Episode 4:

1130 Words
THE LAW PROFESSOR "GOOD MORNING class," bati ng isang nasa mid fifties na lalaki. Matangkad at makisig. May ngiti sa labi nito habang nagpapakilala. "I'm Mr. David Gatchalian, I've been teaching here at San Aveda school of law for fifteen years.." anito. Napairap siya sa narinig. Maaaring may alam ito sa naging masalimuot na trahedya tungkol sa mga law student na nasangkot sa isang r**e eleven years ago. "And you Miss, mukhang ang lalim ng iniisip mo. Kanina pa naghihintay ang mga classmate mo.." untag nito. "Pooo...." gulat na tanong rito. Agad siyang lumingon sa nga kaklase at ilan ay nakitang nakangisi sa kaniya. Napalunok siya. "I'm Miyalyn Sto. Domingo," tipid na turan. "Oh right Miyalyn, tell us more about yourself. Why are you in my class.." follow up nito. "Hoooo?" Gulat na turan. Sa isip ay ibang misyon ang sumisiksik. Doon ay hindi na mapigilang matawa ang ilan niyang kaklase. "Gusto ko lang pong maging abogado balang araw.." simpleng turan. "Okay, good. Well, lahat naman kayo ay iisa ang hangad. Hopefully ay matagalan niyo ang propesyong inyong pinili." Anito saka lumipat na ang tingin. Batid na ni Miya na nakuha niya ang pansin ng professor nila. Pagkatapos nga ng klase nito ay pinaiwan siya at nakita ang concern nito. 'Ang kahinaan mo ay gawin mong advantage para maralapa mo at makuha sa'yong palad ang mga nais mo.' Naalala ang mga turo ni Miss Delaila sa kaniya. "Miss Sto. Domingo, may problema ka ba? Tell me if makakatulong ako.." concern na tanong pa rin nito. Umupo siya pabalik sa kaniyang upuan at tumango. Nakitang lumapit ito sa kaniya at dinantay ang palad nito sa kaniyang balikat. "May problema ba?" Tanong nito. Sa pagyuko ay hinanda ang sarili at lumuha. "Wala po sir.." iwas niya. Mas lalong nabahala ito. "May problema ka, sabihib mo at baka matulungan kita." Ulit nito. Ang hawak nito sa kaniyang balikat ay dumantay sa kaniyang braso at kamay. "Alam po kasi ng magulang ko sa probensiya ay natanggap ako sa schoolarship rito. Hindi ko po alam kung papaano ako magppatuloy," luhaang turan. Sapo ang hilam na mukha. "Shhhhh...huwag kang umiyak. Gusto mo ba ng ibang mapagkakakitaan?" Alok nito. "Ah....paano po." Tila interesadong turan. "Be my student assistant.." anito. Napangiti siya ng maluwag. Madali lang naman palang paikutin ang mga tao sa paligid niya. Ngumiti siya rito at niyakap ito. Batid niyang nailang ang lalaki pero sinadya niya talaga iyon. Marami pa siyang makukuha. Mula rito. THE PROFESSOR LITTLE SECRET SA PAGDAAN ng araw na nakakasama ang professor ay tila may sekreto itong hindi niya alam kung ano. She try to seduce her in order for him to confess pero tila wala itong epekto sa professor. Suot ang kaniyang maiksing skirt at binuksan pa ang isang botones kung saan kitang kita na ang punong dibdib niya. Nakita niya ang palagian nitong pagtingin sa kaniya pero blangko ang mukha nito. "Miya, nakalimutan ko sa faculty office ang laptop ko. Nag-install kasi ako.." saad nito. Agad na tumayo si Miya. Nasa library kasi sila dahil may mga examination papers itong nira-rush dahil magsa-submit na ito ng mga grades. Mabilis na narating ang faculty at nakitang nakapatong nga sa mesa nito ang laptop. Mukhang tapos na naman ang pag-install rito at nang aksidenteng mapindot ang ilang keys sa keyboard nito ay nagbukas iyon. Bigla siyang kinutuban. Bubunutin