Para akong nanigas sa aking kinatatayuan, bigla rin akong dinambol ng matinding kaba. He's here! Dapat pala nag-isip ako ng dahilan kanina habang nasa biyahe ako. s**t. Paano na ako magpapalusot nito ngayon? Ano na ang sasabihin kong paliwanag? Lagot na! “C-Cole…” I uttered, even though I was nervous, I still forced myself to give him a nice smile. “H-Hindi ko alam na narito ka pala, babe.” But he didn't even smile and just kept looking at me without showing any emotion. Until he stood up and slowly stepped closer to me. Hindi ko naman mapigilan ang mapalunok. “You left me last night, saan ka naman pumunta?” seryoso niyang tanong pagkahinto sa harap ko. “Ah k-kasi, babe, tinawagan ako ng kaklase ko na may gagawin pala kaming homework sa bahay nila. Nakalimutan ko kasing pumunta sa kan