THE FATAL UNION
"Ako po tita.." sagot ni Klint sa tanong ng ina ni Miya. "Huwag po kayong mag-alala dahil handa naman po akong panagutan si Miya.." deretsahang turan dito.
"Mabuti kung ganoon.." agad namang saad ng ginang. Pagbaling ng tingin kay Miya ay mukhang hindi nito gusto ang sinabi sa ina niya.
"Hindi mo naman kailangang maging asawa ko. Uso na ngayon ang common parenting." Anito.
"No, hindi ako papayag. Magpapakasal tayo.." aniya rito.
Hindi na nila ginawang magarbo ang kasal nila. Dahil abogado siya ay mas pinili na niyang ikasal ng simple sa kanilang judicial court sa gabay ng kaniyang superior judge. Simple lang ang kasal nila ni Klint at wala na nga itong kapamilya. Tanging ang dalawang katrabaho niya at ang magulang niya ang saksi sa kasalan nila.
Mabilis na parang kidlat ang kanilang kasal pero mabilis din ang pagbabalik kay Miya ng nakaraan. Isang nakaraang hindi niya makalimutan o talagang hinahabol lang siya nito.
Happy? Nice? Enjoy your union? Kilala mo ba siya?
Mensahe na natanggap niya. Mabilis na lumabas sa kaniyang opisina at inikot ang mata. Tila kasi may matang nakasubaybay sa kaniya. Tatlong buwan na ang tiyan pero hindi pa rin halata kaya nakakakilos pa rin siya ng normal.
Nang makitang walang kakaiba ay bumalik na siya sa opisina at tinignan muli ang mensahe saka nanginginig na sinagot iyon.
SINO KA
Hindi niya maiwasang kabahan. Mukhang hinahabol na siya ng kaniyang madili na nakaraan. Napahawak siya sa kaniyang impis na tiyan. Nang gulantangin siya ng pagtunog ng cellphone. Napalunok pa siya bago tignan kung sino ang natawag sa kaniya at napabuntong hininga siya ng makitang si Klint iyon.
"Hey babe.." masiglang tinig nito. Kahit dalawang buwan na silang nagsasama ni Klint ay hindi pa rin niya maipasok sa sistema kung papaano siya nito tawagin nito. Naiilang pa rin siya rito. "Miya?" Untag na nito nang matigilan siya.
"Yes babe.." tugon rito. Tumawa si Klint sa kabilang linya. "I know naiilang ka pa ring tawagin akong babe. Its okay with me babe. By the way, I just called to tell you that I'm coming to pick you up. Sa labas tayo magdinner.." turan nito.
Muling natahimik si Miya. Hindi kasi siya sanay na may sumusundo sa kaniya at magdidinner pa sa labas. "Okay ka lang ba talaga babe?" Untag ulit ni Klint.
"Oo naman babe. Sige, hihintayin kita.." turan dito saka nagpaalam dahil may mga aasikasuhin pa siya. Hindi pa man naibaba ang cellphone ay may natanggap siyang text.
KILALANG KILALA MO AKO MIYALYN. Kilalang-kilala...
Mensahe ng misteryosong nagpapadala ng mensahe sa kaniya. Muling tumunog ang kaniyang cellphone.
Nakalimutan kong batiin ka. Congrats sa wedding mo. Di mo man lang ako inimbita!
Text pa nito. Doon ay talagang kinabahan na si Miya. Napapaisip kung sino ang maaaring nagpapadala sa kaniya ng mensahe. Naisip niya ang senyora pero hindi iyon magagawa ng senyora. Si Miss Delaila kaya pero katulad ng senyora ay hindi niya maiisip na ito ang may gawa ng mga mensaheng natatanggap.
Hanggang dumating si Klint ay wala siyang naisip o ideya kung sino ang nagpapadala sa kaniya ng mensahe.
"Okay ka lang ba babe?" Untag ni Klint sa kaniya ng makita siyang nakatulala. Ni hindi niya namalayang nasa harapan na mismo ang asawa.
"Ah....ummmm...oo naman babe..ang aga—." Turan pero agad nitong pinutol.
"Hindi nq maaga babe. Past six na at nandito ka pa rin. Halos wala nang tao.." saad dito doon ay tila natauhan si Miya.
"Pasensiya na babe. Masyado akong natambakan ng trabaho.." kaila rito at inayos ang ilang papeles sa harapan.
Imbes na magalit ay inintindi na lamang ni Klint ang asawa. Hindi niya alam pero sa konting oras na kasama si Miya ay mukhang nahuhulog na siya ng tuluyan rito. Hindi siya katulad ni Francine na sweet at clingy na babae pero iba. Independent pero vulnerable inside. Alam niyang kahit sa matapang nitong personalidad ay nagiging babae pa rin ito kapag kasama siya.
"Babe, saan mo gustong kumain?" Tanong niya kay Miya habang papalabas ng opisina nito.
"Ikaw na ang bahala babe." Balik saad nito at papara na sana ng tricycle ng pigilan ito saka tinuro ang bagong-bagong labas na sasakyan niya.
Napapangiting tumitig si Miya sa kaniya. "Kaya ka pala nagyaya ng date.." anito na nakangiti.
"Well, kasama na doon babe. Kailangan natin ng sasakyan lalo na kapag kabuwanan mo na.." aniya rito saka inalalayan ang asawa papsok sa sasakyan.
Hindi pa man nakakaupo si Klint sa driver seat ay nakatanggap siya ng text.
How sweet...
Laman ng mensahe. Namumutlang lumingon-lingon siya pero wala naman siyang makitang kakaiba sa mga taong regular na nakikita sa labas ng municipal trial hall na pinagtatrabahuan.
"Is there anything wrong babe?" Untag ni Klint sa kaniya na nakatingin pala sa kaniyang mukha.
"Ah....ummmm...wala babe. Nagutom lang ako.." pilit na ngiting turan dito.
"Kaya next time..huwag puro trabaho lalo na at may baby na tayo diyan sa tiyan mo.." wika ni Klint.
Tila nakalimutan na ni Klint ang dahilan kung bakit ito naroroon. Masaya na siya sa buhay na meron siya sa Pilipinas. Kinukulit na siya ng pamilyang bumalik roon pero ayaw na niya. Nagulat pa ang mga magulang ng sabihin sa mga itong nag-asawa na siya. As expected ay mas lalong nagalit si Francine noong malaman na naunahan niya pa itong magpakasal. Nakausap niya na rin naman ang best friend na si Kevin at batid niyang hindi nito sasaktan si Francine.
Malapit na sila sa bayan kung saan ay kakain sila sa isang sikat na kainan doon ng may matanaw si Miya sa side mirror. Kanina pa niya napapansin ang lalaking naka single motor na nakasunod sa kanila. Muli itong kinutuban na baka ito ang nagpapadala ng mensahe sa kaniya.
Napatingin siya kay Klint. Kung hindi lang kasama ito ay kanina pa niya napatumba ang lalaking iyon. May kalibre kuwarenta y singko sa kaniyang sholder bag. Isang putok lang dito pero hindi niya magawa dahil kasama ang asawa. Ayaw niyang malaman nitong marunong siyang pumatay.
THE LAST SUPPER
Nang makarating sila sa sikat na kainan sa kanilang bayan ay dumiretso ang kanina pa tinitignang naka-motor. Doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil mukhang nagkamali siya ng hinala. Agad siyang niyaya ni Klint sa loob at malugod silang sinilbihan ng mga waitress doon. May ilan-ilang nakakakilala sa kaniya bilang isang abogado.
Masaya silang nagkukuwentuhan ni Klint tungkol sa kani-kanilang araw hanggang sa mapunta noong elementary pa lamang si Miya. Kung papaano sila nanghuhuli ng alimango sa ilog na malapit sa kanila at nilalako iyon para may pambaon siya. Tila nagiging komportable na siyang kausap ang asawa nang muling tumunog ang cellphone niya.
Date with your hubby!
Laman ng text na kinabaha niya. Nakita ni Klint ang reaksyon ng asawa ng mabasa ang text nito. "Bakit babe?" Agad na tanong rito. Ilang beses na niyang napapansin na minsan kapag may natatanggap na text ang asawa ay tila natatakot ito at namumutla kaya hindi na niya maiwasang tanungin ito.
"Wal—."
"I know it! There is something bothering you. Sino ba ang—." Turan ni Klint habang hawak na ang cellphone ng asawa na noon ay kinuha na dito.
"Date with your hubby!" Basa rito. "Sino 'to?" Agad na tanong kay Miya. Baka may hindi ito sinasabing ex nito at nakita sila.
"Hindi ko siya kilala.." saad ni Miya na wala sa sarili.
Sa sinabing iyon ng asawa ay kahit papaano ay nawala ang agam-agam na baka may karelasyon itong iba.
Naging maayos ang dinner date nilang iyon. Hindi rin maiwasang kiligin si Miya dahil sa tagal na ginawang bato ang puso ay ngayon lang ulit siya magmamahal ng totoo. Handa na siyang iwan ang dating buhay para sa pamilyang bubuuhin niya.
Mabilis na pinalitan ang cellphone number. Para mawala na ang nagpapadala ng mensahe ngunit mas nagimbal siya ng makatanggap na rin siya ng tawag sa landline sa kanilang opisina.
"Akala mo ba ay matatakasan mo ako. Hindi Miya....hindi..." ani ng naka-auto tone na boses ng lalaki. Masyadong fabricate kaya hindi ito mabosesan. Hindi siya makakilos at makapagsalita dahil sa takot. "Bakit Miya, natatakot ka na ba?" Nakakasindak na turan nito.
"Sino ka?" Sa wakas ay nanulas sa lalamunan niya.
Nakakatulig na pagtawa ang nasa kabilang linya. "Kilala mo ako dahil kilalang-kilala rin kita.." saad nito. "Ibalik mo sa akin ang lahat ng file.." anito. Doon ay nabigyan na siya ng clue kung sino ito. Napangisi na rin siya at binigyan siya nito ng sandata para i-blackmail din ito.
Tumawa siya ng mas malakas sa tawa ng kausap kanina. "Ngayon ay kilala na kita! Sorry pero hindi ko na maibabalik pa. Hayop ka! Ikaw lang pala. Alam mo sir, kung hayop ka mas hayop ako.." saad niya rito.
"Huwag mo akong subukan Miya. Ibalik mo sa akin lahat ng kopya ng file na ninakaw mo at magkakalimutan na tayo. Gaya ng paglimot mo sa masalimuot mong buhay?" Matapang na turan ng kausap.
"Huwag kang mag-alala dahil binaon ko na ang lahat sa limot! Ang nakaraan ay nakaraan. Huwag mo akong guluhin para hindi sumabog pati baho moooo!" Turan dito.
Tumawa ang kausap. "Hindi mo maibabaon Miya dahil nasa kandungan mo ang huhukay sa mabantot mong nakaraan. Kung sasabog man ang baho ko, titiyakin kong mas mauna kang mabubulok sa kulungan! Tandaan mo iyan. Hindi kita patatahimikin at mas lalong kamumuhian ka ng magiging anak mo.." anito sabay ng nakakabinging tawa nito.
Galit na galit si Miya sa sinabi ng kausap. "Hayop! Huwag mo akong hamunin sir dahil mas malansa ang bahong tinatago mo!" Gigil na turan.
Mas lalo itong tumawa. "Well, kung hindi malalaman ng asawa mo ang iyong nakaraan. Tiyak, isusumpa ka noon! Alam mo bang—." Turan nito sabay putol ang sasabihin sana. "Oppppssss...alas ko pala iyon para mas lalo kang mabaliw!" Anito.
Nakyuryos siya kung ano ang ibig sabihin nito.
"Ganito lang Miya. Ibigay mo sa akin ang kinopya kong files ko at sasabihin ko ang sekreto ng asawa mo! Para naman makaiwas ka na bago ka pa mahulog ng tuluyan.." anito saka nawala sa linya.
Kabababa pa lamang niya ng telepono nang mag-ring naman ang cellphone niya. Halos mapatalon siya sa kabiglaan ng makita na ang asawang si Klint ang natawag ay agad na sinagot iyon.
"Hey babe. Hows your day?" Masiglang tinig nito.
"Okay lang naman ako babe.." pinilit ka pinasigla ang boses para hindi nito mahalatang tense na tense siya.
"Okay...susunduin kita mamaya.." anito.
"Don't tell me ay kakain na naman tayo sa labas?" Aniya na natatawa rito.
"Nope! Dahil pinagluluto kita ngayon. Dito tayo ngayon kakain sa bahay." Anito na masigla. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Mahal na niya si Klint at ramdam niyang mahal na rin siya ng asawa.
Nang makarating sila sa kanilang apartment ay halos hindi mawala ang ngiti sa labi ni Miya. Halata kasing extra ang ka-sweet-an ng asawa ngayon, halos buhatin na nga siya pagbaba ng sasakyan nito at tinutudyo na sila ng mga kapitbahay nila.
Pagpasok sa bahay ay mas lalo siyang napangiti ng makita ang effort ng asawa. Naka-set up na kasi ang dining at may pakandila pa ito with matching petals sa sahig at may pa balloon pa. Paglingon sa asawa ay tila magic na may hawak na itong bouquet.
"Happy fifth wedding monthsary babe.." anito. Dahilan para kiligin ulit siya. Damdaming ngayon niya lang lubusang tinanggap sa kaniyang sistema. Dahil sa ka-sweet-an ng asawa ay nauwi sa isang mainit na gabi.
Pilit pinaglalabanan ni Miya ang pakiramdam na tila may humihila sa kaniya sa kaniyang masalimuot na nakaraan pero dahil sa haplos at yakap ni Klint ay dinadala naman siya nito sa paraisong ayaw niyang lisanin.
"I love you Miya.." usal ni Klint sa kaniya.
"Mahal na mahal din kita.." tuluyang saad dito. Tumitig ito sa kaniya saka ngumiti sabay kintal ng halik sa labi. Muling inulit ang maiinit nilang pagniniig hanggang sa kapwa sila pagal na nagyakapan.
Sinag ng araw na tumatagos sa kurtina nila ang gumising kay Miya. Agad siyang napabangon dahil sa manunubig. Ganoon siguro kapag buntis. Pagtayo niya ay hindi naiwasang malilis ang kumot na nakatabing sa hubad na katawan ni Klint at ganoon na lamang ang gulat niya ng makita ang isang pamilyar na marka.
—
Sa pagkakatuklas ni Miya sa tunay na katauhan ni Klinton malalantad na rin ba ang lihim niyang nakaraan. ABANGAN.