THE JUDGE
PINAHID NI Miya ang dugong umaagos sa kaniyang labi. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha. Nagawa niyang talunin ang limang lalaki. Ang mga lalaking kanina ay parang lalapain siya ng buhay, ngayon ay tila basang sisiw na nakatali na lamang.
"Alam mo bang bukas ay magsisimula ka na sa iyong misyon.." anito na tila excited. Hanggang sa sandaling iyon ay wala pa ring ekspresyon ng mukha niya.
"Ipapaalala ko sa'yo Miya. Naririto ka dahil ayaw mong makulong ang ina mo...kapag nagawa mo ang misyong ito ay absweldo na ina mo at magkakaroon ka pa ng dalawang milyon. Sapat na para mabuhay kayo ng maayos ng pamilya mo. Uulitin ko, ang mga papatayin mo ay demonyo, mga taong lumapastangan sa babaeng walang kalaban-laban. Kaya hindi ka dapat makonsensiya!" Saad nito upang paulit-ulit na ipaalala sa kaniya.
"Si Cristiano ba ang unang titirahin o ang babae para mas madali." Walang emosyong turan dito.
Ngumisi ito nang marinig ang sinabi niya. "Ganiyan ka Miya.." anito saka may binunot sa dilaw na envelop. "Magsimula ka rito.." anito sabay abot sa isang print out ng picture.
Napakunot noo si Miya ng makita ang matandang mukha sa larawan na iyon. Nakita ni Miss Delaila ang kaniyang reaksyon.
"Siya si Judge Macario Samaniego, siya ang judge na humawak sa kaso noon ni Haya. Despite of strong evidence ay nagawa nitong iabswelto ang mga gumahasa at pumatay rito." Matiim na turan nito. "Sa kaniya ka magsimula, after the case. He retired dahil malaki ang nakuha nitong pera dahil sa pagkaabsweldo ng mga ito. He migrated to the US and a month ago ay bumalik siya rito sa Pilipinas. Good to start our revenge. Start with him!" Anito sabay turo sa noo nito.
THE OLD MAN DIRTY SIDE
SA TATLONG ARAW na pagmamanman sa matanda ay nalaman niyang may club itong pinupuntahan. Sixty-two na ito pero mahilig pa rin sa babae. May asawa pa ito pero nasa US kasama ang dalawa nilang anak.
"Ikaw na ang sasagaw, Mariposa." Sigaw ng floor direktor ng club. Agad na gumayak si Miya at pumunta sa entablado.
Isa sa inaral niya ay kung papaano magsayaw at mang-akit ng lalaki. Kaya madali na lang iyon sa kaniya. Lalong nagwala ang mga kalalakihang naroroon at nakitang bumulong ang matanda sa waiter. May pinagbuti ang paggiling sa harap. Sa bawat sulyap niya sa matanda ay siyang kindat rito. Napapadila ito ng labi.
'Sige lang..' aniya sa isipan. Sa sulok ay nakita si Miss Delaila. Sumenyas ito ng thumbs up sabay senyas din ng pahalang sa leeg nito. Alam na niya ang ibig sabihin noon.
Mabilis siyang siyang sumayaw sa harap ng mga lalaki. Kung saan saan nahawak ang mga kamay ng mga ito hanggang sa marating ang kinaroroonan ng matandang judge. Umupo siya sa kandungan nito.
'Matanda na pero tinitigasan pa rin..' aniya nang maramdaman ang p*********i nito. Tumayo siya sa pagkakaupo saka gumiling sa harapan nito. "Do you want me tonight.." anas niya.
Sumilay ang ngiti sa labi nito. "If yes, wait me out.." aniya saka muling gumiling pabalik sa entablado.
Mabilis ang pagbalik sa entablado at naghiyawan ang mga tao sa kaniyang final act. Tinanggal niya kasi ang kaniyang bra ngunit nakatalikod naman siya sa madla. Ngunit halos magwala ang mga lalaking hayok sa laman. Matapos noon ay deretso na siyang pumasok sa loob at mabilis na nagsuot ng damit niya. Ingat lang siyang hindi mabura ang kaniyang make-up.
Magaling ang kinuha ni Miss Delaila na make up artist. Nagawa siya nitong pagmukhaing kagaya ng dancer na si Mariposa. Ni hindi nga siya nakilala ng mga tao roon. Buong akala ng mga ito ay siya talaga si Mariposa.
Pagkalabas nga ay naroroon na ang judge at naghihintay. Siniguro nilang walang CCTV sa lugar kaya safe siyang sumakay sa sasakyan ng matanda.
"Where do you want to go?" Tanong nito.
Ngumiti siya ng matamis. "Your place or my place pero matigas ang kama sa bahay namin.." saad niya na naglalambing rito. How to flirt. Matagal niyang pinag-aralan noon.
Naramdaman niya ang pagsayad ng kamay nito sa kaniyang legs. Halos gusto niya itong suntukin pero nagpigil siya. "Nice legs huh.." anito na tila lumabas ang kamanyakan.
"Yeah, thats gonna be yours.." aniya na nilandihan pa. Tila naging mas exciting pa ang matanda. Maya-maya ay nasa parking lot sila ng isang condominium. "Is this your place..safe ba dito baka naman makita tayo ng asawa mo at maeskandalo pa ako." Kunwari ay turan.
"Don't worry, safe dito. May alam akong daan para di ka mahagip ng CCTV." Anito na nakangiti pa.
"Ay ang naughty ko talaga. Well, gusto ko iyan.." aniya habang nilalaro kuno ang butones ng damit nito.
Mabilis nitong sinabi ang dadaanan niya para hindi siya makuha ng CCTV sa may elevator. Sinunod naman niya ito.
Ilang sandali lang ay nasa loob na sila ng condo unit ng matanda. Agad siya nitong hinila at sinibasib ng halik.
"Hey wait! Safe ba dito?" Ulit na tanong para alam kung baka may ebidensiya.
"Wala na. Pinatay ko na iyong CCTV. Kahit dito sa sala tayo mag-hmmm...pwedeng pwede.."anito na animo'y sabik na sabik.
"Okay, sinabi mo eh.." aniya saka ngumisi. Muli siyang hinalikan nito. Bahang hinahalikan siya nito ay ginigiya niya ito sa sofa.
Nang maramdaman nito ang kamay na may guwantis. "Tanggalin mo muna iyan para mas masarap ang haplos mo.." anito. Ngumisi siya saka sinibasib niya ng halik ang matanda at nang dalang-dala na ito ay hinawakan niya ang ulo nito.
"Pwede bang gumamit muna ng CR.." tanong rito saka mabilis na tinungo ang banyo.
Tumingin sa palad. Tumitig sa kaniyang mukha. Nanginginig ang kaniyang labi.
THE NEWS
"Isang malaking palaisipan ang pagkamatay ni Judge Macario Samaniego dahil hanggang ngayon ay inaalam pa rin ng mga pulisya kung may foul play ba o talagang inatake lamang ito. Matatandaang sampung taon na ang nakakalipas matapos itong magretiro sa pagiging hukom at isa sa pinakalamaking kasong nahawakan nito ay ang rap-murder case ng mga The Lawyers laban kay Mrs. Sarmienta ang ina ng dalagang ginahasa at pinatay na estudyante ng San Beda." Ito ang pinakamainit na balita sa umagang ito. Ako si Gina Dumawal ang inyong taga pagbalita.
Malakas na tunong ng TV habang kumakain silang tatlo nina Mrs Sarmienta, Miss Delaila at si Miya. Magana ang kain ng dalawa habang siya ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari kagabi.
"Dapat lang sa kaniya iyan. Sabi nga nila, kapag hindi mo nakuha ang hustisya sa lupa. Sa langit mo na lamang hintayin. For sure ay hinihintay na siya ni Santanas!" Matatag na turan ni Miss Delaila.
"Masaya ako dahil nawala na ang isa sa mga taong naging dahilan ng aking pagkasawi. Ngayon pa lamang tayo nagsisimula." Saad naman ni Senyora Elena.
Tahimik lamang si Miya. Kahit papaano ay nabawasan n ang kaniyang misyon. Iisipin na naman niya kung papaano unti-unting tatapusin ang mga ito.
"Oh bago ko pala makalimutan Miya. Mag-eenrol ka na sa susunod na araw. I want you to take a law. Alam kong kaya mo iyon, at the same time. I want you na makakuha ng impormasyon sa from the department of law o sa unibersidad mismo. Noong nag isyu ng korte ng subpoena para sa CCTV nila noon ay wala silang binigay. They said, sira pero malaki ang suspetsa namin na tinatago lamang nila. I want you to get any records." Saad ni Miss Delaila.
Ito kasi ang confidant at pinapinagkakatiwalaan ng senyora nila. Lahat ito ang umaayos at nagtuturo sa kaniya.
"I want you the best at alam kong makakaya mo iyon." Dagdag pa nito saka ngumiti sa kaniya.