Episode 19:

1756 Words
THE LAST ONE Napalunok ng ilang ulit si Miya na nakatitig sa tattoo sa may ibabang pang upo ni Klint. 'Nooooo..' hiyaw ng kaniyang isipan. 'Hindi maaari ito..' giit pa niya. Hindi mawari kung maiinis, magagalit o maiiyak. Tila pagkakataon na ang nagtakda at naglapit sa kaniya sa nakaraang pilit niyang tinatakasan. "Siya ba?" Usal niya. "Hmmmm...ang alin babe.." pungas na tanong ni Klint na noon ay gising na pala. "Paano ka may marka diyan.." nguso sa may pwetan nito. Humarap sa kaniya si Klint at umupo. "Matagal na ito babe. Mga first year college kami noon." Ani ni Klint saka bumaling sa kaniya. "Bakit mo nga pala natanong?" Balik tanong nito. "Ahhhh...wala. Ngayon ko lang kasi nakita.." kaila niya saka lumakad papasok sa banyo. Doon ay tila hindi alam ang gagawin. Halos iuntog ang sarili sa dingding ng banyo dahil wala ma siyang magagawa pa. May anak na sila ng taong may kaparehong marka ng meron sa mga taong naging misyon niya noon.  "Hindi maaari ito. Ano na ang gagawin ko..." paulit ulit na saad sa sarili hanggang sa katukin siya ni Klint.  "Bukas iyan.." aniya at maya-maya ay pumasok ito. Agad siya nitong niyakap.  "Sabay na tayong maligo babe.." usal rito. Ramdam na ramdam niya ang buhay na p*********i ng asawa. Nang humarap siya rito ay siniil na siya ng halik nito. Hindi na tuloy siya nakaiwas pa. Muling nagtagpo ang init ng kanilang mga katawan. Sa ilalim ng lagaslas ng tubig sa dutsa ay muling pinakawalan ang kanilang pagmamahalan. Halos mapigtal ang kaniyang paghinga sa malalim na halik ng asawa. Tinatalo ng init ng magkayakap nilang katawan ang init na nagmumula sa dutsa. Hindi mapigilan ni Miya na salatin ang puwetan ni Klint kung saan naroroon ang isang markang napapanbalik sa kaniya kung sino ito.  Dahil doon ay hindi sinasadyang nakagat ang labi ng asawa. "Aray babe.." ani ni Klint nang bumitaw ito. Saka ito ngumisi sa kaniy. Akala yata nito ay nagbibiro siya. Pinahid nito ang dugo sa labi nito. "Let ke do it.." anito saka ito lumihod sa kaniyang harapan saka siya nitong giniya na ibuka ang hita at doon ay malayang pinaligaya siya sa paglalaro sa kaniyang hiyas. Ibayong sensasyon ang kaniyang naramdaman. Sa pagkapit sa ulo ni Klint ay mga anag-ag ng kahapon ang nanumbalik sa kaniya. Nakikita si Timothy habang nasa silid sila nito. Ang mukha ni Christiano, si Winceslao, si Alexandre at si Sebastino. Mga mukha ng mga lalaking naging malagim ang kapalaran.  "Noooo..." sigaw niya sabay sabunot kay Klint. Nabigla si Klint nang sumigaw ang asawa. Sabay sabunot sa kaniya. Nang tignan ang asawa ay tila natakot ito sa kaniya at agad na inalo ito. "Babe..are you alright?" Hawak sa magkabilaang balikat nito. Mas lalong natakot si Miya nang makita ang guwapong mukha ni Sebastiano. "No....noooo..."iiling iling na turan. "Babe, okay ka lang ba?" Untag ni Klint. "No...wala ka na! Patay ka na!! Lumayo ka.." saad nito. At naguguluhan na si Klint sa pinagsasabi ng asawa. "Miya! Miya! Babe...si Klint ito..." yugyog rito. Doon ay tila natigilan ang asawa.  Biglang bumalik sa ulirat si Miya nang makitang niyuyugyog na siya ng asawa. Agad siyang yumakap rito. "Halika na at makapagbihis ka na. Bawal sa'yo ang malamigan.." malumanay na yakag ni Klint sa kaniya saka siya nito pinuluputan ng tuwalya. Hinawakan pa nito ang paumbok na niyang tiyan. Mabilis na nakabihis si Klint. Iniwan na muna niya ang asawa sa silid upang magbihis. Dumeretso siya sa kusina upang maghanda ng almusal nila pero habang naghahanda ng lulutuin niya ay hindi maiwasang isipin ang nangyayari kay Miya.  "s**t!" Gilalas ng mapaso siya sa mainit na kawiling sinalang. Nalipad kasi ang isipan. Dinig na dinig niya ang pangalan ng mga kaibigan kanina. Alam niyang wala sa huwisyo si Miya pero sinambit nito ang pangalan nina Tim, Chris, Alex, Wince at ni Basty. "Putcha..." gilalas pa ng muling mapaso at nausok na ang sinalang na kawali. Habang nagpi-prito ng itlog ay hindi niya maiwasang mapaisip. Paano kung may kinalaman si Miya sa pagkamatay ng kaniyang mga kaibigan. Handa ba niya itong panagutin sa batas. Paano ang anak nila? Paano na ang pamilyang bubuuhin nila? "Babe, masusunog na iyan.." untag ni Miya sa kaniyang likuran. Niyakap siya nito. Ngumiti siya sa asawa sa kabila ng samu't saring nasa isipz "Umupo ka na doon babe at malapit na ito. Isusunod ko na ang paborito mo.." anito. Napangiti si Miya at tinungo ang mesa. "Hito na ang paborito ng aking mahal na reyna. Pritong tapang bangus...boneless naa ito babe para hindi ka na mahirapan pa." Saad pa ni Klint. "Salamat babe...muahhhh.." aniya sabay halik rito. Napangiti si Klint at napatitig sa asawa. Napakasimple nito. Maging sa pagkilos ay mahinhin din ito. Hindi kababakasan na gagawa ng karahasan. "Ito na ang sinangag na kanin babe..dinamihan ko ng bawang dahil alam kong gustong gusto mo.." dagdag pa ni Klint. Muling napangiti si Miya. Wala na siyang hahanapin pa sa lalaking nasa tabi. Ngunit hindi niya naiwasang mangilid ng luha ng maalalang baka dumating ang araw na malaman nito ang kaugnayan niya sa mga nawalang kaibigan nito. Hindi nalingid kay Klint ang pagluha ni Miya. "Babe, kain ka lang ng kain ah.." sabad rito. Agad na ngumiti ang asawa ngunit batid na niyang may nililihim ito sa kaniya. Lihim na aalamin niya. THE LETHAL COMBINATION Sa kabila ng masaya nilang almusal naroroon ang pakiramdam ni Miya na inoobserbahan siya ng asawa. Batid niya iyon sa palihim na titig nito. Siguro ay nababahala sa mga kinikilos niya ngunit maging siya man ay nababahala sa pakay nito sa kaniya. Maging sa pagpasok sa opisina niya ay nasa isip na baka hindi sadya ang pagdating nito sa buhay niya at halos magwala ang isipan sa isiping baka naroroon ito upang alamin kung may kinalaman ba talaga siya sa pagpatay sa mga kaibigan nito.  Tila napa-praning na siya sa bagong tuklas na lihim ng asawa. Bakit ba kasi hindi niya agad nakita ang marka nito. Di dapat ay nilayuan na niya ito noon pa bago pa sila nagkaroon ng ugnayan. Ngayon ay asawa na nito at masaklap pa ay magkakaroon na sila ng anak. Nasa malalim siyang pag-iisip nang tumunog ang telepono at halos mapatalon siya sa gulat sa kabiglaan.  "Akala mo ba titigilan kita. Ibigay mo na sa akin ang ninakaw mo!" Dumadagundong na tinig sa kabilang linya.  "Tigilan mo na ako. Nakaraan na iyon. Limutin na natin ang lahat!" Gigil na turan.  "Gaga! Kapag lumabas iyan. Dignidad ko ang mawawala at ang pamilyang matagal kong prinotektahan!" Matapang na sabad nito. "Kaya nga lubayan mo na ako dahil kung hindi sasabog ang lahat. Dignidad mo at maging ako rin!" Gigil na saad rito. Mukhang desidido itong kunin ang ebidensiyang hawak niya. "Punyeta Miya, huwag mo akong subukan. Dinadaan kita sa maayos na usapan pero huwag mo akong sagarin—." "Bakit? Papatayin mo ba ako?" Agad na sabad rito. Tumawa ang kausap. "Masyado kang swerte kapag ganoon. Ipapahiya muna kita sa buong mundo at saka unti-unti kong wawasakin ang pamilya mo. Baka gusto mong makitang deads ang mga magulang mo!" Saad nito na nakapagpantig ng tainga niya. "Hayop ka! Once na kantihin mo ang magulang ko. Magkamatayan tayo. Ilalabas ko ang lahat ng baho mo. Tutal ay isasama mo ang pamilya ko. Pwes! Pamilya sa pamilya. Paano kung ipadala ko ang mga ito sa mga nagpipitagan mong mga anak! O di kaya ay sa retirado mong ama baka matuluyan.." saad dito. Inalam niya rin ang background nito para kung dumating na magkagipitan sila ay may pambala siya. Natigilan ang kausap at mukhang mas umusok ang bunbunan nito. "Hinahamon mo ba ako Miya!" Gigil nito. "Ikaw ang unang humamon sir.." giit niya. "Tuso ka rin pala. Pero tignan natin kung hanggang saan ka!" Anito saka nawala sa linya. Nanginginig ang kamay na binalik ang telepono. Hindi pa man nakakahuma sa panginginig ay biglang may kumatok. Halos bumagsak ang puso sa gulat. Ang sekretarya pala niya ito. "Sorry po attorney. May naghahanap po sa inyo?" Anito.  "Papasukin mo.." turan at hindi na tumingin pa. Ngunit nabigla siya ng marinig ang pamilya na boses.  "Kumusta ka na...Miya? Attorney Miya pala.." tinig sa may pintuhan. Tila huminto ang paligid ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Naghihit-buga muna siya bago ito nilingon. Halos maparalisa ang mukha nang makita ang panauhin. "Mmmmmisss Delaila?" Gilalas niya. Tumawa ang panauhin sa hitsura niya. "Long time no see Miya. Well, good to see you again." Ngiting bati ng panauhin. Hindi pa rin nakaimik si Miya. "Mukhang hindi ka masaya at nakita mo akong muli. Don't worry, hindi ako naririto para utusan ka ulit. Naririto ako para mangumusta? Good, na mukhang bumalik na sa normal ang buhay mo." Anito na tila masaya na rin ito sa buhay nito.  "Pa—paano niyo po ako nahanap?" Turan sa kawalan. Tumawa ulit si Miss Delaila. "Miya, parang di mo pa ako kilala. Sa tagal ng pinagsamahan natin, dapat ay kilala mo na ako.  Very resourceful akong tao at mahahanap ko ang mga taong gusto kong hanapin.." anito. "I am happy na nakapag move ka na sa buhay mo. See, magiging ina ka na. Congratulations.." bati nito. Ngunit hindi siya ganoon kasaya at napansin noon ng kaniyang panauhin. "Mukhang hindi ka masayang makita ako muli ah. Pasensiya ka na. Hindi ako naririto para guluhin ka—." "Pero ginugulo pa rin ako ng nakaraan.." sabad rito at doon ay ito naman ang natigilan. Tumitig ito sa kaniya. "Ano ang ibig mong sabihin?" Saad nito. Sinalo ng dalawang palad ang mukha. "Ang pang anim na lalaki na may katulad na marka....." putol na turan saka tumitig rito. Tila tinatantiya kung sasabihin bang ito ang ama ng anak at asawa na niya. "Ano ang tungkol sa lalaki?" Untag nito.  Gulong-gulo na siya at kailangan niya ng tulong nito lalo pa at ginigipit siya ng dati niyang professor. "Ssssssiya ang.....ang..." di masabi-sabi dahil hindi rin niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito. "Miya, kakampi mo ako. Kung dumating na magkagipitan, lahat tayo ay damay. Kung binabagabag ka ng nakaraan dahil bumalik na dito sa Pilipinas ang isa sa lalaking nagtataglay ng kawangis na marka. Huwag kang mag—." Wika nito nang putulin niya. "Siya ang asawa ko.."  Kapwa sila nagkatitigan. Walang nakakilos at tila iisa ang nasa isip. "Iniisip mong kaya ka niya nilapitan dahil iniimbistegahan ka niya?" Deretsahang saad nito. "Kanina ko lang nalaman ang lahat. Kanina ko lang nakita ang marka. Tila nagbalik lahat sa akin at tila nawawala ako sa sarili at naramdaman kong inoobserbahan niya ako..." giit dito. Napasapo ng noo si Miss Delaila. Lumapit ito at umupo sa upuan sa harap ng kaniyang desk. "Alalahanin mo ang lahat ng tinuro ko sa'yo. Be calm. Mas mahuhuli ka kapag hindi ka kakalma. You're just being paranoid. Tapos na. Matagal na ang nagdaan. Sarado na ang kaso." Saad nito na pilit siyang pinapakalma. Ngunit paano siya kakalma kung ang taong nag-iimbestiga sa kaniya ang siyang kaniyang asawa. Parang suspect at crime investigator pinagsama sa iisang bubong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD