INABOT ng mahigit anim na oras na paghakot bago namin nailipat ni Mia lahat ng kanyang mga gamit sa bahay ko. Parehong nanakit ang buo naming katawan dahil sa kakabuhat ng kanyang mga mabibigat na gamit. Kaya naman matapos mahakot lahat ay pareho kaming napahiga na lang dito sa kama ko at napatulala sa kisame nang hapong-hapo. “Beshy, sure ka ba talaga na patitirahin mo ako rito sa bahay mo ng libre?” tanong ni Mia habang habol pa ang hininga. “Of course yes, kaysa naman madamay ka at baka kung ano pa ang gawin sa 'yo ng mga sindikato na 'yun. Mamaya kasi ay baka balikan ka pa kanila, maging kawawa ka pa 'pag nagkataon. At sigurado akong ilalaglag mo ako oras na tanungin ka nila kung saan ako nakatira. So mas mabuti na ang advance kaysa sorry.” Mia sighed. “Kasalanan talaga 'to ng bruha