Episode 14:

1451 Words
THE PAST Mula nang maramdaman iyon para sa kanilang bagong kapitbahay ay hindi maiwasan ni Miya na muling tanawin ang masalimuot na sampung taon sa ilalim ng pangangala ni senyora Elena Sarmienta at ni Miss Delaila.  Mga alaalang pilit binabaon sa limot at mga pangyayaring nagiging bangungot niya gabi-gabi. Mga anag-ag ng kahapon na pilit siyang binabalik roon. 'No....hindiiiii....lubayan niyo na akooooo...' hiyaw ng isip niya. "Miss, okay ka lang ba?" Tanong ng cashier sa supermarket. "Ah...ha!" Gulat niyang turan. Ngumiti ng magiliw ang babae.  "Ma'am, 2,330 po lahat.." saad nito. Agad itong binayaran para makauwi na. Pagkarating sa apartment niya ay agad na inayos ang pinamili. Saka umupo sa maliit niyang sala. Pilit na sinisiksik sa isipan na hindi siya puwedeng umibig sa sinuman. Hindi siya karapat-dapat at natatakot siyang hindi siya matanggap nito. "Bakit ko ba naiisip na pwedeng maging kami.." anas sa sarili at muling tumayo upang makapagluto ng hapunan niya.  Samantala ay nakahiga lamang si Klint sa maliit niyang silid nang marinig na tila dumating na si Miya sa kabila. Ayon sa mga kapitbahay nilang nakainuman kanina ay mahigit isang taon na raw ito roon. Nasa kabilang bayan daw ang magulang nito at dahil medyo malayo sa trabaho nito ay nagbo-board na lamang daw ito. "Alam mo iyang si Miya. Matalinong bata at masipag, alam mo bang nagtapos iyan sa isang sikat na unibersidad sa Maynila. Ano bang pangalan noon..." isip pa ni Mang Abner. "....ah sa San Beda.." anito. Alala sa sinabi ni mang Abner. Napaisip tuloy siya. San Beda. Paano niya makakalimutan ang unibersidad kung saan ay sama-sama silang nangarap. Napalayo lamang siya dahil naaprobahan na ang kaniyang petisyon sa Amerika. Pinakiramdaman si Miya sa kabilang bahay. Mukhang wala naman itong ginagawang kahina-hinala. Ngunit maya-maya ay naalala ang maamo nitong mukha. Hindi mo naman aakalaing gagawa ito ng masama. Sa hinhin ng kilos nito, hindi ito katangian ng taong papatay ng limang lalaki. Nasa ganoong pag-iisip siya nang makarinig siya ng malampag sa kabila. Agad siyang napatayo. Medyo nahihilo pa siya gawa ng nainom pero mabilis na tinungo ang apartment ni Miya. Kinatok iyon.  "Miya? Miya, okay ka lang ba?" Tawag pa pero walang nasagot at biglang wala siyang marinig. Kinabahan na talaga si Klint at sinubukang pihitin ang seradura ng pinto. Doon ay bumukas naman. Baka nakalimutang isara ng babae.  Pagpasok sa sala ay maayos naman at sumilip sa kanugnog na kusina. Nakita ang basag na baso at nagsabog na pinamili nito galing sa sikat ka supermarket. Kinabahan siya kaya agad na tinungo ang silid ng babae. Kinukutuban na siya. "Miya?" Muling tawag sa pangalan nito pero wala pa ring nasagot. Wala na siyang inaksayang oras na pasukin ang silid nito. Pagbukas ng pintuhan ng silid ay tumambad ang nakahatag na katawan ng babae sa kama. Panty at bra lang ang suot nito habang may pasak ng earphone sa tainga at nakapikit ito. Napatigil si Klint at halos hindi makahinga sa kagandahang nasa kama. Maya-maya ay bigla itong gumalaw. Tila napansin ang presinsiya niya. Nang dumilat ito ay hindi siya nakahuma. "Anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ni Miya sa lalaki na hindi man lang tinakpan ang sarili. Sa isip niya ay bakit pa niya tatakpan kung nakita na nito ang katawan niya. Napansing biglang nagbawi ito mg tingin.  "Ah....hmmm...sorry. Akala ko kung napaano ka na. Nakarinig kasi ako ng kalabog kanina. Akala ko eh may masamang nangyari sa'yo. Sorry.." anito na pilit tinatago ang pagkapahiya. "Its okay, you can go..." aniya rito na medyo mataas na. Muling nagitla si Klint sa iniaktong iyon ng babae. Ang kanina ay mahinhin ay tila nag-ala tigre. "You can leave now!" Tila babala nito naanumang oras ay mag-iibang anyo na ito. 'Noooo...' pigil niya sa sarili niya. 'Please leave...leave now!' Hiyaw pa. Pilit kinokontrol ng isipan pero tila hindi kayang suwayin nito ang dikta ng kilos ng katawan.  Nanatiling nakatayo si Klint. Nang maya-maya ay hinablot siya ni Miya at sinibasib ng halik.  's*x is just desires Miya. Once you like it you will never resist. Alalahanin mo, s*x is s*x. Don't put your heart into it dahil sa huli ikaw ang talo. Maiiwan kang talunan. Isang talunan. Isang basahan. Isang parausaaaaannnnn...' sigaw ni Miss Delaila na kita ang nagliliyab na galit sa mata nito. Isa kasi itong biktima ng r**e. Nabuntis pero piniling ipalaglag ang bunga ng kahayupan sa kaniya. Dahilan upang tagos hanggang kaluluwa nito ang galit sa mga taong r****t. Matamis at masarap ang halik na pinapalasap ng babae sa kaniya. Eksperto ang kaniyang dila pero kayang kaya nitong sabayan. Napapaisip siya. Kung wala itong naging boyfriend bakit mukhang bihasang bihasa ito sa mga torrid kiss na gaya nang pinapalasap sa kaniya. Naglakbay ang palad sa mainit na katawan ng babae. Medyo nadadala na siya nang isang malakas na sapok sa mukha tila gumising sa kaniya. Maging si Miya ay nabigla sa nagawa. "Ssssssorry.." nahihiyang saad dito. Alam naman ni Klint kung bakit nagawa iyon. "Ah...sorry rin.." anito at kapwa sila natigilan. STRANGE ENCOUNTER Nakitang bumalik sa kama si Miya. Sinapo nito ang ulo. "Please leave.." sumamo nito. Nababaghan man si Klint pero kailangan na niyang iwan ang babae. Mukhang may pinagdadaanan ito. Pagbalik niya sa apartment ay ginambala na naman siya ng ingay. Ingay na nanggagaling sa kaniyang cellphone. Napamura pa siya nang maalala ang kasintahang si Francine. Ilang minuto lang ang lumipas ay halos makalimutan ito kanina habang kahalikan si Miya. "For God sake, where are you?" Gilalas ng tinig nito.  Hindi agad siya nakasagot dahil doon lang din bumalik ang pangako rito. "Oh well, why do I'm asking you yah...of course your still there. Trying to solve your friends cases. I'm done. I'm dooooonnnneee..." iyak nito sa kabilang linya. Napalunok si Klint. He don't wanna lose Francine pero nandito na siya. Malapit na niyang malaman ang katototohanan.  "I am sorry but don't expect me to wait you. I'm done!" Anito at pinutol na nito ang tawag. Agad na tinawagan ito. Nag-ring naman ang cellphone ng kasintahan pero hindi ito sumasagot. Nakailang try pa siya hanggang pinatay na niya iyon. Nanghihinang umupo siya. Maging ang magulang ay kinukulit na siyang bumalik sa Amerika dahil lahat na sila ay apektado. Pabagsak na muling nahiga sa kama niya. Inisip kung kaya pa ba niyang tapusin ang kaniyang nasimulan. Susukuhan na ba niya gaya ng pamilya ng mga kaibigan at maging ang kapulisan.  Tunog muli ng cellphone ang gumambala sa kaniya. Agad na tinignan dahil baka si Francine iyon pero unknown number. "BEWARE" ani ng tinig kasunod ng halakhak nito. Naka-auto tune ang boses. Mahirap man pero batid niyang boses ng lalaki iyon dahil sa malalim na timbre nito. "Who are you.." gagad dito. Halakhak lang nito ang naririnig. "I'm watching you.." anito sabay halakhak at patay ng tawag nito. Mabilis na tinawagan ulit ang numero pero patay na ito. "What the f*ck!" Gilalas sa inis. Mas lalo siyang frustrated dahil wala siyang pwedeng gawing traces para malaman kung sino ang may-ari ng number na iyon. "F*ck that system...they must register every number! Its helps to solve a crime...sh*t. Freaking sh*t!" Banas niya sa sobrang galit. "I'm watching you.." umaalingawngaw pa sa isipan ang sinabi nito.  "Kung sino ka man, huhuliin kita. Hayop!" Aniya sabay baba sa cellphone niya. Masyado na siyang nadadala sa misteryo ng pagkamatay ng dating mga kaibigan. Mabilis na hinubad ang damit upang maligo muna at matanggal ang init sa kaniyang katawan.  Pagkahubad ng shorts ay nakita ang marka ng kanilang pagkakaibigan. Iyon ang nagpapatunay na dapat niya lang alamin ang tunay na misteryo sa pagkamatay ng mga ito. Hinawakan niya ang kaniyang tattoo. "I promise, I will bring the culprit into justice.." aniya saka pumasok sa banyo. Sa kabilang apartment ay pilit pinapakalma ni Miya ang sarili. Hanggang sa makatanggap siya ng text mula sa unknown number. Naisip na baka bagong kliyente kaya agad na binasa. BEWARE Basa sa text. Agad siyang napaupo sa pagkakahiga. At tinawagan ang numero. Agad naman itong sumagot. Naka-auto tune ang boses. "Sino ka?" Tanong rito. "Someone know you well.." anito.  "Hoy! Kung sino ka man. Huwag ako...baliw!" Aniya pero humalakhak lamang ang nasa kabilang linya. "Magtigil ka. Baka gusto mong sabihin ko sa kanilang you killed 'the lawyers'..." galit na tinig nito. Tumawa rin siya. Kung baliw ang kausap niya, mas baliw siya. "Hindi mo ako masisindak, I never killed anyone...kung sino kang Satanas ka. Magkita na lamang tayo sa impyerno!" Aniya. Humalakhak ulit ang kausap. "Mukhang matalino ka nga talaga. Sabagay, nauto mo nga ako. Huwag kang mag-alala dahil may alam ako na hindi mo alam.." anito sabay patay sa linya. Mabilis na muling kinontak ang numero pero wala. "Sh*t!" Gilalas niya. Inisip kung sino ito. Hanggang sa muling naglipana ang alaala niya sa mga crime scene. "Siya ba! Siya kaya..." paulit-ulit niyang sinasabi.  "Mukhang matalino ka nga talaga. Sabagay, nauto mo nga ako." Naglalaro sa isipan ang huli nitong sinabi. "Ano ang ibig niyang sabihin. Kilala ko ba siya?" Patuloy na analisa sa sinabi ng misteryosong caller niya. Pinilit ibalik ang isapan sa mga crime scene. Siya ba ang shadow killer?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD