukhang nagmamadali rin ito kaya hindi na nagawang gawin ang pakay. Hihintayin na lamang niya ang lahat ng ibibigay ni Miya sa kaniya.
Pabalik na siya sa silid ni Miya. Sabi ng doktor ay maaari na itong lumabas. Ngunit biglang sumagi sa isipan ang kanilang pagkikita ng tiyuhin. Nagtaka pa nga siya dahil sa tagal niyang hindi nakikita ito ay bigla na lamang luluwas ng Ilocos at makikipagkita sa kaniya. Noong una ay naghinala siya kung ano ang pakay nito. Dahil kilala niya ang tiyuhin, hindi ito gagawa ng bagay na wala itong nais at batid niyang sa pakikipagkita nito ay may gusto nga ito.
Nang malamang kilala nito si Miya ay nagtaka siya. Doon niya lang nalaman na naging student assistant daw nito si Miya kaya kilala ito. Hindi niya alam na may malalim na dahilan pa pala ito kung bakit niya hinahanap si Miya. Nagkamali yata siya ng pagkakasabi na may kilala siyang Miya dito. Mula noon kasi ay hindi na siya tinigilan. Gusto nitong malaman lahat ng kilos ni Miya sa loob ng opisina nila.
Maya-maya ay muling tumunog ang cellphone. Agad na sinagot iyon. "Pwede ba huwag kang tawag ng tawag. Nandito ako sa ospital ngayon!" Inis na turan.
"Edward..." usal ni Miya.
Tila natigilan ang lalaking kanina ay nanggigigil. "Hmmmm...Miya?" Anito.
"Sorry, may kagalit ka ba?"tanong ni Miya.
"Ah...hmmm...wala naman. May tawag kasi nang tawag kanina pa. Kapag sinasagot ko naman ay binababa." Kaila nito. "Bakit ka nga pala napatawag. Saglit, papasok na ako." Anito rito.
Napaisip si Miya. May tumatawag at gumugulo rin ba kay Edward. Alam kaya ng dating professor na si Edward ng hahawak ng kaso niya. Mas lalong naguluhan si Miya. Hinahanda pa naman niya lahat ng hawak niyang ebidensiya upang maabswelto siya at lumitaw ang tunay na maysala.
THE INMATE
Maglilimang araw na si Miya sa kustodiya ng kapulisan. Handa na rin siyang ipagkatiwala kay Edward ang lahat. Sa ngayon ito lamang ang tanging kinakapitan dahil ito lamang ang kaya niyang pagkatiwalaan.
"Fernandez, may dalaw ka!" Tawag ng bantay nila. Siguro ay ang inay niya iyon o si Edward. Agad siyang naghanda.
Pagpasok sa visitation area ay nakita ang nakatalikod na lalaki. Napahinto siya. Hindi alam kung haharapin pa ba ito matapos ng ginawa nito. Ngunit sa sulak at bugso ng damdamin ay mabilis itong nilapitan.
"Anong ginagawa mo rito? Para siguraduhing hindi ako tumakas. Don't worry, hindi ako tatakas. Magkita na lamang tayo sa korte. Matira-matibay!" Matalim na turan kay Klint saka tatalikod na nang hawakan siya nito sa braso.
"Saglit lang Miya.." agap nito. Sabay hawak sa braso. Kapwa sila nagkatitigan, nagsukatan kung sino ang unang bibigay at hindi makayanan ni Klint ang nagbabagang titig ni Miya. "I will not sign this.." usal niya sa papeles na hawak.
Tumitig muli kay Klint. "You have no choice!" Mahina pero mariing turan dito.
"Noooo...hindi ko na lang basta-basta isusuko ang pagiging ama ko sa anak natin.." giit ni Klint.
Napangisi si Miya sa narinig na sinabi ni Klint. Mabilis itong piniksi ang kamay na nakahawak sa kaniya. "Ang galing mo rin noh! Matapos mo akong ipakulong tapos gusto mo ay ituring pa rin kitang asawa. Ano ang isasagot mo kapag tinanong ka ng anak natin, kung bakit mo ako pinakulong?" Saad dito.
Nakita ni Miya ang pag-aalinlangan at pagkalito sa mukha ni Klint. "See? Wala kang maisagot o kahit sa anak natin ay magagawa mong sabihin ang kasinungalingan mong mamamatay ang ina niya?" Muling umahon ang galit sa dibdib pero pinipilit niyang huwag masyadong magalit dahil pinayuhan na siya ng doktor. "Umalis ka na Klint habang kaya ko pang pigilan ang sarili bago pa may mangyaring kapwa natin pagsisisihan." Mahinahong turan.
"Miya please.." habol pa rin nito.
Muli siyang tumingin rito. Nakita niya ang pangingilid ng luha ni Klint na tila luluhod pa. Hindi nga siya nagkamali dahil ilang segundo na lamang ay lumuhod na ito sa kaniyang paanan. Pinipigil niya ang sariling maawa rito.
"Huwag mo akong luhuran Klint.."
"No! Please Miya. Huwag mo itong gawin sa akin, sa anak natin." Pagmamakaawa nito.
