Pilit kong binabasa ang sinasabi ng kanyang mga mata kung totoo bang may asawa na siya, pero hindi ko kayang basahin dahil napaseryoso ng kanyang tingin sa akin. “J-Joke lang 'yun,” mahina kong usal na ngumiti pa sa kanya, pero alam kong nagmukhang ngiwi ang ngiti kong 'yun. At pansin ko na para siyang nakahinga ng maluwag sa sagot ko, hanggang sa umayos na ng upo at napatikhim. “I have never been married, unless maikasal na tayo,” walang emosyon niyang sagot sa akin at muli nang pinaandar ang sasakyan. Natahimik naman ako. So nagsisinungaling lang ba sa akin ang Oliver na 'yun? Sino ba talaga sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo? Hindi na ako nagsalita pa. Hanggang sa huminto na ang sasakyan, pero imbes na sa loob ng university ay nagtaka ako nang makitang sa isang parking area