na sana niya ang plug noon pero tila may nagtutulak sa kaniyang pagkakataon na para malaman niya kung may itinatago ba ang professor. Mas lalo siyang kinabahan nang makitang maraming files ang may mga password. Pinagpapawisan siya habang pilit na binubuksan ang isang lumang files doon. Mas lalo siyang kinutuban dahil mukhang may laman ang files na iyon. It was titled, my li'l secret. Walang tao roon kaya pinilit niyang buksan. She knows some information tungkol sa professor niyang iyon. Birthdates, numerous number he keep telling or his own atm card password. Unang try ay ang birthday nito pero ayaw maging ang password nito sa atm pero ayaw pa rin. Susuko na sana siya pero maalala ang date kung kailan nangyari ang trahedya tungkol kay Haya. At bingo! Its open. "Sh*t!" Gilalas habang hindi alam kong ano ang gagawin. Halos hindi niya masikmura ang nakikita. "Miya bakit ang—." Putol na tinig ng professor. Pinagpawisan siya ng malapot. Mabuti na lamang at na-close ang files saka mabilis na shutdown. She heard his foot steps. "Bakit ang tagal mo!" "Sorry sir, nag-CR pa po kasi ako bago pumunta rito." Katwa niya. THE HIDDEN EVIDENCE "KUNG GAYON AY dapat kang makakuha ng kopya ng iyong mga nakita. Kakailanganin natin ang lahat ng iyon sa tamang panahon." Maigting na sabad ni Miss Delaila matapos niyang ikuwento ang kaniyang nakita. "Alam kong marami ka pang malalaman, ito pa lamang ang simula." Dagdag pa nito. Sa tatlong buwan sa unibersidad na iyon ay nalaman na niya ang pasikot-sikot ng eskuwelahan. Bawat sulok ay masusinb pinag-aaralan. Mga CCTV na nasa bawat sulok, maging ang lugar kung saan palaging natambay si Haya noon. There are three areas that they speculate kung saan ito kinuha ng mga lalaki sa pamamagitan ni Irene. Tapos na ang klase niya at nasa library ulit siya. Mabilis na tumalilis papunta sa security room. Mabilis siyang pumasok doon nang makitang walang tao. She's not that expert in terms sa mga software at hardware pero may alam din siya kahit papaano. Naroroon din sa security room ang ilang lumang computer. Bawat computer ay may naka-indicate na date at nang makita ang year kung kailan nangyari ang pagkawala ni Haya ay kinuha iyon. May kabigatan pero kailangan niyang makuha. Mabuti na lamang at wala pa ring tao roon. Hindi alam kung papaaano mailalabas iyon ngunit hawak na niya at wala nang atrasan. Itatago niya muna ito kung saan at hiningi na lang kay Miss Delaila ng tulong. Ngunit ilang sandali ay may humila sa kaniya. Dinamba siya ng takot dahil mukhang may nakakita sa kaniya. "Anong ginagawa mo!" Tinig ng isang matandang babae. Halos mapatid ang paghinga. Mabuti nalamang ay si manang Sianang iyon. Ang taga linis ng banyo ng babae sa buong campus. "Bakit nang gugulat kayo manang.." aniya. Tumingin ito sa bitbit niya. Itatago sana ang nakalagay na date dito pero huli na dahil nakita na niya iyon. Tumingin ito sa aking mukha. Twenty-five years na itong nagtatrabaho sa unibersidad at batid niyang alam na nito kung bakit niya kinukuha iyon. "Baka mapahamak ka ineng.." sambit nito. "Hindi po manang, aalamin ko ang katutuhanan.." maigting na turan niya rito. Napalunok ito saka bumitaw sa pagkakahawak nito. Tila may alam din ito pero tikom din ang bibig. Kung may alam itong vital evidence. Gagawin niya ang lahat mapaamin lang din ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD