Episode 12:

1146 Words
THE FALSE WITNESSES Walang inaksaya si Klint. Mabilis na tinungo ang opisina ng kaibigang si Alex noon. Dalangin na hindi pa tinapon lahat ng kamag-anak nitong nag-take over sa firm office nito. Pagdating doon ay agad na sinalubong siya ng pinsan ni Alex na si Bernard. "Hopefully ay hindi niyo pa naitapon ang mga records ng mga previous employee ni Alex." Saad agad sa lalaki. "Well, we already fixing it in a box kasi ang dami nang papeles rito. We already plan to move it pero nasa box pa silang lahat. Nasa stockroom.." anito. Mabuti na lang pala at hindi pa siya late. Tatlong boxes iyon na malalaki. Sa siyam na taon ay maraming mga paper works at ilang papeles na rin ang natambak.  "Well, mukhang marami-rami akong hahalungkatin.." nakangiting turan sa lalaki. "Pasensiya na...hindi kasi namin alam kung ano ang gagawin namin. Don't worry dahil tutulungan kita at ng sekretarya ko. Umaasa rin akong mareresolba ang kasong ito ng pinsan ko. Matagal na rin kaming naghihintay na matapos ito." Anito habang tinutulungan siyang tanggalin ang mga ilang papeles sa box. Mabuti na lamang at masinop ang pagkakalagay ng bawat files. May nakalagay sa ibabaw kung ano ang mga iyon. Sa pangalawang box nila nakita ang files for previous employees. Mabilis na siniyasat ni Klint ang files. May kakapalan ang files pero kinailangan niyang inisa-isan ang lahat. Halos magtatatlong oras na silang nagkakalkal nang sa wakas ay makita ang Queen Elizabeth Fernandez. May birth certificate ito,   NBI clearance at may TIN ID pa. Seems so legit. Mabilis na pinasadahan ang resume nito. Nakuha roon ang address nito. Doon muna siguro siya magsisimula. Tumingin siya sa pinsan ni Alex at nakitang nakatingin din pala ito sa kaniyang hawak. "Hope it will help you to solve the case of my cousin.." anito sa kaniya. "Hope so.." seryosong turan rito. 'I am sorry dear cousin. Siguro ay karma mo na iyan sa pagsulot mo kay Ysabella sa akin..' anito sa isipan.  Napansin ni Klint ang pagkatulala ng lalaking kausap. Nadiskaril lang ang pag-oobserba rito nang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad siyang nagpaalam sa lalaki dahil hawak na naman niya ang kailangan rito. 'Sige lang....sana nga ay mahanap mo ang pumatay sa mahal kong pinsan..' pahabol pa nito sa isipan. "Hello..Mr. Tubias speaking.." sagot sa tawag. "Good to hear you. Anyways, nakuha ko ang numero mo sa isang ads. Ako ang dating owner ng bar kung saan huling namataan si Mr. Romualdez almost nine years ago.." wika nito. Bigla siyang kinutuban. Mukhang umaayon na sa kaniya ang lahat.  "You mean Chris..." "Yes Mr. Tubias. I heard about you so I try to find ways to contact you. Alam kung nangangalap ka ng ibedensiya tungkol sa pagkamatay nito. Hopefully ay makatulong ako.." turan nito. "Sure...everything is an evidence. Maraming salamat, sabihin mo kung kailan at saan.." agad na turan saka pumasok sa sasakyan niya. Mabilis niyang binagtas ang lugar kung saan may address na nakalagay. Napangiti siya ng mahanap ang bahay na nasa address. Mabilis na nagtanong tanong sa mga tao roon kung kilala ba nila si Queen Elizabeth Fernandez. Tumango ang ilang napagtanungan at tinuro ang bahay na nasa resume. 'This is it!' Turan niya.  "Kaya lang po. Mga isang dekada na mahigit namatay ang batang iyon. Mga 17 years old ito nang mamatay. Na-dengue ata kasi biglaan.." turan ng isang ale. Kaya pala walang mga batang kilala. Mabuti na lang at nauhaw ay napatambay sa tindahan at doon ay natanong ang matandang tundira. "Bakit mo naman hinahanap ang batang iyon?" Usisa nito. "Ah...wala naman po.." aniya. Nagpaalam at kumatok nga sa bahay nito. Kailangan niyang ma-confirm na patay na nga si Queen Elizabeth bago ang krimen. Ibig sabihin noon ay may gumamit sa pangalan nito. THE DEAD END Pagkatok niya sa pintuhan ay bumungad sa kaniya ang isang matandang babae. Puti na ang lahat ng buhok nito. "Kumusta po inay, kilala niyo po ba si Queen Elizabeth Fernandez?" Tanong rito. Nakitang nadagdagan ang pagkakakunot ng noo nito. "Ay apo ko siya pero bakit mo naman siya hinahanap. Aba...eh dati ka ba niyang kakilala?" Turan nito. Saka maya-maya ay lumungkot ang mata nito. "Matagal na siyang patay.." anito. Doon napagtanto niyang nagsasabi ang ale sa tindahan ng totoo. Sa huli ay binigyan na lamang ng matanda ng limang libo baka makatulong ito lalo pa at mag-isa na lang daw itong namumuhay dahil matapos mamatay ang apo nitong si Queen Elizabeth ay sumunod din ang anak niyang si Princess Diana. Pagbalik niya sa condo niya ay pabagsak siyang umupo sa upuan. Dahil sa pagod at prustrasyon sa kaniyang iniimbestigahan. "s**t!" Usal saka tumayo at tinungo ang mini-fridge niya. Kumuha ng bottle water at uminom nang mag-ring ang cellphone. Agad na sinagot. "Hi babe..." ang tinig ng fiancee na si Francine. "Hi babe, how you doin?" Tanong rito na pagod na pagod. "Are you alright babe. You sound si tired.." anito. "Yeah...get frustrated. Seems the case was dead end.." aniya rito. "Then if that the case, come back here. Com'on babe, don't stress out yourself—."  "They're my friends babe. Come on, you give me a year. Remember that?" Putol niyang turan. "Okay! Okay, don't raise your voice. I'm just stating my thought." Salag nito sa kaniya. He felt guilty kaya agad na nagsorry rito. "I'm sorry babe, I was just exhausted. Gonna call you tomorrow. Take care of yourself.." aniya rito. "Don't you wanna asked about my day too?" Hirit pa nito. "I'm tired Francine.." aniya na ayaw makipag-argue rito. "Okay fine—." Inis nitong tinig saka pinatayan siya ng tawag. Mas lalong nadagdagan ang banas niya at binalibag sa sofa ang kaniyang cellphone. Mabilis na umupo sa sofa at hinablot ang kaniyang laptop. He got an email at naroroon na ang DNA analysis sa lahat ng DNA samples na nakuha sa crime scene. Ayon sa result ay may isang distinct DNA na much sa lahat ng mga crime scene. Kailangan nilang hanapin kung sino ang may-ari noon. "What the heck!" Buwisit na turan nang maisip na wala nga pala siya sa US. Kasi sa Amerika, once you got a DNA, you can just run it to the data system then you'll see who is your suspect as long as it was in the system. Pero ngayong wala namang data system ng Pilipinas about sa DNA or print samples system ay nahihirapan siyang hanapin ang suspects. Tinignan din ang larawang binigay sa kaniya ni Diana ang dating bookkeeper ng kaibigang si Cris. Nakatitig lang siya rito at tila sinasaulo ang bawat anggulo ng mukha nito. "Paano kita hahanapin sa halos isang daang milyon na tao rito sa Pilipinas..." anas niya na tila ba kinakausap ang babae sa larawan. Tama nga yata ang fiancee. Baka kailangan na niyang bumalik sa Amerika at ipagpatuloy ang buhay kasama ito. Hanggang sa muling tumunog ang cellphone niya.  "Hello..." "Yes. Mr Tubias speaking.." aniya. "Good to hear from you Mr. Tubias. Kilala ko ang taong hinahanap mo.." turan ng tinig sa kabilang linya. Hindi niya alam kung totoo ba o hindi ang nasa kabilang linya. Pero ito ang pag-asang hinahanap niya. Baka ito na ang magbibigay sa kaniya sa tamang landas para mahuli ang tunay na MAYSALA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD