THE RENEWED LIFE
"Atorney, may naghahanap po sa inyo,” bungad ng kaniyang sekretarya. Agad na ngumiti si Miya rito.
"Papasukin mo,” ngiting sagot rito.
"Nay, pasok na raw po kayo sabi ni attorney,” dinig na tinig ng sekretarya. Pag-angat ng tingin ay nakitang nakukubang matanda ang papasok. May hawak pa itong tungkod.
"Ano pong maipaglingkod ko sa inyo Inay?” magalang na turan dito.
"Attorney, gusto ko lang sanang mabawi ang lupa ko sa aking kapatid. Noon kasing bata pa kami ay hiniram niya ang titulo ng lupa ko dahil nga kinailangan niya ng pera upang mangibang bansa. Tatlong dekada na ang lumipas ay hindi pa rin niya binabalik. Ngayon ay matanda na ako at may karamdaman na. Kailangan ko na rin ang lupa dahil kailangan ko na rin ng pera,” halos naiiyak nitong turan sa kaniya.
"Inay, as long as kayo ang nakapangalan sa lupa ay pag-aari niyo po iyon. Hayaan mo at matutulungan kita. Huwag po kayong mag-alala dahil sa abot ng aking makakaya ay mababawi natin ang inyong lupa. Kung hindi ay willing po ba kayong tumistego laban sa kaniya?” tanong dito. Tumango naman ito. Ngumiti na lamang siya rito.
Mula nang bumalik siya sa kanilang probensiya ay iba't ibang kaso na ang nahawakan pero mostly ay dahil sa mga lupaing kinakamkam ng kanilang mga magkakamag-anak.
Maayos na rin ang kanilang buhay. Masaya ang simpleng pamumuhay nilang mag-anak. Pinilit nilimot ang masalimuot na nakaraan.
Isa na siyang public attorney sa kanilang bayan. Maraming nahingi ng advice sa kung ano ang mga gagawin nila sa mga bagay-bagay. Kahit papaano ay may magandang dinulot naman ang pamamalagi kay senyora Elena at Miss Delaila pero isang malaking lamat ang iniwan sa kaniyang pagkatao.
Isang misteryo rin ang pilit binabaon sa limot. Misteryo sa lahat ng misyong kaniyang sinakatuparan.
"Attorney,” tinig muli ng sekretarya niya.
Tila siya nagising sa pagkakatulog nang marinig ang pagtawag nito. "Attorney, may naghahanap po sa inyo,” anito.
"Papasukin mo. Anong problema niya?" tanong rito.
"Hindi po siya kliyente attorney. Mukhang manliligaw,” anito na tila kinikilig pa.
"Manliligaw?" gulat na tanong sabay kunot-noo.
"Hi!” Silip ng isang lalaki. Pagbaling ay kinikilig na ngumiti ang sekretarya niya at iniwan na sila.
"Jerome?" Ngiti nang makilala ang lalaki. Ang pamangkin ng mayor ng bayan nila. Nang makapasok ito ay may nilabas itong bulaklak. Kaya pala nasabi ng sekretarya na manliligaw dahil may pa-flowers pa ito.
"Flowers for the most beautiful attorney in town,” bola pa nito.
"Oh my God, wala akong candy,” bungisngis naman niya na kinatawa nilang dalawa.
"Just say yes and I'll be happy,” turan nito.
"Yes for?" maang na tanong.
"Sa panliligaw ko sa'yo?” anito na ngumiti pa at lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong ipin. Sabagay dentist kasi ito kaya dapat lang na maganda ang ipin nito.
"Wow ha! Nagsisimula ka pa lang, gusto mo agad na sagutin kita,” biro rito.
"Well, nagbabakasakali lang naman,” anito at muli silang nagtawanan. "Okay, bakit hindi na lang—” anito sabay isip. "Have a date with me. How about tomorrow night? Wala ka namang work na sa susunod na araw,” anito para hindi na siya tatanggi pa.
Matamis siyang ngumiti rito. Guwapo ang lalaki at may maayos na trabaho. Hindi na masama upang muling magplano pala sa kaniyang kinabukasan. She needs to move on.
HIS INTENSIVE INVESTIGATION
"Hi,” bati ni Klint sa asawa ni Alex. Isa kasi ito sa buhay na testigo pero hanggang ngayon ay under shock ang babae. Hindi pa rin nagsasalita at nakatulala lamang. Maaari ay dahil sa nasaksihang krimen at sa tindi ng trauma dahil sa pagkawala ng asawa at lalo na ang pinagbubuntis nito.
"Ysabela, alam kong naririnig mo ako. Nandito ako upang pagbayarin ang gumawa nito sa asawa at sa'yo. Kaya please lang ay gusto kong tulungan mo ako. I just have eight month left. My fiancee is waiting for me, please I am running out of time. I'm giving my best to solve this case. Ito!” aniya sabay tapat sa mukha nitong nakatulala ang nakahandusay na larawan ng asawa nito. "Sino ang bumaril kay Alex?"
Walang reaksyon sa mukha ng babae kaya tila pagod na pagod na sumalampak sa upuan. Mukhang wala talaga siyang mapipiga kay Ysabela.
"Hindi ko na alam kung saan nagpapataloy pa sa imbestigasyong ito. No DNA traces maliban sa mga DNA ng biktima. It was well organized-crime at hindi na alam kung papaano magpapatuloy pa!” aniya habang nakatitig sa tulalang mukha ng babaeng minahal ng kaibigan.
Dahil wala siyang nakuha rito ay pinasya niyang umalis na ngunit nililigpit pa ang mga larawang pinakita kay Ysabella ay nakatanggap siya ng tawag.
"Yes hello, this is Mr. Tubias,” dere-deretsong turan sa kausap.
"Oh hi! Hhmmm Diane. Dating bookkeeper ni Mr. Montenegro,” turan nito. Bigla ay nabuhayan siya ng loob.
"Yes. How may I help you?" tanong rito.
"I think, I'm the one who can help you. Recently ko lang nalaman tungkol sa'yo. Buti at nakabanggahan ko minsan ang dating lawyer ni Mr. Montenegro at sinabing nag-iimbestiga ka raw. If you want, magkita tayo. May isang particular person kasi akong suspetsang gumawa nito,” wika nito.
Mas lalo siyang na-curious kung ano ang nalalaman ng dating bookkeeper ng kaibigan. "Okay, are you free today? Actually nandito ako kay Ysabella pero until now ay hindi pa rin ito nagsasalita,” saad dito at sumang-ayon naman. Napangiti siya. Kahit papaano ay may pag-asa pa.
Ilang sandali ay narating din niya ang sinabi ng babaeng cafe. Pagpasok ay nakita agad ito at sinalubong siya. "Thanks for calling me,” aniya rito.
"Wala iyon, gusto ko lang din makatulong,” nakangiting saad nito. "Kumusta nga pala si Mrs. Montenegro. So sad, dahil halos siyam o walong taon na siyang tulala,” anito na malungkot pa ang mukha.
Umupo sila sa nireserba nitong mesa. "I order already, sana ay magustuhan mo,” saad nito.
"Salamat. By the way, sinabi mong may alam kang possible na gumawa nito kay Alex?” tanong agad rito.
Maya-maya ay may kinuha sa bag ang babae at nilabas iyon. Isang larawan na may dalawang babae. Ang isa roon ay ang mismong kausap at ang isa ay hindi niya kilala. Napatitig siya sa isa. Napakunot. Masyado yatang makapal ang make-up nito eh naka-uniporme lang naman sila bilang bookkeeper o sekretarya.
"She's Queen Elizabeth Fernandez. I don't know if that's her real name. Siya ang pumalit sa aking bookkeeper noon dahil buntis ako noon at ayaw na ng asawa kong magtrabaho ako,” panimula nitong wika na nakakuha ng interest niya.
"Paano mo nasabing maaring siya ang pumatay kay Alex?" tanong rito.
"Masyado siyang malihim, hindi masyadong nagsasalita at ang kapal kung mag-make up. I notice one time na,” anito sabay turo sa nunal nito. "Pumasok siyang walang nunal,” dagdag nito. "Hindi lang iyon, napapansin ko ang panay pagtitig niya kay sir Alex. Alam mo iyong may tinatagong motibo. Hindi ko lang pinansin iyon dahil baka akala ko ay crush niya lang si sir Alex. Kasi ganoon din naman ako noong una ako sa firm,” mahabang wika ng babae.
Napapaisip siya. Maaari ngang ito ang may kagagawan ng krimen. Pero kung ito, may koneksyon din ba ang pagkamatay ng iba pa.
"She immediately resign noong namatay si Sir Alex at sinabing pinapauwi na raw siya ng magulang nito sa probensiya dahil may sakit ang ina niya,” ani pa ng babae na nagpalakas sa suspetsa nila.
"May mga papeles ba itong pinasa sa firm bago siya nakapasok. Kailangan kong malaman kung sino si Queen Elizabeth at ano ang kaugnayan nito sa krimen?” aniya rito.
"Hopefully ay matapos na rin. Sana ay makatulong ito para maresolba ang krimeng ito,” saad pa ni Diane.
"Salamat sa impormasyon.”
'Kung mahahanap mo talaga si Queen Elizabeth,’ ani sa isipan ni Diane saka ngumisi rito ng palihim.