PARA AKONG GINIGINAW DAHIL SA LAMIG. My head hurts, pakiramdam ko ay parang may pumipiga sa ulo ko dahil sa pagkirot nito. Napasimangot ako at pikit-matang kinapa ang phone ko sa bedside table, pero wala akong makapa at napatili na lang ako sa gulat nang may mabasag dahil nasagi ng kamay ko. Mabilis akong napamulat at napabalikwas ng bangon. Isang jar pala ang nahulog kaya nabasag. “Hays naman, sino ba kasi ang naglagay ng jar na 'yan diyan?” pagsimangot ko at napahikab na sinabayan ng pag-unat ng katawan. Akmang hihiga na ako ulit nang bigla akong natigilan nang may mapagtanto. What the heck! Where am I? Obviously, this is not my f*****g room! This room was huge and luxurious! Nang mapatingin ako sa sarili ko ay gano'n na lang paglaki ng mga mata ko sa gulat nang makitang wala pala a