THE SUCCESS
"Congratulations Miya, you did it. Look at you now, after a long years you're now a lawyer." Turan sa kaniya ni Mrs. Sarmienta. "Here's my gift." Anito sa isang dilaw na envelop. Alam na niya ang laman noon. Ang dalawang milyon na parte ng usapan nila kapag natapos niya ang kaniyang misyon.
Malaking halaga iyon pero hindi siya natutuwa. Kahit ito pa ang nagpaaral sa kaniya. Hindi na mawawala ang dungis nang kaniyang pagkatao. Pagkataong binuhay nito mula nang kunin siya nito sa kanilang probensiya.
"Oh, hindi ka ba natutuwa hija. Ngayon ay malaya ka na.." puna nito nang hindi siya kumibo.
"Huwag kang mag-alala. Kalimutan mo na nakilala mo ako at bumalik ka sa inyong probensiya. Anyways, dinagdagan ko na iyan. Baguhin mo ang hitsura mo. Magpalagay ka ng nunal o magpatangos ka ng ilong. Anything na mag-iiba sa iyong hitsura." Saad pa nito na parang ganoon lang kadali ang lahat. Maaaring mabago ang hitsura niya pero hindi na mababago ang lahat ng mga masasamang nagawa niya.
Ang lamat ng kaniyang pagkatao ay mananatiling isang bangungot ng kanyanga nakaraan. Dalangin niya lang na hindi siya nito habulin sa pagdating ng araw.
THE PAST
"HULIIN NIYO SILA!" Utos nang isang aristokratang babae habang nakatayo sa may pintuhan nila.
Patakbong pumasok si Miya sa loob ng kanilang kawayang bakod sa kanilang munting dampa. Nasa ikaapat na hakbang ng sekondarya siya noon at kagagaling lang niya sa kaniyang klase. Nang makita ang magarang sasakyan sa harap ng kanilang dampa.
Nang makitang may pulis din ay doon na siya kinabahan at mabilis na tumakbo.
"Akala mo siguro Edna na hindi kita matutunton. Bayaran mo ang utang mo at maging ang mga perang ninakaw mo sa akin!" Litanya pa ng babae.
"Wala po akong pera ngayon senyora. Hindi naman ako tatakas eh, please lang bigyan niyo po kami ng panahon. Magbabayad po ako, promise..." luhaang turan ng ina habang nakaluhod sa harap ng babae na tila ba ito puon na niluluhuran.
Ngumisi ang babae at tinabig ang kamay ng kaniyang ina. "May ipambabayad ka na ba sa nahiram mong two hundred thousand at sa fitfy thousand na ninakaw mo. Akala mo ba ay hindi ko alam na kinukupitan mo ako?" Akusa pa nito.
"Patawad po senyora, hindi ko naman po talaga sinasadya. Nanganib lang po talaga ang buhay ng asawa ko at wala po akong mahiraman." Sagot ng ina habang pilit na hinahawakan ang palad ng babae.
Mabilis iyong tinabig ng babae at natumba ang kaniyang ina. Doon ay tumakbo na si Miya.
"Ina...." alo ko sabay bagon rito. Tumingin sa akin ang babae.
"Siya ba ang anak mo!" Mariing turan sa aking ina. Nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi na niya alam ang mga sumunod pang nangyari. Namalayan na lamang niya na papunta na siya sa Maynila.
THE DEAL
"Ibigay mo sa akin ang anak mo Edna at bayad ka na!" Malakas na saad ng babae.
"Pero senyora," pigil ng ina.
"Ibigay mo o ipakukulong kita?" Malakas pa ring sigaw nito. Walang nagawa ang ina. Tumingin ito sa kaniya. Umiiling-iling siya. "Huwag kang mag-alala Edna, kilala mo ako. Mabait naman akong tao, kailangan ko lang ang anak mo. Alam mo kung papaano ako nangulila sa anak ko, kahit sa pamamagitan niya ay maibsan ang aking pangungilila." Wika pa nito.
Doon ay tumingin muli ang ina sa kaniya. Hinaplos ang buhok niya at maging ang pisngi. "Huwag po ina..." natatakot na turan ng inosenteng si Miya.
Eksaheradang bumuntong hininga ang babae na hudyat na nababagot na ito. "Okay hija, ikaw na lang ang tatanungin ko. Gusto mo bang makulong ang ina mo?" Deretsahang tanong nito na agad naman niyang kinailing.
"Good, then sumama ka sa akin." Anito saka tumalikod na. "Hihintayin kita sa hotel na tinutuluyan ko. Dapat dala mo na ang mga importanteng gamit mo. Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin ko kapag bumalik ka sa lugar na ito ay pwedeng pwede mo nang gawing mansyon ang dampang ito." Matatas na turan saka umalis na.
THE TRAINING
"KICK HARDER! MOREEEE.." sigaw ng kaniyang trainor. Pawis na pawis na siya at masakit na ang kaniyang legs dahil halos isang oras na siyang nagki-kick boxing.
"Hindi ka pwedeng magpahinga. You have to master you defense at para mas exciting ay may mga kaibigan akong dala para may actual kang katunggali." Turan ni Miss Delaila. Napalunok siya ng makita ang mga lalaking papasok sa loob ng kanilang studio.
Napakuyom siya ng kamao. Hingal na hingal pa rin siya gawa ng kanilang matinding training pero heto siya at nakikipagbuno sa mga lalaki pa.
Mabilis siyang inatake ng isang lalaki. Mabilis siyang umilag sapat tumbling at dakma rito at tila isang sakong bigas na binalibag. Pumalakpak ng malakas si Miss Delaila sa ginagawa niya. Habang ang dalawang lalaki na kasama ng una ay tumatawa.
"Magaling Miya, you know why I'm doing this. Dahil puro lalaki ang target natin. Kaya dapat ngayon pa lang ay matalo ang depensa nila kahit lalaki sila at mas malakas sa'yo. Gamitin ang liksi at utak para matalo mo sila." Anito at umiikot ikot sa harapan niya. Hanggang sa maramdaman niya ang malakas na pagtadyak sa kaniyang likuran.
Masyado siyang na-focus kay Miss Delaila na noon para ay sininyasan ang dalawang lalaki at inatake siya. Agad siyang lumayo konti at nagbuwelo. Hanggang mabilis niyang hinuli ang kamay ng lalaking susuntok sana sa kaniya maging at isa at tinirentas at pinag-untog ang mga ito. Kapwa napahiyaw ang mga ito. Ito naman ang tinawanan ng lalaking naka-recover na binalibag sa pader.
Tawa ito ng tawa sa dalawa maging si Miss Delaila ay namangha. "I think you're ready!"
THE SIGNATURE MARK
WALANG MAGAWA SI Miya kundi ang tumango tango na lamang. Wala nang attasan iyon, halos isang taon din siyang hinanda para sa bagay na iyon. Itinatak na sa isipan na dapat niyang gawin iyon kung hindi ay maghihimas ng rehas ang kaniyang ina na matagal nang hindi nakikita o nakakausap man lang.
Napunta siya sa mundong wala siyang kilala. Tila ba muli siyang nabuhay ngunit hindi na gaya ng mundong inosente para sa kaniya. Dito, marahas at lakas ang kailangan.
Nakitang nilabas ni Miss Delaila ang isang malaking print out. "Keep this mark on your mind dahil ito ang marka ng mga taong lumapastangan sa anak ni Mrs. Sarmienta. Itong markang ito ay tatak ng pagkakaibigan ng anim na magkakaibigan.." anito.
"Anim?" Aniya at tumingin sa limang larawan ng lalaki roon.
"Yes, anim sila pero ang isa ay nasa Amerika na bago pa mangyari ang trahedya sa anak ni Mrs. Sarmienta. Kaya hindi ito kasama," sagot sa katanungan sa isipan na hindi na naisatinig.
Tumango na lamang siya at muling tumitig sa markang iyon. Very specific kung saan nakalagay ang markang iyon. Sa kaliwang bahagi ng may puwetan ng mga ito. Kaya mahirap makita iyon maliban kung nakahubo ang mga lalaki.