TARGET 2: TIMOTHY FRANCISCO
"Diana! Naririyan na ba ang sinasabi mong bagong book keeper. I badly needed her now! Hopefully ay na-orient mo na siya nang mabuti!" Pasigaw na tawag ng boses lalaki.
Nataranta si Miss Diana, ang babaeng nag-oorient sa kaniyang gagawin sa trabahong pinapasok. Bahagyang napataas ang kilay niya. "Pasensiya na sa boss natin, mainitin ang ulo dahil buntis ang asawa." Anito. Mas lalong nangunot ang noo niya sa sinabing katwiran nito. Ano naman ngayon kung buntis eh masaya nga iyon at magkakaanak na ito. "Hindi maka-score.." bulong pa nito.
"Diana!" Tawag pa nito.
"Yes sir, yes po na-orient ko na po siya.." anito sabay turo sa kaniya. Inihanda na niya ang pinakamatamis niyang ngiti.
"Hello po sir.." bati rito.
Bigla itong natahimik at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Alam na niyang maaatrak niya ng ganoon kabilis ang lalaki. Her long leg ang kaniyang panama. Muli siyang pinasadaan ng tingin nito.
Natatawa siya sa kaniyang isipan. Mukhang ang mala-tigre kanina ay tila nayuping parang yero ang bibig nito.
"Hi! Come in, sorry but I badly needed you now. Want you to file all this paper works.." anito saka bumalik sa mesa nito. Agad siyang naglakad papalapit sa mesa nito kinuha ang pile ng paper work na sinasabi nito.
Napayuko siya ng bahagya at nakitang nakasilip ito sa cleavage niya. Kunwari ay hindi ito napansin. "Whats your name by the way?" Tanong nito.
"Queen Elizabeth.." matipid na turan. Nakita niyang napatawa ito pero hindi naman malakas. "May nakakatawa po ba sir, share mo naman para matawa rin ako?" Aniya.
Nakitang napatigil ito at tumingin sa kaniya. Doon ay tudo ngiti na siya. "Joke lang po.." aniya saka naglakad na. Batid niyang nakasunod ang tingin nito sa kaniya.
'Its showtime.' Aniya sa isipan saka mas nilandihan pa ang paglalakad papalayo sa lalaki.
THE SEDUCTION
HINDI NGA NAGTAGAL ay tumugma rin ang kaniyang hinala. Pinagnanasahan siya ng kaniyang boss. Halos hindi na maikaila iyon mga titig nito sa kaniya. May mga pagkakataong sinasadya niyang huliin ito sabay ngiti. Hanggang sa isang araw ay hindi na ito nakapagpigil pa.
"Queen Elizabeth.." tawag nito.
Agad siyang tumayo at kumapit sa mesa nito. "Yes sir, may iuutos po ba kayo?" Tanong niya rito.
"Marunong ka bang magmasahe?" Tanong nito.
"Of course sir, saan po ba. Dito po ba?" Sabay hawak sa sintido nito. "...o ditooo..." seductive na turan nang hawakan ang balikat nito. "...mmmmmmm...o mas gusto ko dito.." aniya sabay gapang ng palad sa malapad nitong dibdib pababa sa tiyan nito.
Nakita niya ang pagngisi nito saka hinalikan siya nito sa labi. Napakapit siya sa upuan. Lumalalim ang halik nito at gumagapang ang palad nito sa kaniyang katawan. Tila nais na niyang tadyakan ito pero pinilit niyang mag-focus sa kaniyang pakay.
Nagsisimula na nitong baklasin ang kaniyang botones at gumagalugad ang dila nito sa kaniyang labi. Nang biglang may kumatok sa pintuhan. Halos hindi makahinga si Miya nang sandaling iyon at natuwa siya nang may kumatok. Akala niya ay wala na siyang kawala. Bigla kasing nawala siya at hindi nakaisip ng matino.
Mabilis niyang inayos ang damit at mabilis na lumayo sa boss niya. Binuksan ang pintuhan at nakita roon ang isang babaeng malaki ang tiyan. Nakapamaywang ito at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Saka tumingin sa boss niya na kunwari ay abala sa mesa nito.
Napangiti siya nang makatalikod ang babae. "Hey babe, nadaan ka. Akala ko ba ay check up mo today?" Turan ni Tim ang kaniyang boss.
"Masama bang dumaan sa opisina ng asawa ko!" May diin na turan nito.
"Hindi naman babe, nagtaka lamang ako. By the way siya si Queen Elizabeth. Ang bagong book keeper, ang pumalit kay Diana." Turan nito.
May pagdududa sa mata ng bagong dating na babae pero wala na siyang pakialam. Nang umalis ito ay muli siyang hinalikan ng lalaki. Mula noon ay lumalim ang naging ugnayan nila. She make sure na safe siya at hanggang kapaan at halikan ang magiging ugnayan niya kapag nasa opisina sila. Mabuti na lamang sa tuwing magiging intimate sila sa loob ng opisina at kapag malapit na sila sa may mangyayari ay may nakatok pero kabado na rin si Miya dahil baka mamaya ay mapahamak na siya sa ginagawang pakikipag-flirt dito.
THE ULTIMATE BETRAYAL
"Ohhh Queen, your driving me crazy. I was longing for a months to bring you to bed.." anas ni Tim sa kaniya. Napangiti siya.
"Really? Do you want me to join you in your bed?" Seductive na turan.
"Yes.." anito saka muli siyang siniil ng halik.
"Then lets do this in your matrimonial bed. I like the idea being with your wife tonight." Anas niya sa punong tainga nito. Napatigil ito.
"I think, the situation is adding up. Nasa bahay ng mga magulang niya ang asawa ko. We can play around.." anito na tila naging buwitre.
'Kill him or he will be bitten you!' Matigas na turan ni Miss Delaila nang mapansin nitong napakatagal ang ginugugol niya para matapos ang misyon niya.
Ngumiti siya ng matamis rito at nilaro ang labi nito ng dila niya. "It will be exciting, got to get ready for that.." aniya saka umalis.
"See you at the lobby," habol nito.
"Sure.." aniya saka ngumiting pusa.
Alas siyeta ng gabi ay nasa bahay na nga sila nito. "Baka makita tayo ng kasambahay niyo?" Kunwari ay nahihiyang turan ko bago kami bumaba.
"Don't worry, I call them na pwede na silang mag-off ngayong gabi hanggang bukas." Anito na nakangisi.
Umikot ang mata niya at nakitang ilang CCTV sa bahay nito. Napamura siya. Mabuti na lamang at makapal ang ginawa niyang make-up para hindi siya masyado expose. She make sure na bago matapos ang gabing iyon ay tapos na rin ang misyon niya.
Pagkapasok na pagkapasok sa silid ay agad siyang sinibasib nito ng halik. "Ohhhh...wait..." aniya sabay tulak ito sa kama. Saka siya tumayo sa harap nito at gumiling habang tinatanggal ang damit niya. Nakitang mas lalong nahumaling ang lalaki. Napapadila pa ito sa labi nito. Nang matanggal ang damit ay ang bra niya naman. Agad siyang hinila nito at sinibasib ng halik. Sinimulan itong hubaran at nang hubarin nito ang skirt nito at nahiga na siya sa kama.
Tinignan ang kinaroroonan ng damit na hinubad at nang makitang maayos naman iyon at naroroon ang body cam at maayos na nakukuha ang kinahihigaan niya. Nang hubad na ang lalaki at papasugod na sa kaniya sa kama ay siyang biglang bukas ng pintuhan.
Isang malakas na putok ang bumasag ng gabing iyon. A bittersweet goodnight.
THE CONTROVERSY
"Attorney Timothy Francisco found dead at their matrimony bed last night. His distraught wife couldn't be able to talk as she still in shocked to what happen. This is CNN Philippines, I'm Danica Marasingan. Your reporter on the go.."
Dinig nila sa balita habang nag-uumagahan. Tahimik silang lahat lalong-lalo na si Miya. A part of her ay nagi-guilty sa nangyari sa asawa ng lalaki.
"Patay at naliligo sa sariling dugo si attorney Timothy Francisco matapos magtamo ito ng isang tama ng baril sa dibdib na kinasabi nito. Habang ang asawa ay kasalukuyang hindi makausap. Dahil sa nangyari ay nakunan ito at ngayon ay nasa kritikal na kondisyon. Ito ang nagbabagang balita, sa umagang ito. Magandang umaga."
Balita naman sa local channel at mas lalo pa siyang na-guilty sa nalaman.
"Miya! Miyaaaaa!" Tawag na pala siya ni Miss Delaila. Agad siyang tumingin rito. "Don't tell me nagi-guilty ka?" Saad nito na nakataas kilay. "You have more to go Miya kaya tibayan mo ang puso at isipan mo. Isipin mong mga taong kailangan lang mawala ang pinapatay mo. Ang batang iyon, mas mabuti na iyon para hindi niya malaman na ang ama nito ay isang r****t at murderer! Focusssss.." giit nito.
Hindi na siya umimik pa. Nagawa na niya. Bakit pa nga ba niya iisipin ang kaniyang konsensiya.
Kabit ng attorney dahilan ng kamatayan nito.
The ultimate betrayal lead to his demise.
Attorney patay, kabit tumakas. Asawa kritikal.
Halos iisa ang topiko ng balita sa diyaryong nakahatag sa kanilang harapan. Maging sa social media ay ginawang katatawanan na rin ang kamatayan ng attorney dahil sa kontrobersya na kaakibat ng kamatayan nito. Lalo at nilabas ang CCTV kung saan ay nakahubad pa siyang tumakas. Buti na lamang at hindi kita ang kaniyang mukha.