Episode 2:

1274 Words
THE OTHER WOMAN MULING NAGLATAG ng larawan si Miss Delaila. Sa pagkakataong iyon ay larawan ng isang magandang babae. Hindi niya kilala ang babaeng nasa larawan. "Siya ang nag-iisang babaeng target mo. Bukod sa limang lalaki ay itong babaeng ito ay dapat ring mawala. Best friend siya ni Haya ngunit ito ang nagdala sa kaibigan sa kapahamakan. She lured Haya to those criminals." Anito na halos mapilas ang mga larawan ng tatlong lalaking nasa harapan. "Irene Mae Montemayor..." tukoy sa pangalan ng babae. "As of now ay may asawa at dalawang anak. She don't deserve to be happy and have that life habang nakabaon na sa lupa ang taong minsang naging matalik na kaibigan pero trinaydor niya lamang." Galit ang masumpungan sa mga mata nito. Mas lalo itong nainis nang mapako ang mata nito sa lalaking may ekis. "That time, Irene was madly inlove with this guy.." anito tukoy ang best friend ni Haya. At his 21st birthday she give her bestfriend as a gift to him.." anito habang ramdam na ramdam ang galit sa tinig nito.  Saka bumaling sa kaniya na nakamaang lamang. "I want you to..." putol nito saka sumenyas ng pabalang sa leeg nito na ibig sabihin ay patayin sila. Napalunok siya. Walang ekspresyon ang mukha niya dahil kapag nagpakita siya ng panlalambot o kahinaan dito ay hindi ito matutuwa. Inihanda siya upang pumatay kaya dapat ay matapang siya. THE FILM "Ahhh...please maawa po kayo sa akin....please noooo..." ang pagmamakaawa ng babaeng napapanood.  Tahimik lang siyang nanunood. Very morbid ang video na iyon lalo pa at puro nakahubad ang mga lalaki pero hindi nakikita ang mga mukha ng mga ito  dahil ibabang bahagi lang ng mga ito ang nakikita sa video. Doon ay makikita ang marka sa kanilang kaliwang bahagi ng kanilang puwetan. Mas lalo siyang hindi makali sa kinauupuan nang pakita kung papaano nila babuyin ang babae sa video. Hindi rin maikakatwa sa video na naka-drugs ang mga lalaking nasa video. Ang mga halakhak ng mga ito ay tila halakhak ng mga demonyong nagpaparty. Tila isang bagay lamang ang babae na pinagpapasa-pasahan nila. Tila isang sisiw na nilalapa ng mga naglalakihang buwitre. "No! Please...noooooooo..." sigaw ng babae sa video. "Nooooo!" Sigaw niya rin habang umaagos ang luha niya. Tila ba siya ang babaeng nasa video. Halos takpan niya ang mukha dahil hindi niya kayang panoorin ang ginagawang pambababoy sa babae. Kung papaano salitan ang mga itong gahasain ito kahit hinang-hina na.  "Mga hayoooop!" Di mapigilang sigaw niya. Pinatay ni Miss Delaila ang video sa malaking screen. Binuksan ang ilaw ng silid na kinaroroonan.  "Kaya hindi ka dapat kakonsensiya Miya dahil ang mga papatayin mo ay mga hayop! Mga demonyo..." saad nito. "Tama kayo Miss Delaila. Dapat lang silang mamatay!" Kuyom ang kamao at nagngingitngit sa matinding emosyon. "Ganyan Miya. Ganyang nga..." anito. THE VICTIM HABANG NILILIBOT ang buong tingin sa malawak na mansyon. Nakita niya ang iisang larawan na nasa malalaking frame. Larawan ng isang napakagandang babae. Ang mga ngiting kaakit-akit, mukhang kawangis ng isang anghel. Lumapit siya sa isang larawang nakapatong sa isang malaking piano.  "Siya ang aking nag-iisang anak.." tinig ng senyora. "Siya lang ang naging buhay ko nang maaga akong iwan ng aking asawa." Tinig nito na bakas ang pangungulila. "Ngunit hindi ko kayang tanggapin na sa malupit at marahas na pangyayari mawawala ang kinaiingat-ingatan kong anak." Nanginginig na turan nitoz Mabilis na tumakbo si Miss Delaila. "Senyora, kumalma kayo. Manong Fernan, ang gamot ni senyora!" Sigaw nito sa kanilang driver. Mabilis namang lumabas ang lalaki bitbit ang gamot nito. Mabilis na inalalayan ng mga ito ang senyora sa sofa at pinakalma. "Papatayin ko sila, mga hayop sila. Walang kalaban-laban ang anak ko! Hayooooppp..." galit na galit nitong sigaw kasunod ng hinagpis nito. "Senyora, hindi po makakabuti sa inyo kung hindi kayo kakalma. Hindi natin magagawa ang gusto nating mangyari kung baka kayo ay malagay sa alanganin.." wika ni Miss Delaila. Doon ay pinahid ng ginang ang luha nito at unti-unti ay kumalma ito.  "Manong, pakialalayan si Senyora. Pakidala siya sa kaniyang silid." Utos pa nito sa driver nila. Nang mawala ang mga ito ay humarap si Miss Delaila sa kaniya. "Siya si Haya Melicenth or Haya sa mga kakilala niya. Ang nag-iisang anak ni Senyora. Siya ang ating ipaghihigante. Sa'yo kami nakaasa na sa loob ng labing isang taon magagawa rin naming mabigyan siya ng hustisyang pinagkait sa amin ng huwad na katarungan." Ang seryosong saad nito. Napalunok siya. Sa kaniyang balikat na kaatang ang isang misyong uusig sa mga demonyong lumapastangan kay Haya. THE JUDGEMENT "WE THE JUDGE, the jury and this court find the defendants Mr. Cristiano Romualdez, Mr. Timothy Francisco, Mr. Alexandre Montenegro, Mr. Sebastino Lopez and Mr. Winceslao Furtunato not guilty for the case filed against Miss Haya Melicenth Sarmienta. "Noooooo..." malakas na palahaw ni Miss Elena Sarmienta. Hindi niya matanggap na mababasura lamang ang kaso ng anak. She fight so hard. Halos malimas ang pera niya para lamang sa kasong iyon. Tapos ganito lamang ang kahihinatnan. Hindi nito nakayang tignan ang nga lalaking nagsasaya sa pagkaabswelto ng mga ito sa kaso.  "Senyoraaaaa.." malakas na sigaw ni Miss Delaila ng makitang nawalan ng ulirat ang senyora nito dahil sa mga nangyayari sa loob ng korte. Agad silang inalalayan ng driver at kasama sa bahay na siyang kasama nila sa loob ng korte suprema. Ngunit bago siya lumabas sa korteng iyon ay binalingan niya muna ng tingin ang judge na naroroon.  "Pagsisisihan mo ang araw na ito!" Singhal ni Miss Delaila dito saka nila inalalayan ang ginang na nagkakamalay na. "Yooohoooo...finally! We're free.." sigaw ng mga ito.  Mabilis na tinignan ang nagsabi noon. Si Winceslao Furtunato. Mas lalo siyang nabuwisit dahil alam niya kung bakit sila natalo. Sila ba naman ang babangga sa mga taong mayaman at nasa law professions at idagdag pang mga judge din ang mga padrino ng mga ito. "Sa amin ang huling halakhak!" Ani ni Miss Delaila. THE INITIATION NAGISING NA LAMANG si Miya sa isang madilim na silid. Agad siyang napabangon sa pagkakadapa. Isang ilaw lang ang naroroon at isang mesa. Maya-maya ay lumagitlit ang pintuhan. Tinayuan siya ng buhok sa katawan tanda ng panganib na dala nang pagbukas ng pintuhan.  'Sa loob na silid kung saan ka gigising. Masusubukan ang iyong tatag at lakas. Limang lalaki ang iyong makakatunggali. Kung malakas ka, makakalabas kang birhen.' Umaalingawngaw sa isipan ang huling sinabi ni Miss Delaila sa kaniya. Limang anino ang nakitang pumasok sa silid.  "Sabi ay birhen ang babae. Ang unang makahulu ay siyang unang titira!" Wika ng bruskong tinig ng lalaki. Napamura siya sa kaniyang isipan. Mabilis siyang naghanda dahil ilang sandali ay lahat sila ay pasugod na sa kaniyang kinaroroonan. Mabilis na pinakawalan ang isang malakas na tadyak at bumaliktan ang isa habang ang dalawa ay hinawakan ang magkabilaang kamay niya. Mabilis na hinila ang mga ito kasabay ng malakas na pagbaliktad sa ere upang tirahin ng malakas na tadyang ang dalawang huhuli sa paa niya. Saka mabilis na binalibag ang dalawang nakahawak. "Punyeta! Mukhang bihasa ang babaeng ito ah.." saad ng isa. Sa halos isang taong na training niya sa self defense, taekwando, judo, kick boxing, drag racing at iba pang extreme activity ay alam na niya ang kaniyang lakas at limitasyon.  Muli siyang hinuli ang mga ito ngunit mabilis na naglambitin sa ilaw na nakasabit. Doon niya lang nakitang may lubid sa may mesa. Nang huhuliin na siya ng mga ito ay agad na bumangsak sa mesa at kinuha ang lubid.  Sunod sunod na sipa, tadyak at suntok ang pinakawan at bawat napapabagsak niya at siyang tinatali niya upang hindi na makapanlaban pa. Nang matapos itali ang lahat ng lalaki at wala nang kalabog sa loob ng silid ay bumukas iyon. Kasunod nang pagliwanag ng buong silid.  Pumasok si Miss Delaila. "Magaling! Magaling! You never fails me Miya." Anito habang pumapalakpak ay may ngiti sa labi nito. Ngiti ng tagumpay dahil sa nagawa siya nitong gawing kasing tibay ng bato. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD