THE PROFESSOR INTERUPTION
Matapos nang halos dalawang linggo. Wala namang napansin si Klint nakakaiba kay Miya. Hindi lang ito pala-labas gaya ng iba. Nalabas lang ito ng apartment nito kapag papunta sa work nito. Simple at simpleng namumuhay.
Ngunit isang gabi habang nagpapahinga na. Dahil alas sais pa lamang ng gabi ay nasa kani-kanilang bahay na ang mga tao ay narinig niyang tila lumabas ang babae sa apartment nito. Agad siyang sumilip sa bintana at nakita nga ito. Napakunot noo siya dahil ngayon niya lang ito nakitang nakabihis ng ganoon ang babae.
Luminga-linga ang babae hanggang sa mapadako ang mukha sa kaniyang kinasisilipan kasabay ng pagtama ng mukha nito sa ilaw na nasa poste sa di kalayuan. Napasinghap siya. Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang mukha ng babaeng binigay sa kaniya ng dating bookkeeper ni Timothy. Mas lalo tuloy siyang naintriga sa tunay na pagkatao ni Miya.
Nabigla si Miya nang mabasa ang mensahe ng dating professor at noon ay tumulong sa kaniya upang maging student assistant nito. Dahil mabait ito at may pinagsamahan sila ay agad siyang pumayag na katagpyin ito. Ayon dito ay galing daw ito sa isang linggong bakasyon nito sa Pagudpud at naisipan niyang kontakin siya upang magkita sila dahil halos dalawang taon ba rin daw mula nang huli silang magkita.
Hindi siya pwedeng magpakita ng ibang mukha rito kaya gamit ang kanyang mga natutunan ay muling ginamit ang mukhang matagal na niyang gustong limutin. Ang tanging bagay na hindi pwedeng iwala ay ang koneksyon niya sa professor na iyon hangga't nabubuhay siya.
Mabilis na nagbihis si Klint upang sundan si Miya. Hindi niya alam kung bakit kinabahan siya, mukhang ito na kasi ang hinihintay niyang break sa kasong hawak niya. Kung sino man ang babae ay malalaman na niya.
Mabilis itong sumakay ng tricycle palabas. Ilang minuto rin ay lumabas na siya at sumakay din ng tricycle. Mabilis na inutos na sundan ang tricycle na nasa harapan. Sa maliit na mall sa may bayan sila makarating. Mukhang may date ang babae.
'Next prospect?' Aniya sa isipan.
Nang makitang lumapit ito sa isang lalaking malaki ang katawan at medyo napapanot na ang buhok. Agad na umupo ang mga ito sa loob ng restaurant na pinagtagpuan. Mukhang masayang nag-uusap ang dalawa. Tutal ay iba ang hitsura ng babae ay maaari siguro siyang magpakita rito. Pa-simple lang ba, tipong hindi niya kilala ito at titignan lang niya ang magiging reaksyon nito.
Hinanda ang sarili saka lumakad papasok sa restaurant noon. Agad naman siyang sinalubong ng waitres at giniya sa bakanteng upuan. At swerte pa niya at sa malapit lang ng babae siya puwenisto nito.
Kitang napatingin si Miya sa kaniya noong ginigiya siya ng waitress. Mukhang magaling talaga ang babae, ni hindi man lang nakitang nabahala sa kaniyang prisensiya.
"Thanks...whats your best seller here.." aniya na nakipagharutan sa magandang waitress na nag-assist sa kaniya.
"We'll authentic filipino food kami sir. Try niyo po ang aming bagnet, papaitan o kaya itong pinagbet namin.." ngiting tugon naman ng babae. Ngumiti siya rito habang tuon ang tainga sa usapin ng nasa kabilang mesa.
Samantala, nabigla si Miya ng makita ang lalaking papasok sa restaurant, si Klint. Hindi alam kung nagkataon lang ba o sinundan siya nito. She has that odd feeling na binabantayan siya nito. Pero noong hindi man siya nito tinignan at tila hindi naman siya kilala nito ay naisip na baka nagkataon lamang lalo pa at nakipagharutan pa ito sa waitress na tila tinatago naman ang kilig sa bagong customer nito.
"Its been a long time Miya, kumusta ka na. Hindi mo pa ba nami-miss ang ating unibersidad?" Tanong ng dating professor.
"Sir David, nami-miss pero wala eh. Dito na lang ako sa munting bayan namin. Masyadong magulo ang Maynila para sa akin.." turan niyang nakangiti rito.
Tumingin ito sa kaniya at ngumiti rin. "Pero napagtagumapayan mo ng mahigit isang dekada?" Anito na may ibig sabihin.
Tumawa siya. "Kahit sino siguro Sir David na pursigidong makatapos at magtagumpay, lahat ay gagawin.." sabad naman sabag ngiting aso rito.
"Sabagay....mabuti at nagtagumpay ka..." saad naman nito.
"thanks to you.." ani ni Miya.
Kapwa natahimik ang dalawa. Hanggang sa muling nagsalita ang lalaking kausap ni Miya. Lumapit ito sa mukha ni Miya. "Alam kong pinakialaman mo ang laptop ko noon.." bulong nito.
Umilap ang mata ni Miya at napaisip ng idadahilan. Ngumiti siya ng matamis dito. "Si sir naman eh, aksidente ko lang nabuksan pero huwag ho kayong mag-alala. Hindi po ako nagcheat. Hindi naman po iyong exam test ang nakita ko.." aniya at natatawa pa para pagtakpan ang totoong nararamdaman sa sandaling iyon.
Nabigla si Klint nang makitang tila hahalikan ng lalaki si Miya. Sa kaniya kasi nakatalikod ang lalaki kaya hindi alam kung ano ang ginagawa ng mga ito. Ngunit dinig niya ang unang usapan ng mga ito. Nakita rin niya ang pagkabahala sa mukha ni Miya. Mukhang may binulong ang lalaki rito.
Napapaisip tuloy siya. Kung professor ito ng San Aveda college of law. Maaaring familiar ito sa 'the lawyers r**e-slay'. Maaari rin kayang may alam itong maaaring ikalulutas ng kasong hawak niya o kakampi ba ito ni Miya.
Mas lalo siyang naintriga sa pagdating ng bagong karakter sa kasong hawak niya. Siguro nga mas kailangan niyang pasukin ang mundo ni Miya para kakuha ang nais niya. Napangiti siya ng may ideyang pumasok sa isipan niya. Liligawan niya ito.
THE FATAL ATTRACTION
Natapos ang gabi na wala namang kakaibang nangyari. Matapos ng dinner na iyon ni Miya ay umuwi na ito. Nagpalipas lang din siya ng ilang minuto ay umuwi na rin siya pero hindi pa siya umuwi sa apartment niya. Tumambay muna siya sa may paradahan ng tricycle malapit sa kanila. Baka kasi mahalata ni Miya na sinusundan siya nito.
Dahil kilala siya ni Mang Abner ay niyaya siya nitong tumagay sa umpukan nila. Hindi naman na siya nakahindi at tutal ay nagpapalipas siya ng oras ay magandang dahilan iyon para hindi siya paghinalaan ni Miya. Napabilis yata ng pagbibigay ng tagay sa kaniya at wala pang isang oras ay nahihilo na siya. Nang magpaalam siya sa mga ito ay agad naman ang mga itong sumang-ayon.
"Aba, kaya mo pa ba Klinton. Gusto ko ay ihahatid na kita.." ani ni mang Abner.
Ngumisi siya. "Kaya pa po.." aniya na pagiwang giwang. Nagtawanan ang mga ito pero tuloy tuloy na siya. Malapit na siya nang medyo nahilo siya at tila matutumba kaya kakapit sana siya sa halamang nakita pero dinaya lamang pala siya ng paningin at tuloy-tuloy siyang natumba.
"What the—." Gilalas niyang turan nang matumba siya. "Sh*t!" Dagdag pa at pinipilit tumayo. Nasobrahan nga yata siya ng inom.
Nagulat si Miya nang makarinig siya ng kaluskos. Katatapos niya lang maligo matapos ng pakikipagkita sa dating professor. Hihiga na sana sa kama niya ng marinig ang tila may bumagsak sa may harapan bg arpartment niya. Agad tumayo at sinilip sa may maliit na bintana. Nakita roon si Klint na hirap na hirap bumangon at mura pa ito ng mura. Mukhang lasing na lasing ang lalaki. Agad siyang lumabas upang tulungan ito.
Nabigla si Klint nang biglang may humawak sa kaniya. Pagtingin niya ay si Miya iyon. Ang bango-bango pa nito at mukhang kaliligo lamang nito.
"Lasing ka ba?" Tanong nito.
Ngumiti siya. "Hindi ah...nakainom lang.." aniya rito.
"Nakainom lang sa lagay na iyan. Halos hindi ka na makatayo. Dali at tutulungan na kita.." anito.
"Kaya ko ito...tignan mo...tatayo ako.." aniya rito at pinilit na tumayo. Pero tila ba hinihigop siya ng lupa at hindi siya makawala rito.
"Hindi mo kaya, tutulungan na kita.." ulit ni Miya.
"No..." anito sabay harang ng palad. "I can manage..." kulit pa ni Klint. Muling pinilit tumayo. Tinukod ang palad para may alalay patayo pero muling natumba.
Nagsisimula nang matawa si Miya. Ang kulit kasi ng lalaki, alam nang hindi kaya eh gusto pang magpakitang gilas.
"I told you...let me help you.." aniya rito sabay hawak sa braso nito.
Lasing siya pero kontroladobpa niya ang isipan. Maaaring hindi kaya ng katawan pero nasa huwesyo pa ang isipan niya. Inalalayan nga siya ni Miya.
"May pinagdadaanan ata ang lalaking ito.." bulong ni Miya pero narinig niya iyon. Napangiti siya. "Nasaan ang susi mo?" Maya-maya ay tanong ni Miya.
"Susi?" Ulit niya.
"Oo...para maipasok kita bahay mo.." gagad nito.
Kinapa ang bulsa pero hindi makapa-kapa kaya ito na rin ang dunukot sa bulsa niya. Hindi malaman kung bakit iba ang epekto nang hagod ng palad ni Miya. Tila ginagatungan nito ang init na nararamdaman sa sandaling iyon.
Nang mabuksan ni Miya ang bahay ng lalaki ay agad na pinasok ito sa silid nito. Hirap na hirap siyang alalayan ito. Halos mabuwal silang dalawa sa kama sa bigat nito.
"Francine bakit hindi mo magawang intindihin ako. Mahal naman kita..." usal nito habang nakapikit ang mata. Nabigla si Miya sa narinig. Mukhang may pinagdadaanan nga ito. Napiling siya at lumabas. Babalik na sana siya sa bahay niya nang tila inuusig naman siya ng konsensiya. Kaya imbes na lumabas ng bahay ng lalaki ay tinungo ang kusina nito at nagsalin ng maligamgam na tubig. Naghanap ng bimpo upang punasan ang lalaki. Tinanggal din ang sapatos nito upang maitaas ang paa nitong nakalupaypay pa rin.
Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa iyon. Habang pinupunasan ang mukha nito ay nagkaroon siya ng pagkakataong mapagmasdang mabuti ang mukha nito. Guwapo ang lalaki. Matipuno at mukhang may pinag-aralan. Bagay na hinahangad ng kalahi ni Eba.
Napapalunok si Miya habang nakatitig sa mga labi ng lalaki. Tila ba may nag-uudyog na halikan ito ng palihim. Tutal ay mukhang tulog na naman ito. Unti-unting binaba ang labi sa labi ng lalaki. Amoy niya ang alak sa paghinga nito pero wala na siyang pakialam. Ngunit laking gulat niya nang yakapin siya ng lalaki at tugunin ang halik niya.
Naglumiglas siya. "No Francine...akin ka....akin kaaaa.." ani ng lalaki na tila hibang na sinisibasib siya ng halik.
Hindi na nakayanan ni Miya ang sarili. Sa unang pagkakataon ay natalo ng puso niya ang kaniyang isipan.
"Punyeta!" Isang nakakatulig na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Sabay dura sa kaniya. "Nasaan ang utak mo ha Miya! Sinabi kong focus sa misyon mo, gaga!" Ang pagalit na saad ni miss Delaila nang malamang may crush siya kay Sebastino Lopez.
Umaalingawngaw sa isipan nang sandaling pumaibabaw na sa kaniya si Klint.