I was horrified by what he said. Hindi na ako sumagot pa sa kanya pero ramdam kong nate-tense na ako. Hindi ko alam kung saang impyerno naman niya ako dadalhin at anong klase ng parusa ang ibibigay niya sa akin, wala naman kasi akong naalala na may nagawa akong kasalanan sa kanya para parusahan na naman niya. Wala pang limang minuto ang tinakbo ng sasakyan nang bigla na niya itong hininto sa isang madilim na lugar. Agad naman akong napatingin sa labas para makita kung saan na kami, pero mabilis niyang pinatay ang ilaw ng sasakyan, kaya wala na akong maaninag sa labas dahil napakadilim, ni wala man lang streetlights. “Nasaan ba tayo?” tanong ko at humarap na sa kanya, pero kasabay ng pagharap ko ay siyang malakas niyang paghaklit sa baywang ko na kinasinghap ko na lang sa gulat. Napasub