"Ikaw ang may gawa nito. Huwag mo akong luhuran dahil kahit lumuha ka pa ng dugo. Wala nang magbabago. Nandito na ako at naisugal ko na ang reputasyong matagal kong iningatan." Aniya kahit sa loob loob ay gusto na ring bumagsak. Aalis na sana siyang muli nang yakapin ni Klint ang isa niyang paa.
"Klint bitawan mo ako.."
"Miya please...paano ang magiging anak natin. Kukunin ko siya Miya, hindi siya—." Putol niya rito.
Mabilis itong tinulak. "Kahit kailan ay hinding hindi mo makikita o mahawakan man lang ang anak ko. Noong traydurin mo ako ay wala ka nang karapatan sa akin o sa anak natin." Aniya sabay mahinang sipa rito para bumitaw na sa paa niya.
Hahabulin pa sana siya nito nang pigilan na ito ng ilang security na bantay. Sa gilid ng mga mata niya ay nakitang umupo ito at sinalo ang mukha. Ramdam niya ang pighati nito dahil kahit papaano ay naramdaman niyang minahal din siya nito. Pero lahat sila ay biktima ng mapaglarong kapalaran.
Sa paglayo ay hindi na niya napigilang lumuha. Sa pagbagsak ng luha ay napasapo siya sa maumbok na tiyan. "Huwag kang mag-alala anak, sisiguraduhin kong hindi mo masisilayan ang buhay selda. Lalaban si mommy, lalaban ako." Aniya sa sarili.
"Fernandez, may dalaw ka!" Sigaw ng bantay nila.
Ngumiti ang mga kasamahan. Mayroon din silang pitong babaeng naroroon. Katulad niya ay buntis din ngunit hindi katulad niya ay pity crime lang ang mga ito. Karamihan ay estafa ang kaso.
"Baka asawa mo naman.." usal ng isa.
"Hindi na iyon babalik. Baka ang abogado ko.." aniya rito dahil sinabihan niyang ibibigay na niya ang hawak na ebidensiya rito.
Ngunit pagpasok sa visitation area ay nakita si Miss Delaila. Bigla ay nabuhayan siya ng loob. Nakitang nakatingin agad ito sa kaniya ng makita siya. "Mabuti naman ay maayos ang kalagayan mo. Dapat kasi ay binigay mo na lang ang kontak mo sa akin, mabuti na lamang at naisipan kong dalawin ka ulit kaya namalan ko ang nangyari sa'yo." Wika nito na bakas ang pag-aalala sa tinig nito.
Tila ba nakahanap siya ng kakampi sa sandaling iyon.
"Paanong nangyari ito?" Maang na tanong nito.
"Si Klint..." aniya.
Nagkatinginan silang dalawa. Tila nag-uusap ang mga mata at dinala pabalik sa dating napag-usapan nila. "So, totoong bumalik siya dahil nag-iimbestiga siya?" Nanulas na tanong mula kay Miss Delaila. Isang simpleng tungo ang kaniyang sinagot.
"Paano? Wala silang hawak na ebidensiya di ba?" Usal nito. "Hanggat wala kang aaminin ay wala silang maipupukol sa'yo." Saad nito.
Tumango si Miya. Kailangan niyang masabi sa kaharap na may hawak si Klint kaya siya nito nagawang ipaaresto agad. Malakas ang hawak nito.
Napansin ni Miss Delaila ang pananahimik niya at batid niyang alam na nito. "Don't tell me, may sinabi ka rito tungkol sa atin?" Maya-maya ay matigas na turan nito.
"Miya.." untag nito. Doon ay hindi na niya napigilan pa. Umiyak siya.
"I'm sorry Miss Delaila. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko naman kayo idadawit ni senyora. Haharapin ko itong mag-isa.." aniya rito na naiiyak.
Nakita niyang tumapang ang mukha ni Miss Delaida. Ito iyong tapang na nakita sa loob ng mahabang panahon. Nakita ang pagkuyom ng kamao nito na batid niyang nagpipigil ng galit nito. "What did you tell to him?" Anito matapos magbuga ng hangin sa dibdib.
"May hawak siyang USB. Naglalaman noon ng kuha sa loob ng kuwarto nina Tim at Ysabelle. Naroroon din ang kuha sa penthouse ni judge—." Usal niya ng sumabad si Miss Delaida.
"Whaaat?" Gilalas nito. Namula ang buong mukha nito sa galit at hinawakan nito ang braso niya sabay tingin sa paligid. "Akala ko ba matalino ka! Kumuha ka pa talaga ng ebidensiyang magdidiin sa'yo!" Gigil nito at nanlilisik ang mata nito. Mahina pero madiin. Pabulong pero tumatagos sa dibdib ang bawat bitaw nito.
Napalunok si Miya. "Nagawa ko lang iyon bilang proteksyon sa sarili ko." Aniya sabay bawi sa palad niya. "Aaminin ko, kinuha ko ang lahat ng video na iyon para may panlaban ako once na baliktarin niyo ako ni senyora.." pag-aamin rito.
"Whaaaaat!" Malakas na turan nito na halos nagpalingon sa mga inmate na may dalaw.
Pero may isang taong hindi lumingon ngunit matuling nakikinig sa kanilang tabi.
—
Ang nakaraan ay unti-unting babalik sa kasaluyan. Ano ang kinalaman ng taong nakikinig sa lahat ng mga nangyayari. Come and join me as I unleash the real culprit and solve this murder-mystery story. ABANGAN.