Episode 5:

1293 Words
TARGET 1: IRENE MAE MONTEMAYOR- DEOGRACIA "Hi little girl, ang cute cute mo naman. Sinong kasama mo?" Tanong niya sa cute na bata. "My mom is over there. You look so pretty too.."bibong turan nito na kinangiti niya. Sinulyapan ang babaeng tinuro nito at noon ay papunta na sa direksyon nila. "Mommy.." bati ng batang kausap kanina ng makita ito. Ngumiti siya ng tumingin ito sa kaniya.  "Hi, I'm Irene..salamat sa pagbabantay ng anak ko." Saad nito. "Its my job ma'am...balik po kayo." Nakangiting sagot rito. Nang makatalikod ito ay umirap siya. 'Kung makakabalik ka pa,' aniya sa isipan. She work as a part time sa isang play station sa isang sikat na mall dahil nalaman niyang doon madalas iniiwan ni Irene ang panganay nitong anak. Mga tatlong beses niya na rin nakikita ang mga bata. There is a time na tila ayaw niyang gawin ang misyon pero kapag naaalala ang masaklap na sinapit ni Haya dahil kay Irene ay nawawala ang symphaty towards sa mga bata. "Isiksik mo sa utak mo na walang puwang ang awa. Hindi ka dapat maawa sa mga taong lumapastangan kay Haya." Salita ni Miss Delaila na nagsusumiksik sa kaniyang isipan. Mabilis na nagbihis sa banyo ng mall. Isang itim na tshirt at pantalon saka sneakers para mas madali niyang maisakatuparan ang kaniyang misyon. May tatlong oras siya para gawin ang misyon at kailangan niyanb makauwi sa bahay nila ng 11pm. Habang nasa daan ay iniisip na ang gagawin niya. Mga isang linggo niya pinagplanuhan ang gagawing pagpasok sa bahay ng babae. Sabi ni Miss Delaila, iyon ang perfect timing para patahimikin ito dahil wala ang asawa nito. Sinuot ang bonnet, guwantis at kinabit sa damit ang isang body camera. Proteksyon niya iyon anuman ang mangyari. Mabilis na inakyat ang may kataasang gate. Buti na lamang at walang gaanong tao sa subdibisyon na iyon. Nang maakyat ay agad na lumambiten papunta sa balkonahe sa ikalawang palapag. 's**t!' Di napigilang mura nang matalisod siya at halos malaglag.  Masusing tinitignan kung may bukas na bintana. Muli siyang napamura nang wala siyang mapasukan kaya no choice siya kundi bumaba at doon ay hahanap ng puwede niyang pasukan. Tahimik ang buong kabahayan, tanda na tulog na ang lahat. Hanggang sa makita niyang bukas ang isa sa bintana malapit sa kusina. Maingat niyang pinasok ang kamay at bumukas iyon. Napangiti siya dahil nagtagumpay siya.  Nasa may hagdan na siya nang tila may gising pa rin. Mabilis akong nagtago. Nang makalapit sa aking pinagkukublihan. Isang mabilis na sipa at tadyak. Nakipagbuno at nanlaban pero nanaig ang kaniyang liksi at lakas. Matapos noon ay mabilis siyang umiskapo. THE HEADLINE Babae natagpuang patay na naliligo sa sariling dugo sa paanan ng hagdan. Foul play or accidental death! Basa sa nakasulat sa isang tabloid na hawak hawak ni Miss Delaila. "Good job Miya. Hindi ko akalaing ihuhulog mo siya sa hagdan.." maluwag ang pagngiti nito habang sa kabilang dulo ay walang ekspresyon si Mrs. Samienta. Humigop lang ito ng kape. Pagkabukas ng TV ay ganoon din ang balita.  "Inaalam pa sa kasalukuyan kung ano talaga ang nangyari. Sabi kanina sa panayam namin sa asawa ay may nakita siyang nakapasok sa bahay nila. Hindi siya sure kung babae o lalaki. Ang alam lang niya, medyo matangkad. Nasa 5'7 balingkinitan ang katawan at nakabonnet at all black ito. Sa kasamaang palad ay walang nahagip ang kanilang CCTV na nagpapatunay na may nakapasok nga." Turan ng news field reporter sa follow up na tanong ng news anchor.  "Is the husband will be a suspect sa pangyayaring ito. If he claim na nandodoon siya at nakitang nilooban sila." Dagdag pang tanong rito. "Gaya ng sabi ng pulis ay, titignan nila ang kaso ng panloloob pero if walang probable cause malamang ay sa asawa na sila mag-focus." Sagot naman ng news reporter. Ngumisi na si Mrs. Samienta saka bumaling sa kaniya.  "Magaling Miya, pero next time. Siguraduhin mong walang nakakakita sa'yo para walang ebidensiya." Anito. Tumungo na lamang si Miya. "Opo senyora.." mahinang sambit. KIPKIP ANG LIBRO ay papasok na siya sa klase niya nang maya-maya ay may sumitsit sa kaniya. Hindi niya iyon pinansin ag nagtuloy-tuloy lamang siya. Ngunit lumakas ang sitsit. Huminto siya at tinignan kung saan nanggagaling ang sitsit hanggang sa masumpungan ang isang lalaki sa gilid. Nakauniporme ito pero hindi ng uniporme ng eskuwelahang iyon. Kundi ang guwardiya nilang si Mang William. Tinuro ang sarili at tumango ito. Hindi niya alam kung bakit ayaw nitong lumabas sa pinagkukublihan. Agad siyang lumapit rito nang makitang walang tao sa pasilyong kinaroroonan. "Bakit po manong?" Tanong rito. Dinikit nito ang daliri sa labi at sumenyas na sumama siya rito. Nag-alangan pa siya noong una pero naging interesado siya sa sinabi nito. "Alam kong nandito ka para mangalap ng impormasyon tungkol sa nangyaring panggagahasa sa law student di ba?" Wika nito. "Paano niyo nalaman?" Aniya. Napapamura siya sa isipan dahil mukhang dumarami na ang nakakaalam sa kaniyang pakay. "Nabanggit ni manang sa akin kahapon. Huwag kang mag-alala ineng, safe sa amin ang sekreto mo. May ipapakita lamang ako sa'yo." Turan nito. May pag-aalinlangan man ay sumama siya rito. Sa isang lumang gusali siya dinala rito, hindi kalayuan sa kinatitirikan ng mga makabagong gusali. "Ano po ito?" Hindi mapigilang tanong rito. Sa totoo ay may kaba na siya dahil baka may gawin itong masama sa kaniya. "Abandonadong gallery museum ito ng eskuwelahan. Dahil wala masyadong nagpupunta ritong estudyante ay tuluyang inabandona." Kuwento nito. Habang paakyat sila. Pagod na siya ng nasa ikatlong palapag sila. Hahakbang ulit sana ang lalaki pero pinigilan niya muna. "Saglit lang manong.." pigil niya. "Ano po bang gagawin natin dito?" Maang na tanong. "Konti na lang ineng at malalaman mo rin.." turan nito. Muli ay nagpatuloy sila sa pag-akyat hanggang marating ang abandonadong gym. May basketball at baminton. Kita sa guhit sa floor pero ginawang tambakan iyon ng mga sirang mga upuan, white board at kung anu-ano pa. Hanggang sa unti-unting naging pamilyar ang lugar.  Hindi siya maaring magkamali. Ito ang lugar kung saan kinunan ang video. Napamura na lamang siya sa isipan at tumingin sa security guard. Batid niyang may alam din ito. THE CONSPIRACY "KUNG MAY alam kayo, bakit hindi kayo tumistego?" Hindi mapigilang turan dito. "Hawak nila kami sa leeg. Ayaw ng pamunuan ng eakandalo patungkol sa unibersidad. Kaya tinago nila at hindi nakipag-cooperate at ni hindi nila alam na dito sa loob ng unibersidad kinunan ang lahat." Turan nito. "Bakit mo ngayon sinasabi sa akin ito?" Tanong rito. "Dahil inuusig na ako ng aking konsensiya. Hindi ako nagsalita noon dahil kailangan ko ang trabahong ito.." saad nito. Mabilis na sinuyod ang buong paligid. Puno iyon ng sapot at alikabok pero halos hindi nagalaw dahil gaya ng napanood niya sa video ay ganoon pa rin ang ayos noon. Buti na lamang at maagap siya. Alam niyang may makukuha siyang ebidensiya kaya agad na kinabit ang body cam niya noong pinahinto ito kanina. This is a confession of an star witness to a crime and she knows that will lead to a conviction after a decade of suffering injustice. "Dalawa kami ng isang security guard ang duty ng gabing iyon. Nang gabing iyon ay nakarinig kami ng mga sigaw. Hindi namin alam kung saan. Nagpaalam ako sa kasama ko maglilibot lamang dahil mukhang may estudyante pang naiwan sa loob. Naiwan ang kasama ko sa may main gate habang ako naman ay nag-iikot. Muli akong nakarinig ng sigaw, pahina iyon ng pahina pero natunton ko ka kung saan galing. Hanggang dalhin ako sa paa ko dito, rito sa mismong lugar na ito." Saad nito saka tumingin sa kaniya. "Sa tingin niyo ba may kinalaman ang eskuwelahan sa mga nangyari?" Tanong rito. "Iyan ang hindi ko pa masasagot..." saad nito. "Pero noong pinatawag ako ng pamunuan, ang sabi nila ay ayaw lang nilang masangkot sa eskandalo ang unibersidad at baka maapektuhan ang kanilang enrollees. Para sa kanila, maprotektuhan ang kanilang reputasyon," dagdag pa nito. For her, she knows that there was a conspiracy to conceal a crime to protect their integrity but in the cost of Haya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD